Share

Chapter 167

Author: Author Rain
last update Last Updated: 2025-07-12 23:59:16

Ang mga pekeng ngiting nakaplaster sa mukha ng mga pekeng Mondragon ay hindi napalis hanggang sa tuluyang mawala sa paningin nila ang mag-asawa.

Nang marinig nila ang pag-alis ng sasakyan ng mga ito ay saka lang unti-unting bumalik sa pagiging seryoso ang mga mukha nila.

“Bakit parang ang bait mo naman yata sa malanding ‘yun, mommy!” agad na kinumpronta ni Alvin ang kanyang ina. Tahimik lang siyang nakikinig sa mga pinag-uusapan ng mga ito kanina habang naglalaro sa cellphone nito.

Hindi sumagot si Daphne. Umupo ito sa sofa na iritable ang mukha. Galit siya. Galit na galit siya dahil sa naging takbo ng mga pangyayari. Hindi niya akalain na sa plano nilang pagpapalit ng mukha ni Natnat ay kanya iyong sinamantala para makuha si Caleb, at pakasalan siya nito.

Ang alam lang niyang motibo ng dalaga noong una ay dahil sa pagkamatay ng tatay nito. Pero ngayon, natuklasan nila na buhay pa si Claire at ang tumutulong sa kanya ay ang malanding nanay ni Natnat na si Sandra.

Sino ba ang mag-aaka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • I am your Legal Wife   Chapter 168

    Pumasok ulit sa school si Nathalie. Napansin niyang hindi na siya masyadong pinagchichismisan ng ibang mga estudyante. Panaka-nakang sinusulyapan siya ng mga ito, pero wala namang sinasabi.Okay na rin ang pakiramdam niya. Pagkatapos niyang makunan, medyo traumatic pa rin ang nangyari, pero unti-unti na siyang nakarecover at maayos na ang pangangatawan niya.,Malapit na ang bakasyon. Ibig sabihin, makakapunta na siya sa Amerika para ibalik ang dati niyang mukha. Iyon ang napag-usapan nila ni Caleb noong nakaraang linggo pagkauwi nila galing sa mga pekeng Mondragon. Mayroon din daw itong sorpresa sa kanya. Sana daw ay huwag siyang mabibigla.Hindi siya excited sa sorpresa nito dahil hindi naman siya mahilig sa mga ganito. Mas excited siyang ibalik ang dati niyang mukha.Nagtataka din siya kung bakit hindi sila ginugulo ni Andrea ngayon. Mula nang manggaling sila sa bahay ng mga ito ay hindi pa ulit niya ito nakikita. Siguro ay nauntog ang ulo nito sa pader at nagising. Napagtantong hin

  • I am your Legal Wife   Chapter 167

    Ang mga pekeng ngiting nakaplaster sa mukha ng mga pekeng Mondragon ay hindi napalis hanggang sa tuluyang mawala sa paningin nila ang mag-asawa. Nang marinig nila ang pag-alis ng sasakyan ng mga ito ay saka lang unti-unting bumalik sa pagiging seryoso ang mga mukha nila.“Bakit parang ang bait mo naman yata sa malanding ‘yun, mommy!” agad na kinumpronta ni Alvin ang kanyang ina. Tahimik lang siyang nakikinig sa mga pinag-uusapan ng mga ito kanina habang naglalaro sa cellphone nito.Hindi sumagot si Daphne. Umupo ito sa sofa na iritable ang mukha. Galit siya. Galit na galit siya dahil sa naging takbo ng mga pangyayari. Hindi niya akalain na sa plano nilang pagpapalit ng mukha ni Natnat ay kanya iyong sinamantala para makuha si Caleb, at pakasalan siya nito.Ang alam lang niyang motibo ng dalaga noong una ay dahil sa pagkamatay ng tatay nito. Pero ngayon, natuklasan nila na buhay pa si Claire at ang tumutulong sa kanya ay ang malanding nanay ni Natnat na si Sandra.Sino ba ang mag-aaka

  • I am your Legal Wife   Chapter 166

    Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ngumiti ng makahulugan. Ngunit dagling napawi ang mga ngiti sa kanyang mga labi nang narinig niyang muling bumukas ang pinto. Akala niya ay ang kakambal niya ulit ito kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon para idilat ang mga mata, pero naramdaman niya ang isang mabigat na katawan na pumaibabaw sa kanya. Nagulat siya at idinilat ang mga mata. “Caleb, anong ginagawa mo?” tanong niya sa asawa. Sinusubukan niya itong itulak paalis sa kanya, pero sa sobrang bigat nito ay hindi niya kaya.Nagkatitigan sila at nakita niya ang pait at sakit sa mga mata nito. “Dahil sa pera? Talaga?” nakaismid na tanong nito sa kanya. “Pinakasalan mo ako dahil sa pera?”Nanlaki ang mga mata niya. Narinig nito ang sinabi niya kay Andrea. O baka naman inirecord ni Andrea ang usapan nila at ipinarinig nito ang lahat sa asawa niya.“Goddamit, Nathalie! I am not your fucking pet para ipahiram kay Andrea!” galit na sigaw nito sa mukha niya. Hindi siya nagpakita ng pagkat

  • I am your Legal Wife   Chapter 165

    “Halika na. Kumain na muna tayo.” nagpatiuna na si Tonyo sa paglalakad papunta sa dining room at agad namang sumunod ang asawa nito at si Alvin.Nagsimula na ring maglakad si Nathalie habang hawak siya sa kamay ni Caleb nang biglang sumabay sa kanila si Andrea at ikinawit ang braso nito sa asawa niya.Napahinto bigla si Caleb. “Andrea, please.” mariing saad nito.“What?” parang hindi naman ito naapektuhan sa inasal ni Caleb. “Be a gentleman, Caleb. I’m still your wife’s cousin, baka nakakalimutan mo.”‘She’s actually Caleb’s sister-in-law.’ iyon ang nasa isip ni Nathalie. At hindi naman sa pagiging ungentleman. Alam ng asawa niya na may gusto pa rin sa kanya si Andrea kaya umiiwas lang ito.“Natnat, dito ka na maupo.” halos umikot ang mga mata niya nang makitang ipinaghila pa siya ni Tonyo ng upuan, samantalang si Daphne ay ipinaglagay agad siya ng kanin sa plato.Habang nakatingin sa nakahaing masasarap na pagkain ay hindi maiwasang hindi maisip ni Nathalie ang kanyang ama. Hindi man

  • I am your Legal Wife   Chapter 164

    “Sino siya, Nathalie?” muling tanong ni Caleb.Hindi pa rin niya sinasagot ito.“Ayaw mong sabihin kung sino ang lalaking ‘yun?” mukhang nauubusan na ng pasensiya ang asawa at nababahala siya. Bigla siyang kinabahan. Anong gagawin nito kay Andres?Kinuha nito ang cellphone mula sa ibabaw ng dashboard at nagsimulang magdial ng number. “Ayaw mong sabihin? Fine! I’ll ask David to investigate him.”“Caleb, ano ba!” inagaw niya ang cellphone dito, pero mabilis nito iyong nailayo. “Bakit kailangan mo pa siyang paimbestigahan? Hindi mo na kailangang malaman kung sino siya. Sinabi na niya sa’yo, di ba? Isa siyang kababata.”“At bakit hindi ko siya paiimbestigahan?” sagot nito sabay hagis ulit ng cellphone sa ibabaw ng dashboard. “Mukhang inlove siya sa asawa ko. Pano kung agawin ka niya sa akin? Wala ba akong karapatang malaman kung sino siya? At totoo ba ang sinabi niya na siya ang first love mo?”“Eh ano naman sa’yo?” nakaismid na sagot niya dito. “Bakit ikaw, wala ka bang first love? Wala

  • I am your Legal Wife   Chapter 163

    Para makapag-usap sila ng maayos, dinala ni Andres si Nathalie sa isang restaurant. Habang isineserve ang inorder na pagkain ng binata ay tahimik lamang na nakaupo at palihim niyang tinitigan ang kababata.Nakasuot ito ng white long sleeve polo na nakabukas ang tatlong butones sa itaas. Ang buhok nito na dati ay itim na itim at medyo magulo, at wala nang time magpapogi dahil nga sobrang busy sa trabaho, ngayon ay naka-textured crop at kulay brown na. Kitang-kita ang ma-muscle nitong katawan dahil bata pa ay batak na sa trabaho.Ibang-iba na ang itsura nito na dati na probinsyanong-probinsyano, ngayon ay masasabing laking ibang bansa ito. Mukha na din itong successful dahil sa bihis at magarang kotse nito.“What happened?” may accent na rin pati ang pagsasalita ni Andres. Napayuko si Nathalie nang marealized niya na kanina pa nakatitig sa kanya ang kababata. Ang tinutukoy siguro nito ay kung bakit pareho na sila ng mukha ni Andeng.“Mahabang kuwento, Andres.” sagot niya kasabay ng isan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status