Miles Craig's Point of View
"You should finish this today. 'Yan ang utos sa akin ni Sir Jones." Namuti ang mukha ko sa pagkabigla habang nakatingin sa toreng folder na iniwan ng babaeng nasa harapan ko. Para bang binagsakan ako ng bundok. "Kaya mo ba ang lahat ng 'to? O baka sumuko ka na agad?" Tinitigan ko siya. Matigas. Direkta. Wala sa bokabularyo ko ang salitang sumuko. Lalo na ngayon. "Kayang-kaya ko po ito, ma’am," mahinahong tugon ko kahit na ang totoo’y medyo nanginginig ang tuhod ko. Tumango siya, sabay flip ng buhok at lakad paalis, parang nasa runway. Napakunot ang noo ko habang sinusundan siya ng tingin. Hindi ko mapigilang mapansin ang sobrang iksi ng pencil skirt niya at ang cleavage na halos kumawala sa blusa niya. Kung siya ang type ni Zep ngayon, then maybe I never stood a chance from the beginning. Pero hindi ko dapat iniisip ‘yon. Wala ako rito para makipagkumpitensya. Nandito ako para magtrabaho—at para sa mga anak ko. Napabuntong-hininga ako habang tinitigan ang bundok ng paperwork sa harap ko. Ganito ba talaga ang gawain ng executive secretary? O sinasadya lang nila akong pahirapan? O baka... siya mismo ang nag-utos na ganito ang ibigay sa akin? Ugh, Zep. Tinignan ko ang cellphone ko. Nasa home screen pa rin ang picture naming tatlo—ako, si Zyrus, at si Zyrylle. Tuwang-tuwa silang pareho habang hawak ang mga medal na nakuha nila kahapon. Ngayong araw, ipinangako kong ipagluluto ko sila ng paborito nilang spaghetti bilang reward. Gusto ko silang makita na masaya. Gusto ko silang maiparamdam na mahal na mahal ko sila. Kahit tatlong taon pa lang sila, sobrang mature na nilang mag-isip. Marunong na silang umintindi. Parang mas matalino pa nga sila kaysa sa akin minsan. Pero sigurado akong hindi lang galing sa akin ang katalinuhang ‘yon. Nagmana rin sila sa ama nila. Kay Zep. Pero kahit kailan, hindi niya malalaman. Mabilis kong iniling ang ulo ko para itaboy ang naiisip ko. Kailangan ko munang tapusin ang trabaho ko para makauwi agad sa mga anak ko. Tinitigan ko ulit ang folder. "Kaya ko 'to... para sa kanila." Sinimulan kong isa-isang basahin at ayusin ang mga dokumento. Hindi ko namalayan ang oras. Nang biglang tumunog ang telepono sa mesa ko, saka ko lang naalala—hindi pa pala ako kumakain ng lunch. Dinampot ko ito at sinagot agad. "Hello, Miles Craig speaking." "Order mo ‘ko ng lunch." Napangiwi ako. Wala man lang please? Pero syempre, hindi ako pwedeng magreklamo. Boss ko siya. "Anong gusto n’yo pong kainin, sir?" "Dapat isa sa mga qualifications bilang secretary ay alam mo ang gusto kong kainin." Napakunot ang noo ko. Pambihira talaga. Parang pinapasagot ako ng pop quiz na walang multiple choice. "Come in my office. Kunin mo rito ang black card ko." "B—but—" Click. Binabaan niya ako ng tawag. Napahawak na lang ako sa sentido ko. Unang araw ko pa lang, gusto ko na agad mag-resign. Pero hindi. Para ito sa mga anak ko. Tumayo ako, inayos ang sarili, at kumatok sa opisina ni Zep. "Come in," sagot niya. Pagpasok ko, nakita ko siyang abala sa pagpirma ng mga dokumento. Tahimik ang buong opisina, at para bang ang bawat galaw niya ay may bigat. Ilang segundo ang lumipas bago niya itinuro ang black card na nakapatong sa mesa. "Alam mo na kung anong gusto kong kainin." Lumapit ako at kinuha ang card. Tinitigan ko ito, tapos siya. "Anong gusto n’yo pong kainin, sir?" "Kahit ano." Ayos. Kahit ano raw. Napabuntong-hininga ako at tumalikod na para lumabas nang marinig ko ulit ang boses niya. "Miles." Napahinto ako. Napalingon. Ayoko ng pagtawag niya sa pangalan ko nang ganito. Hindi na kami. At nasa trabaho kami ngayon. "Call me Secretary Craig, sir. May kailangan pa po ba kayo?" Napatingin siya sa akin. Parang sandaling natigilan. Saka siya humugot ng malalim na buntong-hininga. "Dalhin mo na rin ‘to, Secretary Craig." Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya. Mga folder. Sandamakmak na folder. Napalunok ako. Parang gusto kong ibagsak sa kanya ang mga ‘yon, pero hindi ko ginawa. Gagawin ko ito. Dahil kailangan kong patunayan na karapat-dapat ako. Para sa akin. Para sa mga anak ko. Lumapit ako, inipon ang mga folder—at halos mapangiwi sa bigat. "Una na po ako, sir." Tumango siya at wala nang sinabi. Paglabas ko ng opisina, diretsong inilapag ko ang mga folder sa mesa ko. Napahawak ako sa dibdib ko, pinipigilan ang stress na unti-unting pumipiga sa puso ko. "Makakaya ko ‘to… makakaganti rin ako," bulong ko sa sarili ko. Huminga ako nang malalim. Game, Zep. Akala mo ikaw lang ang magaling? Tignan natin. --- LMCD22pMiles' Point of View*"Ha?"Ayos lang ba ang lalaking ito o nananaginip pa rin siya?"Sir, hindi ako pumasok bilang secretary mo para maging parte ulit ng buhay mo. Natuto na ako sa nangyari sa akin sa nakaraan at hindi na ako babalik sa buhay na yun."Nakatingin lang ito sa akin."You sure?"Tiningnan ko ang mga mata niya na hindi niya iniwala ang pagtingin niya sa mga mata ko."Yes. Yung kontrata na pinermahan ko dahil iyon sa pangangailangan ko ay paninindigan ko yun without any feeling just professionalism.""Okay, kung yan ang gusto mo.... Kung makakaya mo."Nanlalaki ang mga mata ko at lumakad s'ya papunta sa lamesa at umupo sa upuan doon at ako naman ay nakatulala lang habang nakatingin sa kanya.Ano daw?Anong sa tingin niya na laro lamang ang lahat ng ito? Pwes makikipaglaro ako.Sinimulan mo? Tatapusin ko.Inilabas ko na ang mga hinanda kong lunch box at lumakad na ako papunta sa lamesa.Isa-isa kong inilagay sa lamesa ang mga hinanda ko. Nilagyan ko ang plato niya ng pagk
Miles' Point of View*Nakatingin ako ngayon sa kamay ni Zep habang nakahawak sa braso ko. Ano na naman ang problema ng lalaking ito?"Bakit ba?"Binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at nagulat din siya sa ginawa niya. Nakita ko naman ang lihim na ngiti ni Justin at agad naman niya itong binawi nung nakita niya na nakatingin ako sa kanya.Siningkitan ko naman siya ng paningin."What are you doing, Justin?""What? May binulong lang naman ako kay Miles at ano naman ang mali sa ginawa ko?"Natahimik naman siya at napabuntong hininga."Let's eat something dahil alam ko na hindi ka pa kumakain," ani ni Zep sa akin at tumunog naman ang tiyan ko na kinagulat ko.Hala parang nag-usap atah ang tiyan ko at si Zep ha. Naalala ko na nagluto ako sa bahay kanina para sa kakainin namin ngayon dahil alam ko na hindi naman siya kakain ng ibang pagkain except sa akin. "Okay. Mauna muna kami, Justin.""Okay, ako na ang bahala na magsabi sa kanila na magkasama kayong dalawa."Dahan-dahan na lang
Miles' Point of View*Napalapit naman sa akin si Ranz at agad niya akong niyakap na parang ang tagal na namin na hindi nagkita ha."Bakit sa birthday ko kasama mo ang hinayupak na yan?"Nagulat naman ako sa mahinang bulong ni Ranz sa akin at ang mean niya ay si Zep na nasa gilid ko."Bestfriend niya si Justin."Maski siya ay nagulat dahil sa sinabi ko. My God hindi ko alam na marami pa pala kaming hindi nalalaman tungkol sa mga bagay na ito."Mukhang kailangan na nating mag-update sa mga buhay natin marami pa pala tayong hindi nalalaman sa buhay natin."Nagtanguan naman kaming dalawa."Ehem..."Natigilan naman kami at sinamaan naman ng tingin ni Ranzzel si Zep na umubo ng mahina.Di talaga nito matatago ang inis kay Zep at hinahayaan naman ito ni Zep."Ranz, mamaya na yan may gagawin pa tayong mission, right?" mahinang ani ko sa kanya at napabuntong hininga na lang ito."Okay, fine."Napatingin naman siya sa kanila."Make up room muna kaming tatlo."Nagulat ako nung hilain kaming dala
Miles' Point of View*Nakarating na kami sa isang magandang resort at ang napili ni Justin ngayon ay dagat dahil gusto ng nobya ni Justin na maligo ng dagat at agree naman ang kapatid nito.Dapat matapos namin ang mission naming ito dahil pupuntahan ko pa ang bestfriend ko na nagbi-birthday rin ngayon.Si Ranzzel. Mukhang na-busy pa kung saan maliligo ang babaitang yun.Magpapaalam na lang siguro ako mamaya kay Zep.Bumaba na ako sa sasakyan at ganun na rin si Zep na parang fresh from the oven dahil nakatulog nga. Dalawang oras kasi ang travel namin dito sa dagat at nakapagpahinga talaga siya. Ganun na rin ako na nagising ako nung papasok na kami sa entrance.Kukunin ko sana ang bag ko sa likod nang magsalita si Zep."Ang bodyguards na ang bahala sa mga gamit natin. Ihahatid ang mga yan sa kwarto natin."Natigilan naman ako sa sinabi niya. Kwarto namin? Magsasalita sana ako pero umuna siyang lumakad palayo sa akin at wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya.Agad naman k
Miles' Point of View*Friday...Nakahanda na ang lahat ng mga gamit na dadalhin namin at hindi ko pa nga nakikilala kung sino ang magbi-birthday dahil si Justin na raw ang bahala sa kanya.Kaya hinayaan ko na lang at ang kailangan ko lang aasikasuhin ay ang proposal ni Justin.Dala ko ang bag ko para sa damit na susuotin ko mamaya. Lumabas na ako sa bahay. Wala namang ibang tao dito at nakauwi na ang babaeng anak ko sa bahay at nasa bahay sila ngayon ng grandpa nila kasama ang lalaking anak ko.Nasa trabaho kasi si Ion kaya roon muna sa bahay ni dad ang mga anak ko.Tamang tama sa paglalakad ko palabas ay natigilan ako dahil nakita ko ang sasakyan ni Zep sa labas na parang hinihintay niya ako sa labas ng bahay namin.Bumukas ang bintana at nakita ko nga ang lalaking ayaw kong makita."Hop in."Napatingin naman ako sa kanya na nagsalita siya."Bakit ka nandidito? Akala ko sa kompanya na tayo magkikita?""May binili lang ako sa unahan at dahil malapit ka lang kaya kukunin na lang kita
3rd Person's Point of View*Sa studio ay nakaupo lang si Dylan habang inaalala ang lahat ng nangyayari noon pa man. Hindi siya makapaniwala na nakalimutan siya agad ni Miles.Ibang iba ito nung huling kita nila. Simula nung nagkita sila ay hindi maiiwasan ni Dylan na mahulog ang loob niya sa dalaga na si Miles. Kaya niya sinamahan ito sa paaralan nila noon nung nanalo ito sa arts dahil alam niya na ito na talaga ang babaeng para sa kanya. Araw-araw silang magkasama sa college. Napagpasyahan talaga n'yang lumipat ng paaralan para makasama lang niya si Miles. Malapit na ang graduation at napagpasyahan din nito na sabihin ang tunay na nararamdaman kay Miles nun."Miles, pagkatapos ng graduation ay magkikita tayo sa garden dahil may sasabihin ako sa 'yo."Napatingin naman si Miles sa kanya at napangiti. Yung ngiting makakahulog sa kanya araw-araw."Ngayon mo na lang kaya sasabihin sa akin may pa-meet up ka pa ha.""Gusto ko pagkatapos ng graduation ko sasabihin sa 'yo. Importante ang