Share

KABANATA 6

CARINA CHERYL'S POV

NAGISING na ramdam ang bigat ng aking mga mata, pagkauwi ko galing sa lugar na nagpakalma sa akin kahapon ay dumiretso ako ng uwi sa bahay at nagkulong lang sa kwarto. Buong mag damag akong umiyak.

Ang sakit pa rin pala.

Napatingin ako sa orasan sa tabi ng higaan ko, napabalikwas ako ng makitang malapit na mag alas otso.

"Late na ako!" Sigaw ko at lakad-takbong nagtungo sa banyo. Ilang minuto lang ang iginugol ko sa pagliligo at pagbihis. Naglagay na din ako ng light make up at agad na dinampot ang bag ko at ilang papeles na kailangan sa trabaho. 

Ayoko pa sanang pumasok dahil ayaw ko pa siyang makita ngunit wala akong magagawa, I need this job not because I want money, nagtatrabaho ako sa kompanya ng iba para maging handa kapag ako na ang hahawak ng sarili naming kompanya.

"Princess, hindi ka ba kakain?" Bungad na saad ni Mommy ng makita akong papalabas na ng pinto.

"Morning Mom, I'm sorry I have to go, late na po ako, sa office na lang ako kakain. Bye, Mom! Say my greetings to Daddy." Nagmamadaling sabi ko at nagtatakbong nagtungo sa sasakyan ko.

Agad ko itong binuhay at minaneho. Ilang minuto pa ay pahinto-hinto ako dahil sa traffic. Aish! Bakit ngayon pa? It's already 8:45, I'm forty-five minutes late! I'm dead!

Nang umusad na konti ang mga sasakyan, nakita ko ang dahilan kung bakit traffic, there's an car accident. Lumiko ako upang makalusot sa ma-traffic na kalsada. Ilang minuto pa akong nagmaneho hanggang sa makarating na ako sa harap ng building.

Agad akong bumaba ng sasakyan at tumakbo patungo sa entrada ng kompanya, nagtataka pa akong tiningnan ng guard ngunit ngumiti lang ako at nilagpasan siya. Lulan ng elevator ay tiningnan ko muna ang itsura ko, ng makitang maayos naman ay saktong pagbukas ng elevator kaya dagli akong lumabas at naglakad patungo sa opisina. 

Kabubukas ko pa lamang ng pinto ng opisina ng biglang umalingawngaw ang isang baritonong boses.

"You're late!" Singhal nito gamit ang malalim na boses at madilim ang awra nito. Napapayukong nagpatuloy ako sa pagpasok at humarap sa kanya na ang mata ay nakatingin lamang sa kanyang lamesa.

"I'm sorry, I woke up late." Yun lamang ang sinabi ko at nagtungo na sa sarili kong lamesa. Sinimulan ko nang gawin ang mga trabaho ko, lahat ng papeles na kailangan i-review ay binasa ko, lahat ng mga dapat papapirmahan ay tinipon ko para isahan na lang ang pagbigay kay Sir Radcliff. 

Dahil sa sobrang pagmukmok sa trabaho ay nalaman ko na lamang na alas dos na pala ng hapon ng mapatingin ako sa cellphone kong biglang umilaw. 

Aish! I skip my breakfast and lunch! What the heck! Bat ba kasi hindi ako nakikiramdam sa paligid.

Wala ngayon si Sir dahil pagkarating ko dito sa office at pagkatapos niya akong sitahin ay umalis na ito at may meeting daw na hindi ako kailangan.

Tumayo ako at dagling inayos ang mga gamit ko, I need to eat baka bumalik na naman ang sakit ko. 

I have ulcer, five years ago, ilang linggong tubig at prutas lamang ang kinakain ko, hindi ako lumalabas sa kwarto at hindi ko din kinakain ang mga pagkaing inihahatid sa akin, after months nakita ko na lang muli ang sarili ko sa hospital.

Matapos kong ayusi ang mga gamit ko ay dumiretso na agad ako patungo sa pinto akmang bubuksan ko na ito ng bigla akong mapahawak sa sintedo ko at sa katabi kong pader, I feel dizzy.

"Are you okay?" Someone said.

Naniningkit ang mga matang tumingala ako upang makita ang nagsalita ngunit dahil sa ginawa ko ay lalong nandilim ang paningin ko na naging dahilan para manghina ako at muntikan ng mawalan ng balanse kung hindi lang ako naalalayan nung nagsalita kanina na hindi ko na naaninag ang mukha.

"What the hell happened to you, Cheryl!?" Now I'm sure this man is Radcliff, siya lang ang bukod-tanging tumatawag sa akin sa pangalawa kong pangalan. Unti-unti pa akong nahilo hanggang sa hindi ko na alam pa ang sumunod na nangyari.

PILIT na minulat ko ang mabigat na talukap ng aking mata, lahat ng nakikita ko ay puti, at sawa na ako sa lugar na to, lagi na lang akong napupunta dito. Hospital na naman, hospital na lang lagi.

"Hey, do you need anything?" Malumanay na tanong ng isang boses na kilalang-kilala ko.

"Why am I here?" I said instead of answering his question. 

"Nahimatay ka kanina and I found out that you've skipped your breakfast and lunch! Anong pumasok sa kokote mo at hindi ka na naman kumain? Cheryl naman!" Singhal nito ngunit sa malumanay na boses pa rin.

"Thank you, thank you so much for bringing me here, pero sana inutos mo na lang sa iba, naabala pa kita. Don't act like you care, you're not my boyfriend anyway." Saad ko at tumayo at bumaba na sa hospital bed. Sakto naman na pumasok ang nurse.

"Carina, I'm glad you're awake. Ibibigay ko na lang sayo ang gamot na kailangan mo and you can go home na, please rest and eat on time, baka bumalik ang sakit mo." Saad ng nurse na ikinatango ko at ikanakunot naman ng noo ng lalaki na nasa may couch na walang iba kundi si Radcliff.

"Thank you, Nurse Gia!" I said sweetly, yes I know her, siya ang nag-alaga sa akin nung nagkaroon ako ng ulcer.

"You're always Carina, so you can go now, nakalagay na din dyan yung medical bill, you can pay your hospital expenses na sa baba." 

"Thank you."

"Give me the receipt, ako na ang magbabayad." Singit ni Radcliff.

"No, thanks, I can pay my bill. Thank you." I said then get my bag on the couch at lumapit sa may pinto, bago ako tuluyang makalabas ay lumingon akong muli at tumingin kay Radcliff.

"Thank you again, but if this will happen again, huwag mo na akong intindihin, kung maaari, hayaan mo na lang akong mamatay." I seriously said before walking to the lobby of the hospital to pay my bills.

I'm serious nung sinabi ko na hayaan na lang akong mamatay, I don't feel like I'm alive anyway. My parents will feel sad if that will happen that's why I'm fighting, pero mahirap din ang lumaban para sa kasiyahan ng iba, kung gusto mo na lang sumuko at mawala na.

Pagkatapos ko sa hospital ay nagpunta ako sa bahay nina Mom at kumuha ng damit, lilipat na ako sa condo na binili ko.

Siguro kailangan ko na din lumipat para hindi na ako maging pabigat sa mga magulang ko, kakausapin ko na din si Dad na kung pwede ay lumipat na lang ako sa sarili naming kompanya at dun na magtrabaho. Ayoko nang manatili sa isang opisina kasama ang taong naging dahilan kung bakit nanghina ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status