Share

Chapter 2

Author: LMCD22
last update Last Updated: 2025-06-19 15:03:02

Miles Craig’s Point of View

Nakaupo ako ngayon sa table ko, sa labas ng opisina ni Zep. Pasalamat na lang talaga ako—hindi ako kasama sa loob. Isang pader lang ang pagitan namin, pero para sa akin, sapat na ‘yon para makahinga.

Napahawak ako sa buhok ko, pilit iniibsan ang tensyon. Kung pwede lang ako sumigaw, ginawa ko na. Pero ang lahat ng sigaw ko… nasa loob na lang. Tahimik. Masakit.

Bakit parang napakaliit ng mundo namin?

Apat na taon kaming hindi nagkita. Akala ko tapos na. Akala ko ligtas na ako sa anino niya. Ang tanging gusto ko lang ay mapayapang buhay—malayo sa nakaraan, malayo sa kanya. Pero bakit isang iglap lang, parang gumuho ang lahat ng itinayo kong pader?

Bakit ko pa ba pinoproblema ‘to?

Wala na kaming koneksyon. Wala na kaming kahit anong ugnayan. At isa pa—kasal na sila ni Samantha. Ang babaeng minahal niya noon pa. Ang babaeng pinalit niya sa akin matapos ang isang taong arranged marriage.

Dahan-dahan akong napailing.

Anong karapatan niyang sabihin sa akin na, “This time, I will never let you go”?

Para saan? Para gamitin niya ulit ako? Para paglaruan na naman ang damdamin ko?

Hindi na. Hinding-hindi na mangyayari ‘yon. Magaling na si Dad. Wala na kaming kailangan sa kanya. Wala na akong utang sa kanya.

At hinding-hindi ko makakalimutan ang sakit na dinulot niya sa akin.

---

Flashback...

"Our divorce is tomorrow, so you better get ready to leave this mansion."

Natigilan ako sa kinatatayuan ko. Malamig ang boses niyang lumabas mula sa bibig ng taong dapat sana’y naging asawa ko. Pero kahit kailan, hindi niya ako tinuring na gano’n.

Walang relasyon. Walang emosyon. Walang pagmamahal. Isang kasal na sinelyuhan ng papel, hindi ng puso.

Isang taon. Isang taong arranged marriage kapalit ng pagtulong niya sa ama kong nasa ospital noon. Pinangako niyang pagkatapos ng unang anibersaryo, tuluyan na kaming maghihiwalay. At mukhang excited siyang tuparin ‘yon.

Inilapag niya ang isang folder sa harap ko. Divorce papers. Walang alinlangan. Walang pagdadalawang-isip.

“Pirmahan mo na ‘yan. Bukas, babalik si Samantha. Inaayos na namin ang kasal namin sa susunod na linggo.”

Natulala lang ako. Samantha. Ang first love niya. Akala ko hindi na babalik. Akala ko kahit paano’y may puwang ako sa puso niya. Mali ako. Isa lang pala akong panakip-butas habang wala ang mahal niya.

Parang nilamig ang buong katawan ko. Nanlumo ako. Pero hindi ko ipinakita. Pilit kong pinanghawakan ang dignidad ko.

Nang hindi ko pa rin kinukuha ang divorce paper, marahan niyang inilapag ito sa mesa.

“Wag mo nang patagalin, Miles. Napermahan ko na ‘yan. Sa’yo na lang kulang.”

At ‘yon na ang huling sinabi niya bago siya lumabas. Walang lingon. Walang pagdadalawang-isip.

Isa lang akong substitute bride na madaling palitan. Para akong laruan—ginamit sa isang taon, at kapag tapos na, itatapon.

Hindi ko naman ginusto ang ganitong buhay. Pero dahil kay Dad… tinanggap ko ang lahat.

---

Mas maagang alaala...

Nang mabalitaan ko na kailangang operahan si Dad, halos mabaliw ako. Wala kaming pera. Wala kaming kakapitan.

Kaya lumapit ako sa huling taong alam kong may kakayahang tumulong—si Lolo Jones, ang lolo ni Zep.

“Please… tulungan n’yo po ang Dad ko. Gagawin ko ang lahat,” umiiyak kong pakiusap.

“Tulungan ka namin. Wala ka namang kailangang suklian—”

“Gusto ko pong tumbasan ang tulong. Ayoko pong magkaroon ng utang na loob na hindi ko mababayaran.”

Tahimik lang si Lolo. Hanggang sa binigkas niya ang mga salitang ‘yon:

“Fine. Pakasalan mo ang apo ko.”

Napatingin ako sa kanya. Ang apo niyang si Zep. Lihim ko siyang nagugustuhan noon, kahit alam kong may mahal siyang iba. Kahit alam kong imposibleng mapansin niya ako.

“Kaya mo ba?” tanong ni Lolo. “Kaya mong pakasalan ang isang taong hindi ka mahal?”

“I will marry him,” sagot ko.

Ngumiti si Lolo at niyakap ako. “Salamat, Miles. Apo na rin kita.”

---

Isang linggo pagkatapos, kasal na kami.

Tahimik lang si Zep habang naglalakad ako sa aisle. Walang emosyon. Parang estranghero. Pero hindi ako umasa. Gagawin ko lang ang trabaho ko.

Pagkauwi namin, sumabog siya.

“Happy?” malamig niyang tanong.

Napatingin ako sa kanya, naguguluhan.

“Masaya ka na? Dahil nakuha mo ang gusto mo? Dahil sinunod ni Grandpa ang kagustuhan mo? Ngayon, iniwan ako ni Samantha. Pati mana ko, baka mawala!”

Lumapit siya sa akin. Madiin. Matapang. Nakakatakot.

“A-Anong sinasabi mo, Zep?”

Bigla niya akong sinakal.

“Hindi mo kailanman mapapalitan si Samantha sa puso ko. Never!”

Binitawan niya ako. Napa-ubo ako habang pilit na humihinga. At sa gitna ng paghikbi ko, inilapag niya ang isang kontrata.

“One year marriage. Makukuha ko ang mana ko sa loob ng isang taon. At pagkatapos nun, divorce. Papakasalan ko na si Samantha.”

Nanlaki ang mga mata ko.

“Kung ayaw mong pirmahan, hindi ko tutulungan ang Dad mo.”

Luha na lang ang naging sagot ko.

“Signed it or not?” malamig niyang tanong.

---

End of flashback

Ngayon, apat na taon na ang lumipas. At heto ulit kami. Ang kaibahan lang… hindi na ako parehas ng babaeng iniwan niya noon.

Dati, kaya kong tiisin lahat… para sa pamilya ko.

Ngayon, may mas mahalaga na akong pinoprotektahan.

Hindi niya alam… iniwan niya ako nang buntis.

At ngayon, may dalawang batang umaasang huwag siyang makilala.

---

“This time, I won’t let you go.”

Too late, Zep.

Hindi mo kailanman malalaman na may mga anak tayo.

*****

LMCD22

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Leony Cabral Mejia
maganda ito
goodnovel comment avatar
Leony Cabral Mejia
Mavanda ito
goodnovel comment avatar
Fe Balais Hslili
nice one...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • I Was Just A Contract, Now I'm His Obsession   Chapter 70

    pMiles' Point of View*"Ha?"Ayos lang ba ang lalaking ito o nananaginip pa rin siya?"Sir, hindi ako pumasok bilang secretary mo para maging parte ulit ng buhay mo. Natuto na ako sa nangyari sa akin sa nakaraan at hindi na ako babalik sa buhay na yun."Nakatingin lang ito sa akin."You sure?"Tiningnan ko ang mga mata niya na hindi niya iniwala ang pagtingin niya sa mga mata ko."Yes. Yung kontrata na pinermahan ko dahil iyon sa pangangailangan ko ay paninindigan ko yun without any feeling just professionalism.""Okay, kung yan ang gusto mo.... Kung makakaya mo."Nanlalaki ang mga mata ko at lumakad s'ya papunta sa lamesa at umupo sa upuan doon at ako naman ay nakatulala lang habang nakatingin sa kanya.Ano daw?Anong sa tingin niya na laro lamang ang lahat ng ito? Pwes makikipaglaro ako.Sinimulan mo? Tatapusin ko.Inilabas ko na ang mga hinanda kong lunch box at lumakad na ako papunta sa lamesa.Isa-isa kong inilagay sa lamesa ang mga hinanda ko. Nilagyan ko ang plato niya ng pagk

  • I Was Just A Contract, Now I'm His Obsession   Chapter 69

    Miles' Point of View*Nakatingin ako ngayon sa kamay ni Zep habang nakahawak sa braso ko. Ano na naman ang problema ng lalaking ito?"Bakit ba?"Binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at nagulat din siya sa ginawa niya. Nakita ko naman ang lihim na ngiti ni Justin at agad naman niya itong binawi nung nakita niya na nakatingin ako sa kanya.Siningkitan ko naman siya ng paningin."What are you doing, Justin?""What? May binulong lang naman ako kay Miles at ano naman ang mali sa ginawa ko?"Natahimik naman siya at napabuntong hininga."Let's eat something dahil alam ko na hindi ka pa kumakain," ani ni Zep sa akin at tumunog naman ang tiyan ko na kinagulat ko.Hala parang nag-usap atah ang tiyan ko at si Zep ha. Naalala ko na nagluto ako sa bahay kanina para sa kakainin namin ngayon dahil alam ko na hindi naman siya kakain ng ibang pagkain except sa akin. "Okay. Mauna muna kami, Justin.""Okay, ako na ang bahala na magsabi sa kanila na magkasama kayong dalawa."Dahan-dahan na lang

  • I Was Just A Contract, Now I'm His Obsession   Chapter 68

    Miles' Point of View*Napalapit naman sa akin si Ranz at agad niya akong niyakap na parang ang tagal na namin na hindi nagkita ha."Bakit sa birthday ko kasama mo ang hinayupak na yan?"Nagulat naman ako sa mahinang bulong ni Ranz sa akin at ang mean niya ay si Zep na nasa gilid ko."Bestfriend niya si Justin."Maski siya ay nagulat dahil sa sinabi ko. My God hindi ko alam na marami pa pala kaming hindi nalalaman tungkol sa mga bagay na ito."Mukhang kailangan na nating mag-update sa mga buhay natin marami pa pala tayong hindi nalalaman sa buhay natin."Nagtanguan naman kaming dalawa."Ehem..."Natigilan naman kami at sinamaan naman ng tingin ni Ranzzel si Zep na umubo ng mahina.Di talaga nito matatago ang inis kay Zep at hinahayaan naman ito ni Zep."Ranz, mamaya na yan may gagawin pa tayong mission, right?" mahinang ani ko sa kanya at napabuntong hininga na lang ito."Okay, fine."Napatingin naman siya sa kanila."Make up room muna kaming tatlo."Nagulat ako nung hilain kaming dala

  • I Was Just A Contract, Now I'm His Obsession   Chapter 67

    Miles' Point of View*Nakarating na kami sa isang magandang resort at ang napili ni Justin ngayon ay dagat dahil gusto ng nobya ni Justin na maligo ng dagat at agree naman ang kapatid nito.Dapat matapos namin ang mission naming ito dahil pupuntahan ko pa ang bestfriend ko na nagbi-birthday rin ngayon.Si Ranzzel. Mukhang na-busy pa kung saan maliligo ang babaitang yun.Magpapaalam na lang siguro ako mamaya kay Zep.Bumaba na ako sa sasakyan at ganun na rin si Zep na parang fresh from the oven dahil nakatulog nga. Dalawang oras kasi ang travel namin dito sa dagat at nakapagpahinga talaga siya. Ganun na rin ako na nagising ako nung papasok na kami sa entrance.Kukunin ko sana ang bag ko sa likod nang magsalita si Zep."Ang bodyguards na ang bahala sa mga gamit natin. Ihahatid ang mga yan sa kwarto natin."Natigilan naman ako sa sinabi niya. Kwarto namin? Magsasalita sana ako pero umuna siyang lumakad palayo sa akin at wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya.Agad naman k

  • I Was Just A Contract, Now I'm His Obsession   Chapter 66

    Miles' Point of View*Friday...Nakahanda na ang lahat ng mga gamit na dadalhin namin at hindi ko pa nga nakikilala kung sino ang magbi-birthday dahil si Justin na raw ang bahala sa kanya.Kaya hinayaan ko na lang at ang kailangan ko lang aasikasuhin ay ang proposal ni Justin.Dala ko ang bag ko para sa damit na susuotin ko mamaya. Lumabas na ako sa bahay. Wala namang ibang tao dito at nakauwi na ang babaeng anak ko sa bahay at nasa bahay sila ngayon ng grandpa nila kasama ang lalaking anak ko.Nasa trabaho kasi si Ion kaya roon muna sa bahay ni dad ang mga anak ko.Tamang tama sa paglalakad ko palabas ay natigilan ako dahil nakita ko ang sasakyan ni Zep sa labas na parang hinihintay niya ako sa labas ng bahay namin.Bumukas ang bintana at nakita ko nga ang lalaking ayaw kong makita."Hop in."Napatingin naman ako sa kanya na nagsalita siya."Bakit ka nandidito? Akala ko sa kompanya na tayo magkikita?""May binili lang ako sa unahan at dahil malapit ka lang kaya kukunin na lang kita

  • I Was Just A Contract, Now I'm His Obsession   Chapter 65

    3rd Person's Point of View*Sa studio ay nakaupo lang si Dylan habang inaalala ang lahat ng nangyayari noon pa man. Hindi siya makapaniwala na nakalimutan siya agad ni Miles.Ibang iba ito nung huling kita nila. Simula nung nagkita sila ay hindi maiiwasan ni Dylan na mahulog ang loob niya sa dalaga na si Miles. Kaya niya sinamahan ito sa paaralan nila noon nung nanalo ito sa arts dahil alam niya na ito na talaga ang babaeng para sa kanya. Araw-araw silang magkasama sa college. Napagpasyahan talaga n'yang lumipat ng paaralan para makasama lang niya si Miles. Malapit na ang graduation at napagpasyahan din nito na sabihin ang tunay na nararamdaman kay Miles nun."Miles, pagkatapos ng graduation ay magkikita tayo sa garden dahil may sasabihin ako sa 'yo."Napatingin naman si Miles sa kanya at napangiti. Yung ngiting makakahulog sa kanya araw-araw."Ngayon mo na lang kaya sasabihin sa akin may pa-meet up ka pa ha.""Gusto ko pagkatapos ng graduation ko sasabihin sa 'yo. Importante ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status