JeanInuna ko magpalit ng damit bago ko i-text si mommy dumating na ako. Cotton short at pink t-shirt ang isinuot ko. Ito rin ang napansin ko gusto ko na ang kulay pink dati hindi ko hilig kaya nga mga binili damit ni Kaizer na pink ang kulay hindi ko ginalaw. Nitong huling linggo ko lang nagustuhan.Kinilig ako. Baka baby girl ang anak namin ni Kaizer. Pero kahit ano naman babae o lalaki ngayon pa lang mahal ko na sila. Ako: mommy nakarating na po ako.Pagka-send ko iniwan ko na sa kama ang phone ko upang bumalik sa baba. Parating na kaya si Kaizer? Baka alam naman na narito ang lola niya siguro baka malapit na.Pababa pa ako sa hagdan. Paakyat naman si Kaizer. Pareho kaming napangiti nilakihan ni Kaizer ang paghakbang nauna pa makarating sa akin bago ako makababa sa una pa lang na baytang.“Kumusta?” niyakap niya ako hinalikan sa noo ko.“Woi malaglag tayo!" mahigpit akong yumakap sa braso niya. Paano dito kami talaga sa bungad ng hagdan nakatayo. Paano kung dumulas ang paa isa sa
Jean Nang makapasok ako ng CR. Doon naman ako pinagpawisan ng malamig at tila ako'y nasusuka. Mabuti hindi pa ako nakapagbuhos. Naramdaman ko na ito kahapon. Iba nga lang ngayon kasi ngayon ay malala. Ang sikmura ko para bang hinahalukay. Shit! Uhm..nasusuka ako. Dumighay ako. Shit! Nasusuka nga talaga ako hindi ko kayang pigilan kaya mabilis akong lumapit sa bathroom sink doon ko binuhos lahat. Nanghihina ako pagkatapos sumuka kaya naman kumapit ako sa counter ng bathroom sink bilang suporta. Napatingin ako sa harapan ng salamin inayos ko ang magulo kong buhok. Maayos na ang pakiramdam ko. Kumalma na ang tiyan ko. Mariin akong napapikit ng meron idea pumasok sa isip ko. Iisa lang ang ibig sabihin nito. I'm pregnant? Binilang ko pa sa daliri ko ang huli kong period. My last period was two weeks ago. Hindi na kailangan bumili ng PT para ma-confirm dahil hindi naman sira ang menstrual cycle ko. Kaya pala itong huling nararamdaman ko pagkaantok. Walang ganang kumain at gusto ko
Jean “Hindi ko kasama si Mikee sa Soltero. Sinabi ko lang iyon sa ‘yo para pagselosin ka. Nakasimangot siyang tumingin sa akin s'yang kinataas ng kilay ko sa kaniya. "Badtrip hindi effective." He softly chuckled. Napangiti na rin ako. "Sa ating dalawa ako lang yata ang nagselos. Sandaling tumigil. I have a wife. Hindi ako mambabae dahil lang nagselos ako sa mukhang palos na iyon—” “Hoy may pangalan ang tao. Ang guwapo kaya ni Noel.” “Please don't call his name.” “Tatawagin ko dahil iyon ang pangalan niya,” laban ko pa. “Tigilan mo siya Kaizer may pangalan ang tao ano ka ba!?” “I don't care! H'wag lang siyang dikit nang dikit sa asawa ko dahil sa sunod na hindi ako makapagpigil babangasan ko iyon.” “Edi makipag away ka roon. Tss puntahan mo na ngayon!” tugon ko sa kaniya. “Ang kasama ko sa Soltero sina Jake. Birthday ng isa naming batchmate sumama ako para din magpalipas oras dahil nga halatang ayaw mo umuwi sa bahay natin kasi kasama mo siya." “Umuwi naman ah! Mommy ko
Jean “Mommy okay ka lang po ba rito? Wala kang kasama. Kung doon ka nalang kaya kina lola Sylvia, Mhie. Okay lang naman sa akin isarado itong bahay kasi maari naman madalaw lalo na kung matapos ang shop mo.” “Dadalaw na lang ako sa lola mo pero dito na lang ako anak para malapit sa trabaho ko. Sabado at linggo ko na lang sila pupuntahan para mapanatag ka,” “Really po. Gusto ko po iyan mhie. Kasi matutuwa rin sina lola kapag madalas naroon pumunta.” “Oo anak para makabawi ako sa mga lola mo. Nakangiti siyang tumingin sa katabi kong si Kaizer. Hijo. Salamat sa paghatid ha? Naabala pa kita. Siya mag-ingat pauwi,” anang mommy pagkatapos ay tinapik niya ako sa balikat ko.”Ikaw anak ‘wag mo laging sungitan ‘yang asawa mo. Dapat may isang magpababa. Kapag laging nag-aaway may tendency na mapipika ang isa sa inyo hindi naman kayo parehong santo. Kinalabasan mag-amok kayo at mapunta pa sa hiwalayan.” “Mommy parang siya na po ang anak mo,” ani ko may himig pagtatampo. “Talaga naman
Jean Success ang maghapon na pang-iinis ko kay Kaizer. Behave naman s'ya nagpakitang gilas pa nga sa mommy ko. Nabanggit iyong tungkol sa panloloob sa boarding house ni mommy. Mayroon na raw siyang tao na pinaasikaso roon at anytime may report na sa kaniya at babalitaan daw niya si mommy soon sa result kung sino ang nasa likod noon. Slight akong napaisip ngunit hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin. Pupuntahan ko pa rin iyon para makasigurado. Kung totoong inasikaso niya. Pagdating ng tanghali naunang umuwi si Noel. Galit pa nga si Kaizer ng ihatid ko si Noel sa labas wala lang siyang magawa dahil nga kasama namin si mommy hindi siya makapagsungit sa harapan nito. I will never admit to him that Noel and I have been apart for a long time and Noel is just only my friend. Mag-overthink na siya ng malala sino ba ang ma-stress sa amin siya pa rin. Seloso malala. Nakauwi na rin ang mga karpintero. One week lang tapos na raw ito sabi ni mommy sa pag-uusap nila ni Kaizer. Kasi kanina
Jean “Anak?” gulat na sabi ni mommy ng pagbukas niya ng pinto nandoon ako nakatayo. Naka-lock kasi kaya kumatok ako. Iyon pala timing na pupunta talaga siya sa pinto kahit hindi na ako kumatok. “Pambihira hindi ka lang nagsabi sa akin magtungo ka rito,” wika niya lumampas din ang tingin sa likuran ko. Pinasadahan ko si mommy ng tingin. “May lakad ka po mommy?” nakapang-alis kasi siya kaya na itanong kong ganun sa kaniya. “Pupunta kay Vera. Tumawag ngayon lang naroon na raw ang karpintero nag-umpisa ng ginagawa ang shop.” “Talaga po? Sama na lang po ako, mommy,” tugon ko s kaniya. “Sige tayo na kung gano'n,” “Mommy hindi tayo maaaring maglakad nariyan sina kuya Nardo. Mapagalitan sila ni Kaizer kapag nalaman na humiwalay sila sa 'kin. Tara na po,” pinigilan ko siya ng lalakad si mommy upang maghanap ng tricycle. “Bakit pala ikaw lang mag-isa. Ayaw ba ng asawa mo makipagusap sa akin?” “Uhmm busy po e. Sasabihin ko po kay Kaizer mamaya pag-uwi ko na gusto mo s'yang makausa