LOGIN3rd Person’s POV"I'm not interested in whatever your friends are talking about," malamig at kumpiyansang pakli ni Agnes habang iniisa isa ang tingin sa iba pang miyembro ng grupo. "Wala akong planong gambalain o ang buhay mo. Gusto ko lang talaga ng bagong mapagkakaabalahan, isang bagay na makakapagpakalma sa utak ko."Bahagyang itinaas ni Gabriel ang kaniyang kilay, saka umismid, “That’s good then”.”He tried to sound calm pero dinig na dinig ang sarkasmo sa boses niya. Hindi niya inalis ang madilim na titig sa babae. "At sa tingin mo, ang patakbuhin 'yang Big Bike ngayon sa gitna ng gabi ang magpapakalma sa 'yo? Knowing you’re coming here with five guys waiting for you, you got quite the nerve.""Oddly enough... yes," sagot ni Agnes sabay isang tipid na ngiti na hindi man lang umaabot sa kaniyang mga mata. “Hindi naman ako natatakot.”Lalo niyang nakuha ang atensyon ni Gabriel nang sabihin niya iyon.Tumalikod si Gabriel at sumandal sa pader. Binunot niya ang isang pakete ng sigar
3rd Person’s POV Napatitig si Agnes sa screen ng kaniyang telepono habang pilit na kinakalma ang sarili. Sa kabilang linya, hindi tumitigil ang boses ng kaniyang kasambahay na si Cely sa pagpapayo. She just called her to vent out. Para isumbong ang mga ginagawa ni Luis at Grace. Pero ngayon ay siya na naman ang tinatalakan ni Cely. "Naku, Ma'am Agnes, pakinggan mo ako," pagsusumamo ni Cely mula sa kabilang linya habang may hawak na basahan sa kabilang kamay. "Kailangan niyo pong lumabas at maghanap ng ibang pagkakaabalahan para hindi kayo tuluyang kinakain ng depresyon diyan. Subukan niyo pong maghanap ng bagong hobby o kahit anong paglilibangan para maiba naman ang iniisip niyo. Pwede kayong mag travel, mag-aral sumayaw o kaya balikan niyo iyong dati niyong career bilang isang artista." "Cely, ayoko muna," pagtanggi ni Agnes. "Wala ako sa mood magpunta sa kung saan-saan o makipaghalubilo. Saka iyang pag-aartista, matagal ko na yang kinalimutan. Sa dami na ng nangyari sa buhay ko si
3rd Person’s POV Pagkaakyat nina Luis at Adela sa ikalawang palapag, mabilis na pumunta si Grace sa madilim na kusina. Dinig na dinig ang tunog ng kanyang stiletto sa sahig. Animong rumarampa pa at panay ang hampas ng kanyang buhok. "Oh? Agnes, gising ka pa pala?" pambungad niya sa babaeng tahimik na nag-iinom mag-isa. Ang sarap sarap na makita si Agnes sa ganong kalagayan para sa kanya. "Bakit ang dami mo yatang niluto? Nag-dinner na kami sa labas, eh. Ikaw naman, nag-abala ka pa." Tinapik niya pa si Agnes sa balikat. Sinisilip niya ang mga lumalamig nang pagkain habang si Agnes ay nananatiling nakatulala sa baso ng wine, walang kakurap kurap, walang kaimik imik, at walang kahit anong emosyon sa mukha. Inilapit pa ni Grace ang kaniyang mukha sa gitna ng mesa at nanlaki ang mga mata sa nakasulat sa cake. "Oh Gosh! Hala! Anniversary niyo ba ngayon?" bulalas niya, sabay takip sa kaniyang bibig na para bang talagang nagugulat. "Bumili ka pa ng cake? Oh gosh, Agnes, I’m so sorry... K
3rd Person’s POVMabilis na napatingin si Luis kay Grace, naghahanap ng pwedeng idahilan. Bubuka pa lang sana ang bibig ni Luis para magpaliwanag nang mabilis na humawak si Grace sa magkabilang kamay ni Adela."Of course, baby!" masayang singit ni Grace sa pagitan ng dalawa, may panlalaki ng mga mata at mabilis na pinangunahan si Luis. "Magkakasama tayo sa iisang bahay nina Daddy Luis mo! Di ba, Luis? Magiging isa tayong super happy family!""Grace, wait—" aalma pa sana si Luis at gustong ituwid ang sinabi nito, subalit naputol ang kaniyang salita nang biglang tumayo si Adela sa kaniyang upuan."Yehey! Magkakasama na kami ni Daddy Luis sa bahay!" masayang sigaw ng bata sabay pumalakpak at magtatalon sa sobrang tuwa.Napatingin si Luis sa bata. Nakita niya ang walang kapantay na sigla at saya sa mukha ni Adela, ang saya na sana ay matagal na niyang naiparamdam kung pinanindigan lang niya ito. Nalunok ni Luis ang sariling laway. Nawalan siya ng lakas na basagin ang pangarap ng bata.“San
3rd Person’s POVNakapaninibago ang katahimikan sa loob ng penthouse.Suot ang kanyang robe, bumaba sa hagdan si Agnes para hanapin ang kanyang nobyo. Isang kasambahay ang agad na lumapit sa kaniya habang nagpupunas ng lamesa."Nasaan asi Luis? Pati iyong mag-ina, bakit hindi ko nakikita?" tanong niya."A-Ah, Ma'am Agnes... maaga po silang umalis nina Sir Luis at Ma'am Grace," alanganing sagot ng katulong. "Dinala po si Adela sa hospital para ipa check-up."Napakunot ang noo ni Agnes. “Hospital? Bakit, may sakit ba 'yung bata?""Wala naman po daw ma'am. Sabi lang po ni Sir Luis, gusto lang niyang makasigurado na nasa maayos na kundisyon ang bata.""Gusto lang makasigurado..." pabulong at puno ng panunuya na ulit ni Agnes sa kaniyang sarili. Kailan pa naging ganito ka-paranoid si Luis sa isang simpleng bata? Kapag si Mateo ang nagkakasakit sinasabi lang niya na pampatibay daw iyon. Tapos itong Adela na maayos naman, ipapa check up niya pa? Tss!Hindi na siya nagtanong pa. Hinayaan na l
3rd Person’s POV "Mamaya na 'yan," putol ni Agnes sa galit ng lalaki. "Nakahanda na ang hapunan. Maghapunan na tayo." Walang nagawa si Luis kundi ibaba ang telepono. Sabay-sabay silang tatlo na lumipat sa dining area. Sobrang awkward ng katahimikan sa hapag-kainan. Walang sinumang nagtatangkang magsalita, ang tanging naririnig lamang ay ang mahinang kalansing ng mga kutsara at tinidor sa plato. Samantala, sa labas ng gate, masayang bumaba ng taxi si Grace. Bitbit niya ang napakaraming malalaking paper bags ng mga mamahaling brand na pinamili niya gamit ang card ni Luis. Taas ang noong lumapit si Grace sa gate, bitbit ang kaniyang mga shopping bags, at sunod-sunod na pinindot ang doorbell. Ngunit lumipas ang ilang minuto, walang sinumang lumalabas para pagbuksan siya. Inilabas niya ang kaniyang telepono at paulit-ulit na tinawagan si Luis. Ngunit walang sumasagot. Abalang kumakain ang lahat habang wala siya. Nanggagalaiti na si Grace sa inis. Nakatayo siya sa gitna ng kadiliman sa







