LOGINJean
“Hayaan mo na ako rito. Baklt ka pa nagmamalaskit masama naman ang ugali mo. Oh, baka naman unti ng lumalambot ang puso ng matayog na Kaizer sa asawa niya. Akala ko pa naman matigas ka—” “Dammit ‘wag kang mag-ilusyon. Never na mangyayari ‘yan dahil ang pamilya mo ay isang kriminal,” “Wow salamat Mr. Ezcalante? Bakit hindi mo ipahuli si mama kung iyan ang paniniwala mo na si mama ang pumatay sa daddy mo. Sabi mo nga alam mo kung nasaan siya. Tawagan mo na ang mga awtoridad at ng matapos na rin ang pisting pamamalagi ko rito—” “I that what you want?” ngumisi si Kaizer. Nagising nakatatakot pagkatapos tinalikuran ako. Napamulagat ako ng iwanan nga niya ako sa tabi ng swimming pool at lumakad ito patungo sa bahay. Shit! Napasubunot ako sa buhok ko. Siraulo pa naman itong si Kaizer baka totohanin ang hamon ko sa kaniya. Lihim akong napalunok. Ang totoo hindi ko gusto ang sinabi ko. Kaya lang ako naghahamon sa kaniya dahil gusto ko siyang inisin. Pero ang totoo nag-aala ako na totohanin nito ang aking paghahamon. Kaya nga ako pumayag na magpakasal sa kaniya dahil sa mama ko. Ayaw ko ipakulong niya si mama ng hindi nabibigyan ng chance na ipatanggal ang sarili. Sumibi ako at bumalik ng upo sa gilid ng swimming pool. Hindi ko na alintana lumakas lalo ang ulan. Naghalo ang luha ko sa buhos ng ulan. Nakaramdam ako ng ginaw matagal na rin ako sa labas. Kung lumabas kaya ako ng gate? Susubukan ko. Uuwi ako sa bahay. Saan kaya akong lugar naroroon ngayon. Tumayo ako. Muntik pa akong mabuway pagtayo ko. Dahil nangaligkig ako sa ginaw. Mga hita at binti ko nanginginig. Nagngangatal na rin ang labi ko. Pisti na ulan talagang ngayon bumuhos ng walang tigil. “Manong p'wede po bang buksan n'yo ang pinto?” tanong ko sa apat na guwardiya nasa maliit na gate. Parang mga temang nainis pa ako dahil nagkatinginan lang sila. “Manong ano ba?! Sabi ko buksan n'yo ang maliit na gate ako'y lalabas!” may diin na ang boses ko. Mabuti nagawa ko pa iyon kahit ginaw na ginaw na ako. Sa wakas nagsalita rin sila kaya lang nasa amo nilang demunyu ang loyalty ayaw akong pagbigyan. “Pasensya na po ma'am. Hindi maari ang hinihiling mo. Mawawalan kami ng trabaho kapag sinunod namin ang utos mo.” “Mabuti pa po pumasok na lang kayo sa loob. Magkakasakit pa po kayo sa ginagawa n'yo,” sabi naman ng isa. Sinamaan ko sila ng tingin. Manang mana sa amo nila mga walang puso. Ibang guard kanina na palakadlakad sa buong bukuran ng mansyon ni Kaizer. Nagsisilong na. “Manong sige naman po. Hindi naman magagalit ang boss n'yo, kasi hindi nga ako pinapasok sa loob,” sinubukan ko pa. Ngunit ganun pa rin mga bingi lang sila. Ayaw ko rin pumasok sa bahay ni Kaizer. Mananatili na lang ako rito sa labas. Sumilong ako sa guardhouse. Nagkatinginan pa nga sila at kakamot kamot sa ulo parang ayaw nila ako roon magtambay. Wala silang magagawa. Ayaw nila akong palabasin edi. Mananatili ako sa guard house. Walang ulan kasi may bubong naman. Sa totoo lang giniginaw na ako. Parang masakit na rin ang lalamunan ko. Nakadagdag din kanina pa ako umiiyak plus nababad ako sa lamig. Nang nakaupo na ako hindi ko namalayan tahimik na naman pala ako umiiyak. Naalala ko ang mama ko. Kung sinunod ko ba ang bilin nito na roon muna ko sa lolo at lola ko sa Ilaya. Hindi ako matatangay ni Kaizer? ---------- “Mama Claire, kababalik mo lang ngayon, aalis ka ulit? Akala ko magkakasama na tayo ulit? Mahigit dalawang buwan kitang hinintay mama na magbalik. Sana hindi ka na lang po ulit nagpakita sa ‘kin kung iiwan mo ulit ako. Sobrang miss na kita mama—” “P'wede ba, Jean! Tama na ang drama mo. H’wag kang maraming tanong. Hindi ako maaaring magtagal dito tiyak na hinahanap na ako ng anak ni Damian. Ikaw umalis ka na rin dito pumunta ka muna sa lola mo sa Ilaya at doon na muna tumira,” “Ayaw ko pong umalis dito sa bahay na iniwan ni papa sa ‘tin ‘ma. At saka sino naman po iyang si Damian na sinasabi mo. Bago mo pa bang nobyo?” may tampo sa boses ko ngunit hindi naman napansin ni mama. Simula ng sumakabilang buhay si papa noong ako'y elementarya pa lang. Ganito na si mama, busy maghanap buhay. Ilang buwan mawawala. Naiiwan ako sa mga Lolo at Lola ko. Ngunit naiintindihan ko naman dahil private school ako nag-aaral. Ewan ko nga kay mama. Sabi ko mag-transfer na lang ako sa public school same lang din naman ang turo masipag naman akong mag-aral. Ngunit ayaw talaga ni mama. Maganda lang kay mama sa tuwing may event ako sa school te-text ko siya nag-aattend si mama. Magugulat na lang ako pagkaraan ng isang buwan, dalawang buwan. Biglang susulpot dito sa bahay pagkatapos aalis ulit. Sabi ng Lola kasi iyon daw ang trabaho ni mama tourist guide raw ito. “Mama may bago ka po bang boyfriend?” tanong ko sa kaniya. Nalulungkot ako dahil aware akong hindi masaya si mama sa buhay ni papa noong buhay pa si papa. Driver lang kasi ng isang delivery company si papa. Mataas dati ang pangarap ni mama. Paano ba naman beauty queen si mama. Kababata niya si papa anak nila lolo at lola si papa. Maagang nabuntis si mama nineteen si mama at twenty naman si papa. Nasa college pa sila ni papa. Hindi ko alam kung mahal ba talaga ni mama si papa dahil madalas naman sila mag-away. Hindi nga lang malinaw sa ‘kin. “Live-in partner ko siya Jean at maimpluwensya ang pamilya niya. Wala na akong oras magpaliwanag sa ‘yo. Magi-ingat ka rito kung ayaw mo roon sa mga Lolo't Lola mo.” “Mama edi tayong dalawa ang doon tumira. Papayag akong iwanan itong bahay basta kasama kita na titira kina Lola,” pangungumbunsi ko pa sa kaniya. Tinawanan lang ako ni mama sa sinabi ko sa kaniya. Napayuko ako. Hindi na ako nasanay. Ganito naman si mama ni minsan hindi ako pinakikinggan. “Aalis na ako. Anak, wala akong kasalanan hahanap lang ako ng ebidensya babalik ako,” sabi ni mama umpisa ng lumakad. “Gan'yan ka naman hindi pa ako nasanay na ayaw mo akong maging anak,” nasabi ko dahil sumama ang loob ko sa mama ko. “Iyon naman pala ‘wag kang magtanong kung saan ako pupunta. Bahala ka na sa buhay mo total malaki ka naman na. H'wag mong sabihin na hindi kita binalaan sa anak ni Damian,” Bayolente akong napalunok. Ganito naman ito kapag matanong ako sa kaniya. Wala talagang pagmamahal sa akin si mama, simula’t magkaisip ako. Sabi naman ng lola at lolo ko. Mahal ako ni mama. Unawain ko na lang daw kasi maaga raw itong nabuntis kaya napilitang magpakasal sa papa ko. Twenty five na ako ngayon. Marami raw s'yang pangarap noon kasama na ang maging mayaman daw siya. Dahil nagkaanak siya parang bulang naglaho ang mga pangarap niyang iyon. Kaya palagi silang nag-aaway ni papa sa maaga n'yang pagbubuntis sa 'kin. Pero mahal ko si mama kahit ganito siya. “Mama…” tangi ko na lang nasabi at hinatid ko na lang ng tingin habang unti-unti s'yang papalayo sa ‘kin.Vera After four years… Apat taon na ang nakalipas mula noong unang beses kong nasilayan si Rizelle, ang munting anghel na lalong nagapasaya sa buhay namin ni Sean. Ngayon, nandito kami muli sa parehong eksena halos kapareho ng apat na taong ang nakalipas. Kaibahan lang, ngayon ay umaga ako nag-la-labor sa pangalawa namin anak. Hindi ko pa masasabi na bunso baka magdagdag pa ng isa o dalawa. Kahit Ilan naman kung iyon ang kaloob sa ‘min. Mamahalin ko at buong puso ko iyon tatanggapin. Nakahawak ako sa tiyan ko dahil panay na ang sakit. Tinawagan ko na sina mama sabi ko sa ospital na kami magkita doon na sila pumunta. Paalis na dapat kami inaantay lang namin sina mommy baka magkasalisi. Pupunta kasi ngayon, dadalaw kay Rizelle. Sabi ko total pupunta ngayon at on the way na. Antayin na lang namin ni Sean. Pero kung ganitong sunod-sunod na ang hilab. Mukhang hindi na kami mag-a-antay sa mommy at daddy ni, Sean. Pinakuha lang ni Sean, ang mga gamit ni Russia Eula, sa k'warto nam
Sean Leon Madaling araw na pero gising pa ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o sa excitement, hindi ako mapakali o makatulog. Tumabi ako kay Vera sa kama. Nakalipat na kami sa pinagawa kong sariling bahay dalawang buwan na kaming dito nakatira. Dati sa condo ko kami nakatira nang matapos ang bahay na ito agad kaming lumipat. Due date na ni Vera ngayon buwan, inaantay na lang namin dumating ang panganay namin at baby girl iyon. Rizelle Eunice La Torre. Iyan ang naisip na pangalan ni Vera. Whatever it is, as long as my wife gives it, I have no objection to it. Pinagmasdan ko ang bawat paghinga niya. Hinalikan ko ang noo niya. Napahawak ako sa tiyan niya, ramdam ang banayad na galaw ng baby naming si Rizelle, malikot. Napangiti ako. Lahat ng hirap at pagod, parang nawawala tuwing naiisip kong magiging daddy na ako, at ilang araw na lang aantayin. Pero hindi ko maiwasang matakot. Kasi nga sabi nila mahirap manganak ayaw rin ng asawa ko caesarian gusto lang niya ay normal deli
Sean Leon “Boss, tumawag po si Madam Anabel, ni-remind ang dinner mamaya,” saad ng assistant kong si Teddy. Tamad akong sumandal sa swivel chair ko at hinilot ang aking noo. Nakangiti si Teddy, kaya naningkit ang aking mata. “Teddy, is something funny?” asik ko sa kaniya. “Boss, wala naman po. Saglit na tumigil. Bakit hindi mo na lang pagbigyan ang mommy mo? Sabik na iyon na mag-asawa ka. Inaalala lang nila ang tagapagmana mo, baka nga hindi magkaroon kung wala kang seneryosong babae.” “Kung sa babaeng napipisil nila kahit maging matandang binata na ako,” seryoso kong sabi. “Sayang naman ang lahi boss, baka kalawangin ang k*****a mo," biro nito kaya binato ko ng nahawakan kong folder malakas lang humalakhak. “Idiot! Sa spoiled brat na iyon? No way.” Tinatawanan lang ako ni Teddy. Dati pa akong COO siya na ang assistant ko. Si Daddy pa ang tumatayong CEO, assistant ko na si Teddy. Mapagkakatiwalaan ko at masipag din ito sa trabaho. Para ko ng kuya si Teddy, may asawa na ito at d
Vera Dalawang buwang puno ng pag-aantay, pag-aayos ng bawat detalye ng araw na matagal na naming pinangarap. Walang iba kun'di ang church wedding namin ni Sean. Napatili ako habang nakatingin ako sa harapan ng salamin.Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na ngayon araw na ang kasal namin. “Ang cute mo po pagmasdan ma'am,” saad ng babaeng nag-a-ayos sa ‘kin. Simpleng ngiti lang ang tinugon ko sa kaniya at naging tahimik na lang hanggang matapos ang pag-aayos nila sa akin. “Ready ka na ba anak?” tanong ni mama sa ‘kin paglabas ko ng k'warto. Masaya niya akong pinasadahan ng tingin. “Lalo kang gumanda at ang wedding dress mo bagay na bagay sa ‘yo hindi halata ang malaki mo ng sinapupunan,” aniya habang hinahaplos ang balikat ko. Napangiti ako at pinatong ko ang palad sa tiyan ko at marahan iyon hinaplos. Humagikhik kami pareho ni mama ng gumalaw iyon. “Excited din siya sa kasal ng mommy at daddy niya,” bulong ni mama. “Tara na po baka kabado na po nag-aantay si Sean,” niyaya ko
Vera “Sean anong kabastusan ito?!” galit na galit ang dad ni, Alma. “Malaki po ang paggalang ko sa inyo pero hindi po ako papayag na makasal sa anak niyo.” “Nasisiraan ka na ba ng bait? Kung hindi mo pakakasalan ang anak ko! Hindi ka kilalanin na ama ng apo ko.” “Hindi naman po talaga ako ang ama n'yang apo mo. Maayos n'yo po ba kinausap si Alma? Binayaran niya ang gumawa ng DNA test para lang masabi na positive?” “No! Dad, hindi po ‘yan totoo. Si Sean po and ama ng anak ko,” “Gusto mo ba talaga sabihin ngayon kung sino? Don't push me, Alma; if you keep demanding what you want, perhaps even your parents will feel ashamed.” Gusto kong tumawa dahil namutla si Alma. Madlim ang mukha ng daddy nito pinagmasdan si Alma. Ngunit nagmatigas pa rin si Alma, parang saglit lang na kinabahan ngayon ay balik na naman ang ginigiit nito. Sino nga kaya ang ama ng pinagbubuntis nito. Para kasi nga kanina ay namutla si Alam. Mamaya ko malalaman dahil sasabihin tiyak ni Sean sa akin. “O
Vera “Anak, tawagan mo agad ako kung may problema roon," bilin ni mama sa ‘kin habang inaantay ko si Sean. “Sa totoo lang po natatakot po ako mama,” pag-amin ko. Ngumiti si mama at inayos ang buhok ko kahit na maayos naman naka isahang tali sa likuran ko pero inayos pa rin niya. “May tiwala ako kay Sean,” wika niya kaya nabawasan ang aking kaba. Kung hindi lang ako magiging advance mag-isip. Parang may sekreto si Sean, at sina Mama at Victor lang ang sinabihan niya. Five minutes lang ako nag-antay dumating din agad si Sean. Kay pogi nito sa suot na black tuxedo. Para kaming ikakasal kasi naka puti rin akong dress, at siya ang bumili nito dinala kahapon ng Mommy Anabel at Daddy Kenneth. Nakakatuwa nga suportado nila si Sean, ako ang gusto nila para sa anak nila at proud ako roon, imbis na si Alma ako ang gusto nila para kay Sean, kahit na engagement nila ngayon ni Alma at ni Sean. “Tita Maricel, lalakad na po kami,” “Magi-ingat kayo hijo,” tugon ni mama. “Relax! Hindi







