FAZER LOGIN3rd Person’s POVSa isang maliit, masikip, at mainit na paupahang bahay sa looban ng Tondo, tila pinagbagsakan ng langit at lupa ang mag-asawa.Sa loob ng madilim at maruming kusina, ng napakasikip na bahay ay nakaupo si Grace sa isang sirang monoblock na wala nang sandalan, nakasubsob ang mukha sa mesa habang malakas na humahagulgol. Magkakahalong desperasyon, galit, at kawalan ng pag-asa ang mababakas sa kanyang boses. Sa kabilang banda ng mesa, nakaupo ang maliit na batang si Adela, litong-lito at umiiyak din habang pinagmamasdan ang kaguluhan sa pagitan ng kanyang mga magulang.Sa may pintuan sa may sala, nakatayo si Henry. Nakatingin siya sa malayo, sa masikip na eskinita kung saan naghahabulan ang mga daga at mga nag-aaway na tambay."Tama na, Grace. Tigilan mo na ang kakaiyak dyaan," sambit ni Henry. "Gagawa ako ng paraan. Sisiguruhin kong mababawi natin ang lahat."Pag-angat ng mukha ni Grace ay mugtong-mugto na ang mga mata niya. Animong tuluyang nalusaw ang lahat ng kayabang
3rd Person’s POVPagbaba ni Agnes mula sa itim niyang SUV, agad niyang iniligid ang kanyang paningin sa matayog na building na nakatayo sa kanyang harapan. Malamig ang hanging umiihip, ngunit nag-aalab naman sa init ang ngiting dahan-dahang gumuhit sa kanyang mga labi.Bago siya tuluyang humakbang papasok, mabilis na iniabot sa kanya ng driver ang isang maliit na pasong gawa sa ceramic. Sa loob niyon ay ang isang Black Baccara Rose, isang pambihirang uri ng rosas na sa unang tingin ay tila kulay itim ang mga talulot dahil sa lalim ng pagka-pula nito. Isang simbolo ng muling pagkabuhay mula sa isang madilim na nakaraan.Hawak ang paso sa kanyang kanang kamay at nakasabit ang mamahaling bag sa kanyang bisig, confident at walang kaba siyang pumasok sa malawak na lobby ng De Luca Building.Naka-tailored white blazer suit si Agnes na lalong nagpalitaw sa hubog ng kanyang katawan at sa kanyang maputing balat. Sa bawat pagtapak ng kanyang stiletto sa makintab na sahig ay gumagawa ito ng kaka
3rd Person’s POVMalamig at tila nakabibingi ang katahumikan sa loob ng kwartong kinasasadlakan nina Henry at Grace. Kasalukuyan silang nasa private office ni Don Francisco sa pinakataas na palapag ng De Luca Building. Napababa ng temperatura ngunit walang hinto sa pagpapawis ang dalawa. Nangangatal ang mga kamay ni Henry at maging si Grace ay hindi magawang mag-angat ng tingin. Sa harap nila ay ang malaking mahogany desk, kung saan nakatalikod sa kanila ang isang swivel chair. Doon ay nakaupo ang isang malaking pigura na siyang dahilan ng panginginig nila. Naliligo sa sariling pawis si Henry habang pilit na iniipon ang tapang niya."D-Dad, listen to me please! Set-up lang ang lahat ng 'yon! Pinagplanuhan kami ni Agnes! W-Wala pong katotohanan ang lahat, Dad. Please maniwala po kayo." nauutal at nanginginig na paliwanag ni Henry habang nakahawak ang magkabilang kamay sa kanyang mga tuhod. "Ginawa niya 'yon para sirain ako sa inyo at sa mga tao!!""Totoo po, Tito! Si Agnes po ang n
3rd Person’s POV Mapang-asar at nakangisi ang pagkakasabi niya non. Namumula ang mukha ni Grace sa matinding pagkakahiya habang ang mga reporter ay patuloy sa pagkuha ng larawan. Sa isang senyas ni Agnes ay inulan siya ng mga tanong. Pinalibutan siya ng mga ito dahilan para hindi na niya maabot pa si Agnes."Ms. Grace Jimenez, totoo po bang matagal na kayong may relasyon ni Mr. Henry De Luca habang kasal pa siya kay Ms. Agnes La Trinidad?!" tanong ng isang reporter."Naka-record po ang lahat ng pag-amin niyo kanina! May balak po ba kaypng takasan ang lahat ng ito?!" hirit ng isa pa.Labis siyang nainsulto sa mga narinig."Manahimik kayo! Magsitahimik kayo!" sigaw ni Grace habang itinatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha para magtago sa mga flash ng camera. “Wala kayong alam sa mga totoong nangyari! This is a set up!”Nang muli siyang lapitan ni Agnes ay naayos na nito ang sarili at wala na rin ang basag na bote sa mga kamay niya."Listen to me very carefully, Grace," mahinang
3rd Person’s POV“Aray! Aray, Grace! Please, stop it!" umiiyak na sigaw ni Agnes.Sadya niyang hinihila si Grace papunta sa camera para makita kung paano siya nito sa ktan.Pero sa ilalim ng mga luhang iyon, nag-aabang lang si Agnes ng tamang pagkakataon. Nang bahagyang lumuwag ang hawak ni Grace sa kanyang buhok para isunod ang isang malakas na sampal, mabilis na yumuko si Agnes. Sa isang iglap, gamit ang buong lakas na natitira sa kanyang katawan, itinulak niya si Grace ng pagkalakas lakas. Napaatras si Grace at halos mawalan ng balanse.Hindi na nag-aksaya ng panahon si Agnes. Mabilis siyang bumangon mula sa sahig at dinampot ang bote ng red wine na nasa ibabaw ng maliit na mesa. Sa isang iglap, malakas niyang inihampas ang bote sa mismong ulo ni Grace!”Aaaahh!!! A-ang ulo ko!!!”Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng takot kay Agnes. Hindi niya akalaing kayang gawin iyon ng babae. Ang natirang hawak ni Agnes ay ang leeg ng bote na may matutulis at matatalas na dulo ng bubog.N
3rd Person’s POVHalos masuka si Agnes sa matinding pandidiri habang pinadadala ang mensaheng iyon sa traydor niyang kaibigan. Mabilis niyang inayos ang kanyang sarili.Hindi talaga kasama ang eksenang ito sa orihinal na plano nila ni Luis. Ang tanging balak lang nila ay paaminin ang dalawa sa mga kababuyan ng mga ito para mabilis na makasuhan at tuluyang matanggalan ng lahat ng ari-arian. Iyon ang dahilan kung bakit ipinakalat nila ang mga s*x videos na hawak nila, at sa tantya niya, ngayong madaling araw lalagablab ang nag-aapoy na iskandalo tungkol doon. Pero sobrang nanggigil si Agnes sa kayabangan at pambabastos ni Henry kanina, lalo pa ang pagtanggi nito sa anak nila. Kaya naisipan niyang dagdagan ang parusa at sadyang sirain ang natitirang bait sa utak nito.Sunod-sunod na ang pag-vibrate at pag-iingay ng telepono ni Henry sa ibabaw ng nightstand, panay ang tawag at text ni Grace doon. Dahil wala namang password ang cellphone ng lalaki, mabilis na pumasok si Agnes sa chat app a







