Jean
Natapos ang kasal na wala akong maunawaan. Kung hindi pa ako niyakap ni Kaizer at tumawa ang judge. Hindi ako magigising sa tila panaginip na ito. Tapos na pala at hahalikan na ako ni Kaizer. Napalunok ako ng matiim akong tinititigan ni Kaizer. Ang plastic talaga nito. Masaya kapag kausap si Judge. Pero kapag kami lang akala mo katapusan na ng mundo laging galit sa 'kin. May witness pa pala kami si manang at driver ni Kaizer. Dinala kami ni Kaizer sa office nito. Namangha rin ako sa elegante n'yang office. Sa bahay lang nila pero ang laki ng office niya. Bumulong si Kaizer. “Ngumiti ka naman kahit pilit lang. Nakalimutan mo ang sinabi ko sa harapan ng ibang tao normal tayong mag-asawa.” “Ehem!” tumikhim si judge. Ngumiti si Kaizer. Hinaplos ang pisngi ko. “Mahiyain talaga Ninong ang asawa ko pagpasensyahan n'yo na po. Gan'yan talaga si Ninong Norman, masanay ka na." Napunta ang tingin ko sa Manang Rosa nakangiti nanonood sa ‘min. Tipid akong ngumiti rito. Unti-unting bumaba ang mukha ni Kaizer. Hinapit din niya ako palapit sa kaniya. Magkadikit ang katawan namin ngunit hindi ako makareklamo dahil may audience baka uminit pa ang ulo ni Kaizer. Siniil niya ako ng halik. Dinala pa sa magkabila n'yang batok ang kamay ko. Lalo akong niyakap. Bakit ang tagal yata ng paghalik nito sa ‘kin ngayon. Hindi na tumitigi si Kaizer. Pasimple ko siyang kinurot sa batok kaya binitiwan niya ako. Narinig ako ang masayang halakhak at palakpakan ni judge at ni manang maging ang driver. “Honeymoon nga naman inaanak. Kaya talaga ito ang exciting part sa bagong kasal,” naaliw na sabi ni Ninong judge kay Kaizer. Tuwang-tuwa naman sa sinabi ng Ninong niya. “Ninong nahihiya ang asawa ko ‘wag mo na po asarin,” sagot ni Kaizer. Gusto kong irapan ang galing umarte sa harapan ng ibang tao. Mayaman na pero hindi pa kontento sa yaman kahit kasal ginagawang negosyo. “No wonder nagmamadali itong inaanak ko sa kasal dahil ubod naman pala ng ganda itong mapapangasawa niya. Takot naman pala maagawan ng iba." Humahalakhak ito parang meron naalala na nakatutuwa. “I was surprised when Kaizer called me at five in the morning. Aba'y tumatawag dahil ikasal ko raw siya. Akala ko nga joke lang nitong inaanak ko. Ngunit ng maisip kong hindi pala ito marunong mag-joke kaya pumunta na lang ako rito.” “Ninong ‘wag mo naman po akong ibuko rito sa asawa ko,” sagot ni Kaizer. Lumingon siya sa akin nakangiti. Kahit napilitan ako tipid ko pa rin siyang nginitian. Inalalayan ako ni Kaizer umupo. Nag-usap pa sila ni Judge. Nakikinig ako sa tabi ni Kaizer. Paminsan-minsan nilingon niya ako ngunit wala naman sinasabi kaswal lang akong pasadahan ng tingin. About sa politics ang kanilang usapan. Ano kaya ang trabaho nitong ni Kaizer? Kanina paglabas ko galing k'warto inantay kasi ako nito makatapos magbihis. Buti hindi na nagreklamo ng sabihin ko sa banyo ako magbihis. Walang imik na pinayagan ako. Paglabas ng kuwarto. Sumalubong sa akin ang magarbong bahay. Sa movie ko lang napapanood ang ganitong ka eleganteng mansyon. Kahit hindi ako nagtatanong sinabi ni Kaizer na mayroong sampu kuwarto sa taas. Sa ‘min daw ang master bedroom. May lima na kasambahay si Manang Rosa ang pang-anim at nagsisilbi ring mayordoma. Magtatanong sana ako kung dito rin ba tumira si mama. Hindi lang ako nagkaroon ng lakas loob na magtanong dahil napaka seryoso ni Kaizer. Kung ano na lang ang sinabi nito iyon na lang sa ngayon. “Sir Kaizer. Kami'y lalabas na. Ihahanda na ang dining table.” “Salamat po manang Rosa," magalang na tugon ni Kaizer sa kaniya. Naalala ko ang phone ko. Nasa k'warto naiwan ko. Ipagtatanong ko kay Manang Rosa kung saan ako p'wedeng magpaayos. Lakas loob kong kinuhit sa braso niya si Kaizer. Lumingon din agad siya sa ‘kin. Hindi naman siguro ako nito sisigawan sa harapan ng Ninong niya. “Pupunta ako sa k'warto,” paalam ko pa sa kaniya. Kumunot ang noo ni Kaizer. Matagal na sumagot. Akala ko papayag na mauna akong lumabas ngunit useless lang. Dahil hindi ako pinayagan. “Malapit na kaming matapos sabay na tayo," tugon ni Kaizer. Tumango ako. Pisti hindi ko naisagawa ang plano ko. Hindi bale may araw rin makakikilos ako ng wala siya sa rito. Hindi naman siguro araw-araw naririto sa bahay niya si Kaizer. “Let's go!” Nagitla pa ako ng ilahad ang palad niya naunang tumayo sa akin. Nakangiti si Ninong judge. Walang choice tinanggap ko ang palad niya. Hindi na rin binitiwan ni Kaizer ang kamay ko. Hindi patungo sa k’warto namin ang tinatahak naming daan. Inisip ko na lang na dining area kasi bago lumabas ang manang Rosa. Bilin ito ni Kaizer. Tama nga sa dining area kami nagtungo. Tatlo lang kami nasa hapagkainan kasama si Ninong Judge. Pero ang daming ulam nakahanda. Pinaghila ako ni Kaizer ng upuan bago ito umupo sa tabi ko. Gutom na ako. Hindi ko na lang pinansin ang extra sweet ni Kaizer. Isa pa may audience kami natural ganito ang kilos ni Kaizer. Kapag umuwi na si Ninong judge. Balik kami sa dating magkaaway. Nang matapos ang almusal. Nakauwi na rin si Ninong judge. Nasa living room kami ni Kaizer. May tumawag kay Kaizer. Nagpaalam sa 'kin sa office lang daw siya kaya nakakuha ako ng pagkakataon na maka bwelo. Mabilis akong tumayo at nagtungo ulit ng kitchen. Nahiling ko po habang patungo roon na sana naroon pa ang manang Rosa. Nang makarating ako roon at nakita ko si manang Rosa. Labis ang aking tuwa at lumapit agad sa kaniya. Nasa lababo pa ito nagliligpit ng malinis na pingggan hinugasan ng kasama niyang isang kasambahay. “Ahm manang Rosa,” tumikhim ako. Nakangiti sila lumingon sa ‘kin. “Ikaw pala hija,” sabi nito. “Manang Rosa. May alam ka po malapit na pagawaan ng cellphone?” “Mayroon malapit sa palengke. Kaya lang sa makalawa pa ang punta ko roon,” “Talaga po? Maari po ba akong sumama?” naging excited ako. Nakakita ako ng pag-asa makausap ko si Noel. Sa Lola ko at Lolo. Maari akong makiusap kay Kaizer na dumalaw rito. Pero kay Noel ang malabo. Kaya kailangan ko si Noel makausap. “Naku kailangan natin ipaalam sa asawa mo. Hindi ka kasi maaaring lumabas ng walang bodyguard,” alanganin na saad ng manang Rosa. Parang gusto nga ako pagbigyan ngunit tila nagdadalawang isip ang manang Rosa. Naiintindihan ko ang loyalty nila kay Kaizer. “Ahm…sira po kasi ang phone ko. Gusto ko lang po makausap ang pamilya ko.” “Ay may cellphone po ako ma'am. Tamang tama po unli call ito. Importante po ba?” sabi ng kasama ni Manang Rosa sa lababo. Ngumiti ako rito. “P'wede po ba mahiram? Dito lang po ako tatawag hindi ako lalayo,” wika ko pa. “Opo naman ma'am Jean,” aniya pagkatapos inilabas ang phone sa bulsa ng suot nitong pants. Napangiti ako halos maiyak ako sa galak. Kaya nanginig pa ang palad ko ng iabot niya ang phone sa ‘kin. Kabisado ko naman ang number ni Noel. Kaya walang problema makokontak ko ito. Matagal pa akong sagutin ni Noel sa kabilang linya dahil din siguro unknown number. Kaya ayaw sagutin. Nang sagutin ni Noel. Nag-unahan pa ang luha ko namalisbis sa pisngi ko. “Hello sino ito!” “N-Noel a-ako ito s-si Jean,” nauutal kong sabi. Sunod-sunod ang salita ni Noel sa kabilang linya. Hindi ko napansin dahil nakasideview ako sa pintuan ng kitchen parating si Kaizer at malalaki ang hakbang na lumapit sa ‘kin. “Nasaan ka susunduin kita. Babe nag-aalala ako sa ‘yo,” Nanlaki ang mata ko ng biglang hinablot ni Kaizer ang phone sa tainga ko. Sure akong narinig iyon ni Kaizer ang sinabi ni Noel. Dahil nagbabaga ang mata nito ng titigan ako.Vera “V-Vera?” nataranta siya hindi alam ang gagawin. Buti na lang sa babae lang ang nakababa ang manggas nakalabas na boobs at doon ang naabutan ko. “Kailan mo pa ako niloko? Dati pa ba ito noong kayo pa ng bestfriend ko?” nanginginig ang boses ko habang nagsasalita. Mainit na luha ang pumatak sa pisngi ko. Ang sakit ng ginawa ni Noel pinaglaban ko siya sa lahat ngunit ito lang pala ang ginagawa ko. Natigilan ako ng humagikhik ang babae kaharap niya. “Mabuti nga nagtiyaga pa siyang nanligaw sa ‘yo ang arte mo. Patagal tagal ka feeling mo dyosa ka? Edi ngayon ngangawa ka.” “Stop it!” bulong niya sa babae. “What? Totoo naman ngayon naduduwag ka magsabi?” galit niyang sagot kay Noel. Natawa si Noel. Ako patuloy na tahimik na humikbi dahil saglit lang siya kanina nataranta, ngayon okay na para bang walang nangyari kung umasta si Noel. “Disgusting!” galit kong sabi. “Mabait ka at convenient dahil madaling lapitan, Vera. Pero ang totoo hindi talaga kita magawa mahal,” Parang humin
Vera Nang makarating ako sa k'warto ko binasa ko ang reply kanina ni Tita Claire. Nagsabi baka tanghalian na siya mag-o-open ng shop if ever na mayroon mga reseller na pupunta. Ako: Uhm, tita Claire. Hindi po ako papasok bukas….m-may importante po kasi akong lalakarin. Sorry po. Mabilis nag-reply si tita Claire. Tita Claire: Ayos lang hija. Mag-te-text naman mga ‘yan kung sarado ako. Isa pa bukas ka lang naman sarado. Maigi nga ‘yan Vera, magpahinga rin naman paminsan-minsan. Ako: Opo at maraming salamat po tita Claire. Nagpapaantok ako iniisip kung anong magandang gawin bukas. Ang totoo niyan kaya hindi ako magbubukas ng boutique. Pupunta ako sa tindahan ni Noel. Surprised visit para i-celebrate ang one month anniversary namin. Bibili nalang ako ng favorite n'yang mocha cake sa red ribbon. Nakatulog ako na may ngiti sa akin labi at excited para bukas. “Anak wala kang pasok?” tanong ni mama ng naabutan ko siya sa kitchen nasa harapan ng kalan. Nagpatanghali ako ng gising
Vera Marami nga talaga pagkain sa dining table ang bumungad sa aking mata, pagdating ko sa kitchen. Nasa gilid ang binili ni Sean, na prutas at donut. Hindi ba nila ginalaw? Mukhang walang bawas. Pupuntahan ko sana para silipin. Kasi bakit hindi ilagay sa gitna gaya sa pizza at sa ibang mga pagkain na nakain. Para bang bawal iyon galawin kaya nakalagay sa gilid. “Anak, hindi namin ‘yan binawasan kasi fav mo ‘yang donut. ‘yung prutas naman hindi mahilig kapatid at papa mo, kaya walang bawas. H'wag kang mag-alala. Mauubos nating dalawa ‘yan sa sunod na mga araw," wika ni mama sa akin pala siya nakatingin kaya siguro nahulaan niya iniisip ko. “O-okay po mama,” wika ko. “Nand'yan na si Victor maupo na kayo ni Sean para kumain na tayo. Hijo, salamat pala rito sa mga pagkain na in-order mo ang dami," “Wala po anuman tita,” tugon ni Sean pagkatapos pinaghila niya ako ng upuan una niya akong pinaupo bago umupo sa tabi ko. Ngunit same pa rin ang cold niya sa akin. “Ang gentleman ta
Vera Nang makuha ko ang phone ko sa bag ko. Doon naman ako nagdawang isip. Tatawagan ko na si Sean o hindi na? Kung puntahan ko na lang sa apartment niya. Arghh…hindi, tawag na lang. Ako pa talaga ang pupunta roon sa apartment niya. Tama tatawag na lang ako. Para akong shunga ilang beses pa akong nagbura sa number after i-dial. Damn it! Wala, e, na dail ko na ang number ni Sean nag-aantay na lang na sagutin nito. “Hello sino ito?” sabi ni Sean sa kabilang linya kaya ako'y nagtaka. Ano raw sino ako alam naman niya ako ‘yun magtatanong pa. “Kapitbahay mo!” tugon ko narinig ko tila umismid ito. Nagtatanong sino ako edi kapitbahay. Tama naman ang sagot ko bahala na siya isipin sinong kapitbahay ba. “What do you want?” He said in serious tune. “Nasa apartment ka ba?” shit bakit ito ang tanong ko, dapat hindi na ako magpa tumpik tumpik pa batiin ko na dapat siya, bakit naman ganito ang naging sagot ko. “Vera, I am outside. What do you want?” sagot niya na malamig na tuno.
Vera Nang hindi ko na makita tricycle ni Noel. Lumakad na akong papasok sa eksinita patungo sa bahay namin. Hindi ko rin pansansin sina Sean at Victor. “Ate Vera, tatakas ka, huh? Sabay-sabay na tayong umuwi,” tinawag ako ni Victor kaya napilitan akong huminto ng lakad. Humarap ako upang makita ko sila ngunit hindi na ako lumakad. Nanatili ako kung saan ako tumigil. Nasa gilid naman ako ng kalsada hindi ako makaabala sa dumaraan sa kalsada. Humalukipkip ako habang inaantay na makarating sila ni Sean sa kinatatayuan ko kasi si Victor, ang bagal maglakad. Gusto pa pala makipag-usap kay Sean bakit pa umuwi kung ganun lang pala. Tumingin ako kay Sean. Nagsalubong ang kilay ko dahil madlim ang mukha nito. Dati malayo pa nakangiti na ngayon ay walang emosyon sa mata nito. Hmmm, kanina lang nakita kong masaya sila nag-uusap ni Victor. Pero ngayon makulimlim na mukha ni Sean. “Anong ginagawa n'yo rito sa labas?” nagtanong ako kay Victor ng nasa harapan ko na. “Susunduin ka sana
Vera “Sean, wala ka ba ngayon trabaho?” “Mayroon,” sagot niya. Mayroon daw pero ito nakikipagusap lang sa akin. Oo nga pala kapag driver. Hindi naman laging nasa kalsada ang boss ni Sean. Napagtripan na naman ako boring yata siya ngayon. Kaya ako ang kinontak para kulitin. “Vera, hindi ka na nag-reply,” dagdag nito dahil nakatingin lang ako sa huli niyang replay. Hinayaan ko na rin naman, muli akong bumalik sa kinauupuan ako at pinasok ko muli sa bag ko ang phone ko. “Parang marami yatang tao sa grocery store ngayon ano, Vera? Kasi wala pa si Jean," saad ng Tita Claire, nang maayos na akong nakauupo. “Baka nga po tita Claire,” sang-ayon kong saad sa kaniya. Nainip akong mag-antay kay Jean. Nagpaalam na ako sa Tita Claire, na uuwi na muna at babalik na lang ako bukas. Lagi rin naman kami magkikita ni Jean, dahil sa itatayong shop ni tita Claire, sa labas ng boutique namin. “Kung dito ka na lang kumain, hija,” alok pa ni Tita Claire. Pero bago pa ako makaisip ng ibang dah