“You ordered the guards not to let us in?” tanong ni Caleb sa kanyang ina pagkatapos hilahin si Nathalie at itago sa likod niya para protektahan mula dito. “You can’t do this to Nathalie mom. She’s now my wife!”“How could you?” may hinanakit na tanong ni Mrs. Lopez habang tinitignan ang anak na may luha ang mga mata. “How could you do this to me? To us? Especially to Andrea!”“I’m sorry mom, but I don’t love her.”“At itong babaeng ‘to ang mahal mo?” nanlilisik na dinuro nito si Nathalie. “Hinding-hindi ko siya matatanggap, Caleb! Never!”Akmang susugurin nito si Nathalie pero mabilis na inawat ito ng asawa.“Wala ka nang magagawa mommy. Kasal na kami.” pagkatapos sabihin iyon ay hinila na siya ni Caleb papasok sa loob ng bahay.Hindi nito sinagot ang kanyang ina kung siya ang mahal nito at hindi si Andrea, pero nagagalak pa rin siya dahil kahit papaano ay nagkaroon siya ng kakampi at ipinagtanggol siya sa sariling ina nito.Kagat-labing nilingon niya ang pamilya ni Caleb, at nagkati
Ilang minuto pa lamang na nakaupo si Nathalie sa loob ng sasakyan habang nag-iiscroll sa kanyang social media ay nakita niyang kumalat na agad sa social media ang nangyari sa kasal nina Andrea at Caleb. May mga nakavideo ng mga pinaggagawa niya, at siyempre siya ang nagviral at siya ang binabash ng mga tao dahil ang buong akala nila ay siya ang nanggulo sa kasal.Kasunod naman nito ay ang pagpopost mismo ni Caleb sa social media account nito ng picture ng isang marriage certificate. Iyon nga lang, hindi pangalan ni Andrea ang nakasulat dito, kung hindi ang pangalan ng pinsan nito na si Nathalie, na ikinagulantang ng lahat at ikinagulat ng buong bansa.Hindi niya alam kung ano ang iisipin sa pagkakataong ito, pero nakikita niya pa lang na sobrang galit ang nararamdaman ngayon ni Tonyo at ni Daphne ay may konting saya siyang nararamdaman sa kaloob-looban niya.Pero halos lahat ng comments sa post ni Caleb ay tungkol pa rin sa kaniya. May mga nagsasabing malandi siya. Isa siyang pokpok
“Ano? Eh hindi nga ako buntis, ano bang sinasabi mo–” naputol ang kanyang sasabihin nang kunin ni Caleb ang kamay niya at isuot ang isang singsing na may malaking diamond sa ibabaw.“Marry me, Nathalie.” bulong ni Caleb sa kanya, at biglang namuo ang luha sa kanyang mga mata at saka napatitig sa guwapong mukha nito.“Caleb, hindi pa ako–” hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil lumabas na mula sa kotse si Caleb at umikot ito sa kanyang pwesto at saka binuksan ang pinto sa side niya. Kinuha ang kamay niya at hinila siya sa pababa. “Ayokong bumaba, ano ba.”“Okay.” kibit-balikat na sagot ng binata pero binuhat naman siya palabas ng sasakyan.“Caleb!” nagsisigaw siya at nagkakawag, pero hindi siya nito ibinaba hanggang sa makapasok sila sa loob ng munisipyo.“Bro!” sinalubong sila ni Daniel na may maluwang na ngiti sa mga labi. “Bakit buhat-buhat mo na ang mapapangasawa mo eh hindi pa kayo ikinakasal? Excited lang sa honeymoon?”Natawa ito nang malakas nang irapan siya nang da
“Pwede ba, umalis ka na!” ni hindi man lang natuwa si Mrs. Lopez na magkakaapo na ito. Kinawayan nito ang isang lalaking nakabarong na may hawak ng bag nito. Dinukot sa loob ang isang cheke at inihagis sa mukha ni Nathalie. “Ayan ang kabayaran para lang tumigil ka na sa panggugulo mo sa amin! Alam ko namang pera lang ang habol mo sa anak ko. Umalis ka na at huwag ka nang magpapakita sa amin kahit kailan!”Ngumisi lang si Nathalie at saka yumuko para damputin ang cheke. Pagkakita sa halaga ng perang nakasulat ay napakamot siya sa pisngi kahit na hindi ito makati. Ten million pesos. Ganitong halaga lang ang tingin ng nanay ni Caleb sa kanya. “Ang liit naman ho nito.” sabi niya sabay punit ng cheke at inihagis ito sa lupa.“Ayaw mo ng pera dahil gusto mo ang anak ko? Manigas ka!” sigaw ng ginang sabay tulak sa kanya. “Layas! Lumayas ka sa pamamahay ko!”Itinaas niya ang mga kamay niya bilang pagsuko. “Aalis na po ako. Sana nag-enjoy kayong lahat sa mga pasabog ko.”Nagbow pa siya kay Mrs
Nagulat ang lahat ng mga bisita sa mga binitawang salita ni Nathalie. Hindi sila makapaniwala na sasabihin niya iyon sa magiging asawa ng pinsan niya. Hindi sila makapaniwala na kaya nitong sirain ang kasal ng sariling pinsan, at ipahiya ang pamilya nito sa harap ng madaming tao.Sigurado naman si Nathalie na ang ginawa niyang panggugulo ay magiging laman ng balita bukas at pagpipiyestahan sila ng mga tv stations. Magiging viral din ito sa mga social media platforms na sadyang nakaplano na.Mukha namang hindi nagulat si Caleb sa mga sinabi niya. Nakatitig lang ito at nakataas ang sulok ng bibig nito na parang tuwang-tuwa pa. He looked so amused of what Nathalie was doing.“What do you think would be my answer, hmm?” balik-tanong ng binata na nakasalikop ang mga braso sa dibdib.“You’ll say yes?” nakakaakit ang ngiting isinukli niya sa binata at nanlalaki ang mga matang napapanganga lang si Andrea sa mga sinasabi at ikinikilos niya, samantalang si Caleb ay hindi naman natinag sa sagot
“Di ba siya ‘yung pinsan ni Andrea na nanggaya sa mukha niya? Bakit nandito na naman ‘yan at nanggugulo?”Narinig niyang sabi ng isang bisita.“Paano nakalusot ‘yan dito? Ang daming guwardiya sa paligid ng bahay. Bakit nila hinayaang makapasok ang babaeng ‘yan? Hindi ba ‘yan dinisiplina ni Anthony?” Sabi naman ng isa pang bisita, pero hindi niya ito pinansin.“Paanong tatakbong mayor si Anthony Mondragon kung ang sarili nitong pamangkin ay hindi kayang ayusin? Ang sabi pagagandahin daw ang bayan natin. Mukhang hindi iyon matutupad ah. Ginogoyo lang ata tayo ng taong ‘yun. Sayang, siya pa naman sana ang iboboto ko.”Napangiti siya sa huling sinabi ng isang bisita. Umpisa na ng pagbagsak ng mga pekeng Mondragon.Paglingon niya sa likod ay nagtama ang mga mata nila ni Diane, at hindi niya makitaan ng galit ang mga mata nito, bagkus ay excitement at kuryosidad ang nakikita niya sa magandang mukha ng dalaga. Kinindatan niya si Diane at napahagikgik namn ito.Sinundan ni Adrian ng tingin ku