LOGINGrabe, hindi ko inexpect na napakarami palang naghihintay ng update dito. Thank you so much po sa support, lalo na sa mga nagbibigay ng gems at nagiiwan ng comments. Maraming salamat din po sa mga bumibili ng chapters <3
3RD PERSON’s POVPagmulat ng mga mata ni Agnes, bumungad sa kanya ang pamilyar at tahimik na silid sa penthouse nila ni Luis. Pagsilip niya sa malaking bintana, madilim pa ang paligid, isang patunay na malayo pa ang umaga.Napatulala siya sa malaking salamin. Bawat detalye ng nangyari kagabi sa ballroom ay paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isip na parang isang bangungot na ayaw siyang tantanan.Napahawak si Agnes sa kanyang dibdib. Bakit napakasakit? Mas masakit pa ito kaysa nung gumuho ang buhay niya dahil kina Henry at Grace.Dahil si Luis... si Luis ang lahat para sa kanya.Naalala ni Agnes ang mga panahong halos sumuko na siya sa buhay. Si Luis ang dumating nung mga oras na gusto na niyang mawala sa mundo. Siya ang humawak sa kanyang mga kamay, naging tanggulan niya, at nagbigay sa kanya ng dahilan para muling huminga. Si Luis ang tumayo sa tabi niya nung mga gabing umiiyak siya para sa nawala niyang anak, pinalakas ang loob niya para makapaghiganti, at tinuruan siyang maging mas
3rd Person’s POV "Agnes, please, huwag ka nang makinig sa babaeng 'to," mabilis at bakas ang kaba na usal ni Luis habang pilit na ikinukubli ang gutay-gutay na papel sa kanyang likuran. "Nababaliw na siya! Ginagawa niya lang 'to para sirain tayo, para sirain ang celebration natin! Let's not give her that satisfaction. Agnes, please." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Grace at pilit itong pinapatitig sa kanya pero napuno na ng pagdududa ang mga mata ng babae. Biglang humalakhak nang malakas si Grace, isang nakaririnding tawa na puno ng panunuya. "See? Ayaw niyang makita mo ang DNA test result dahil ayaw niyang malaman mo ang totoo!" sigaw ni Grace sabay turo kay Luis. "Takot na takot siya, Agnes! Kasi kapag nabasa mo 'yan, magigising ka sa katotohanang isang malaking kasinungalingan lang ang lahat ng ipinangako niya sa iyo! Paano ba iyan? Hahahaha! Ako na naman ang panalo!" Gigil na nilingon ni Luis ang mga tauhan sa paligid. "Security! Ano pa ang tinitingin-tingin niyo ri
3rd Person’s POV "Ganyan ka na ba talaga kadesperada, Grace?" panunuya ni Agnes, mariin ang bawat salita. "Pati si Luis na naging mabait sa 'yo mula pa noon, gagawan mo ng kwento? Hah! Ibang klase!"Bawat mata at tainga sa grand ballroom ay nakatutok sa kanila, pero wala nang pakialam si Grace. Inayos niya ang hawak sa kamay ng anak bago idinuro si Agnes."Gawa-gawang kwento?!" singhal ni Grace, sarkastikong tumatawa. "Gising, Agnes! Si Luis ang totoong nakabuntis sa akin! Why don’t you tell her about us, Luis? Sabihin mo kung paano ka nagpakasarap sa katawan ko!”Ayaw man paniwalaan ni Agnes ang mga sinasabi niya ay hindi pa rin niya maiwasang mamuo ang kanyang mga luha.“Grace, can you please shut up?!”“Shut up?! Why?! Ayaw mong malaman niya kung paano ko kayo pinagsabay ni Henry?!”Napasinghap ang mga tao.“She’s bragging about these kind of foolishness? Napakaruming babae!” anang isa sa mga bisita. “Oh yes!” sigaw ni Grace, “Pinagsabay ko sila dahil maganda at masarap ako! Haha
3rd Person's POV Nag-uumapaw sa karangyaan at kasiyahan ang Grand Ballroom ng The Shangri-La Manila. Habang marahang sumasayaw sina Luis at Agnes sa gitna ng dance floor, nakatutok sa kanila ang spotlight pati na nag atensyon ng lahat. "You look breathtaking tonight, my love," bulong ni Luis sa tainga ni Agnes habang inaalalayan ito sa pagsayaw. Napakapit si Agnes sa mga balikat ng lalake at ngumiti nang napakatamis. "You too, my love. Tingnan mo si Mateo, tuwang-tuwa sa mga bisita." Napasandal siya sa dibdib ng lalake habang nakasandal sa dibdib ni Luis, “Ang bilis niyang lumaki. Pero ang cute cute pa rin niya.” "Tuwang tuwa nga siya, kanina pa excited. Feeling niya birthday niya," sagot ni Luis na natatawa. Inikot siya ng lalake paharap sa bata. Habang nasa likod niya si Luis ay bigla itong lumuhod sa isa niyang tuhod. "Luis? What are you doing?" nagtatakang tanong ni Agnes. Dahan-dahang lumuhod si Luis sa harap ni Agnes habang inilalabas ang isang maliit na velvet box mula
3rd Person’s POV"Henry, please naman!" sigaw ni Grace, halos maiyak habang nakatitig sa lalaki. "Ibenta mo na 'yang relo mo! Wala na tayong pambili ng gatas ni Adela! Wala na rin tayong pambayad sa kuryente, anumang oras ay puputulan na tayo!"“Kung bakit naman kasi may bill agad eh kalilipat lang natin!”“Eh hindi ba wala tayong deposit, ang pakiusap lang ng landlord tayo ang magbayad ng last month electric bill! Sabi mo gagawan mo ng para–”“Manahimik ka nga, Grace!" galit na singhal ni Henry sabay tago ng relo sa likod niya. "Hinding-hindi ko ibebenta 'to! Ito na lang ang natitirang patunay na hindi ako dukha na kagaya mo! Kapag tinanggal ko 'to, ano na lang ang itatawag sa 'kin ng mga tao?! Pulubi?! Magmumukha akong mahirap kapag wala 'to!"Napatingin si Grace kay Henry na may halong pagkadismaya at pagkamuhi. Araw-araw, unti-unting nabubulatlat sa harap niya ang totoong ugali ng lalaking minsan niyang ipinagpalit para sa lahat ng mayroon siya. Nasaan na ang Henry na maawain, mapa
3rd Person’s POVHindi na napigilan ni Agnes ang sarili. Nang makitang pigil na pigil ang ngiti ni Luis habang patuloy siyang tinutukso, mabilis siyang dumampot ng kaunting harina mula sa counter at walang kaabog-abog na ipinahid iyon sa makinis at guwapong pisngi ng lalaki."Ayan! Para quits tayo," halakhak ni Agnes.Napailing na lang si Luis, ngunit sa halip na magalit ay dahan-dahan niyang inagaw ang spatula sa kamay ng babae at ibinaba iyon sa mesa.“Ah ganon? Hali ka!”Sa isang iglap, inilagay ni Luis ang kanyang dalawang kamay sa baywang ni Agnes at saka ito binuhat paitaas upang paupuin sa mismong ibabaw ng kitchen island, sa gitna ng mga nagkalat na sangkap at harina.Nagkatitigan silang dalawa. Ang kaninang kapilyohan nila ay biglang napalitan ng isang nakabibinging katahimikan,Yumuko si Lius, marahang inilapat ang kanyang noo sa noo ni Agnes. Ang kanyang mainit na hininga ay humahaplos sa mga labi ng babae. Dahan-dahan niyang pinunasan ang natitirang tsokolate sa leeg ni Ag







