Nakikita niya sa mga mata at kilos ni Adrian na may gusto din ito sa dalaga, pero kung ikakasal na ito ay wala nang magagawa pa si Diane. Pwera na lang kung ipaglalaban niya ang dalaga. Napakahirap ng sitwasyon nila. Kasinghirap ng sitwasyon niya ngayon, pero kayang-kaya niya itong lusutan. Kayang-kaya niyang solusyunan ang lahat ng problemang kanyang susuungin. Nang kumalma si Diane ay agad niya itong inalalayang lumabas mula sa kakahuyan. Nakasunod naman sa kanila si Isabel na bitbit ang kanyang bag. “Thank you, Isabel.” nakangiting kinuha niya mula dito ang bag. “Mabuti na lang nandiyan ka. Kung hindi ay hindi ko malalaman na binubully na pala nila itong si Diane.” “Walang anuman.” nakangiting sagot naman ng dalaga, at saka ito tumingin sa hipag niya. “Pwede na ba tayong maging magkaibigan, Diane?” Isang matipid na ngiti ang isinukli ni Diane dito bago tumango at saka niyakap si Isabel. “Thank you for saving me. You’re my friend from now on.” Tuwang-tuwa namang yumakap pabali
Nagulat ang lahat sa malakas na pagsigaw ni Nathalie at napaatras naman ang tatlong babae, pero si Naomi ay nanatiling nakatayo doon at nakahalukipkip ang mga braso. Napangisi pa ito nang makita kung sino ang susugod sa kanya. “Nathalie Mondragon.” pumalakpak ito ng malakas. “Diane, tignan mo. Ililigtas ka ng peke mong sister-in-law. As if namang may magagawa siya sa dami naming sasapak sa kanya.” “Peke? Ako?” Nakataas ang kilay na tanong ni Nathalie sabay turo sa sarili. “Bakit, hindi nga ba? You copied your cousin’s face, tapos inagaw mo pa ang boyfriend niya, so you’re all fake!” sigaw nito sabay duro sa kanya. “Okay, I’m all fake.” sabi niya sabay hila kay Diane para tumayo. Umiiyak naman na yumakap sa kanya ang dalaga. “Sabihin mo sa akin ang totoo, inagaw mo ba sa kanya ang lalaking ito?” Hindi ito sumagot. Lumakas lalo ang atungal nito sa balikat niya. “Diane!” sigaw niya at saka niyugyog ang mga balikat nito. “Magsabi ka sa akin ng totoo! Kung nagsisinungaling ‘tong baba
Pumasok ulit sa school si Nathalie. Napansin niyang hindi na siya masyadong pinagchichismisan ng ibang mga estudyante. Panaka-nakang sinusulyapan siya ng mga ito, pero wala namang sinasabi.Okay na rin ang pakiramdam niya. Pagkatapos niyang makunan, medyo traumatic pa rin ang nangyari, pero unti-unti na siyang nakarecover at maayos na ang pangangatawan niya.,Malapit na ang bakasyon. Ibig sabihin, makakapunta na siya sa Amerika para ibalik ang dati niyang mukha. Iyon ang napag-usapan nila ni Caleb noong nakaraang linggo pagkauwi nila galing sa mga pekeng Mondragon. Mayroon din daw itong sorpresa sa kanya. Sana daw ay huwag siyang mabibigla.Hindi siya excited sa sorpresa nito dahil hindi naman siya mahilig sa mga ganito. Mas excited siyang ibalik ang dati niyang mukha.Nagtataka din siya kung bakit hindi sila ginugulo ni Andrea ngayon. Mula nang manggaling sila sa bahay ng mga ito ay hindi pa ulit niya ito nakikita. Siguro ay nauntog ang ulo nito sa pader at nagising. Napagtantong hin
Ang mga pekeng ngiting nakaplaster sa mukha ng mga pekeng Mondragon ay hindi napalis hanggang sa tuluyang mawala sa paningin nila ang mag-asawa. Nang marinig nila ang pag-alis ng sasakyan ng mga ito ay saka lang unti-unting bumalik sa pagiging seryoso ang mga mukha nila.“Bakit parang ang bait mo naman yata sa malanding ‘yun, mommy!” agad na kinumpronta ni Alvin ang kanyang ina. Tahimik lang siyang nakikinig sa mga pinag-uusapan ng mga ito kanina habang naglalaro sa cellphone nito.Hindi sumagot si Daphne. Umupo ito sa sofa na iritable ang mukha. Galit siya. Galit na galit siya dahil sa naging takbo ng mga pangyayari. Hindi niya akalain na sa plano nilang pagpapalit ng mukha ni Natnat ay kanya iyong sinamantala para makuha si Caleb, at pakasalan siya nito.Ang alam lang niyang motibo ng dalaga noong una ay dahil sa pagkamatay ng tatay nito. Pero ngayon, natuklasan nila na buhay pa si Claire at ang tumutulong sa kanya ay ang malanding nanay ni Natnat na si Sandra.Sino ba ang mag-aaka
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ngumiti ng makahulugan. Ngunit dagling napawi ang mga ngiti sa kanyang mga labi nang narinig niyang muling bumukas ang pinto. Akala niya ay ang kakambal niya ulit ito kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon para idilat ang mga mata, pero naramdaman niya ang isang mabigat na katawan na pumaibabaw sa kanya. Nagulat siya at idinilat ang mga mata. “Caleb, anong ginagawa mo?” tanong niya sa asawa. Sinusubukan niya itong itulak paalis sa kanya, pero sa sobrang bigat nito ay hindi niya kaya.Nagkatitigan sila at nakita niya ang pait at sakit sa mga mata nito. “Dahil sa pera? Talaga?” nakaismid na tanong nito sa kanya. “Pinakasalan mo ako dahil sa pera?”Nanlaki ang mga mata niya. Narinig nito ang sinabi niya kay Andrea. O baka naman inirecord ni Andrea ang usapan nila at ipinarinig nito ang lahat sa asawa niya.“Goddamit, Nathalie! I am not your fucking pet para ipahiram kay Andrea!” galit na sigaw nito sa mukha niya. Hindi siya nagpakita ng pagkat
“Halika na. Kumain na muna tayo.” nagpatiuna na si Tonyo sa paglalakad papunta sa dining room at agad namang sumunod ang asawa nito at si Alvin.Nagsimula na ring maglakad si Nathalie habang hawak siya sa kamay ni Caleb nang biglang sumabay sa kanila si Andrea at ikinawit ang braso nito sa asawa niya.Napahinto bigla si Caleb. “Andrea, please.” mariing saad nito.“What?” parang hindi naman ito naapektuhan sa inasal ni Caleb. “Be a gentleman, Caleb. I’m still your wife’s cousin, baka nakakalimutan mo.”‘She’s actually Caleb’s sister-in-law.’ iyon ang nasa isip ni Nathalie. At hindi naman sa pagiging ungentleman. Alam ng asawa niya na may gusto pa rin sa kanya si Andrea kaya umiiwas lang ito.“Natnat, dito ka na maupo.” halos umikot ang mga mata niya nang makitang ipinaghila pa siya ni Tonyo ng upuan, samantalang si Daphne ay ipinaglagay agad siya ng kanin sa plato.Habang nakatingin sa nakahaing masasarap na pagkain ay hindi maiwasang hindi maisip ni Nathalie ang kanyang ama. Hindi man