Miles Craig’s Point of View
Kinabahan ako. Hindi lang basta kaba—yung tipong parang may mabigat na bato sa dibdib mo at ang bawat tibok ng puso mo ay parang sumisigaw. Sa wakas, natanggap ako sa isa sa pinakamalaki at pinaka-impluwensyang kumpanya sa buong mundo. Ilang taon kong pinangarap ‘to. Ilang gabi akong hindi natulog kakahanap ng trabaho habang karga ang dalawang anak kong sabay umiiyak. At ngayon, narito na ako. Naupo ako sa sofa sa may lobby. Hawak ko ang phone ko, at tinititigan ko ang picture ng kambal ko—isang lalaki at isang babae. Mahimbing ang tulog nila sa litrato. Para sa kanila ang lahat ng ‘to. Gagawin ko ang lahat, tiisin kahit anong hirap, para lang sa kanila. “Miles Craig?” Napalingon ako agad. Isang babae ang nakatayo sa harap ko. Suot niya ang isang corporate black attire. Matarik ang tingin, matigas ang postura, may hawak na clipboard. Para siyang isang general sa loob ng gusali. Isang tingin pa lang, alam mong hindi mo siya puwedeng suwayin. “Yes po, that’s me,” sagot ko agad, sabay tayo mula sa waiting area ng ZJ Corporation—ang pinakamalakas sa larangan ng tech, media, at energy. First day ko bilang executive secretary. Nervous? Sobrang understatement ‘yon. “The CEO wants to meet you before you report to your department,” sabi niya diretso, walang emosyon. Napakurap ako. “The... CEO?” “Yes. Please follow me. Ihahatid kita sa kanya.” Bago pa ako makatanong kung bakit, tumalikod na siya. Napilitan akong sumunod, kahit ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Relax, Miles. Orientation lang ‘to. Formalities lang. Baka gusto lang niya akong i-welcome. Pero habang pataas kami sa elevator, parang may bumigat sa dibdib ko. Bawat ding ng floor, parang countdown ng isang pagsabog. Tiningnan ko ang ID ko. Binasa ko ulit ang pangalan ng kompanya. ZJ Corporation. ZJ. ZJ... Zephyrus Jones? Hindi. Hindi pwede. Imposible ‘yon. Hindi siya puwedeng— DING. Pagbukas ng elevator, bumungad sa akin ang top floor. Executive level. Tahimik. Mamahaling carpet. Black marble walls na may gold accents. Lahat dito mukhang mahal. Lahat dito mukhang malayo sa buhay ko. “This way,” utos ng assistant. Tumalikod siya at lumakad. Ako naman, pilit nilulunok ang kaba. Huminga ako nang malalim. Lumapit sa glass door. Kumakatok ang kamay kong nanginginig. Knock. Knock. “Come in.” Isang tinig ang narinig ko. Pamilyar. Isang tinig na hindi ko kailanman inakalang maririnig ko ulit. Binuksan ko ang pinto. Unti-unting gumalaw ang paningin ko, hanggang sa tumigil ito sa lalaking nakaupo sa likod ng malaking desk na gawa sa salamin at bakal. Siya ‘yon. Zephyrus Jones. Ang dati kong asawa. Ang lalaking minahal ko. Ang lalaking bumasag sa puso ko gamit lang ang isang pirma sa papel. Nakatitig siya sa akin, kalmado, pero may kakaibang ningning sa mga mata niya. “Hello, Miles,” sabi niya, walang kaba. “Welcome to ZJ Corporation. I see you’re right on time.” Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ako agad nakakilos. Hindi ako makapagsalita. “Zep...” bulong ko. Hindi ko man lang narinig ang sarili kong tinig. Ngumiti siya. Bahagya lang. “Nice to meet you again, ex-wife.” Parang tumigil ang mundo ko. Pumikit ako sandali. Hindi ito totoo. Ayoko. Hindi ito puwede. “This time,” sabi niya habang tumayo mula sa kinauupuan, diretso ang tingin sa akin. Ang boses niya ay malamig pero may halong init na matagal ko nang hindi naririnig. “...I won’t let you go.” Napalunok ako. Hindi ko alam kung matatakot ba ako, magagalit, o matutunaw sa ilalim ng titig niya. “I... didn’t know you were the CEO,” mahinang sagot ko. Kalmado sa labas, pero magulo sa loob. “No one told me you were the applicant either,” sagot niya. “Fate, perhaps?” “More like HR,” sagot ko, pinipilit maging matatag. “I own HR,” mayabang niyang sagot sabay smirk. “They follow what I want.” Bahagya akong umatras. Hindi ko alam kung babala ba ‘yon, o game na naman para sa kanya. “You’ll be working under my office. Directly with me. That’s what the role requires,” dagdag niya. “Right...” bulong ko. Tahimik. Ramdam ko ang tensyon sa silid. Ang kinatatayuan ko parang naging patibong. Alam kong hindi ito ordinaryong trabaho. Alam kong hindi ito basta-basta role. Pero pinilit kong ipaalala sa sarili ko—wala ako rito para magmahal muli. Nandito ako para magtrabaho. Bilang sekretarya. Bilang propesyonal. ‘Yun lang. “You look different,” sabi niya bigla, habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. “Stronger. Sharper.” “I had to be,” matigas kong sagot. Tumango siya, seryoso ang mukha. “Good.” Ilang segundo ng katahimikan. Ang tanging maririnig mo lang ay ang malamig na tunog ng aircon. “You know... I never thought I’d see you again,” aniya. “I didn’t plan to. Sana nga hindi na lang,” mahinang tugon ko. “Do you hate me?” “No.” “Do you still love me?” Tumingin ako sa kanya. Diretso. Matatag. “I’ve moved on.” Ngumiti siya, pero hindi umabot sa mata ang ngiting ‘yon. “We’ll see.” At doon ko naramdaman. Parang may hamon sa sinabi niya. Parang sinasabi niyang—subukan mong itanggi pa. Parang tinatanong niya kung hanggang saan ang kaya ko. At doon ko rin na-realize… hindi magiging madali ang trabahong ito. Hindi ito basta career. Ito ay magiging isang labanan. --- Paglabas ko ng opisina niya at habang bumabalik ako sa elevator, isa lang ang paulit-ulit sa isip ko: “This time, I won’t let you go.” Too late, Zep. May iniwan ka, at hindi mo alam… May mga anak tayo. At hinding-hindi mo kailanman malalaman ang tungkol sa kanila. ****** LMCD22pMiles' Point of View*"Ha?"Ayos lang ba ang lalaking ito o nananaginip pa rin siya?"Sir, hindi ako pumasok bilang secretary mo para maging parte ulit ng buhay mo. Natuto na ako sa nangyari sa akin sa nakaraan at hindi na ako babalik sa buhay na yun."Nakatingin lang ito sa akin."You sure?"Tiningnan ko ang mga mata niya na hindi niya iniwala ang pagtingin niya sa mga mata ko."Yes. Yung kontrata na pinermahan ko dahil iyon sa pangangailangan ko ay paninindigan ko yun without any feeling just professionalism.""Okay, kung yan ang gusto mo.... Kung makakaya mo."Nanlalaki ang mga mata ko at lumakad s'ya papunta sa lamesa at umupo sa upuan doon at ako naman ay nakatulala lang habang nakatingin sa kanya.Ano daw?Anong sa tingin niya na laro lamang ang lahat ng ito? Pwes makikipaglaro ako.Sinimulan mo? Tatapusin ko.Inilabas ko na ang mga hinanda kong lunch box at lumakad na ako papunta sa lamesa.Isa-isa kong inilagay sa lamesa ang mga hinanda ko. Nilagyan ko ang plato niya ng pagk
Miles' Point of View*Nakatingin ako ngayon sa kamay ni Zep habang nakahawak sa braso ko. Ano na naman ang problema ng lalaking ito?"Bakit ba?"Binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at nagulat din siya sa ginawa niya. Nakita ko naman ang lihim na ngiti ni Justin at agad naman niya itong binawi nung nakita niya na nakatingin ako sa kanya.Siningkitan ko naman siya ng paningin."What are you doing, Justin?""What? May binulong lang naman ako kay Miles at ano naman ang mali sa ginawa ko?"Natahimik naman siya at napabuntong hininga."Let's eat something dahil alam ko na hindi ka pa kumakain," ani ni Zep sa akin at tumunog naman ang tiyan ko na kinagulat ko.Hala parang nag-usap atah ang tiyan ko at si Zep ha. Naalala ko na nagluto ako sa bahay kanina para sa kakainin namin ngayon dahil alam ko na hindi naman siya kakain ng ibang pagkain except sa akin. "Okay. Mauna muna kami, Justin.""Okay, ako na ang bahala na magsabi sa kanila na magkasama kayong dalawa."Dahan-dahan na lang
Miles' Point of View*Napalapit naman sa akin si Ranz at agad niya akong niyakap na parang ang tagal na namin na hindi nagkita ha."Bakit sa birthday ko kasama mo ang hinayupak na yan?"Nagulat naman ako sa mahinang bulong ni Ranz sa akin at ang mean niya ay si Zep na nasa gilid ko."Bestfriend niya si Justin."Maski siya ay nagulat dahil sa sinabi ko. My God hindi ko alam na marami pa pala kaming hindi nalalaman tungkol sa mga bagay na ito."Mukhang kailangan na nating mag-update sa mga buhay natin marami pa pala tayong hindi nalalaman sa buhay natin."Nagtanguan naman kaming dalawa."Ehem..."Natigilan naman kami at sinamaan naman ng tingin ni Ranzzel si Zep na umubo ng mahina.Di talaga nito matatago ang inis kay Zep at hinahayaan naman ito ni Zep."Ranz, mamaya na yan may gagawin pa tayong mission, right?" mahinang ani ko sa kanya at napabuntong hininga na lang ito."Okay, fine."Napatingin naman siya sa kanila."Make up room muna kaming tatlo."Nagulat ako nung hilain kaming dala
Miles' Point of View*Nakarating na kami sa isang magandang resort at ang napili ni Justin ngayon ay dagat dahil gusto ng nobya ni Justin na maligo ng dagat at agree naman ang kapatid nito.Dapat matapos namin ang mission naming ito dahil pupuntahan ko pa ang bestfriend ko na nagbi-birthday rin ngayon.Si Ranzzel. Mukhang na-busy pa kung saan maliligo ang babaitang yun.Magpapaalam na lang siguro ako mamaya kay Zep.Bumaba na ako sa sasakyan at ganun na rin si Zep na parang fresh from the oven dahil nakatulog nga. Dalawang oras kasi ang travel namin dito sa dagat at nakapagpahinga talaga siya. Ganun na rin ako na nagising ako nung papasok na kami sa entrance.Kukunin ko sana ang bag ko sa likod nang magsalita si Zep."Ang bodyguards na ang bahala sa mga gamit natin. Ihahatid ang mga yan sa kwarto natin."Natigilan naman ako sa sinabi niya. Kwarto namin? Magsasalita sana ako pero umuna siyang lumakad palayo sa akin at wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya.Agad naman k
Miles' Point of View*Friday...Nakahanda na ang lahat ng mga gamit na dadalhin namin at hindi ko pa nga nakikilala kung sino ang magbi-birthday dahil si Justin na raw ang bahala sa kanya.Kaya hinayaan ko na lang at ang kailangan ko lang aasikasuhin ay ang proposal ni Justin.Dala ko ang bag ko para sa damit na susuotin ko mamaya. Lumabas na ako sa bahay. Wala namang ibang tao dito at nakauwi na ang babaeng anak ko sa bahay at nasa bahay sila ngayon ng grandpa nila kasama ang lalaking anak ko.Nasa trabaho kasi si Ion kaya roon muna sa bahay ni dad ang mga anak ko.Tamang tama sa paglalakad ko palabas ay natigilan ako dahil nakita ko ang sasakyan ni Zep sa labas na parang hinihintay niya ako sa labas ng bahay namin.Bumukas ang bintana at nakita ko nga ang lalaking ayaw kong makita."Hop in."Napatingin naman ako sa kanya na nagsalita siya."Bakit ka nandidito? Akala ko sa kompanya na tayo magkikita?""May binili lang ako sa unahan at dahil malapit ka lang kaya kukunin na lang kita
3rd Person's Point of View*Sa studio ay nakaupo lang si Dylan habang inaalala ang lahat ng nangyayari noon pa man. Hindi siya makapaniwala na nakalimutan siya agad ni Miles.Ibang iba ito nung huling kita nila. Simula nung nagkita sila ay hindi maiiwasan ni Dylan na mahulog ang loob niya sa dalaga na si Miles. Kaya niya sinamahan ito sa paaralan nila noon nung nanalo ito sa arts dahil alam niya na ito na talaga ang babaeng para sa kanya. Araw-araw silang magkasama sa college. Napagpasyahan talaga n'yang lumipat ng paaralan para makasama lang niya si Miles. Malapit na ang graduation at napagpasyahan din nito na sabihin ang tunay na nararamdaman kay Miles nun."Miles, pagkatapos ng graduation ay magkikita tayo sa garden dahil may sasabihin ako sa 'yo."Napatingin naman si Miles sa kanya at napangiti. Yung ngiting makakahulog sa kanya araw-araw."Ngayon mo na lang kaya sasabihin sa akin may pa-meet up ka pa ha.""Gusto ko pagkatapos ng graduation ko sasabihin sa 'yo. Importante ang