"I'm sorry, but your father needs to undergo coronary artery bypass grafting as soon as possible if you want him to live longer, Miss Mondragon."
Iyon ang mga katagang binitiwan ng doctor bago nito iniwan si Nathalie. Nanlulumong napaupo na lamang ang dalaga habang nangingilid ang luha dahil sa kalagayan ng kanyang ama.
Nagmamadali siyang umuwi upang sabihin sa kanyang tiyuhin ang nangyari, ngunit hindi man lang siya nito binigyang pansin. Mas mahalaga pa dito ang mga bisita kaysa sa sarili nitong kapatid.
Kunsabagay, matagal niya nang napapansin na wala itong pagpapahalaga sa kanilang mag-ama. Si Roberto lamang ay palaging nag-aalala para sa nakababatang kapatid. Noong namatay ang unang asawa ni Antonio, si Roberto ang tumulong dito at nagpaaral kay Andrea. Ni hindi man lamang nakuhang magpasalamat nito sa kapatid. At ngayon na marami na itong pera dahil kay Daphne, hindi na nila ito halos makausap.
"Natnat..." napaigtad siya nang maramdaman ang mainit na palad na dumantay sa kanyang balikat. Hindi niya namalayan na nasa kusina na pala siya at nasa tabi niya na si Claire, isa sa mga kasambahay ng mga Mondragon na naging malapit na rin sa kanya dahil sa taglay na kabaitan nito. "Huwag ka nang mag-alala sa tatay mo, magiging maayos din siya. Gagaling din siya. May awa ang Diyos."
"Salamat, Claire..." mahina niyang tugon dito.
Binuksan niya ang kabinet at kumuha nang mga wine glasses ngunit bigla siyang napahinto nang bumungad sa kusina si Daphne.
"Natnat! Dito ka lang ha! Huwag na huwag kang lalabas ng kusina, kung hindi ay malilintikan ka sa akin! Ibigay mo yan kay Claire. Siya ang magseserve ng wine sa mga bisita!"
Her brows furrowed in confusion. Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw siya nitong magsilbi sa mga bisita. Pero tumango pa rin siya bilang tugon dito, at inayos ang mga wine glasses sa isang tray bago niya ito ipinasa kay Claire, na kasalukuyang naghahalo ng niluluto nito sa kalan.
"Sige, ako na dito." saad ni Claire, at inabot sa kanya ang sandok. "Ikaw na muna ang maghalo sa soup."
"Mommy, let's go! They're here!" ang malalakas na tunog ng takong ng sapatos ni Andrea at ang excited nitong boses ang sumunod nilang narinig bago nito hinila ang ina nito palabas ng kusina.
Sakto namang tumunog ang doorbell nang makarating ang mga ito sa sala.
"Good afternoon, Mr. and Mrs. Lopez..." narinig ni Nathalie ang boses ng kanyang tiyo Tonyo na bumati sa mga bisita.
'Sa wakas, dumating na rin ang mga bisita.' sambit niya sa kanyang sarili. Ang tanging hiling lamang niya sa mga oras na ito ay matapos na kaagad ang kanilang pag-uusap para naman maasikaso na ng mga ito ang kanyang ama, at mapag-usapan ang operasyon nito.
"You have a beautiful and lovely home..." narinig ni Nathalie na sambit ng isang babae. Sa tingin niya ay ito si Mrs. Lopez, ang ina ni Caleb.
Dahil sa matinding kuryosidad, itinigil muna niya ang paghahalo sa beef and mushroom soup at saka sumilip sa mga bisita sa sala. Napangiti siya nang makita ang sopisitikadang ina ni Caleb na yumakap at nagbeso kay Andrea.
Mukha naman itong mabait at magaan ang loob sa pinsan niya.
Andrea automatically drew towards a man, a handsome man to be exact, who was dressed in a dark blue suit. But the man seemed to be unaffected by her presence, which made her cousin pout her lips and roll her eyes. Nathalie's jaw dropped when she realized that it was Caleb Lopez.
Tama nga ang sinabi ng mga katulong. Napakagwapo nito. Ang kutis nito ay mamula-mula na parang sa isang banyaga. Ngunit ang mga makakapal na kilay nito ay magkasalubong na tila ba hindi nito nagugustuhan ang nangyayari sa kanyang paligid. Kahit noong humalik si Andrea sa pisngi nito ay hindi man lamang nito nagawang ngumiti.
Lumipat ang tingin niya sa matandang Lopez na may gray na buhok. Ito malamang ang ama ni Caleb. Magkamukha ang mga ito at mukhang matikas pa rin kahit na may edad na. Maamo ang awra ng mukha nito salungat sa mukha ng binatang anak na seryoso pa rin ang mukha habang tumitingin-tingin sa paligid, nang biglang magawi ang tingin nito sa kanya na nagpalakas ng tibok ng kanyang puso.
"Natnat, okay na ba ang soup? Pakidala na ito sa dining room." Napaatras siya sa gulat at napaayos siya nang tayo dahil sa boses ni Claire.
"Ha? Pero ang sabi ni tiya Daphne, hindi ako pwedeng magpakita sa mga bisita." agad niyang ipinagpatuloy ang paghahalo sa soup. Mabuti na lamang at mahina lang ang apoy nito, kung hindi ay baka nasunog na ito dahil sa pagsilip niya nang medyo matagal sa mga bisita. Pilit niyang kinakalma ang sarili dahil sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso niya.
Iniisip niya kung nahuli ba siya ni Caleb na sumisilip sa kanila? Sana naman ay hindi.
Agad niyang pinatay ang kalan at kumuha ng bowl para sumandok ng soup.
"At bakit naman daw?" tanong ni Claire habang itinuturo sa isa pang kasambahay ang mga plato at iba pang lutong ulam na dadalhin sa malaking mesa. "Ano kayang rason ni madam at ayaw ka niyang ipakilala sa mga bisita?"
"Hindi ko alam, Claire. Wala akong ideya." Nagkibit siya ng balikat bago ibinaba ang bowl sa mesa.
"Alam mo, kaya siguro ayaw ka nilang ipakita sa mga bisita dahil mas maganda ka kay ma'am Andrea." natatawang sambit ni Claire na ikinatawa na din niya dahil alam niyang nagbibiro lamang ito. "Baka daw magbago ang isip ni Sir Caleb at ikaw ang gustong pakasalan hindi siya."
"Ano ka ba, Claire. Ano bang pinagsasasabi mo diyan. Hindi mo ba nakita kung gaano kaganda ng mukha at katawan ni Andrea? At sigurado ako na mahal na mahal siya ni Sir Caleb. Magpapakasal na nga sila, hindi ba?"
Mapahinto siya sa ginagawa nang bigla na lamang lumapit si Claire sa kanya at bumulong sa kanyang tenga. "May sasabihin ako sa'yo. Hindi pa daw pumapayag si Sir Caleb na magpakasal sa pinsan mo. May mga kondisyon daw ito bago siya pumayag na pakasalan ito."
"Talaga?" napapaisip na tanong ni Nathalie. "Ano naman kaya yun?"
"Sasabihin ko sa'yo kapag nakarinig ulit ako ng chismis." humahagikgik na saad nito. "At saka alam mo may pagkakahawig talaga kayo ni ma'am Andrea. Akala ko nga noong una kitang makita ay kambal kayo."
Totoo ang sinasabi ni Claire. Madalas ay napagkakamalan silang kambal ni Andrea, lalo na ng mga kapitbahay nila sa Batangas. Hindi lang kasi pareho ang kulay ng kanilang mga mata at buhok. Parehas din ang height nila at tindig, ngunit mas payat siya ng kaunti dahil na rin siguro bugbog ang katawan niya sa trabaho. Isa pang pagkakatulad nila ay ang araw kung kailan sila ipinanganak.
At kaya siguro ito nagpakulay ng buhok ay para hindi na sila mapagkamalang kambal. Kung dati ay tuwang-tuwang ito na naririnig na magkamukha sila, ngayon naman ay parang diring-diri ito.
"Kakain na kami! Nasaan na ang soup?" Biglang lumayo si Claire sa kanya nang marininig nila ang dumadagundong na boses ni Daphne. "At nakuha niyo pang magchismisan ha! Ikaw!" Turo nito sa kanya. "Bitawan mo yan. Di ba sabi ko sa'yo, hindi ka pwedeng lumabas? Ibigay mo 'yan sa ibang katulong! Bilisan niyo! Ang babagal!"
Parang napapasong inilayo niya ang kamay sa bowl na nasa ibabaw ng mesa.
Hindi niya alam kung bakit hindi siya nagustuhan kahit kailan ni Daphne. Alam naman niya sa sarili niya na wala siyang ginagawang masama. Lahat naman ng utos nito ay sinusunod niya kaya hindi niya alam kung bakit napakainit ng dugo nito sa kanya.
Nang lumabas na nang kusina si Daphne at si Claire na buhat ang bowl ng soup ay nakahinga siya ng maluwag bago nagmamadaling pumunta sa cr dahil ramdam niyang parang puputok na ang pantog niya.
Ngunit saktong paglabas niya ng cr ay nakita niya ang kasintahan ni Andrea na nakatayo sa gitna ng kusina at hindi mapakali na parang may hinahanap na kung ano.
Sa paghahanap ng cr ni Caleb, napahinto siya nang bigla na lamang may lumabas na isang napakandang dilag sa isang maliit na pinto. Sa unang tingin ay parang si Andrea ito, pero magkaiba ang kulay ng kanilang buhok at medyo mas payat ito ng kaunti pero mas malaki ang dibdib kaya naman bigla siyang napalunok nang tumama ang paningin niya dito.
The woman was just wearing a simple house dress that fitted her so perfectly, highlighting every curve in the right places, which made him narrow his eyes in admiration. Hindi niya akalain na may isang magandang maid na nagtattrabaho sa bahay ng mga Mondragon. Ito rin ang nakita niyang sumisilip sa kanila kanina sa sala.
Kung kamag-anak man nila ito, bakit hindi nila ito kasama sa labas upang ipakilala sa pamilya nila. Kaya sa tingin niya ay isa itong kasambahay dahil na rin sa itsura at pananamit nito.
Bumalik ang paningin niya sa mga mata ng babae at nagtama ang kanilang paningin. Mas gusto niya ang mga mata ng babaeng nasa harapan niya ngayon dahil mukha itong inosente, ngunit nagulat siya nang bigla na lamang nanlaki ang mga ito at tumalikod bigla sa kanya.
"Excuse me, Miss...'' he called for her, making sure his voice sounded so deep and warm, the sort of voice he used with his women in bed as he walked closer to where she stood. "I'm looking for the restroom..."
Standing at six feet and two inches, he loomed over her, his well-tailored dark blue suit accentuating his commanding presence.
Napilitang humarap si Nathalie sa kanya kahit na hindi siya pwedeng makita ng mga bisita lalong-lalo na ni Caleb at itinaas ang kamay upang ituro ang cr.
“Thank you.” Akala ng dalaga ay lalampasan na siya nito at didiretso na sa cr, ngunit nagkamali siya dahil bigla na lamang itong huminto sa mismong harapan niya.
Dahil sa sobrang lapit nito ay amoy na amoy niya ang mamahaling pabango nito na nakapagpahinto ng tibok ng kanyang puso, at nakapagpasinghap sa kanya.
Pumasok ulit sa school si Nathalie. Napansin niyang hindi na siya masyadong pinagchichismisan ng ibang mga estudyante. Panaka-nakang sinusulyapan siya ng mga ito, pero wala namang sinasabi.Okay na rin ang pakiramdam niya. Pagkatapos niyang makunan, medyo traumatic pa rin ang nangyari, pero unti-unti na siyang nakarecover at maayos na ang pangangatawan niya.,Malapit na ang bakasyon. Ibig sabihin, makakapunta na siya sa Amerika para ibalik ang dati niyang mukha. Iyon ang napag-usapan nila ni Caleb noong nakaraang linggo pagkauwi nila galing sa mga pekeng Mondragon. Mayroon din daw itong sorpresa sa kanya. Sana daw ay huwag siyang mabibigla.Hindi siya excited sa sorpresa nito dahil hindi naman siya mahilig sa mga ganito. Mas excited siyang ibalik ang dati niyang mukha.Nagtataka din siya kung bakit hindi sila ginugulo ni Andrea ngayon. Mula nang manggaling sila sa bahay ng mga ito ay hindi pa ulit niya ito nakikita. Siguro ay nauntog ang ulo nito sa pader at nagising. Napagtantong hin
Ang mga pekeng ngiting nakaplaster sa mukha ng mga pekeng Mondragon ay hindi napalis hanggang sa tuluyang mawala sa paningin nila ang mag-asawa. Nang marinig nila ang pag-alis ng sasakyan ng mga ito ay saka lang unti-unting bumalik sa pagiging seryoso ang mga mukha nila.“Bakit parang ang bait mo naman yata sa malanding ‘yun, mommy!” agad na kinumpronta ni Alvin ang kanyang ina. Tahimik lang siyang nakikinig sa mga pinag-uusapan ng mga ito kanina habang naglalaro sa cellphone nito.Hindi sumagot si Daphne. Umupo ito sa sofa na iritable ang mukha. Galit siya. Galit na galit siya dahil sa naging takbo ng mga pangyayari. Hindi niya akalain na sa plano nilang pagpapalit ng mukha ni Natnat ay kanya iyong sinamantala para makuha si Caleb, at pakasalan siya nito.Ang alam lang niyang motibo ng dalaga noong una ay dahil sa pagkamatay ng tatay nito. Pero ngayon, natuklasan nila na buhay pa si Claire at ang tumutulong sa kanya ay ang malanding nanay ni Natnat na si Sandra.Sino ba ang mag-aaka
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ngumiti ng makahulugan. Ngunit dagling napawi ang mga ngiti sa kanyang mga labi nang narinig niyang muling bumukas ang pinto. Akala niya ay ang kakambal niya ulit ito kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon para idilat ang mga mata, pero naramdaman niya ang isang mabigat na katawan na pumaibabaw sa kanya. Nagulat siya at idinilat ang mga mata. “Caleb, anong ginagawa mo?” tanong niya sa asawa. Sinusubukan niya itong itulak paalis sa kanya, pero sa sobrang bigat nito ay hindi niya kaya.Nagkatitigan sila at nakita niya ang pait at sakit sa mga mata nito. “Dahil sa pera? Talaga?” nakaismid na tanong nito sa kanya. “Pinakasalan mo ako dahil sa pera?”Nanlaki ang mga mata niya. Narinig nito ang sinabi niya kay Andrea. O baka naman inirecord ni Andrea ang usapan nila at ipinarinig nito ang lahat sa asawa niya.“Goddamit, Nathalie! I am not your fucking pet para ipahiram kay Andrea!” galit na sigaw nito sa mukha niya. Hindi siya nagpakita ng pagkat
“Halika na. Kumain na muna tayo.” nagpatiuna na si Tonyo sa paglalakad papunta sa dining room at agad namang sumunod ang asawa nito at si Alvin.Nagsimula na ring maglakad si Nathalie habang hawak siya sa kamay ni Caleb nang biglang sumabay sa kanila si Andrea at ikinawit ang braso nito sa asawa niya.Napahinto bigla si Caleb. “Andrea, please.” mariing saad nito.“What?” parang hindi naman ito naapektuhan sa inasal ni Caleb. “Be a gentleman, Caleb. I’m still your wife’s cousin, baka nakakalimutan mo.”‘She’s actually Caleb’s sister-in-law.’ iyon ang nasa isip ni Nathalie. At hindi naman sa pagiging ungentleman. Alam ng asawa niya na may gusto pa rin sa kanya si Andrea kaya umiiwas lang ito.“Natnat, dito ka na maupo.” halos umikot ang mga mata niya nang makitang ipinaghila pa siya ni Tonyo ng upuan, samantalang si Daphne ay ipinaglagay agad siya ng kanin sa plato.Habang nakatingin sa nakahaing masasarap na pagkain ay hindi maiwasang hindi maisip ni Nathalie ang kanyang ama. Hindi man
“Sino siya, Nathalie?” muling tanong ni Caleb.Hindi pa rin niya sinasagot ito.“Ayaw mong sabihin kung sino ang lalaking ‘yun?” mukhang nauubusan na ng pasensiya ang asawa at nababahala siya. Bigla siyang kinabahan. Anong gagawin nito kay Andres?Kinuha nito ang cellphone mula sa ibabaw ng dashboard at nagsimulang magdial ng number. “Ayaw mong sabihin? Fine! I’ll ask David to investigate him.”“Caleb, ano ba!” inagaw niya ang cellphone dito, pero mabilis nito iyong nailayo. “Bakit kailangan mo pa siyang paimbestigahan? Hindi mo na kailangang malaman kung sino siya. Sinabi na niya sa’yo, di ba? Isa siyang kababata.”“At bakit hindi ko siya paiimbestigahan?” sagot nito sabay hagis ulit ng cellphone sa ibabaw ng dashboard. “Mukhang inlove siya sa asawa ko. Pano kung agawin ka niya sa akin? Wala ba akong karapatang malaman kung sino siya? At totoo ba ang sinabi niya na siya ang first love mo?”“Eh ano naman sa’yo?” nakaismid na sagot niya dito. “Bakit ikaw, wala ka bang first love? Wala
Para makapag-usap sila ng maayos, dinala ni Andres si Nathalie sa isang restaurant. Habang isineserve ang inorder na pagkain ng binata ay tahimik lamang na nakaupo at palihim niyang tinitigan ang kababata.Nakasuot ito ng white long sleeve polo na nakabukas ang tatlong butones sa itaas. Ang buhok nito na dati ay itim na itim at medyo magulo, at wala nang time magpapogi dahil nga sobrang busy sa trabaho, ngayon ay naka-textured crop at kulay brown na. Kitang-kita ang ma-muscle nitong katawan dahil bata pa ay batak na sa trabaho.Ibang-iba na ang itsura nito na dati na probinsyanong-probinsyano, ngayon ay masasabing laking ibang bansa ito. Mukha na din itong successful dahil sa bihis at magarang kotse nito.“What happened?” may accent na rin pati ang pagsasalita ni Andres. Napayuko si Nathalie nang marealized niya na kanina pa nakatitig sa kanya ang kababata. Ang tinutukoy siguro nito ay kung bakit pareho na sila ng mukha ni Andeng.“Mahabang kuwento, Andres.” sagot niya kasabay ng isan