Napangiti ng makahulugan si Daphne sa katanungan ng kanyang mahal na asawa. Alam niyang interesado ito sa kanyang ideya, base sa tono ng kanyang boses.
“Daphne, please! Wala akong panahon sa mga walang kwenta mong ideya!” Akala naman ni Anthony ay walang saysay ang namumuong plano sa isipan ni Daphne dahil sa makahulugang ngiting iyon.
“Well, we can have Andrea undergo hymenoplasty...” suhestiyon ni Daphne, na ikalalim ng kunot ng noo ni Anthony.
“Hyminoplastic? Ano? Ano bang pinagsasabi mo, Daphne? Wala akong maintindihan!”
“Hymenoplasty! Isa itong surgical procedure para maibalik ang nasirang hymen ng isang babae. Maibabalik nito ang pagkabirhen ng anak mo. You will be virgin again, Andrea! Don't you like that, sweetheart?” Paliwanag nito habang nakatingin kay Andrea na biglang nagliwanag ang mukha dahil magkakaroon na ng solusyon ang problema nila. Pero biglang nawala ang ningning sa kanyang mga mata nang bigla niyang naisip ang magiging komplikasyon ng surgery na iyon.
Hindi niya maiwasang isipin ito dahil isa sa mga kaibigan niya ay nagpasurgery nito para isurpresa ang nanlalamig nang boyfriend. Sa South Korea pa ito nagpunta dahil akala niya ay mahusay at de-kalidad ang doctor na gagawa nito sa kanya. Sa kasamaang palad, hindi naging successful ang operasyon at muntik pang maubusan ng dugo ang kaibigan niya. Nakaligtas man ito, ay hindi na nito malimutan ang nangyari at natrauma sa insidenteng iyon. Kaya hangga’t maari ay ayaw ni Andrea na maulit pa iyon at mangyari naman ito sa kanya.
“Mommy, ayoko!” biglang sigaw nito, ang mga mata ay nanlalaki sa takot. “I can’t do that! I’m scared!”
Ayaw niyang ipahamak ang sarili niyang buhay sa isang bagay na walang kasiguraduhan kung magiging successful ba o hindi.
“But sweetheart, this is the only option we have...’’ Marahang hinaplos –haplos ni Daphne ang buhok ng kanyang anak-anakan, na sinusubukang kumbinsihin siya sa kanyang naisip na ideya. “Alam ko kung gaano mo kagusto si Caleb, anak. At alam kong mapapasaiyo siya kapag nagtagumpay tayo sa plano na ito. Hahanap tayo ng pinakamagaling na surgeon, at kahit gumastos man tayo ng mahal, alam kong mababawi naman natin ito kapag naikasal na kayo ni Caleb.”
Ngunit matigas ang patanggi ni Andrea sa suhestiyon ng madrasta. “Ayoko, mommy. Please, wag mo akong pilitin na gawin ito. Nagmamakaawa ako sa’yo, mommy. Mahal ko pa ang buhay ko.”
“Huwag mo nang pilitin kung ayaw---” ang anumang sasabihin ni Anthony ay naputol nang bigla silang makarinig ng mga yabag ng paa patungo sa direksiyon nila, at sabay-sabay silang lumingon kay Nathalie nang bigla na lamang nagsalita.
“Tiyo...” napahinto siya nang maalala ang bilin ng kanyang tiyuhin. “Uncle Anthony...”
At hindi na ulit niya naituloy ang anumang sasabihin nang makita niya ang sitwasyon ng mga ito sa sala---si Andrea na nakaupo sa sofa habang yakap-yakap ang bewang ni Daphne at ang madrasta naman nito ay hinahagud-hagod ang buhok nito na para bang inaamo. Si Anthony naman ay nakapameywang at mukhang problemado.
Walang ibang intensiyon si Nathalie kung hindi ang sabihin sa mga ito ang kalagayan ng kanyang ama, at ang kailangan nitong pera para sa operasyon nito.
“Anong kailangan mo, Natnat?” sigaw ni Anthony na ikinaigtad niya. “Hindi ito ang tamang panahon para sa pagdadrama mo! May sarili kaming problema dito, kaya pwede ba umalis ka muna! Ayokong makita iyang pagmumukha mo! Alis!”
“Pero Uncle...” ang kanyang boses ay nanginginig, ngunit hindi siya nagpasindak sa malakas na hiyaw ng kanyang tiyuhin na halos dumagundong na sa loob ng kabahayan. Hindi ito ang makakapagpatigil sa kanya na sabihin dito ang kalagayan ng kanyang ama. “Sabi ng doctor ay kilangan na ni tatay operahan. Kung hindi ay baka ikamatay niya ito.”
Hindi nagbago ang ekpresiyon ng mukha ni Anthony nang marinig ang sinabi ng pamangkin. Wala na siyang pakialam sa mga ito, o talagang wala naman talaga siyang pakialam sa mga ito simula’t sapul. Isa lamang ang mahalaga sa kanya ngayon. At iyon ay pera. Maraming-maraming pera.
Sa unang pagkakataon ay nakita ni Nathalie na ngumiti sa kanya ang asawa ng kanyang tiyo Tonyo. Napalunok siya habang pinapanood ito na hinihila ang manggas ng long sleeve ng asawa at saka ito bumulong sa tainga nito.
“Siya na ang huling alas natin, Anthony...” bulong ni Daphne sa asawa.
“Anong ibig mong sabihin?” nakakunot ang noong tanong nito habang pinag-aaralan ang mukha ng pamangkin na naghihintay ng kanilang sagot.
“Virgin pa ‘yang pamangkin mo, di ba?” tanong nito, at tumango naman si Anthony nang may kasiguraduhan, dahil kahit minsan ay hindi niya nakitang lumabas ang pamangkin na may kasamang lalake. Si Roberto lamang ang palaging kasama nito, at tumutulong sa kaniyang kapatid sa bukid. Wala din siyang nabalitaang naging boyfriend nito sa edad na beinte-uno. “Kailangan natin siya upang magpanggap na si Andrea. Pagplanuhan natin itong mabuti. Iset-up natin kung paano natin sila pagtatabihin sa kama ni Caleb, at mapaniwalang ang nakaniig niya ay si Andrea.”
“Nahihibang ka na ba? Paano niya naman gagawin iyon?” mahina niyang bulong, ngunit ang boses ay medyo galit at naiinis dahil ang akala niya ay matalino ang kanyang asawa. Hindi rin pala ito nag-iisip. Papaano kung mabuko sila ni Caleb? Eh di mas lalo pa silang napahamak. Napailing na lamang si Anthony bago nagpatuloy. “Tignan mo nga, magkaiba sila ng mukha. Magkaiba ang kulay ng buhok at kutis! Mahahalata yan ni Caleb!”
“Kung ayaw ni Andrea nang hymenoplasty, eh di aayusin natin ang pagpapaplastic surgery ni Natnat!” at pagkatapos ay pinasadahan nito ng tingin si Nathalie mula ulo hanggang paa. “Mukha naman silang kambal. Pareho ang height, ang mata, ang katawan. Pakukulayan lang natin ang buhok ni Natnat ng blonde at magiging okay na, di ba?”
Napatango-tango at napapangisi si Anthony sa ideya ni Daphne. “Matalino ka nga talaga, honey. Hindi ako nagkamali sa’yo.” Ang galit na nadarama niya kanina lamang para kay Andrea ay unti-unting natutunaw. “Sa tingin mo ay papayag ang pamangkin ko dito?”
“Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? Kailangan ng kapatid mong maoperahan sa lalong madaling panahon, kung hindi ay mamamatay ito. Gagamitin natin iyon para makumbinsi si Natnat.”
At bago pa makasagot si Anthony ay nagsalita nang muli ang kanyang asawa.
“Natnat...” tawag nito sa pamangkin ng asawa, at tumikhim muna ito bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Huwag kang mag-alala. Tutulungan namin ang tatay mo sa kanyang operasyon.”
“Talaga po, tiya?” napangiwi si Daphne sa tawag nito sa kanya, pero pinalampas niya muna ito dahil may kailangan sila dito. “Maraming salamat po! Tatanawin ko pong isang malaking utang na loob ito.”
Humakbang ang dalaga papalapit sa tiyahin upang ito’y kanyang yakapin bilang pasasalamat, ngunit itinaas ni Daphne ang kanang kamay para pahintuin ito. “Teka lang. Huwag ka munang excited, iha. Marami akong kondisyones. Kailangan mong bayaran ang bawat sentimong magagastos ko sa pagpapagamot sa tatay mo.”
“Opo, tiya. Naiintindihan ko po. Magtatarabaho ako ng maayos dito sa bahay. Sisipagan ko pa lalo. Ako na rin ang mag-aalaga sa garden ni tatay at sa mga bulaklak niya habang nasa hospital pa siya. Lilinisin ko din po ang swimming pool. Tutulungan ko si Claire sa kusina.” ngumiti ito nang may pasasalamat. “Maglilinis ako ng bahay at---”
“Teka, teka. Hinay-hinay lang.” napapailing na saad ni Daphne. “Kailangan ko ng tulong mo pero hindi dito sa bahay.”
“Ganoon po ba?” mahinang sagot ni Nathalie. “Sa ibang bahay po ba ako magtatrabaho?”
“Hindi. Kailangan mong magpaplastic surgery at gayahin ang mukha ng pinsan mo.” diretsahang sagot ni Anthony, at hindi na nagpaligoy-ligoy pa dahil naiinip siya sa pag-uusap ng mga ito. “Okay lang ba sa’yo iyon, ha, Natnat?”
Nakikita niya sa mga mata at kilos ni Adrian na may gusto din ito sa dalaga, pero kung ikakasal na ito ay wala nang magagawa pa si Diane. Pwera na lang kung ipaglalaban niya ang dalaga. Napakahirap ng sitwasyon nila. Kasinghirap ng sitwasyon niya ngayon, pero kayang-kaya niya itong lusutan. Kayang-kaya niyang solusyunan ang lahat ng problemang kanyang susuungin. Nang kumalma si Diane ay agad niya itong inalalayang lumabas mula sa kakahuyan. Nakasunod naman sa kanila si Isabel na bitbit ang kanyang bag. “Thank you, Isabel.” nakangiting kinuha niya mula dito ang bag. “Mabuti na lang nandiyan ka. Kung hindi ay hindi ko malalaman na binubully na pala nila itong si Diane.” “Walang anuman.” nakangiting sagot naman ng dalaga, at saka ito tumingin sa hipag niya. “Pwede na ba tayong maging magkaibigan, Diane?” Isang matipid na ngiti ang isinukli ni Diane dito bago tumango at saka niyakap si Isabel. “Thank you for saving me. You’re my friend from now on.” Tuwang-tuwa namang yumakap pabali
Nagulat ang lahat sa malakas na pagsigaw ni Nathalie at napaatras naman ang tatlong babae, pero si Naomi ay nanatiling nakatayo doon at nakahalukipkip ang mga braso. Napangisi pa ito nang makita kung sino ang susugod sa kanya. “Nathalie Mondragon.” pumalakpak ito ng malakas. “Diane, tignan mo. Ililigtas ka ng peke mong sister-in-law. As if namang may magagawa siya sa dami naming sasapak sa kanya.” “Peke? Ako?” Nakataas ang kilay na tanong ni Nathalie sabay turo sa sarili. “Bakit, hindi nga ba? You copied your cousin’s face, tapos inagaw mo pa ang boyfriend niya, so you’re all fake!” sigaw nito sabay duro sa kanya. “Okay, I’m all fake.” sabi niya sabay hila kay Diane para tumayo. Umiiyak naman na yumakap sa kanya ang dalaga. “Sabihin mo sa akin ang totoo, inagaw mo ba sa kanya ang lalaking ito?” Hindi ito sumagot. Lumakas lalo ang atungal nito sa balikat niya. “Diane!” sigaw niya at saka niyugyog ang mga balikat nito. “Magsabi ka sa akin ng totoo! Kung nagsisinungaling ‘tong baba
Pumasok ulit sa school si Nathalie. Napansin niyang hindi na siya masyadong pinagchichismisan ng ibang mga estudyante. Panaka-nakang sinusulyapan siya ng mga ito, pero wala namang sinasabi.Okay na rin ang pakiramdam niya. Pagkatapos niyang makunan, medyo traumatic pa rin ang nangyari, pero unti-unti na siyang nakarecover at maayos na ang pangangatawan niya.,Malapit na ang bakasyon. Ibig sabihin, makakapunta na siya sa Amerika para ibalik ang dati niyang mukha. Iyon ang napag-usapan nila ni Caleb noong nakaraang linggo pagkauwi nila galing sa mga pekeng Mondragon. Mayroon din daw itong sorpresa sa kanya. Sana daw ay huwag siyang mabibigla.Hindi siya excited sa sorpresa nito dahil hindi naman siya mahilig sa mga ganito. Mas excited siyang ibalik ang dati niyang mukha.Nagtataka din siya kung bakit hindi sila ginugulo ni Andrea ngayon. Mula nang manggaling sila sa bahay ng mga ito ay hindi pa ulit niya ito nakikita. Siguro ay nauntog ang ulo nito sa pader at nagising. Napagtantong hin
Ang mga pekeng ngiting nakaplaster sa mukha ng mga pekeng Mondragon ay hindi napalis hanggang sa tuluyang mawala sa paningin nila ang mag-asawa. Nang marinig nila ang pag-alis ng sasakyan ng mga ito ay saka lang unti-unting bumalik sa pagiging seryoso ang mga mukha nila.“Bakit parang ang bait mo naman yata sa malanding ‘yun, mommy!” agad na kinumpronta ni Alvin ang kanyang ina. Tahimik lang siyang nakikinig sa mga pinag-uusapan ng mga ito kanina habang naglalaro sa cellphone nito.Hindi sumagot si Daphne. Umupo ito sa sofa na iritable ang mukha. Galit siya. Galit na galit siya dahil sa naging takbo ng mga pangyayari. Hindi niya akalain na sa plano nilang pagpapalit ng mukha ni Natnat ay kanya iyong sinamantala para makuha si Caleb, at pakasalan siya nito.Ang alam lang niyang motibo ng dalaga noong una ay dahil sa pagkamatay ng tatay nito. Pero ngayon, natuklasan nila na buhay pa si Claire at ang tumutulong sa kanya ay ang malanding nanay ni Natnat na si Sandra.Sino ba ang mag-aaka
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ngumiti ng makahulugan. Ngunit dagling napawi ang mga ngiti sa kanyang mga labi nang narinig niyang muling bumukas ang pinto. Akala niya ay ang kakambal niya ulit ito kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon para idilat ang mga mata, pero naramdaman niya ang isang mabigat na katawan na pumaibabaw sa kanya. Nagulat siya at idinilat ang mga mata. “Caleb, anong ginagawa mo?” tanong niya sa asawa. Sinusubukan niya itong itulak paalis sa kanya, pero sa sobrang bigat nito ay hindi niya kaya.Nagkatitigan sila at nakita niya ang pait at sakit sa mga mata nito. “Dahil sa pera? Talaga?” nakaismid na tanong nito sa kanya. “Pinakasalan mo ako dahil sa pera?”Nanlaki ang mga mata niya. Narinig nito ang sinabi niya kay Andrea. O baka naman inirecord ni Andrea ang usapan nila at ipinarinig nito ang lahat sa asawa niya.“Goddamit, Nathalie! I am not your fucking pet para ipahiram kay Andrea!” galit na sigaw nito sa mukha niya. Hindi siya nagpakita ng pagkat
“Halika na. Kumain na muna tayo.” nagpatiuna na si Tonyo sa paglalakad papunta sa dining room at agad namang sumunod ang asawa nito at si Alvin.Nagsimula na ring maglakad si Nathalie habang hawak siya sa kamay ni Caleb nang biglang sumabay sa kanila si Andrea at ikinawit ang braso nito sa asawa niya.Napahinto bigla si Caleb. “Andrea, please.” mariing saad nito.“What?” parang hindi naman ito naapektuhan sa inasal ni Caleb. “Be a gentleman, Caleb. I’m still your wife’s cousin, baka nakakalimutan mo.”‘She’s actually Caleb’s sister-in-law.’ iyon ang nasa isip ni Nathalie. At hindi naman sa pagiging ungentleman. Alam ng asawa niya na may gusto pa rin sa kanya si Andrea kaya umiiwas lang ito.“Natnat, dito ka na maupo.” halos umikot ang mga mata niya nang makitang ipinaghila pa siya ni Tonyo ng upuan, samantalang si Daphne ay ipinaglagay agad siya ng kanin sa plato.Habang nakatingin sa nakahaing masasarap na pagkain ay hindi maiwasang hindi maisip ni Nathalie ang kanyang ama. Hindi man