LOGINAGNES LA TRINIDAD's POV
Nakahawak ako nang mahigpit sa telepono habang patuloy sa pag-agos ang aking luha. Every word felt like a reality check I had been running away from for years.
"Look at what he did to you," patuloy ni Grace. "You lost your child, Agnes! Inabuso ka na niya nang paulit-ulit, at ngayon halos patayin ka na niya emotionally! Ano pa ba ang hinihintay mo? Do you want to end up in a coffin before you realize he's a monster? Please, listen to me this time... iwan mo na si Henry. Pack your things. Kung kailangang sunduin kita kahit nandiyan siya, gagawin ko."
"O-Oo, Grace... iiwan ko na siya," basag ang boses kong sagot habang pinupunasan ang luha sa aking mga mata. "Ibibigay ko na lang sa kanya ang lahat ng mana ko... ibibigay ko 'yung twenty-five billion basta hayaan niya lang akong makipag-divorce at patahimikin na niya ako."
"Are you insane, Agnes?!" sigaw ni Grace sa kabilang linya, halatang hindi makapaniwala sa narinig. "Ibibigay mo ang buong pamana mo matapos ka niyang alipustahin?! Matalino ka, Agnes, pero bakit pagdating sa lalaking 'yan, nawawala ang utak mo?!"
“Ayoko na, Grace. Pagod na ako. Gusto ko na lang matapos ang lahat ng ito.”
Doon na natapos ang usapan namin.
Hindi ko namalayang nakatulog na lang ako sa kakaiyak.
Nang imulat ko ang aking mga mata, halos atakihin ako sa puso sa gulat. Si Henry agad ang bumungad sa akin. Nakaupo siya sa gilid ng kama, napakalapad ng ngiti, at nakatitig sa mukha ko.
"Good morning," malambing niyang bati. "I thought about what you said yesterday... at pumapayag na ako sa gusto mo."
Inilabas niya ang isang makapal na folder mula sa kanyang bag kasama ang isang ballpen.
"I’m giving you the divorce you want, Agnes. Pero bago iyon, kailangan mo munang pirmahan itong official documents ng paglilipat ng mana mo sa akin."
Inabot niya sa akin ang mga papel. Nakahinga ako nang maluwag. Sa wakas, matatapos na ang impyernong ito. Pero kasabay niyon ay ang matinding duda na gumapang sa aking dibdib.
Bakit ganoon kabilis? Bakit bigla siyang pumayag?
Alam kong kailangan ni Henry ang pera para sa proyekto niya, pero kilala ko siya. Napakagahaman niyang tao. Parang may mali. Pero dahil sa matinding desperasyon na makalaya mula sa kanya, ibinaon ko ang duda sa aking isip. Mabilis kong pinirmahan ang dokumento.
Nang isusunod ko na sana ang huling folder para sa divorce papers, mabilis iyong inagaw ni Henry mula sa aking mga kamay.
“Henry, anong ginagawa mo?!”
Marahang gumuhit ang isang nakakakilabot na ngisi sa kanyang mga labi. Sa harap ko mismo, pinunit-punit niya ang divorce papers at isinambulat ang mga piraso sa mukha ko.
“No… Henry! Huwag!”
"Sa tingin mo ba ganoon kabilis mo akong matatakasan, Agnes?" panunuya niya bago humalakhak nang napakalakas. "You are so damn stupid!”
Napatitig ako sa kanya habang nanlalamig ang buong katawan ko. The relief I felt seconds ago shattered into a million pieces.
"Matalino ka sana, pero pagdating sa akin, napakatanga mo," dagdag pa niya habang mabilis na tumatayo bitbit ang deed of assignment na may pirma ko. "Akin na ang pera mo, at mananatili ka pa ring nakatali sa akin hangga't gusto ko!"
Dinampot niya ang aking cellphone na nasa bedside table at mabilis na lumabas ng kuwarto. Bago pa ako makabangon mula sa kama, narinig ko na ang malakas na pagbagsak ng p***o at ang tunog ng double lock mula sa labas.
"Henry! Henry, buksan mo 'to! Please, Henry!" sigaw ko habang patakbong lumapit sa p***o.
Pinaghahampas at pinagsisipa ko ang matigas na kahoy hanggang sa mamula at magpasa ang aking mga kamay. I begged. I cried. Nagmakaawa ako nang paulit-ulit pero wala akong narinig mula sa labas kundi ang papalayong mga yapak at ang malamig na katahimikan ng bahay.
“Henry! Walanghiya ka! Napakasama mo!” hagulgol kong sigaw.
I need to get out of here. Ngayong nakuha niya na ang pirma ko… ang insurance ko na ang sunod niyang pupuntiryahin. And that means… he will kill me.
Dahil sa matinding desperasyong makatakas sa impyernong iyon, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mabilis akong lumapit sa bintana sa ikalawang palapag, binuksan iyon, at pikit-matang tumalon pababa.
"Aah!" napasigaw ako sa matinding sakit nang bumagsak ang katawan ko sa damuhan.
Dumikit ang lamig ng lupa sa aking mukha. Ramdam ko ang kirot na umaakyat mula sa aking paa hanggang sa aking binti. Mukhang napilayan ako, pero wala na akong oras para damdamin pa iyon. Pilit akong tumayo at iika-ikang tumakbo patungo sa garahe.
Sa gitna ng panginginig ng buong katawan ko, napatingin ako sa nakaparadang motor ni Henry. Suwerte kong nakasaksak pa roon ang susi. I don’t even know how to use this thing. Wala rin sa akin ang aking cellphone kaya imposibleng makatawag ako kay Grace o kahit kanino para humingi ng saklolo.
“Sh*t!” Para akong hinahabol ng hindi makitang nilalang. Madaling-madali ako sa takot na baka bumalik siya sa bahay at mahuli ako.
Sigurado akong iyon na ang katapusan ko kapag nagkataon.
Hawak ang nanginginig kong mga kamay, sumakay ako sa motor. Pilit kong inalala sa aking utak kung paano iyon pinaandar ni Henry noon.
Marahil dahil sa matinding desperasyon ay nagawa kong paganahin iyon.
Napaatras ako sa gulat nang halos sumirit ako paabante, pero mabilis kong piniga ang handbrake. Nanlalabo man ang aking mga mata dahil sa walang patid na pag-agos ng luha at nanginginig man ang buong katawan ko sa takot, sinikap kong panatilihing diretso ang pagpapatakbo.
Kailangan kong makarating kay Grace. She’s the only one who can help me right now.
Pagdating ko sa harap ng bahay niya, dali-dali akong bumaba sa motor kahit paika-ika ako dahil sa pilay kong paa. Nangangatog ang buong katawan ko habang inaangat ko ang aking kamay para pindutin ang doorbell, pero natigilan ako.
Naka-park sa driveway ang isang pamilyar na sasakyan…
“T-That’s Henry’s car…”
Biglang natigil ang aking paghinga.
Dahan-dahan kong inilipat ang aking paningin sa pintuan sa harap ng bahay. Para akong binuhusan ng napakalalamig na yelo sa nakita ko.
Nakatayo sa harap sina Henry at Grace. Hawak-hawak ni Henry ang malaking tiyan ni Grace habang magkahalikan sila... na para bang sila ang tunay na mag-asawa.
Napatakip ako sa sarili kong bibig. Parang hindi maiproseso ng aking utak ang eksenang nasa harap ko ngayon.
“G-Grace... and Henry… why are they together? Bakit magkahalikan sila ng asawa ko?!”
3rd Person’s POV"I'm not interested in whatever your friends are talking about," malamig at kumpiyansang pakli ni Agnes habang iniisa isa ang tingin sa iba pang miyembro ng grupo. "Wala akong planong gambalain o ang buhay mo. Gusto ko lang talaga ng bagong mapagkakaabalahan, isang bagay na makakapagpakalma sa utak ko."Bahagyang itinaas ni Gabriel ang kaniyang kilay, saka umismid, “That’s good then”.”He tried to sound calm pero dinig na dinig ang sarkasmo sa boses niya. Hindi niya inalis ang madilim na titig sa babae. "At sa tingin mo, ang patakbuhin 'yang Big Bike ngayon sa gitna ng gabi ang magpapakalma sa 'yo? Knowing you’re coming here with five guys waiting for you, you got quite the nerve.""Oddly enough... yes," sagot ni Agnes sabay isang tipid na ngiti na hindi man lang umaabot sa kaniyang mga mata. “Hindi naman ako natatakot.”Lalo niyang nakuha ang atensyon ni Gabriel nang sabihin niya iyon.Tumalikod si Gabriel at sumandal sa pader. Binunot niya ang isang pakete ng sigar
3rd Person’s POV Napatitig si Agnes sa screen ng kaniyang telepono habang pilit na kinakalma ang sarili. Sa kabilang linya, hindi tumitigil ang boses ng kaniyang kasambahay na si Cely sa pagpapayo. She just called her to vent out. Para isumbong ang mga ginagawa ni Luis at Grace. Pero ngayon ay siya na naman ang tinatalakan ni Cely. "Naku, Ma'am Agnes, pakinggan mo ako," pagsusumamo ni Cely mula sa kabilang linya habang may hawak na basahan sa kabilang kamay. "Kailangan niyo pong lumabas at maghanap ng ibang pagkakaabalahan para hindi kayo tuluyang kinakain ng depresyon diyan. Subukan niyo pong maghanap ng bagong hobby o kahit anong paglilibangan para maiba naman ang iniisip niyo. Pwede kayong mag travel, mag-aral sumayaw o kaya balikan niyo iyong dati niyong career bilang isang artista." "Cely, ayoko muna," pagtanggi ni Agnes. "Wala ako sa mood magpunta sa kung saan-saan o makipaghalubilo. Saka iyang pag-aartista, matagal ko na yang kinalimutan. Sa dami na ng nangyari sa buhay ko si
3rd Person’s POV Pagkaakyat nina Luis at Adela sa ikalawang palapag, mabilis na pumunta si Grace sa madilim na kusina. Dinig na dinig ang tunog ng kanyang stiletto sa sahig. Animong rumarampa pa at panay ang hampas ng kanyang buhok. "Oh? Agnes, gising ka pa pala?" pambungad niya sa babaeng tahimik na nag-iinom mag-isa. Ang sarap sarap na makita si Agnes sa ganong kalagayan para sa kanya. "Bakit ang dami mo yatang niluto? Nag-dinner na kami sa labas, eh. Ikaw naman, nag-abala ka pa." Tinapik niya pa si Agnes sa balikat. Sinisilip niya ang mga lumalamig nang pagkain habang si Agnes ay nananatiling nakatulala sa baso ng wine, walang kakurap kurap, walang kaimik imik, at walang kahit anong emosyon sa mukha. Inilapit pa ni Grace ang kaniyang mukha sa gitna ng mesa at nanlaki ang mga mata sa nakasulat sa cake. "Oh Gosh! Hala! Anniversary niyo ba ngayon?" bulalas niya, sabay takip sa kaniyang bibig na para bang talagang nagugulat. "Bumili ka pa ng cake? Oh gosh, Agnes, I’m so sorry... K
3rd Person’s POVMabilis na napatingin si Luis kay Grace, naghahanap ng pwedeng idahilan. Bubuka pa lang sana ang bibig ni Luis para magpaliwanag nang mabilis na humawak si Grace sa magkabilang kamay ni Adela."Of course, baby!" masayang singit ni Grace sa pagitan ng dalawa, may panlalaki ng mga mata at mabilis na pinangunahan si Luis. "Magkakasama tayo sa iisang bahay nina Daddy Luis mo! Di ba, Luis? Magiging isa tayong super happy family!""Grace, wait—" aalma pa sana si Luis at gustong ituwid ang sinabi nito, subalit naputol ang kaniyang salita nang biglang tumayo si Adela sa kaniyang upuan."Yehey! Magkakasama na kami ni Daddy Luis sa bahay!" masayang sigaw ng bata sabay pumalakpak at magtatalon sa sobrang tuwa.Napatingin si Luis sa bata. Nakita niya ang walang kapantay na sigla at saya sa mukha ni Adela, ang saya na sana ay matagal na niyang naiparamdam kung pinanindigan lang niya ito. Nalunok ni Luis ang sariling laway. Nawalan siya ng lakas na basagin ang pangarap ng bata.“San
3rd Person’s POVNakapaninibago ang katahimikan sa loob ng penthouse.Suot ang kanyang robe, bumaba sa hagdan si Agnes para hanapin ang kanyang nobyo. Isang kasambahay ang agad na lumapit sa kaniya habang nagpupunas ng lamesa."Nasaan asi Luis? Pati iyong mag-ina, bakit hindi ko nakikita?" tanong niya."A-Ah, Ma'am Agnes... maaga po silang umalis nina Sir Luis at Ma'am Grace," alanganing sagot ng katulong. "Dinala po si Adela sa hospital para ipa check-up."Napakunot ang noo ni Agnes. “Hospital? Bakit, may sakit ba 'yung bata?""Wala naman po daw ma'am. Sabi lang po ni Sir Luis, gusto lang niyang makasigurado na nasa maayos na kundisyon ang bata.""Gusto lang makasigurado..." pabulong at puno ng panunuya na ulit ni Agnes sa kaniyang sarili. Kailan pa naging ganito ka-paranoid si Luis sa isang simpleng bata? Kapag si Mateo ang nagkakasakit sinasabi lang niya na pampatibay daw iyon. Tapos itong Adela na maayos naman, ipapa check up niya pa? Tss!Hindi na siya nagtanong pa. Hinayaan na l
3rd Person’s POV "Mamaya na 'yan," putol ni Agnes sa galit ng lalaki. "Nakahanda na ang hapunan. Maghapunan na tayo." Walang nagawa si Luis kundi ibaba ang telepono. Sabay-sabay silang tatlo na lumipat sa dining area. Sobrang awkward ng katahimikan sa hapag-kainan. Walang sinumang nagtatangkang magsalita, ang tanging naririnig lamang ay ang mahinang kalansing ng mga kutsara at tinidor sa plato. Samantala, sa labas ng gate, masayang bumaba ng taxi si Grace. Bitbit niya ang napakaraming malalaking paper bags ng mga mamahaling brand na pinamili niya gamit ang card ni Luis. Taas ang noong lumapit si Grace sa gate, bitbit ang kaniyang mga shopping bags, at sunod-sunod na pinindot ang doorbell. Ngunit lumipas ang ilang minuto, walang sinumang lumalabas para pagbuksan siya. Inilabas niya ang kaniyang telepono at paulit-ulit na tinawagan si Luis. Ngunit walang sumasagot. Abalang kumakain ang lahat habang wala siya. Nanggagalaiti na si Grace sa inis. Nakatayo siya sa gitna ng kadiliman sa







