Jean
“Kaizer!” namutla ako ng madilim ang mukha ni Kaizer ng tumingin siya sa ‘kin. Pilit akong ngumiti upang mawala ang takot sa hitsura ngayon ni Kaizer. Damn kulang na lang lapain niya ako sa galit dahil may kausap ako sa phone. “A-akina ‘yang phone hiniram ko lang ‘yan,” mahinahon kong pakiusap sa kaniya. “Kanino?!”nabawasan ang malakas n'yang boses ngunit galit pa rin talaga si Kaizer. Kahit anong sagot at paliwanag ko, hindi nito pakikinggan dahil narinig niya si Noel. Lihim akong kinabahan dahil ayaw niya talagang ibigay ang phone. Kung hindi lang talaga ako natatakot na totohanin n'yang tumawag sa pulis upang ipadampot si mama. Wala akong pakialam sa hudas na ito. Kahit maimpluwensya siya aalis ako sa bahay na ito ang gago niya. Sina manang Rosa at kasama nito na hiniraman ko ng phone tumigil sa ginagawa. Lalo na ang kasama ng namang Rosa. Nakayuko tila takot na takot dito sa galit na galit na si Kaizer. “Sabihin mo kung kanino mo hiniram ‘to para mawalan ng trabaho!” Napaigtad ako sa lakas ng bulyaw niya sa ‘kin. Nataranta ako hinawakan ko siya sa braso. Kumunot ang noo ni Kaizer sa bigla kong paglapit sa kaniya. Inalis ang kamay ko nakahawak sa braso niya. “Kanino ka nga nanghiram, Jane? I'm asking you?" mariin n'yang sabi tila ba ubos na ang kaniyang pasensya sa hindi ko pagsagot sa kaniya. Natatakot ako baka sirain niya rin ang cellphone ng kasambahay. Sabi niya aalisin niya sa trabaho sasabihin ko pa ba kung may pagbabanta na? Hindi ako papayag kapag ginawa niya iyon. Pinalampas ko ang ginawa niya sa phone ko, pero dito sa phone na pinahiram lang sa ‘kin. Nagmagandang loob sa ‘kin. Hindi ko mapalalampas. Kahit pa saktan niya ako ipaglalaban ko ang hiniram na phone sa kasambahay niya. “Hijo, bakit anong problema? Sinisigawan mo na ang asawa mo,” puno ng pagtataka sa reaksyon ni Manang Rosa. “Mamang Rosa ‘wag kang makialam dito,” galit lang na sagot dito ni Kaizer. “Aba asawa mo ‘yan bakit gan'yan ang trato mo,” sagot pa ni Manang Rosa sa kaniya. Kaya nga lang biglang nanahimik ng umigting ang panga ni Kaizer. “Ano ba, Kaizer. Akina ‘yang phone. Please, hiniram ko lang ‘yan kasi tumawag ako sa Lola ko baka hinahanap na nila ako—” “Don't lie to me, Jean. I heard everything. Noel, huh?” mapanganib ang boses ni Kaizer ng sabihin niyon sa ‘kin. “Kaizer!” napatili ako ng ibato ang hiniram kong cellphone. Pati si Manang Rosa nagitla agad na nilapitan si Kaizer. “Kaizer!” sigaw ni Manang Rosa. Subalit hindi lang siya pinansin sa halip galit akong binalingan ng tingin ng asawa ko ubod ng sama ng ugali. “Hindi akin iyan sinira mo!” pinipigilan ko maging mahina pagkatapos pinulot ko na sa sahig ang cellphone. “Manang Rosa! Pakisabihan lahat ng kasambahay. Walang magpapahiram ng cellphone rito sa asawa ko. Kapag nahuli ko, lahat kayo tanggal sa trabaho,” parang pangkaraniwan lang para sa kaniya ang utos niya. Galit akong tumingin sa kaniya. Humugot ako ng hangin pagkatapos niyuko ang cellphone ng kawawang kasambahay. Papalitan ko na lang basag na kasi ang screen. Hiniram ko ng maayos ibabalik ng wasak dahil lang sa immature na si Kaizer. “Nakapasama ng ugali mo!” walang emosyon ang mata at ang boses ko ay nanginginig. Ilang sandali lang kapag nagpatuloy akong makipagusap sa kaniya. Iiyak na ako sa harap ng demunyu kong asawa. Mapait akong napangiti deresto kong tinitigan si Kaizer. “Bakit takot ka bang makatakas ako rito dahil sa kawalanghiyaan mong ginawa sa ‘kin?!Pinagbibintangan mo si mama na pumatay sa daddy mo, kahit na wala kang matibay na evidence. Ang gago mo nakiking ka lang sa kung anong sinabi ng nakapaligid sa ‘yo. I hate you so much for doing this to me,” pagkasabi noon lumabas ako ng kitchen at hindi ko alam kung saan ako dinala ng aking mga paa. Deresto lang ang lakad ko at lumabas ako sa nakita kong double door. Kaya lang paglabas ko sandamakmak ang pakalat kalat na guard. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Napunta ang tingin ko sa dulo ng malawak na bakuran. Mayroon akong natanaw na parihabang swimming pool. Parang gumaan ang pakiramdam ko ng bumungad sa mata ko ang kulay asul na tubig. Ang payapa ng tubig. Kapag natatamaan ng araw kumikislap iyon. Lumakad ako patungo sa swimming pool. Ramdam kong nakabantay ang mga guwardiya. Hindi ko lang pinansin. Mansyon pala itong bahay ni Kaizer. Napakaganda pa. Kaniya kaya ito o dito rin dati nakatira ang daddy niya. Pero hindi ko na kailangan iyon alamin. Wala naman saysay pa kung aalamin ko iyon. Nang makarating ako sa gilid ng swimming pool. Doon lang guminhawa ang puso ko na kanina ay kay bigat. Huminga ako ng malalim at umupo ako sa gilid ng nakalaylay ang magkabilang paa ko. Sa basaging malalim ako umupo kasi iyon ang sobrang asul ang kulay. Maalam naman akong lumangoy kahit na maglaglag ako tubig kaya malakas ang loob ko. Nainganyo akong ilublob ang magkabila kong paa sa tubig. Nangaligkig pa ako dahil malamig ang tubig. Pumikit ako habang nilalaro ko ng aking magkabilang paa sa malamig na tubig. Panandalian akong na-relax. Hindi ko napansin namalisbis ang luha ko. Iniisip ko ang lola ko inaantay ako noon sa linggo at tatlong araw na lang simula sa araw na ito. Birthday kasi niyon first time kong hindi makapupunta sa birthday ng lola ko. Humihikbi na pala ako ng hindi ko nammalayan. Sabay ng pagbuhos ng ulan. Tumingala ako ng tingin sa langit. Malungkot na ngumiti. Maganda naman ang panahon ngunit biglang umulan. Pati pala panahon nakikisama sa aking sama ng loob. “Fuck! Nababaliw ka na ba Jean?! Alam mong umuulan naririto ka lang?!” Nagitla ako ngunit hindi ako lumingon kay Kaizer. Tang-na niya! Hindi na nilubos ang pagkasama sama n'yang ugali bakit lumabas pa.Hello po pa comment naman po at review sa bago nating story. Kapag po may extra gem, baka maglalambing si Kaizer hehehe. Sana magustuhan n'yo po ang new story ko. Maraming salamat po
Jean Simula pagkabata ngayon ko lang naramdaman na sobrang mahal pala ako ni mommy. Malapit ko na dapat isipin na hindi niya talaga gusto ng may anak. Napilitan lang dahil na buo na ako at no choice siya, kaya tinanggap na lang niya ako. Napangiti ako at hinaplos ko ang palad ni Mommy. Pareho kaming nakangiti. Ito ang pangarap ko kahit noon pa bata ako. Iyong magaan kaming nag-uusap ni mommy. Ito na iyon. Shit nag-ring ang phone ko. Mabilis kong inilabas galing sa loob ng bag ko. Si Kaizer ang tumatawag. Para akong temang ang saya ko pagkakita sa pangalan n'yang naka save sa phone book ko. Kung kanina galit ako ngayon hindi na. “Hello misis, I miss you. I'm sorry kung ngayon lang ako napatawag. Matagal matapos ang seminar daming discussion nakakatamad nga makinig. Ngayon lang kami lumabas. Ngayon ko lang din nabasa ang mga text mo. Galit ka ba? Sorry na Mrs. Ezcalante," wika nito. Napanguso ako dahil sa kilig. Ang lambing ng boses dalang-dala ako. "Ano nga pala iyong sasabihin m
Jean Nang ayaw n'yang sumagot. Nagpatuloy ko s'yang usisain. “Mommy mayroon ka po hindi sinasabi sa akin,” ani ko. Tumingin ako s kaniya. Hindi ko siya titigilan tanungin hangga't wala akong makuhang tamang sagot. See, palaging hindi makatingin ng diretso sa akin halatang ayaw magsabi kung ano ang problema niya. "Mhie?" “W-wala anak,” tugon niya at nag-iwas ng tingin. Tumayo ako ngunit hindi ako umalis. Naroon pa rin ako nakatayo sa tagiliran ng bed niya. Napapadyak pa ako sa sahig kaya tumingin siya sa akin. “Mhie! Sabihin mo na po para matulungan kita. At saka anong nangyari diyan sa noo mo bakit may benda?” itinuro ko ang benda sa noo niya. “Ito ba?" maingat niyang hinawakan. Tumango ako nag-aantay ng totoo niyang sagot. "Anak, tumama sa pader. Hindi ko napansin mayroon pala pako kaya malakas ang pagdugo. Mabuti nga hindi gano'n ang pagkausli ng pako hindi gano'n kalaki ang sugat ko. Kaya lang ako dinala rito ng kapitbahay. Kasi nawalan ako ng malay,” sagot niya halatang
Jean Nakalimutan ko ang tungkol sa gusto kong sabihin kay Kaizer. Dahil sa balita tungkol sa mommy ko. Doon na ngayon ang isip ko. Ang katanungan sa isip ko naglalakbay ngayon bakit siya nasa ospital. Kahapon lang maayos naman siya. Anong nangyari bakit na ospital siya. Kung mayroon malalang sakit ang mommy ko. Hindi ko yata agad matatanggap. Masakit tanggapin dahil bata pa ang mommy ko para dapuan ng malalang sakit. “Kuya Nardo sa Medical city po tayo ha?" anang ko sa kanya. Inilabas ko rin ang phone ko para tawagan si lola. Kaya lang baka naman makasama pa sa kanila bigla akong umurong. Tsaka ko na lang sasabihin kung sigurado na ako kung anong dahilan ng pagkaka-ospital ni mommy. Sobrang traffic pa dahil rush hour. Mga pumapasok sa office at mga estudyante kaya lampas isang oras kami bago nakarating sa hospital. Pagdating naman doon hindi rin agad akong pinapasok sa information dahil nagtanong ng room number ni mommy hindi ko alam. Kamote naman talaga bakit hindi ko i
Jean Nang dahil sa emosyonal na pag-uusap namin ni Vera. Nagpaalam ako ng maaga sa kaniya na uuwi agad. Hindi ko nga lang matiis na hindi dumaan sa lola Sylvia, dahil nakapagsabi na ako rito. Sumaglit na lang ako pagkatapos umuwi na rin naman. Iyon nga lang naglambing ang lola na bumalik din agad ako at dapat hindi iyong ganitong nagmamadali umuwi. "Lola, babalik ako sa linggo promise," ani ko at niyakap siya. "Ang akala ko nga kasama mo ang asawa mo pumunta rito," "Nasa Thailand po siya 'la. May business trip. Kaya nga po itong apo niyo nakalugar gumala," pabiro kong sagot sa kaniya. Para naman gusto akong inisin ng pagkakataon dahil timing din ni isang text galing kay Kaizer wala ni isa. I'm waiting for his text so I can confront him. I don't want to feel like I'm doubting him. Oh, Kaizer Julian. Please mag-reply ka. Kapag hindi ka ngayong araw tumawag. Uuwi na ako sa bahay. Gusto ko agad magkalinawan kami habang maaga pa kaya tumawag ako. Subukan ko na lang siya konta
Jean Pinayagan naman si ate Ronna ni manang Rosa, ng magpaalam kami. Hindi lang daw kami magpaabot ng sobrang gabi baka masermonan daw siya ng alaga niya. Pero kung hindi niya pinayagan si ate Ronna. Tuloy pa rin naman akong pagpunta sa boutique namin ni Vera. Ako: pupunta ako kina lola ngayon pagkatapos sa boutique. Nagpaalam pa rin ako kay Kaizer kahit sa text lang. Mababasa naman niya ito kaya hindi ko na inantay ang reply n'ya. Naging tahimik kami sa byahe. Si ate Ronna tahimik ngayon lowbat yata kaya walang maingay. Ako naman wala rin i-kwento sa kaniya kaya sa buong byahe tahimik kami pareho. “Kuya Nardo. Iyan na po iyang may display gown sa labas,” tinuro ko sa driver ang boutique. “Okay lang po na ma'am mag-park sa harapan niyan?” “Opo kuya wala ho naman magagalit dahil para sa sa p'westo po namin ang harapan parking-an ng customer na mayroong dalang kotse.” “Sige ho, ma'am,” tugon n'ya. “Ma'am ang galing n'yo pala magkaibigan ni ma'am Vera, parehong talented
Jean Nang matapos kong makausap si Kaizer. Bumaba na rin ako. Naabutan ko si ate Ronna nasa sala nanonood ng TV. Ang tahimik yata o talagang naninibago lang ako dahil wala ngayon si Kaizer. Malaki talaga ang pagkakaiba ngayon na naroon siya sa Thailand. Kaysa naririto lang siya sa Pinas dahil alam ko anytime ay uuwi ito bigla kapag tinopak. “Ma'am tanghali na kanina pa ako patingin tingin sa hagdan kung pababa ka na.” “At bakit?” nakataas kilay ko sa kaniya. “Hindi ka pa nagigising baka umiiyak ka wala ngayon si boss,” “Si manang?” iba ang naging sagot ko sa kanya. Umupo rin ako sa tabi niya at tumingin din sa TV. “Ate Ikaw lang yata ngayon?” “Nagtungo sina mang Simon sa grocery. Nagpamaneho si manang Rosa,” “Hindi ka sumama?” “Pinaiwan ako kasi tulog ka pa raw. May kasama naman iyon dalawa pa nga. Sina Mercedeta at si Lolita,” aniya. Tinutukoy ni ate Ronna mga kasama rin dito sa bahay. “Okay,” saglit akong tumigil. Nagtanghalian ka na ba, ate?” tanong ko at tumayo n