Share

3. KATAPUSAN KO

Author: Mir
last update publish date: 2026-08-18 11:41:54

AGNES LA TRINIDAD's POV

“I told you, pupunta ako sa check-up niyo ni baby. Kailan ba ako pumalya para diyan?” Ngiting-ngiting ani Henry habang niluluwagan ang suot na necktie. “Yeah, I’m not sure if she’s here yet… oo, the baby is gone. Sabi ko naman sa iyo magagawan ko ng paraan… Of course, kapag nailigpit na natin siya, ipapakilala na kita sa lahat… Kung kailangang ipatapon ko siya sa ibang bansa para lang masigurong mananahimik siya, gagawin ko. Kahit sa ilalim ng lupa ko pa siya itago, hahaha!... Yeah, we need to secure her inheritance first. After that, we’ll get the insurance. Kailangan lang natin palabasin na naaksidente siya.”

Nanlamig ang buong katawan ko. Ang bawat salitang binibitawan ni Henry ay parang matutulis na bubog na direktang sumasaksak sa puso ko—paulit-ulit, walang awa.

Tama nga si Luis… si Henry ang magiging katapusan ko.

Nanginig ang aking mga tuhod hanggang sa napaupo na lamang ako sa malamig na sahig. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala at basagin ang lahat ng bagay sa paligid ko, pero walang boses na lumalabas sa aking bibig. Sa sobrang sakit ay hindi ko na magawang magalit pa. Pagod na pagod na ako.

Dahan-dahan akong bumalik sa kuwarto at pilit na inayos ang sarili ko. Isa lang ang malinaw sa akin ngayon: kailangan kong makatakas at kailangan kong makalayo kay Henry. Halos magdugo ang ibabang labi ko dahil sa paulit-ulit na pagkagat dito.

“Hayop ka… hayop ka, Henry…” mahina kong usal sa hangin.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang mga yapak niya palapit sa p***o ng kuwarto.

“Honey, I’m home,” masayang-masaya nitong bati. “Oh? Umuwi ka nang ganyan ang hitsura? Bakit hindi mo pa ipinagamot iyang mga pasa mo sa ospital?”

Akmang hahawakan niya ang pisngi ko pero mabilis akong umiwas.

“Agnes, is something wrong?”

Ang mga mata niya, puno ng pag-aalala. Paano niya nagagawa iyon? Paano niya nagagawang ipakita ang pagmamahal at pag-aalaga sa akin habang sinasaksak niya ako nang patalikod?

“L-Let’s get a divorce.”

“What?!”

Ang kaninang pag-aalala sa mga mata niya ay napalitan ng takot, gulat, at galit.

“You heard me. I want to end this marria—aaah!!!”

Nalasahan ko ang dugong lumabas sa gilid ng labi ko matapos niya akong sampalan nang pagkalakas-lakas.

“Putang ina ka ba?! Ginagago mo ba ako? Ha?!” Halos mabingi ako sa kasisigaw niya.

Dinakma niya ang aking mga pisngi dahilan para lalong mapiga at magdugo ang aking mga labi.

“S-Stop… listen to me!”

“I won’t fucking divorce you! Minsan ko pang marinig sa iyo ‘yan, ililibing kita nang buhay!” sabi niya saka ako muling sinampal.

Pabalabag niya akong binitiwan. Sa kabila ng sakit at kawalang pag-asa ay pinilit ko pa ring makapagsalita.

“Let’s get a divorce… Ibibigay ko sa iyo nang buo ang inheritance ko. Just please, let me go…”

Pinanliitan niya ako ng mga mata at matagal na tinitigan. Pero kitang-kita ko ang ngising pilit niyang pinipigilan.

“Sa tingin mo ba, pera ang habol ko sa iyo? Ganoon ba kababa ang tingin mo sa akin?”

Pilit kong tinapangan ang sarili ko nang magsimula siyang lumapit sa akin. Hindi ko na kayang tumanggap pa ng pananakit niya… hindi na kaya ng katawan ko.

“A-Alam kong mas mayaman ang pamilya mo kumpara sa amin. But my inheritance alone is worth twenty-five billion. Y-You need funding for your next project, right? Let me give it all to you. Wala akong kukunin kahit piso. Makukuha mo iyon nang buong-buo.”

Napahinto siya at pinakatitigan ako na para bang inaaral ang bawat ekspresyon ko at inaalam kung ano ang iniisip ko. Nangangatog ang mga tuhod ko sa kaba. Maya-maya pa ay humakbang siya palapit sa akin. Naipikit ko nang mariin ang aking mga mata hanggang sa maramdaman ko ang palad niyang humaplos sa pisngi ko.

Mabigat, nakakapaso, at nakapanghihilakbot.

“I’ll think about your offer.”

Iyon lang ang sinabi niya bago ko marinig ang mga yapak niyang papalayo. Habol ang hininga akong napahawak sa aking dibdib nang tuluyan niyang isara ang pintuan.

Nanghihina akong napaupo sa gilid ng kama habang hawak-hawak ang nanginginig kong dibdib. Inabot ko ang bag ko sa bedside table at mabilis na kinuha ang aking cellphone. Pagkabukas na pagkabukas ko ng screen, halos mapuno ang notifications ko ng sunod-sunod na missed calls at messages mula sa best friend kong si Grace.

“Agnes, where are you?!” “Please answer my calls!” “Are you okay?!” “Kapag hindi ka pa nag-reply within the day, I swear ipapapulis ko na iyang asawa mo at magdadala ako ng media para guluhin siya!”

Seeing her messages made my tears fall again. Mabilis ko siyang tinawagan. Ilang ring pa lang ay agad niyang sinagot ang telepono.

"Agnes! Oh my God, salamat naman at sumagot ka! How are you feeling?" bungad ni Grace, halata ang matinding pag-aalala at takot sa kanyang boses.

"G-Grace..." halos manginig ang boses ko habang pilit na humihinga nang malalim. "I need help... gusto ko nang makipaghiwalay kay Henry."

“Aba, mabuti naman! Tell me, what happened?!"

"Nalaglag ang baby namin, Grace..." hikbi ko habang pinipigilan ang lakas ng iyak para hindi marinig ni Henry sa labas. "Wala na ang anak ko... pero wala siyang pakialam. Masaya pa siya, Grace. Masaya pa siya na nawala ang baby namin,” parang batang sumbong ko.

"Napakademonyo niya talaga! Kung nandiyan lang ako, aalisan ko ng b*yag ‘yan! Leche siya! Matagal ko nang sinasabi sa iyo na iwan mo na siya! His family might be wealthier than yours, but he's a fucking loser, Agnes!" nanggagalaiti niyang dagdag. "Uhaw na uhaw siya sa approval ng dad niya dahil palpak siya mula't mula pa lang! Deep down, he knows he’s nothing without his father’s name, at lalong wala siya kung wala ang tulong ng pamilya mo!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I am my Husband's Mistress    60. EMOTIONALLY UNSTABLE

    3rd Person’s POV"I'm not interested in whatever your friends are talking about," malamig at kumpiyansang pakli ni Agnes habang iniisa isa ang tingin sa iba pang miyembro ng grupo. "Wala akong planong gambalain o ang buhay mo. Gusto ko lang talaga ng bagong mapagkakaabalahan, isang bagay na makakapagpakalma sa utak ko."Bahagyang itinaas ni Gabriel ang kaniyang kilay, saka umismid, “That’s good then”.”He tried to sound calm pero dinig na dinig ang sarkasmo sa boses niya. Hindi niya inalis ang madilim na titig sa babae. "At sa tingin mo, ang patakbuhin 'yang Big Bike ngayon sa gitna ng gabi ang magpapakalma sa 'yo? Knowing you’re coming here with five guys waiting for you, you got quite the nerve.""Oddly enough... yes," sagot ni Agnes sabay isang tipid na ngiti na hindi man lang umaabot sa kaniyang mga mata. “Hindi naman ako natatakot.”Lalo niyang nakuha ang atensyon ni Gabriel nang sabihin niya iyon.Tumalikod si Gabriel at sumandal sa pader. Binunot niya ang isang pakete ng sigar

  • I am my Husband's Mistress    59. GABRIEL

    3rd Person’s POV Napatitig si Agnes sa screen ng kaniyang telepono habang pilit na kinakalma ang sarili. Sa kabilang linya, hindi tumitigil ang boses ng kaniyang kasambahay na si Cely sa pagpapayo. She just called her to vent out. Para isumbong ang mga ginagawa ni Luis at Grace. Pero ngayon ay siya na naman ang tinatalakan ni Cely. "Naku, Ma'am Agnes, pakinggan mo ako," pagsusumamo ni Cely mula sa kabilang linya habang may hawak na basahan sa kabilang kamay. "Kailangan niyo pong lumabas at maghanap ng ibang pagkakaabalahan para hindi kayo tuluyang kinakain ng depresyon diyan. Subukan niyo pong maghanap ng bagong hobby o kahit anong paglilibangan para maiba naman ang iniisip niyo. Pwede kayong mag travel, mag-aral sumayaw o kaya balikan niyo iyong dati niyong career bilang isang artista." "Cely, ayoko muna," pagtanggi ni Agnes. "Wala ako sa mood magpunta sa kung saan-saan o makipaghalubilo. Saka iyang pag-aartista, matagal ko na yang kinalimutan. Sa dami na ng nangyari sa buhay ko si

  • I am my Husband's Mistress    58. BURNT

    3rd Person’s POV Pagkaakyat nina Luis at Adela sa ikalawang palapag, mabilis na pumunta si Grace sa madilim na kusina. Dinig na dinig ang tunog ng kanyang stiletto sa sahig. Animong rumarampa pa at panay ang hampas ng kanyang buhok. "Oh? Agnes, gising ka pa pala?" pambungad niya sa babaeng tahimik na nag-iinom mag-isa. Ang sarap sarap na makita si Agnes sa ganong kalagayan para sa kanya. "Bakit ang dami mo yatang niluto? Nag-dinner na kami sa labas, eh. Ikaw naman, nag-abala ka pa." Tinapik niya pa si Agnes sa balikat. Sinisilip niya ang mga lumalamig nang pagkain habang si Agnes ay nananatiling nakatulala sa baso ng wine, walang kakurap kurap, walang kaimik imik, at walang kahit anong emosyon sa mukha. Inilapit pa ni Grace ang kaniyang mukha sa gitna ng mesa at nanlaki ang mga mata sa nakasulat sa cake. "Oh Gosh! Hala! Anniversary niyo ba ngayon?" bulalas niya, sabay takip sa kaniyang bibig na para bang talagang nagugulat. "Bumili ka pa ng cake? Oh gosh, Agnes, I’m so sorry... K

  • I am my Husband's Mistress    57. ANNIVERSARY

    3rd Person’s POVMabilis na napatingin si Luis kay Grace, naghahanap ng pwedeng idahilan. Bubuka pa lang sana ang bibig ni Luis para magpaliwanag nang mabilis na humawak si Grace sa magkabilang kamay ni Adela."Of course, baby!" masayang singit ni Grace sa pagitan ng dalawa, may panlalaki ng mga mata at mabilis na pinangunahan si Luis. "Magkakasama tayo sa iisang bahay nina Daddy Luis mo! Di ba, Luis? Magiging isa tayong super happy family!""Grace, wait—" aalma pa sana si Luis at gustong ituwid ang sinabi nito, subalit naputol ang kaniyang salita nang biglang tumayo si Adela sa kaniyang upuan."Yehey! Magkakasama na kami ni Daddy Luis sa bahay!" masayang sigaw ng bata sabay pumalakpak at magtatalon sa sobrang tuwa.Napatingin si Luis sa bata. Nakita niya ang walang kapantay na sigla at saya sa mukha ni Adela, ang saya na sana ay matagal na niyang naiparamdam kung pinanindigan lang niya ito. Nalunok ni Luis ang sariling laway. Nawalan siya ng lakas na basagin ang pangarap ng bata.“San

  • I am my Husband's Mistress    56. HAPPY FAMILY

    3rd Person’s POVNakapaninibago ang katahimikan sa loob ng penthouse.Suot ang kanyang robe, bumaba sa hagdan si Agnes para hanapin ang kanyang nobyo. Isang kasambahay ang agad na lumapit sa kaniya habang nagpupunas ng lamesa."Nasaan asi Luis? Pati iyong mag-ina, bakit hindi ko nakikita?" tanong niya."A-Ah, Ma'am Agnes... maaga po silang umalis nina Sir Luis at Ma'am Grace," alanganing sagot ng katulong. "Dinala po si Adela sa hospital para ipa check-up."Napakunot ang noo ni Agnes. “Hospital? Bakit, may sakit ba 'yung bata?""Wala naman po daw ma'am. Sabi lang po ni Sir Luis, gusto lang niyang makasigurado na nasa maayos na kundisyon ang bata.""Gusto lang makasigurado..." pabulong at puno ng panunuya na ulit ni Agnes sa kaniyang sarili. Kailan pa naging ganito ka-paranoid si Luis sa isang simpleng bata? Kapag si Mateo ang nagkakasakit sinasabi lang niya na pampatibay daw iyon. Tapos itong Adela na maayos naman, ipapa check up niya pa? Tss!Hindi na siya nagtanong pa. Hinayaan na l

  • I am my Husband's Mistress    55. PALAMUNIN

    3rd Person’s POV "Mamaya na 'yan," putol ni Agnes sa galit ng lalaki. "Nakahanda na ang hapunan. Maghapunan na tayo." Walang nagawa si Luis kundi ibaba ang telepono. Sabay-sabay silang tatlo na lumipat sa dining area. Sobrang awkward ng katahimikan sa hapag-kainan. Walang sinumang nagtatangkang magsalita, ang tanging naririnig lamang ay ang mahinang kalansing ng mga kutsara at tinidor sa plato. Samantala, sa labas ng gate, masayang bumaba ng taxi si Grace. Bitbit niya ang napakaraming malalaking paper bags ng mga mamahaling brand na pinamili niya gamit ang card ni Luis. Taas ang noong lumapit si Grace sa gate, bitbit ang kaniyang mga shopping bags, at sunod-sunod na pinindot ang doorbell. Ngunit lumipas ang ilang minuto, walang sinumang lumalabas para pagbuksan siya. Inilabas niya ang kaniyang telepono at paulit-ulit na tinawagan si Luis. Ngunit walang sumasagot. Abalang kumakain ang lahat habang wala siya. Nanggagalaiti na si Grace sa inis. Nakatayo siya sa gitna ng kadiliman sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status