Share

ANG GALIT NI ESTACIE

"Hindi mo masagot si Papa? Siguro tama ang hinala ni Papa na kumapit ka na sa lalake para may makain." Sabi ni Lucy na talagang kumuha ng atensyon ni Estacie.

Kumapit sa lalake? Bakit parang baliktad ata? Sa pagkakatanda ni Estacie sa unang araw na napadpad siya sa Prekonville, si Lucy at ang Crowned prince ang nagpakidnap sa totoong Estacie para patayin. Patayin upang mawala na sa landas nilang dalawa. Alam ni Lucy na si Estacie ang fiance ng Prinsipe subalit nagawa netong akitin ang lalake. Sabagay, perfect match naman talaga sila.

Napatingala si Estacie at isang pekeng halakhak ang kumawala sa kanyang bibig. "Ako? Kumapit sa lalake para may makain?" Dahan-dahan siyang humarap sa mga ito. "Kung kapatid ng adopted mother mo ang may-ari ng bahay na tinitirhan mo, pagkapit sa lalake ang tawag dun? Eh ano naman ang tawag sa ginawa ng mama mo? Sumama dito sa dating asawa ng Mama ko, dahil walang makain sa isla na pinanggalingan nyo?" Taas ang kilay na tanong niya.

Mga salitang nagp
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status