Share

I am your Legal Wife
I am your Legal Wife
Author: Author Rain

Chapter 001

Author: Author Rain
last update Last Updated: 2024-12-25 12:10:23

"Hindi ka pa ba tapos diyan, Andrea? Parating na ang pamilya ni Caleb!" Sigaw nang medyo galit nang si Antonio sa kanyang anak dahil hindi pa ito tapos sa pagpipinta ng mukha nito sa harap ng salamin. Hindi siya mapakali habang palakad-lakad sa loob ng kwarto ng kanyang anak. He can't help feeling nervous about the outcome of their meeting with the Lopez family.

Nakatakda nilang pag-usapan ang pag-aayos ng kasal ng kanyang anak na si Andrea, at nang nag-iisang anak naman na lalake ng mga Lopez na si Caleb. Kaya naman si Andrea ay ilang ulit ding nagretouch ng kanyang make-up para maimpress ang poging binata at pumayag itong magpakasal sa kanya.

"Just a minute, daddy!" Andrea exclaimed, rolling her eyes at her father. "Masyado ka namang excited. Hindi pa nga natin alam kung papayag si Caleb sa arrangement na 'to!"

Andrea was indeed right. Alam na ni Caleb ang tungkol dito pero wala pa itong desisyon. Ngayon pa lang nila malalaman kung papayag ba ito na magpakasal sa kanya, alang-alang sa pag-usbong at pag-unlad ng kanilang mga negosyo. Pero hindi alam ng mga Lopez na nagbabadya nang bumagsak ang kumpanya ni Antonio na iniregalo lamang ng kanyang mayamang asawa na si Daphne, kaya naman ginagawa niya ang lahat para maimpress ang bilyonaryong binata at ang pamilya nito.

"Bilisan mo na diyan, Andrea! Dapat nandoon ka nakatayo sa may pinto pagdating nila mamaya para ikaw ang unang makita ni Caleb. Para isipin niya na magiging isang mabuting maybahay ka para sa kanya!" nanggigil na saad ni Antonio habang papalabas siya nang kwarto ng kanyang anak nang biglang makasalubong niya si Nathalie na papasok sana sa kwarto ni Andrea. "Anong ginagawa mo dito?"

Nathalie was the only daughter of Roberto, Antonio's older brother. Ang mag-ama ay kasalukuyang nakikitira at nagtattrabaho pansamantala sa bahay nila dahil sa utang. Sa probinsiya nakatira ang mga ito at pagsasaka lamang ang pangkabuhayan ng mag-ama. Sa kasamaang palad ay inatake si Berto sa puso at nangailangan ng malaking halaga ng pera para sa pagpapahospital nito.

At dahil walang ibang aasahan ang kanyang panganay na kapatid kung hindi siya lamang ay wala na siyang nagawa kundi tulungan ito at bayaran ang mga nagastos sa hospital. Pero hindi pumayag si Daphne, ang kanyang asawa na sobrang ganid sa pera, na libre lamang ang lahat ng nagastos nila sa hospital. Pumayag itong bayaran ang hospital pero magbabayad ang mag-ama sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa kanilang mansiyon sa Maynila.

At dahil maraming alam si Roberto sa mga halaman ay ginawa nila itong hardinero, at si Nathalie naman ay nagtatrabaho sa kanila bilang isang kasambahay. Dito na rin sa Maynila ito magpapatuloy ng pag-aaral para may makakasama din ang ama nito. Sila rin ang magpapaaral dito kaya naman nais ni Daphne na suklian nito ng pagtatrabaho sa kanila ang perang gagastusin para sa pag-aaral nito. Pero hanggang ngayon, ang pangakong ieenrol nila si Nathalie ay hindi pa rin natutupad.

"Tiyo Tonyo...'' panimula ni Nathalie, na lalong ikinagalit ni Antonio.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi na iyan ang pangalan ko!" nagtatagis ang mga bagang na sigaw nito sa pamangkin na ikinapitlag ng dalaga. Hindi pa rin siya masanay-sanay sa pagsigaw-sigaw sa kanya ng kanyang tiyo na minsan ding naging mabait noong kasama pa nila itong nagsasaka sa probinsiya. Nagbago lamang ito noong napangasawa nito ang mayaman at matapobreng si Daphne. "Anthony! Iyan ang itatawag mo sa akin, naiintintindihan mo ba? Wala ka bang utak ha? Paulit-ulit na lang tayo!"

Napayukong tumango si Nathalie na nanginginig na ang mga tuhod dahil hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang masamang balita.

"Oh, ano na ang sasabihin mo ngayon?" napaangat siya ng mukha nang marinig ulit ang boses ni Antonio.

"Tiyo Anthony..." pag-uulit ni Nathalie ngunit napapitlag ulit siya dahil sa sigaw na naman nito na mas malakas kaysa kanina. Biglang nangilid ang luha sa kanyang mga mata pero pinigilan niyang umiyak sa harap nito.

"Ano ba naman, Natnat! Uncle Anthony! Bakit ba tiyo ka ng tiyo diyan! Nasa Maynila na tayo, hoy!"

"Uncle Anthony, si tatay po kasi. Inatake na naman kaninang umaga. Dinala agad namin siya sa hospital dahil baka kung anong mangyari sa kanya." nanginginig at dire-diretsong saad ni Nathalie dahil baka putulin na naman siya sa pagsasalita ng kanyang tiyo. Kailangan na nitong malaman ang nangyari sa kapatid nito para maasikaso nila ang kanyang ama. "Kailangan daw pong..."

"What?!" ang kanina pa pinipigilang luha ni Nathalie ay bigla na lamang bumagsak nang marinig ang malakas at nakakatakot na boses ni Daphne, ang asawa ng kanyang tiyo. Natitiis niya pa ang pagsigaw-sigaw ni Antonio pero sa bruhang ito ay hindi na. Dahil nanginginig talaga siya sa takot kapag naririnig niya ang boses nito. "Ibig bang sabihin nito ay kailangan niyo na naman ng pera, kayong mag-ama?!"

"Honey..." sinalubong agad ito ni Antonio at kinintalan ng mabilis na halik sa mga labi ang asawa. "Huwag mo nang problemahin ang ibang tao. Ako na ang bahala sa kanila, okay? Dadating na ang mga Lopez at dapat ngiting-ngiti ka. Maganda at mapostura dapat. Tignan mo, may wrinkles na naman sa noo mo."

Huminga ng malalim si Daphne at inayos ang itsura bago tinignan mula ulo hanggang paa si Nathalie. "Wala kaming panahon sa drama mo ngayon ha! Bumaba ka sa kusina at tumulong sa mga maids! Bilis!"

"Pero tiya..."

"You heard what mommy said!" napaatras si Nathalie nang bigla na lamang siyang itulak ni Andrea papalabas ng kwarto nito. "Out!" sigaw nito na parang diring diri pa nang mahawakan ang kanyang mga braso. "Get out of my room, now! Alis na!"

Imbes na mainis kay Andrea, napatitig siya sa napakagandang mukha ng pinsan. Para siyang isang buhay na manika at ang make-up nito ay napakaperpekto.

"Ang ganda ganda mo, Andeng..." hindi napigilang bulalas niya habang hinahagod ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Ang kutis nito ay napakakinis at napakalambot. At napakabango pa nito gamit ang mamahaling pabango.

Pareho sila nitong may dark brown hair na buhok. Ang kanya ay straight na straight at nakapusod, samantalang ang kay Andrea naman ay nakastyle ng wavy at kinulayan ng blonde na bumagay naman dito. Ang maiksing kulay silver na dress ni Andrea ay nagpapakita ng kanyang mahahaba at mala modelong mga legs. Pati ang kanilang mga mata ay parehong brown at parang may kumikintab na kulay gold sa gitna. Kung dati, pareho sila ng kulay ng balat nito, ngayon ay mas maputi na ito nang kaunti dahil sa iba't ibang produkto na ginagamit nito sa katawan.

Matalik silang magkaibigan noong nasa Batangas pa lamang sila, at dahil na rin sa tinamasa nitong marangyang buhay ay nag-iba ang ugali at pati na rin ang pakikitungo nito sa kanya. Pati ang pagtawag nito kay Antonio, na dating itay, ngayon ay daddy na.

Pero wala ni katiting na inggit siyang nararamdaman dahil masaya naman siya sa buhay niya. Masaya siya basta't kasama niya ang kanyang itay Berto. At lalo pa siyang sasaya kapag natupad niya ang pangarap nito na mapagtapos siya sa pag-aaral. 

"I know I'm beautiful! And my name is Andrea! Get out of my room!" sigaw ulit ni Andrea at napuno ng hinanakit ang puso ni Nathalie habang nakatungo ito at naglakad papalabas ng kwarto ng pinsan. Hindi niya mapigilang hindi masaktan sa pagtrato ng mga ito sa kanilang mag-ama.

Kaninang umaga, narinig niya na may mga bisitang darating, ang mga Lopez. Alam niya na ang tungkol sa pagkakamabutihan nina Andrea at Caleb, ngunit hindi niya pa nakikita kahit minsan ang mukha ng kasintahan ng pinsan. Pero sabi ng ibang mga katulong ay napakagwapo daw nito at sobrang bait. Hiling niya lamang sa nalalapit na pag-iisang dibdib ng mga ito ay magbago ang ugali ni Andrea para naman magtagal pa ang relasyon ng dalawa, dahil alam niya na si Caleb ang matagal nang pinapangarap na lalake ng kanyang pinsan.

"Tay, may darating daw na mga bisita mamaya...'' noong nabanggit niya kay Roberto ang tungkol sa mga Lopez ay napansin niyang masama na ang pakiramdam nito, pero nakangiti pa rin ito habang kausap siya. "Okay lang po ba kayo, 'tay? May masakit ba sa inyo? Kumusta po pala ang pag-uusap niyo nang tiyo kagabi?"

Kinausap ni Roberto ang kanyang kapatid kagabi at tinanong dito ang tungkol sa pag-aaral ni Nathalie. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nila tinutupad ang pangakong pag-aaralin nila ito.

"Okay lang ako anak." Pagsisinungaling nito. "Ang sabi niya sa akin ay pwede ka nang mag-enrol sa susunod na buwan." pagpapatuloy nito habang naghuhukay ito ng lupa. Maya-maya lamang ay pumitas ito ng pulang rosas at tumayo, at saka nito inilagay ang bulaklak sa likod ng tenga ng anak. "Napakaganda mo anak, kamukhang-kamukha mo ang iyong inay."

"Salamat po, 'tay." nakangiting sagot ni Nathalie. "Pero totoo po ba 'yung sinabi niyo? Makakapag enrol na ako sa susunod na buwan?"

Isang taon na lamang at matatapos na siya sa kursong Business Management. Matagal na niyang pangarap magkaroon ng negosyo, at iyon ay ang pagpapatayo ng isang coffee shop. Madami din kasi silang tanim na puno ng kape sa Batangas kaya naman nag-iisip na siya na sa pananim nila mismo siya kukuha ng gagawing mga kape. Kapag nakapagtapos siya ay aalis na sila dito ng kanyang ama.

"Oo anak..." sagot ni Roberto para lamang sa ikakatuwa ng kanyang anak. Ayaw niya itong masaktan kaya iyon ang sinabi niya. Pero ang totoo, walang kasiguraduhan sa sagot ni Antonio sa kanya. Wala din itong binitawang pangako kaya naman biglang sumama ang pakiramdam niya dahil nasasaktan siya para sa kanyang anak. Nasasaktan siya dahil wala siyang magawa. Ayaw niyang paasahin ito, pero mas ayaw niyang nakikita itong malungkot. "Ieenrol ka daw sa Ateneo de Manila."

"Talaga tay? School din 'yun ni Andeng! Sa wakas magkakasama na ulit kami sa iisang school!" natutuwang sambit ni Nathalie habang hawak ang mga nanlalamig na kamay ng kanyang ama. "Salamat 'tay. Pangako, pagbubutihan ko ang pag-aaral ko. Magtatapos ako at iaalis kita dito."

Naluluhang niyakap ni Roberto ang kanyang anak. Ngunit bigla siyang napapitlag nang biglang kumirot ang kanyang dibdib, pero hindi siya nagpahalata dito.

"Sige tay, babalik na muna ako sa loob. Tutulong lang ako sa paghahanda para sa mga darating na bisita mamaya." kumalas ito ng yakap sa ama at naglakad na ulit pabalik sa loob ng bahay nang bigla siyang makarinig ng malakas na kalabog mula sa kanyang likuran. Paglingon niya ay nakita niya ang kanyang ama na nakabulagta na sa sahig hawak ang kaliwang dibdib nito. "Tay!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I am your Legal Wife   Chapter 168

    Pumasok ulit sa school si Nathalie. Napansin niyang hindi na siya masyadong pinagchichismisan ng ibang mga estudyante. Panaka-nakang sinusulyapan siya ng mga ito, pero wala namang sinasabi.Okay na rin ang pakiramdam niya. Pagkatapos niyang makunan, medyo traumatic pa rin ang nangyari, pero unti-unti na siyang nakarecover at maayos na ang pangangatawan niya.,Malapit na ang bakasyon. Ibig sabihin, makakapunta na siya sa Amerika para ibalik ang dati niyang mukha. Iyon ang napag-usapan nila ni Caleb noong nakaraang linggo pagkauwi nila galing sa mga pekeng Mondragon. Mayroon din daw itong sorpresa sa kanya. Sana daw ay huwag siyang mabibigla.Hindi siya excited sa sorpresa nito dahil hindi naman siya mahilig sa mga ganito. Mas excited siyang ibalik ang dati niyang mukha.Nagtataka din siya kung bakit hindi sila ginugulo ni Andrea ngayon. Mula nang manggaling sila sa bahay ng mga ito ay hindi pa ulit niya ito nakikita. Siguro ay nauntog ang ulo nito sa pader at nagising. Napagtantong hin

  • I am your Legal Wife   Chapter 167

    Ang mga pekeng ngiting nakaplaster sa mukha ng mga pekeng Mondragon ay hindi napalis hanggang sa tuluyang mawala sa paningin nila ang mag-asawa. Nang marinig nila ang pag-alis ng sasakyan ng mga ito ay saka lang unti-unting bumalik sa pagiging seryoso ang mga mukha nila.“Bakit parang ang bait mo naman yata sa malanding ‘yun, mommy!” agad na kinumpronta ni Alvin ang kanyang ina. Tahimik lang siyang nakikinig sa mga pinag-uusapan ng mga ito kanina habang naglalaro sa cellphone nito.Hindi sumagot si Daphne. Umupo ito sa sofa na iritable ang mukha. Galit siya. Galit na galit siya dahil sa naging takbo ng mga pangyayari. Hindi niya akalain na sa plano nilang pagpapalit ng mukha ni Natnat ay kanya iyong sinamantala para makuha si Caleb, at pakasalan siya nito.Ang alam lang niyang motibo ng dalaga noong una ay dahil sa pagkamatay ng tatay nito. Pero ngayon, natuklasan nila na buhay pa si Claire at ang tumutulong sa kanya ay ang malanding nanay ni Natnat na si Sandra.Sino ba ang mag-aaka

  • I am your Legal Wife   Chapter 166

    Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ngumiti ng makahulugan. Ngunit dagling napawi ang mga ngiti sa kanyang mga labi nang narinig niyang muling bumukas ang pinto. Akala niya ay ang kakambal niya ulit ito kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon para idilat ang mga mata, pero naramdaman niya ang isang mabigat na katawan na pumaibabaw sa kanya. Nagulat siya at idinilat ang mga mata. “Caleb, anong ginagawa mo?” tanong niya sa asawa. Sinusubukan niya itong itulak paalis sa kanya, pero sa sobrang bigat nito ay hindi niya kaya.Nagkatitigan sila at nakita niya ang pait at sakit sa mga mata nito. “Dahil sa pera? Talaga?” nakaismid na tanong nito sa kanya. “Pinakasalan mo ako dahil sa pera?”Nanlaki ang mga mata niya. Narinig nito ang sinabi niya kay Andrea. O baka naman inirecord ni Andrea ang usapan nila at ipinarinig nito ang lahat sa asawa niya.“Goddamit, Nathalie! I am not your fucking pet para ipahiram kay Andrea!” galit na sigaw nito sa mukha niya. Hindi siya nagpakita ng pagkat

  • I am your Legal Wife   Chapter 165

    “Halika na. Kumain na muna tayo.” nagpatiuna na si Tonyo sa paglalakad papunta sa dining room at agad namang sumunod ang asawa nito at si Alvin.Nagsimula na ring maglakad si Nathalie habang hawak siya sa kamay ni Caleb nang biglang sumabay sa kanila si Andrea at ikinawit ang braso nito sa asawa niya.Napahinto bigla si Caleb. “Andrea, please.” mariing saad nito.“What?” parang hindi naman ito naapektuhan sa inasal ni Caleb. “Be a gentleman, Caleb. I’m still your wife’s cousin, baka nakakalimutan mo.”‘She’s actually Caleb’s sister-in-law.’ iyon ang nasa isip ni Nathalie. At hindi naman sa pagiging ungentleman. Alam ng asawa niya na may gusto pa rin sa kanya si Andrea kaya umiiwas lang ito.“Natnat, dito ka na maupo.” halos umikot ang mga mata niya nang makitang ipinaghila pa siya ni Tonyo ng upuan, samantalang si Daphne ay ipinaglagay agad siya ng kanin sa plato.Habang nakatingin sa nakahaing masasarap na pagkain ay hindi maiwasang hindi maisip ni Nathalie ang kanyang ama. Hindi man

  • I am your Legal Wife   Chapter 164

    “Sino siya, Nathalie?” muling tanong ni Caleb.Hindi pa rin niya sinasagot ito.“Ayaw mong sabihin kung sino ang lalaking ‘yun?” mukhang nauubusan na ng pasensiya ang asawa at nababahala siya. Bigla siyang kinabahan. Anong gagawin nito kay Andres?Kinuha nito ang cellphone mula sa ibabaw ng dashboard at nagsimulang magdial ng number. “Ayaw mong sabihin? Fine! I’ll ask David to investigate him.”“Caleb, ano ba!” inagaw niya ang cellphone dito, pero mabilis nito iyong nailayo. “Bakit kailangan mo pa siyang paimbestigahan? Hindi mo na kailangang malaman kung sino siya. Sinabi na niya sa’yo, di ba? Isa siyang kababata.”“At bakit hindi ko siya paiimbestigahan?” sagot nito sabay hagis ulit ng cellphone sa ibabaw ng dashboard. “Mukhang inlove siya sa asawa ko. Pano kung agawin ka niya sa akin? Wala ba akong karapatang malaman kung sino siya? At totoo ba ang sinabi niya na siya ang first love mo?”“Eh ano naman sa’yo?” nakaismid na sagot niya dito. “Bakit ikaw, wala ka bang first love? Wala

  • I am your Legal Wife   Chapter 163

    Para makapag-usap sila ng maayos, dinala ni Andres si Nathalie sa isang restaurant. Habang isineserve ang inorder na pagkain ng binata ay tahimik lamang na nakaupo at palihim niyang tinitigan ang kababata.Nakasuot ito ng white long sleeve polo na nakabukas ang tatlong butones sa itaas. Ang buhok nito na dati ay itim na itim at medyo magulo, at wala nang time magpapogi dahil nga sobrang busy sa trabaho, ngayon ay naka-textured crop at kulay brown na. Kitang-kita ang ma-muscle nitong katawan dahil bata pa ay batak na sa trabaho.Ibang-iba na ang itsura nito na dati na probinsyanong-probinsyano, ngayon ay masasabing laking ibang bansa ito. Mukha na din itong successful dahil sa bihis at magarang kotse nito.“What happened?” may accent na rin pati ang pagsasalita ni Andres. Napayuko si Nathalie nang marealized niya na kanina pa nakatitig sa kanya ang kababata. Ang tinutukoy siguro nito ay kung bakit pareho na sila ng mukha ni Andeng.“Mahabang kuwento, Andres.” sagot niya kasabay ng isan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status