“I’m sorry, Caleb.” umiiyak na sabi ni Andrea sabay yakap sa kanya. “I’m so sorry. I only did that because I love you. Because I want to marry you. Please forgive me, Caleb. Please!”Bumuntong-hininga siya ng malalim at saka inilayo si Andrea sa kanya. He was still very thankful to her. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi niya makikilala si Nathalie. “I have already forgiven you the moment I met Nathalie. Pero sana irespeto mo kami. Mag-asawa na kami, kaya please lang, huwag mo na sana kaming guguluhin pa, especially my wife.”“Pero hindi mo ba naiisip na kaya pumayag magpakasal sa’yo si Nathalie ay gusto niyang gumanti sa akin?” nagngangalit ang mga bagang na saad ng dalaga. “Nagpakasal siya sa’yo hindi dahil mahal ka niya! Kung hindi dahil gusto niya akong saktan. Gusto niya akong gantihan dahil iniisip niya na ako ang pumatay sa tatay niya! Ganyan ba ang gusto mong makasama habang buhay? Ha, Caleb?”“Did you kill her father?” nanlaki ang mga mata ni Andrea sa tanong ni Caleb sa kany
“Maliligo na ako. Nangangati na ako dito sa suot ko.” ibinalik niya ang lingerie sa loob at saka isinarado ang closet. Naglakad na siya palabas at akmang lalampasan ang asawa, pero hinapit nito ang bewang niya at saka siya isinandal sa pader.“Not too fast my dear wife.” bulong nito sa tenga niya, at dahan-dahang pinaraan ang bibig sa kanyang pisngi. Napasinghap siya dahil sa mainit na hininga nito na tumatama sa kanyang punong tenga. “Caleb, please…” pagmamakaawa niya, pero tunog ungol ang lumabas sa kanyang bibig. “M-maliligo muna ako.”Nagtama ang mga paningin nila, at napabuntong-hininga na lamang si Caleb bago ito tumango at binitawan siya. Nagmamadali naman siyang pumasok sa banyo at saka inilock ang pinto.Pagkahubad niya ng mga damit ay inihagis niya ito sa laundry basket na nasa ibabaw ng counter bago humakbang sa shower stall.Naalala na naman niya noong nakigamit siya dito at nahuli siya ni Caleb. Hindi niya ito napahindian at may nangyari nga ulit sa kanila. At mula noon
“Mommy,” natouched naman si Andrea sa ginawa ng nanay ni Caleb kaya lumapit ito at sumandal sa balikat niya, at tumingin kay Nathalie na parang iniinggit ito. “I’m so sorry if this is happening right now.”“It’s okay, sweetie. Im here for you. Hindi ko hahayaan na apihin ka ng pinsan mo.” bulong nito kay Andrea, sabay tingin ng masama kay Nathalie. “File an annulment tomorrow morning, Caleb!”“That will never happen, mom. I’m sorry.” sabay hapit sa bewang niya. “Hinding-hindi ko hihiwalayan ang asawa ko.”“I am your mother! Mas matimbang ba siya kaysa sa akin?” galit na tanong nito, pero hindi sumagot si Caleb. “Hindi ko ito ginagawa para mapahamak ka anak. I’m doing this for your own good! Alam kong mapapasama ka lang sa babaeng ‘yan. Hindi mo ba nakikita kung gaano kasama ang tingin sa kanya ng mga tao? What if this will affect our business? Paano kung bumagsak tayo dahil sa babaeng ‘yan?”“Mom, stop!” muli ay awat ni Caleb sa ina. “Didn’t you see what happened earlier in the weddin
“You ordered the guards not to let us in?” tanong ni Caleb sa kanyang ina pagkatapos hilahin si Nathalie at itago sa likod niya para protektahan mula dito. “You can’t do this to Nathalie mom. She’s now my wife!”“How could you?” may hinanakit na tanong ni Mrs. Lopez habang tinitignan ang anak na may luha ang mga mata. “How could you do this to me? To us? Especially to Andrea!”“I’m sorry mom, but I don’t love her.”“At itong babaeng ‘to ang mahal mo?” nanlilisik na dinuro nito si Nathalie. “Hinding-hindi ko siya matatanggap, Caleb! Never!”Akmang susugurin nito si Nathalie pero mabilis na inawat ito ng asawa.“Wala ka nang magagawa mommy. Kasal na kami.” pagkatapos sabihin iyon ay hinila na siya ni Caleb papasok sa loob ng bahay.Hindi nito sinagot ang kanyang ina kung siya ang mahal nito at hindi si Andrea, pero nagagalak pa rin siya dahil kahit papaano ay nagkaroon siya ng kakampi at ipinagtanggol siya sa sariling ina nito.Kagat-labing nilingon niya ang pamilya ni Caleb, at nagkati
Ilang minuto pa lamang na nakaupo si Nathalie sa loob ng sasakyan habang nag-iiscroll sa kanyang social media ay nakita niyang kumalat na agad sa social media ang nangyari sa kasal nina Andrea at Caleb. May mga nakavideo ng mga pinaggagawa niya, at siyempre siya ang nagviral at siya ang binabash ng mga tao dahil ang buong akala nila ay siya ang nanggulo sa kasal.Kasunod naman nito ay ang pagpopost mismo ni Caleb sa social media account nito ng picture ng isang marriage certificate. Iyon nga lang, hindi pangalan ni Andrea ang nakasulat dito, kung hindi ang pangalan ng pinsan nito na si Nathalie, na ikinagulantang ng lahat at ikinagulat ng buong bansa.Hindi niya alam kung ano ang iisipin sa pagkakataong ito, pero nakikita niya pa lang na sobrang galit ang nararamdaman ngayon ni Tonyo at ni Daphne ay may konting saya siyang nararamdaman sa kaloob-looban niya.Pero halos lahat ng comments sa post ni Caleb ay tungkol pa rin sa kaniya. May mga nagsasabing malandi siya. Isa siyang pokpok
“Ano? Eh hindi nga ako buntis, ano bang sinasabi mo–” naputol ang kanyang sasabihin nang kunin ni Caleb ang kamay niya at isuot ang isang singsing na may malaking diamond sa ibabaw.“Marry me, Nathalie.” bulong ni Caleb sa kanya, at biglang namuo ang luha sa kanyang mga mata at saka napatitig sa guwapong mukha nito.“Caleb, hindi pa ako–” hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil lumabas na mula sa kotse si Caleb at umikot ito sa kanyang pwesto at saka binuksan ang pinto sa side niya. Kinuha ang kamay niya at hinila siya sa pababa. “Ayokong bumaba, ano ba.”“Okay.” kibit-balikat na sagot ng binata pero binuhat naman siya palabas ng sasakyan.“Caleb!” nagsisigaw siya at nagkakawag, pero hindi siya nito ibinaba hanggang sa makapasok sila sa loob ng munisipyo.“Bro!” sinalubong sila ni Daniel na may maluwang na ngiti sa mga labi. “Bakit buhat-buhat mo na ang mapapangasawa mo eh hindi pa kayo ikinakasal? Excited lang sa honeymoon?”Natawa ito nang malakas nang irapan siya nang da