Share

TULUYANG ITINAKWIL

"Hindi na ba kayo nahihiya sa mga tao? Naturingang myembro kayo ng Noble family! Somyls!" Mariin ang pagkaka-bigkas ng Baron sa kanyang bawat salita.

"Hindi ba at pinalayas mo na ako sa bahay, Mr. Somyls? Ang pinagsasabihan mo ba ang mag-ina mo?"

Napa-singhap ang dalawang babae na naka-salampak sa lupa. Ang mga tao naman na sa paligid ay napa-takip ng mga bibig. Ang Baron ay dumilim ang mukha habang naka-titig sa kanya.

"Elvidio, maawa ka kay Estacie. Intindihin mo siya. Alam ko, nagkakaganyan siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na wala na ang kanyang tunay na ina." Mabilis na nakatayo si Juvilina at humawak sa braso ng Baron.

"Tama ang Mama, Papa. Ramdam ko na hindi nya pa nakakalimutan ang Mama nya. Kung ako din ang sa kalagayan niya, malamang ay sasaktan ko rin ang ipapalit mo sa aking Mama." Dugtong naman ni Lucy na hindi naman tumayo.

Sa sinabi ni Lucy, alam ni Estacie na iba ang pagkaka-intindi ng mga tao. Parang sinabi na kasi ni Lucy na sinasaktan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status