Miles Craig’s Point of View
Tahimik lang siyang nakasandal sa upuan niya, pero ramdam na ramdam ko ang bigat ng titig niya. Para bang binabasa niya ang bawat galaw, bawat tiklop ng emosyon sa loob ko. Ilang segundo lang ‘yon pero para sa akin, parang huminto ang oras. Hanggang sa bigla siyang ngumiti—hindi basta-basta ngiti. May halong panunukso, may kayabangan. Parang alam niya ang epekto niya sa akin. “I think you’re still affected, Miles,” ani Zep, may kumpiyansa sa boses. Nanlaki ang mga mata ko. Gusto kong tumawa. Gusto ko siyang sabihan ng kapal ng mukha niya. Pero mas nanaig ang inis at kaba. Lalo na nang marahan niyang haplusin ang pisngi ko. Mainit. Pamilyar. Nakakayanig. Agad kong tinapik ang kamay niya at itinulak palayo. Mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan ko, pinilit maging propesyonal. Pinilit takpan ang kaguluhan sa dibdib ko. “Sir, kailangan ko na pong bumalik sa trabaho. Kailangan kong matapos ang mga pinapagawa ninyo.” Papasok na sana ako sa pintuan pero... "Why? May gagawin ka ba pagkatapos mong magtrabaho dito?" sunod niyang tanong, malamig pero may halong paninibugho sa tono. "Siguro may lalaki ka na naghihintay noh?" Napalingon ako, hindi makapaniwala. Tiningnan ko siya ng matalim. Gusto ko na siyang sagutin ng masakit pero pinigilan ko ang sarili ko. “It’s none of your business, sir. That’s my private life. Balik na po ako sa trabaho ko.” Humakbang ako, muling sinubukang buksan ang pinto. Pero bigla itong sumara. Parang may dumagan sa dibdib ko. Napalunok ako, kinabahan. Lumingon ako sa gilid—naroon siya, masyadong malapit. Ramdam ko ang hininga niya sa tainga ko. “Sir…” mahinang tawag ko, pilit inaangkin ang lakas ng loob. Pero hindi ko siya matignan. Ayaw kong mahulog sa paningin niya ulit. Tapos narinig ko ang boses niya. Malalim. Mapang-utos. Pamilyar. “Next time, lutuin mo ang mga kakainin ko. Alam mo namang hindi ako kumakain ng pagkain sa labas, ‘di ba?” Natigilan ako. Nanlaki ang mga mata ko. Naalala pa rin niya ‘yon? Bigla akong dinala ng alaala sa mga panahong ako ang nag-aasikaso sa kanya. Niluluto ko lahat ng gusto niya. Wala siyang salitang ibinalik—ni pasasalamat man—pero masaya na akong napapakain ko siya. Hindi ako nagsalita. Hanggang sa marahan niyang inilapag ang isang itim na card sa ibabaw ng folder na hawak ko. Hindi ko na siya nilingon nang lumayo siya. Nakatingin lang ako sa card na iniwan niya. Nang mawala na siya sa paningin ko, saka lang ako napakawala ng hiningang matagal ko nang pinipigil. "Okay po..." bulong ko, kahit alam kong hindi na niya maririnig. Mabilis akong lumabas ng opisina niya, hawak ang folder, hawak ang itim na card. Pero ang mas mabigat sa lahat, ay ang presensya niyang parang naiwan sa bawat bahagi ng katawan ko. Ramdam ko pa rin ang hininga niya sa tainga ko. Ramdam ko pa rin ang pagkalito sa dibdib ko. Pagkalingon ko sa hallway, napabuntong-hininga ako. “Damn him...” bulong ko, halos mapatawa sa sarili. Pagbalik ko sa mesa ko, halos ibagsak ko ang folders sa ibabaw ng lamesa. Napaupo ako nang malakas, parang may tumulak sa likod ko. Inilapat ko ang palad sa mukha ko. “Pull yourself together, Miles,” mahinang ani ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ganito pa rin ang epekto niya sa akin? Bakit kahit ilang taon na ang lumipas, parang kahapon lang lahat ng sakit? Akala ko ba tapos na? Akala ko ba nakalaya na ako? Pero hindi puwede. Hindi na ako si Miles na martir. Hindi na ako ‘yung babaeng naghihintay ng kaunting lambing mula sa lalaking walang kahit anong balak mahalin ako noon. May sarili na akong buhay ngayon. May mga anak na akong kailangang pag-ukulan ng pagmamahal—sina Zyrus at Zyrylle. Sila ang rason kung bakit hindi na ako puwedeng matalo ng kahinaan ko. Kailangan kong tapusin ang trabaho ko. Kailangan kong umuwi sa kanila. Sa kanila ako kailangan. Hindi sa lalaking hanggang ngayon, hindi pa rin alam kung ano ang gusto niya sa buhay. Humugot ako ng malalim na hininga. Tumayo ulit, inayos ang mga papel, sinimulan ko na ang trabaho. Biglang tumunog ang cellphone ko. Napatingin ako sa screen—si Ion. Kaibigan ko siya, parang kapatid. At dahil sa height ko, ‘baby’ daw ang tawag niya sa akin. Baby damulag, to be exact. Sinagot ko ang tawag. “Hello…” ‘Nandito na ako sa Pinas. Nabalitaan kong may bago kang trabaho. Kita tayo mamaya, libre ko baby.’ Napangiti ako. Napasandal ako sa upuan. “Bi, hindi ako available mamaya. Marami pa akong gagawin. Alam mo na, bagong pasok pa lang ako dito.” “Bi?” ulit niya. Bigla akong napalingon. Nanlaki ang mga mata ko. Nasa harapan ko si Zep. Kailan pa siya nandito? --- LMCD22Miles’ Point of ViewNakasimangot ako habang nakaupo at pinapanood siyang nagluluto ng ulam. Sinabi ko na nga na ako na lang ang magluluto, pero syempre, si Mr. Contradictory ayaw makinig.“Hindi naman makakaapekto sa sweldo ko kung ikaw ang magluluto, right?” sabi ko, medyo inis na may halong biro.Napatingin siya sa akin tapos bigla siyang ngumiti—pero yung ngiti niya parang malademonyo.“Depende.”Napalunok ako bigla. Alam ko na yung tingin niya na yun. Teasing, pero may kasamang something na parang sinasakal ako sa kaba. Agad akong tumayo at tatangkain ko sanang agawin yung sandok, pero mabilis niyang iniwas.“Just kidding,” sabi niya na may kasamang tawa. “Relax. Hindi mababawas ang sahod mo. Umupo ka na r’yan at hintayin mong matapos ako.”Napapout na lang ako at bumalik sa upuan ko. Fine. Siya na. Tignan ko na lang kung masarap.Habang niluluto niya, naamoy ko yung pagkain at napaka-homey ng vibe sa kusina. Nagsalita ulit siya.“May pupuntahan tayo after kumain.”Napakunot agad
Miles’ Point of ViewKailangan ko munang mag-ayos, pero paano? Wala naman akong kahit anong saplot sa katawan. Ramdam ko pa rin ang bigat ng bawat himaymay ng kalamnan ko, para bang pinipigilan akong kumilos ng mga alaala kagabi. Dahan-dahan akong gumalaw, umaasang hindi ko siya magigising. Ngunit doon ko napansin ang kamay niyang mahigpit na nakayakap sa bewang ko—init na dumadaloy mula sa kanyang balat patungo sa akin, init na ayaw kong damhin ngunit kusa pa ring sumisingaw sa aking sistema. Napapikit ako nang mariin habang pilit kong inaalis ang kanyang bisig na parang mga tanikalang bumabalot sa akin.Ngunit isang iglap lang, mas lalo niya akong niyakap.“Escape again?”Nanlamig ang buong katawan ko. Napalunok ako, ramdam ang kaba na parang may sariling buhay sa loob ng dibdib ko. Nang tumingin ako sa kanya, nagtagpo ang mga mata namin. Gising na siya. Nakaangkla ang titig niya sa akin, at para bang walang ligtas, walang lusot.“And what are you doing, kitten?”Kitten? Napakunot a
3rd Person’s Point of ViewGalit na galit si Samantha nang ibinato niya ang bag niya sa higaan. Halos mabasag ang katahimikan ng kwarto sa lakas ng bagsak nito. Nanginginig ang dibdib niya habang humihinga nang malalim, at ramdam niya ang init ng dugo na parang umaakyat sa sentido niya.Hindi niya matanggap ang nakita kanina. Hindi niya alam na ganoon na pala ka-close sina Miles at Zep. Ang buong akala niya, galit si Zep kay Miles, na walang puwang ang babae sa mundo nito. Ngunit mali pala siya. Maling-mali.“Paano nangyari ‘yun?” bulong niya, nanginginig ang boses. “He loves me! At dapat mapatawad niya ako sa ginawa ko noon—dahil mahal niya ako.”Naalala niya ang araw na nahuli siya ni Zep. Ang sakit ng tingin nito nang malaman ang katotohanan—na ikinasal na pala siya sa ibang lalaki noon, at may anak pa siyang hindi sinabi. Oo, mali siya, pero para kay Samantha, hindi sapat na dahilan iyon para burahin ang pagmamahal na meron sila. Kung tunay siyang mahal ni Zep, dapat kayang lunuki
Miles' Point of View*Nakarating na kami sa kompanya at doon na niya binitawan ang kamay ko at lumakad siya at nakasunod lang ako sa kanya hanggang makarating kami sa elevator.Bakit pakiramdam ko parang nag-cheat ako sa kanya? Parang baliktad atah eh."Bo---""Bakit mo kasama si Samantha?"Bigla siyang tumingin sa akin at ako naman ay natigilan dahil sa tanong niya."Sinama niya ako eh. Sabi niya may pag-uusapan kami.""Sumama ka naman? Paano na lang kung may gawin siyang hindi maganda sa 'yo?"Napalunok naman ako habang nakatingin sa kanya."Hindi naman siguro niya gagawin ang bagay na yun---""Gagawin niya ang lahat ng gusto niya. She's a psycho."Nagulat naman ako sa sinabi niya. Napahawak na lang siya sa ulo niya dahil sa parang stress siya. Nakikita ko rin ang eye bugs sa ilalim ng mga mata niya. Mukhang hindi siya nakatulog ng maayos. Malamang wala ako sa tabi niya ng ilang araw kaya heto ang status niya ngayon!"I won't do that again.""Dapat lang."Napapikit na lang siya at
Miles' Point of View*Nasa kapehan kami ngayon at magkaharap kaming nakaupo. Nandidito rin kami sa pinakadulo umupo.Di ko alam pero kinakabahan ako ngayon. Ano na naman ang trip ng babaeng ito para makipagkita sa akin?"What do you want? Alam mo naman na male-late na ako bayaran mo ang oras na male-late ako."Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin."What the... Magkano ba ang isang oras mo?""Hmm... 1k."Nanlalaki naman ang mga mata niya na tumingin sa akin."Ano?"Sinipatan naman niya ako at binigay sa akin ang 1k. Mabuti na rin ang ganito nagkakaroon pa ako ng pera.Kinuha ko naman iyon at inilagay sa bulsa ko."Spill it."Umubo naman siya ng mahina at napatingin sa akin."Okay, hindi mo ba naalala ang nangyari noon na iniiwasan ka na nga ni Zephyrus pero todo lapit ka pa rin. At ngayon hiniwalayan mo na siya at palapit lapit ka na naman sa kanya. Ano ba ang trip mo?""Aba ewan ko lang sa kanya. Hindi ko rin naman intensyon na lumapit ulit sa kanya pero anong magagawa ko
Miles' Point of View*Hindi ko namalayan na nakatulala na lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari ngayon.Bakit ginugulo na naman niya nag buhay ko? Di ba pinili niya si Samantha noon kaysa sa akin at pinagbigyan ko na siya sa gusto niya na maging sila.Bakit iba nag pinapakita niya sa akin ngayon?Naalala ko na hindi na siya attach kay Samantha kagaya noon na okay lang sa kanya na lumapit si Samantha sa kanya.Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari.Biglang may kumatok sa pintuan na kinagising ko sa totoong buhay."Bi, baba ka na para sabay na tayong kumain," rinig kong ani ni Ion sa labas."Ah susunod na ako at mauna ka muna.""Okay, sumunod ka agad baka maubos ko ang almusal ninyo.""Subukan mo lang."Narinig ko naman ang tawa nito sa labas at umuna na nga siya. Napabuntong hininga na lang ako at hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko."Wag kang magpapaapekto sa nangyayari ngayon. Baka concern lang siya dahil a