Share

Chapter 5

Author: LMCD22
last update Last Updated: 2025-06-24 15:28:12

Miles Craig's Point of View

Nakarating na ako sa opisina, may dalang take-out food para kay Zep. Hindi ko alam kung magugustuhan niya, pero isa ito sa mga paborito niyang pagkain noon.

Naalala ko pa kung gaano ko siyang pinagluluto dati—umaga man o gabi. Kahit pagod ako, tiniyak kong may pagkain siya pag-uwi. Minsan nga pinapadalhan ko pa siya ng lunch box sa office, kahit alam kong hindi naman niya ako gusto. Pero ang nakakagulat, kinakain pa rin niya ang mga luto ko.

Flashback…

Maaga akong nagising para magluto ng almusal. Nakaayos na rin ang isusuot ni Zep sa trabaho. Asawa niya ako noon, kahit pa peke lang sa mata ng iba ang kasal naming iyon.

Narinig kong bumaba siya sa hagdanan. Agad akong lumapit.

“Zep, halika na. Nakahanda na ang almusal,” sabay abot ng bag niya para ilapag sa gilid.

Tahimik siyang umupo. Nakatayo lang ako sa gilid niya, iniisip kung aalis na ba ako para hindi niya ako makita habang kumakain. Hindi naman niya ako gustong kasama, ‘di ba?

Pero tumigil siya sa pagsubo at tumingin sa akin.

“May kailangan ka, Zep? Kukunin ko o may gusto kang ipaluto?” tanong ko, inosente ang tono.

“Umupo ka,” mariin niyang utos.

Natigilan ako. Napatingin sa upuang tinuturo niya.

“Zep, okay lang naman. Lalabas na lang ako kung ayaw mo akong—”

“I said sit down,” ulit niya, mas mahigpit ang tono.

Napilitan akong umupo sa tabi niya, tahimik lang, habang patuloy siyang kumain. Naiisip ko tuloy—bakit bigla siyang ganyan? May okasyon ba? Dadating ba si Grandpa?

“Dadating ba si Grandpa ngayon?” tanong ko sa kanya.

“Hindi. Kumain ka na,” sagot niya, simple pero may diin.

Nag-blink ako nang ilang beses. May dalaw yata ang lalaking ‘to.

Pero habang kumakain siya, nakita kong naubos niya ang niluto ko. Alam kong gusto niya. At kahit hindi man niya sabihin, masaya ako ro’n.

Pagkatapos ay inabot ko ang lunch box niya.

“Eto yung lunch mo para mamaya. Ipapadala ko na lang sa gwardya mo.”

Tumango lang siya at lumabas na ng bahay. Hindi man lang lumingon. Ngunit bago siya tuluyang lumayo, mahina kong bulong:

“Ingat, Zep…”

Wala. Tulad ng nakasanayan—wala siyang sagot.

End of flashback…

Ngayon, nasa harapan na ako ng pintuan ng opisina niya. Kumakatok.

“Come in.”

Binuksan ko ang pinto. Tumambad sa akin ang Zep na abala sa trabaho pero agad akong tinitigan, napakunot ang noo habang nakatingin sa dala ko.

“Ano ‘yan?”

Natigilan ako. Napalunok.

“Lunch mo, sir. Take-out,” sagot ko habang marahang inilalapag ang food sa mesa niya.

Tahimik siya. Hindi ko mabasa kung masaya ba siya o bad trip. Pero parang wala siya sa mood.

Tumayo siya at lumapit sa mesa, sinilip ang pagkain.

“I don’t like that.”

“H-Huh?” gulat kong sagot.

“I said, I don’t like that food,” ulit niya, malamig ang tono.

Napatingin ako sa kanya, napakunot ang noo.

“Hindi ba’t ang sabi mo anything? Sir, sana sinabi mo na lang kung anong specific na gusto mo para hindi na ako manghuhula!”

Hindi ko napigilan ang tono ng boses ko. Naiinis na ako, eh. Lalo’t gutom na rin ako at wala pa akong tulog.

Napayuko ako agad. “I’m sorry po,” bulong ko.

Lumapit siya. Sobrang lapit. Napatingin ako sa mga mata niya—matigas, pero may sinasabi. May lungkot? Galit? Hindi ko na alam.

“Anong ‘yun? Nakalimutan mo na agad kung ano ang mga gusto ko?” tanong niya, bahagyang paawang ang ngiti. “Akala ko ba crush mo ‘ko dati? Alam mo lahat ng paborito ko noon, ‘di ba?”

Nanlaki ang mga mata ko.

“A-Ano?” nauutal kong tanong.

Napaatras ako at hindi ko namalayan, nasa sofa na ako. Napaupo ako ro’n, at sa ilang segundo ay lumapit siya. Tinukod niya ang kamay niya sa magkabilang gilid ko.

Ang lapit ng mukha niya sa akin.

Damn. Delikado na ‘to.

“Bakit? Hindi ba’t totoo ‘yung sinabi ko?” mahina niyang bulong.

Hindi ko alam kung anong trip niya. Pero hindi na ito tama. Divorce na kami. Tapos na kami.

Huminga ako nang malalim at tinignan siya nang diretso.

“Sir, alam ko noon lahat ng gusto mo—kasi mahal kita noon.”

Nakita kong parang napatigil siya. Pero hindi ako tapos.

“Pero ngayon… mas mahal ko na ang sarili ko. At ang totoo, ang hindi ko na kayang tandaan ay kung bakit ako nagtiyaga sa ‘yo noon.”

Hindi siya nakagalaw. Para bang may tinamaan sa loob niya.

Kaya itinuloy ko pa.

“Kaya please, Sir,” diin ko sa Sir, “tulad ng gusto mong mangyari dati—kalimutan na lang natin na naging tayo. Kalimutan mo na lang na mahal na mahal kita noon.”

Tahimik. Walang gumagalaw. Parang pati hangin sa loob ng opisina ay napatigil.

Lumayo siya sa akin, dahan-dahan. Tinalikuran ako at bumalik sa upuan niya.

Wala akong sinabi pa. Tahimik akong lumabas ng opisina, dala pa rin ang lungkot at bigat sa dibdib ko. Pero may bahid ng tapang na rin.

Ito na ang bagong ako. Si Secretary Craig. Hindi si Mrs. Jones. At lalo hindi si substitute bride.

---

LMCD22

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Was Just A Contract, Now I'm His Obsession   Chapter 105

    Miles' Point of ViewNasa opisina na kami ngayon at abala ako sa pagtitipa ng mga dokumento sa computer. Tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng keyboard at mahinang ugong ng aircon ang maririnig. Habang nakatuon ang atensyon ko sa ginagawa ko, napatingin ako bigla sa gilid ng monitor nang maramdaman kong umilaw ang screen ng cellphone ko.Nag-chat pala si Ion. Kinuha ko ang phone at binasa ang message niya.“Dzai, sagutin mo nga ang tawag.”Napakunot ang noo ko. Hindi ko man lang napansin na ilang beses na palang tumatawag ang taong ‘to. Pagtingin ko sa screen, biglang nag-pop out ang pangalan niya. Kaya pala walang tunog, naka-silent mode pala ang phone ko kanina.Huminga ako nang malalim, tumayo mula sa swivel chair ko, at naglakad papunta sa lobby ng opisina. Doon kasi tahimik at wala masyadong tao. Ayokong marinig ng mga empleyado ang usapan namin, lalo na kung si Ion ang kausap ko. Kilala ko ang bibig noon—kung ano-ano na namang kalokohan ang masasabi.Pagkarating ko sa lobby

  • I Was Just A Contract, Now I'm His Obsession   Chapter 104

    Miles’ Point of ViewNakasimangot ako habang nakaupo at pinapanood siyang nagluluto ng ulam. Sinabi ko na nga na ako na lang ang magluluto, pero syempre, si Mr. Contradictory ayaw makinig.“Hindi naman makakaapekto sa sweldo ko kung ikaw ang magluluto, right?” sabi ko, medyo inis na may halong biro.Napatingin siya sa akin tapos bigla siyang ngumiti—pero yung ngiti niya parang malademonyo.“Depende.”Napalunok ako bigla. Alam ko na yung tingin niya na yun. Teasing, pero may kasamang something na parang sinasakal ako sa kaba. Agad akong tumayo at tatangkain ko sanang agawin yung sandok, pero mabilis niyang iniwas.“Just kidding,” sabi niya na may kasamang tawa. “Relax. Hindi mababawas ang sahod mo. Umupo ka na r’yan at hintayin mong matapos ako.”Napapout na lang ako at bumalik sa upuan ko. Fine. Siya na. Tignan ko na lang kung masarap.Habang niluluto niya, naamoy ko yung pagkain at napaka-homey ng vibe sa kusina. Nagsalita ulit siya.“May pupuntahan tayo after kumain.”Napakunot agad

  • I Was Just A Contract, Now I'm His Obsession   Chapter 103

    Miles’ Point of ViewKailangan ko munang mag-ayos, pero paano? Wala naman akong kahit anong saplot sa katawan. Ramdam ko pa rin ang bigat ng bawat himaymay ng kalamnan ko, para bang pinipigilan akong kumilos ng mga alaala kagabi. Dahan-dahan akong gumalaw, umaasang hindi ko siya magigising. Ngunit doon ko napansin ang kamay niyang mahigpit na nakayakap sa bewang ko—init na dumadaloy mula sa kanyang balat patungo sa akin, init na ayaw kong damhin ngunit kusa pa ring sumisingaw sa aking sistema. Napapikit ako nang mariin habang pilit kong inaalis ang kanyang bisig na parang mga tanikalang bumabalot sa akin.Ngunit isang iglap lang, mas lalo niya akong niyakap.“Escape again?”Nanlamig ang buong katawan ko. Napalunok ako, ramdam ang kaba na parang may sariling buhay sa loob ng dibdib ko. Nang tumingin ako sa kanya, nagtagpo ang mga mata namin. Gising na siya. Nakaangkla ang titig niya sa akin, at para bang walang ligtas, walang lusot.“And what are you doing, kitten?”Kitten? Napakunot a

  • I Was Just A Contract, Now I'm His Obsession   Chapter 102

    3rd Person’s Point of ViewGalit na galit si Samantha nang ibinato niya ang bag niya sa higaan. Halos mabasag ang katahimikan ng kwarto sa lakas ng bagsak nito. Nanginginig ang dibdib niya habang humihinga nang malalim, at ramdam niya ang init ng dugo na parang umaakyat sa sentido niya.Hindi niya matanggap ang nakita kanina. Hindi niya alam na ganoon na pala ka-close sina Miles at Zep. Ang buong akala niya, galit si Zep kay Miles, na walang puwang ang babae sa mundo nito. Ngunit mali pala siya. Maling-mali.“Paano nangyari ‘yun?” bulong niya, nanginginig ang boses. “He loves me! At dapat mapatawad niya ako sa ginawa ko noon—dahil mahal niya ako.”Naalala niya ang araw na nahuli siya ni Zep. Ang sakit ng tingin nito nang malaman ang katotohanan—na ikinasal na pala siya sa ibang lalaki noon, at may anak pa siyang hindi sinabi. Oo, mali siya, pero para kay Samantha, hindi sapat na dahilan iyon para burahin ang pagmamahal na meron sila. Kung tunay siyang mahal ni Zep, dapat kayang lunuki

  • I Was Just A Contract, Now I'm His Obsession   Chapter 101

    Miles' Point of View*Nakarating na kami sa kompanya at doon na niya binitawan ang kamay ko at lumakad siya at nakasunod lang ako sa kanya hanggang makarating kami sa elevator.Bakit pakiramdam ko parang nag-cheat ako sa kanya? Parang baliktad atah eh."Bo---""Bakit mo kasama si Samantha?"Bigla siyang tumingin sa akin at ako naman ay natigilan dahil sa tanong niya."Sinama niya ako eh. Sabi niya may pag-uusapan kami.""Sumama ka naman? Paano na lang kung may gawin siyang hindi maganda sa 'yo?"Napalunok naman ako habang nakatingin sa kanya."Hindi naman siguro niya gagawin ang bagay na yun---""Gagawin niya ang lahat ng gusto niya. She's a psycho."Nagulat naman ako sa sinabi niya. Napahawak na lang siya sa ulo niya dahil sa parang stress siya. Nakikita ko rin ang eye bugs sa ilalim ng mga mata niya. Mukhang hindi siya nakatulog ng maayos. Malamang wala ako sa tabi niya ng ilang araw kaya heto ang status niya ngayon!"I won't do that again.""Dapat lang."Napapikit na lang siya at

  • I Was Just A Contract, Now I'm His Obsession   Chapter 100

    Miles' Point of View*Nasa kapehan kami ngayon at magkaharap kaming nakaupo. Nandidito rin kami sa pinakadulo umupo.Di ko alam pero kinakabahan ako ngayon. Ano na naman ang trip ng babaeng ito para makipagkita sa akin?"What do you want? Alam mo naman na male-late na ako bayaran mo ang oras na male-late ako."Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin."What the... Magkano ba ang isang oras mo?""Hmm... 1k."Nanlalaki naman ang mga mata niya na tumingin sa akin."Ano?"Sinipatan naman niya ako at binigay sa akin ang 1k. Mabuti na rin ang ganito nagkakaroon pa ako ng pera.Kinuha ko naman iyon at inilagay sa bulsa ko."Spill it."Umubo naman siya ng mahina at napatingin sa akin."Okay, hindi mo ba naalala ang nangyari noon na iniiwasan ka na nga ni Zephyrus pero todo lapit ka pa rin. At ngayon hiniwalayan mo na siya at palapit lapit ka na naman sa kanya. Ano ba ang trip mo?""Aba ewan ko lang sa kanya. Hindi ko rin naman intensyon na lumapit ulit sa kanya pero anong magagawa ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status