Share

Chapter 130

Penulis: Author Rain
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-15 00:06:35

“Ano ba! Bakit ka ba nakikialam! Pera 'yan ng pamilya ko kaya pera ko na rin'yan! At saka hindi na ako bata, at hindi ako papasok sa school ngayon!” sigaw nito sabay sipa sa kanya palayo. “Alis! Matutulog na ulit ako! Umalis ka!”

Umayos ito ng higa at saka nagtalukbong ng kumot.

Naiinis na hinila niya ang kumot at inihagis ito sa sahig. Lalong nanggalaiti sa kanya si Diane at galit na galit na umupo ito at hinarap siyang muli.

“Alam mo ikaw, nabubwisit na ako sa’yo!” pagduduro nito sa kanya. “Malapit nang mag-seven thirty. Kakain pa ako, maliligo, magbibihis, mag-aayos! Do you think aabot pa ako sa eight o’clock na klase ko? Ang bobo mo talaga! Sa ating dalawa, dapat ikaw ang pumasok dahil wala kang pinag-aralan!”

Naikuyom niya ang mga palad sa paraan ng pagtawag nito sa kanya. Siya? Bobo? Pinigilan niya ang sariling sapakin ang dalaga, dahil siguradong mababaliktad siya kapag sinaktan niya ito.

“Do you really think na kaya mo akong pasunurin? Bakit? Magkano ba ang pasahod sa’yo ni d
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
thanks for the update huli k Natalie hahaha
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • I am your Legal Wife   Chapter 130

    “Ano ba! Bakit ka ba nakikialam! Pera 'yan ng pamilya ko kaya pera ko na rin'yan! At saka hindi na ako bata, at hindi ako papasok sa school ngayon!” sigaw nito sabay sipa sa kanya palayo. “Alis! Matutulog na ulit ako! Umalis ka!”Umayos ito ng higa at saka nagtalukbong ng kumot. Naiinis na hinila niya ang kumot at inihagis ito sa sahig. Lalong nanggalaiti sa kanya si Diane at galit na galit na umupo ito at hinarap siyang muli.“Alam mo ikaw, nabubwisit na ako sa’yo!” pagduduro nito sa kanya. “Malapit nang mag-seven thirty. Kakain pa ako, maliligo, magbibihis, mag-aayos! Do you think aabot pa ako sa eight o’clock na klase ko? Ang bobo mo talaga! Sa ating dalawa, dapat ikaw ang pumasok dahil wala kang pinag-aralan!”Naikuyom niya ang mga palad sa paraan ng pagtawag nito sa kanya. Siya? Bobo? Pinigilan niya ang sariling sapakin ang dalaga, dahil siguradong mababaliktad siya kapag sinaktan niya ito.“Do you really think na kaya mo akong pasunurin? Bakit? Magkano ba ang pasahod sa’yo ni d

  • I am your Legal Wife   Chapter 129

    Sa pangalawang pagkakataon ay namula ang kanyang mukha at ngumiti lamang kay Mr. Lopez. Napatingin siya sa orasan at nakita niyang malapit nang mag-alas siyete. Oras na para gisingin ang mahal na prinsesa dahil papasok na siya sa school.“Gigisingin ko lang po si Diane. May pasok pa kasi siya.” paalam niya dito at nagmamadaling lumabas na ng kusina.“Wait! Hindi ka ba kakain muna?” habol na tanong sa kanya ni Mr. Lopez.“Sabay na lang po kami ni Diane.” sagot niya dito at saka tuluyang umalis. Pero bago siya umakyat sa hagdan ay may isang bulto ang bumangga sa kanya at pagharap niya dito ay bigla siyang hinila ni Caleb at isinandal sa dingding sa ilalim ng hagdan, at idinikit ang katawan sa kanya.“Caleb, ano bang ginagawa mo? Baka may makakita sa atin?” galit na itinulak niya ito palayo sa katawan niya, pero imbes na lumayo ay lalo pa nitong idinikit ang matipunong dibdib nito sa kanyang malulusog na hiyas, at napasinghap siya nang may maramdaman siyang namumukol sa baba. Mabilis n

  • I am your Legal Wife   Chapter 128

    “Tutulungan ko na po si Caleb, kung okay lang po sa inyo. Para makakain na rin po kayo ng almusal.” suhestiyon ni Nathalie at lumapit sa puwesto ng binata na matamang nakatingin sa kanya.“Really? You know how to cook?” namamanghang tanong ni Mr. Lopez at pinanood siya habang naghuhugas ng kamay.“Opo.” sagot niya at pasimpleng itinulak palayo si Caleb at binuhat ang bowl at itinapon ang sobrang tubig nito, at saka inumpisahan ang pagmamasa sa dough.Si Andres na kababata nila ni Andeng, at nagtapat ng pag-ibig sa kanya ngunit tinanggihan niya dahil may gusto dito si Andeng ay may bakery sa kanilang lugar. Kapag hindi masyadong busy sa bukid ay nagpupunta sa bahay nito para panoorin kung paano ito gumawa ng pandesal. Minsan ay tinutulungan din niya itong magbenta, at binibigyan siya ng komisyon, depende sa mabebenta kaya naman tuwang-tuwa siya kapag nakakabenta sila ng madami.Minsan ay tinuruan siya nitong magmasa, pero hindi niya nagustuhan ang pagtuturo nito dahil sa paraan ng pagh

  • I am your Legal Wife   Chapter 127

    "Hoy! Mahiya ka sa mga pinagsasabi mo ha!" namumula pa rin ang mukhang muli siyang nahiga at nagkumot ulit, pero hanggang taas ng dibdib lang. "Hindi ko type ang kuya mo. Ang panget niya kaya. At saka si Adrian ang boyfriend ko 'no!""What?" Dahil sa narinig ay bigla na naman itong nagtaray. "Hindi mo siya pwedeng magustuhan dahil akin lang siya! Isusumbong kita kay kuya! Panget pala ha!""Hoy! Baka magalit sa'kin 'yun!" "Bahala ka sa buhay mo! Masama pa naman magalit 'yun!"sabi nito at saka nito hinila ang kumot at nahiga sa tabi niya, pero nakatalikod naman ito. Dahan-dahan niyang hinilang muli ang kumot at nakishare dito, at nakahinga siya ng maluwag nang hindi na ito nagprotesta pa. Akala niya ay magpapambuno na naman sila dahil lamang sa isang kumot.Ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata nang mapansing bukas pa ang ilaw. "Diane, gusto mo bang patay ang ilaw o hindi?" masuyo niyang tanong sa dalaga, pero hindi ito sumagot.Napabuntong-hinga na lamang siya, at akmang ipipikit

  • I am your Legal Wife   Chapter 126

    "Ano ba! Bitawan mo nga ako!" naramdaman niya ang pagganti ng yakap sa kanya kanina ni Diane, pero mukhang nahimasmasan na ito kaya bigla siyang itinulak palayo.Maldita talaga!Gumanti din siya ng tulak, at napaupo pa ito sa sofa, bago dumausdos pababa sa sahig dahil sa mga unan at kumot na ibinato nito sa kanya. "Aaahhh!" nanggigigil na sigaw na naman nito, at pinagsusntok ang mga unan na naupuan ng spoiled brat na dalaga.Pinigil naman niya ang sariling mapabunghalit ng tawa dahil sa itsura nito na nakabukaka at nanggigil sa inis. Pero in fairness, napakaganda pa rin nito kahit galit na. Para itong isang cute na manika na may maggandang mga mata at mahahabang pilik-mata. Hindi na siya magtataka kung bakit nainlove dito si Adrian.Hindi niya binigyang pansin ang pagmamarakulyo nit at naglakad siya patungo sa walk-in closet na nasa gilid ng kuwarto malapit sa banyo. Lalo siyang namangha nang makita kung gaano kadami ang damit at sapatos ni Diane na halos mapuno na nito ang buong kuwa

  • I am your Legal Wife   Chapter 125

    Napatigil ang dalawa nang bigla ulit bumukas ang pinto, at bumaha ng liwanag sa buong kwarto. Nang tumingin si Caleb sa ilalim ay kitang-kita niya ang mga paa ni Manang Rita na pumasok sa loob. Pigil ang kanilang mga hininga nang inayos nito ang nagulong kama, at nang matapos ito ay nakita niya ang sandals at bag ni Nathalie na nasa kabilang gilid ng kama."Ay kanina kaya ang mga ito?" tanong ng matanda at saka dinampot ang itim na sandals at bag niya. Inilagay lamang niya ang sandalas sa gilid ng nightstand at ang bag sa ibabaw. Pagkatapos ayusin ang kurtina ay pinatay na nito ang ilaw at lumabas na rin ito ng kuwarto. Napabuga ng hangin si Nathalie, at sa pagkakataong iyon ay biglang nawala ang init na nararamdaman niya, kaya umalis na siya sa pagkakagadan kay Caleb, at gumapang palabas sa ilalim ng kama.Habang pinapagpag ang kanyang dress ay sumunod namang lumabas si Caleb. Dinampot nito ang bag at sandals niya at saka iniabot sa kanya ang kanyang shoulder bag, bago ito yumuko at

  • I am your Legal Wife   Chapter 124

    Inumpisahan ni Caleb ang maghanap sa likod bahay kung saan niya nakita kanina si Nathalie, dahil baka nagpapahangin na naman ulit ito, pero wala ang dalaga doon. Nagpunta din siya sa may pool at sa garden, pero hindi niya naaninag ni ang anino nito. Nilibot niya ang buong kabahayan mula sa may gate hanggang sa kusina, pero wala talaga ito.Pagod na siya magpaikot-ikot, idagdag pa na medyo sumasakit na ang ulo niya dahil sa nainom kanina. At medyo parang umiikot na rin ang paningin niya dahil sa ingay at dami ng mga tao, kaya napagpasyahan niyang magpahinga na lang muna. Baka umuwi na rin si Nathalie at sinasayang niya lamang ang oras niya sa paghahanap dito.Nagpasya siyang umakyat na sa taas upang makapagpahinga. Huminto siya sa tapat ng kanyang kuwarto, pero medyo napaisip siya at may pag-aalinlangan. Baka biglang pumasok dito si Andrea, at piliting matulog sa tabi niya.Nilampasan niya ang kanyang kuwarto at napagpasyahang sa dulong kuwarto na lamang magpahinga. Isa itong guest roo

  • I am your Legal Wife   Chapter 123

    "Nathalie, am I right?" nakangiting nakipagkamay si Mr. Salvador sa kanya, at kulang na lang ay yakapin siya nito, kaya naman medyo napaatras siya sa kaba."Ako nga po. Kaibigan po ba kayo ni Tito Anthony? Parang nakita ko na po kayo dati sa bahay." noong umuwi siya galing Subic at kinumpronta si Tonyo dahil binangga nito si Jasmine, natatandaan niyang isa ito sa mga bisita noon sa malaking bahay na pinaalis nila bago siya binugbog."Yes, yes. You're right, Nathalie. Ilang beses na din akong nakabisita sa bahay niyo." sagot nito pagkatapos bitawan ang kamay niya. "And I'm glad na nakilala din kita sa personal."So, close pala ito at si Tonyo. Sabi nga nila, kung sino pa ang malapit sa'yo ay siya pang hindi mo inaasahan na iipot sa ulo mo."Ganun po ba? Nice meeting you po ulit, sir." isang makahulugang ngiti ang isinukli niya dito at bago tumalikod at bumalik sa tabi ni Adrian ay sinulyapan niya muna si Daphne na lumalaki ang ilong sa galit habang pinapanood siya palayo.May nadagdag

  • I am your Legal Wife   Chapter 122

    "Dad, Nathalie is still young, and I don't think she's matured enough to be Diane's guide." mabilis na sumingit sa kanila si Andrea, at habang kinukumbinsi nito ang matanda, ay kitang-kita niya kung paano siya nito pinanlisikan ng mga mata.Nang malaman niya na kakambal niya pala si Andeng ay ipinagdasal niya na sana ay maglaho na ang lahat ng sama ng loob niya dito. Ang tanging gusto lamang niyang maramdaman para dito ay awa. Awa dahil hindi niya alam kung magbabago pa ito. Awa dahil mas malinaw pa sa tubig na ito lamang ang nagmamahal kay Caleb. Awa dahil niloloko lamang siya ng lalaking pakakasalan, pinapaasa na mahal din siya. Halata naman na hindi siya nito mahal, at mukhang hindi mamahalin kahit kailan. Hindi niya rin sigurado kung itutuloy pa ni Caleb ang kasal nilang dalawa dahil sa mga natuklasan nito tungkol kay Andrea.Pero tuwing naiisip niya ang kanyang tatay at ang lahat ng ginawa ni Andrea--ang pananakit nito sa kanilang mag-ama, ang sabihin sa kanyang tatay sa pamama

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status