Share

KABANATA 5: FLASHBACK (5 YEARS AGO)

CARINA CHERYL'S POV

I met Radcliff when I was in my senior high school days.

FLASHBACK

ABALA kaming mga senior high student sa pag-aayos ng sari-sariling booth. Intramurals kasi ngayon kaya naatasan kaming gumawa nito. Kahit nakakapagod ay hindi kami nagreklamo. Graduatin na din naman kami eh.

"Carina, paabot naman nung thumbtack sa lamesa, natatanggal kasi sa pagkakadikit tong kurtina eh." Saad ng bestfriend kong abala sa pagkakabit ng kurtina sa booth namin.

Photo booth yung napili naming gawin dahil napansin naming wala pang gumagawa nito.

"Shaina, bakit parang andaming naka civilian? Diba dapat naka-uniform pa rin kahit intrams?" Nagtatakang baling ko dito habang inaabot ang hinihingi nitong thumtacks.

"Ano ka ba Carina, mga outsider yan. Pinayagan kasi ng may-ari ng school na makapasok ang taga ibang eskwelahan." Sagot nito sa tanong ko bago ipagpatuloy muli ang pag-aayos.

Muli kong inilibot ang aking tingin sa school field. Ang daming istudyanteng pabalik-balik ang lakad. May sari-sarili itong ginagawa at ang iba naman na taga ibang paaralan ay abalang naglilibot at nagtitingin-tingin sa bawat booth.

"Olivia! Carina!" Tawag sa amin ng isang lalaki. Napangiti ako ng makita na si Tejay iyon. Kaibigan namin ni Olivia.

"At anong ginagawa mo dito?" Masungit na baling ni Olivia kay Tejay. Here come's the cat and dog fight again.

"Bakit? Ayaw mo bang makita ang kagwapuhan ko, Olivia, babe?" Mapang-asar na sabi naman ni Tejay na ikinailing ko.

Laging nag-aaway yang dalawang yan, minsan nga naisip ko na baka yan yung magkatuluyan sa huli eh.

Agad kong ibinaling ang aking tingin sa sariling ginagawa ng maramdaman kong may nakatitig sa akin. Inilibot kong muli ang aking paningin sa paligid ngunit wala naman akong napansing kakaiba. Isinawalang bahala ko na lamang iyon at inayos na ang mga gagamitin para sa gaganapin mamaya.

"Carina! Pinapatawag ka sa Dean's office!" Tawag sa akin ng Student council president na si Isabella.

Napatingin naman ako dito bako tinignan ang bestfriend kong si Olivia. Nakakunot na ang noo nito na para bang tinatanong ako kung bakit. Nangibit-balikat na lamang ako dito at muling humarap kay Isabella.

"Susunod ako." Mahinahong saad ko bago inayos ang mga gamit ko.

"Bakit ka pinapatawag sa office, ha? Carina?" Mapanuring tanong ni Olivia na ikinatawa ko.

"I don't know, baka may kailangan lang ibilin si Dean. You know my parents and the owner of this school are business partners." Tanging sabi ko bago siya nilapitan at hinalikan sa pisngi.

"Mauna ka na sa cafeteria, babalik ako agad." Dagdag ko pa bago tumalikod dito.

Habang naglalakad ay nakakarinig na naman ako ng mga bulungan, hindi ko na ikinabigla ang mga yun dahil sanay na ako. Some admired me, I am a teen model at talaga namang kalat ang magazine na ako ang nasa unahang pahina.

Nang makarating sa tapat ng office ni Dean ay dalawang beses muna akong kumatok bago tuluyang buksan ang pinto, ngunit walang Dean akong nadatnan sa kanyang mesa. Inikot ko ang aking tingin sa buong silid, nagbabakasakaling nandito lamang ito ngunit nabigo ako.

Akmang tatalikod na upang lumabas ng pinto ng may biglang nagsalita sa aking likuran na naging sanhi ng impit kong tili.

"Who are you looking for?" Malamig na saad nito ngunit ang mata ay matiim na nakatingin sa akin. Iniwas ko ang aking paningin upang hindi magtagpo ang aming mga mata.

"I'm looking for Mrs. Williams." Maikling sambit ko.

"Mom is not here. What do you need from her?"

"She asks me to go over here. Wait- you call the Dean, Mom? You're the Dean's son?" Nanlalaking matang tanong ko ng mapagtanto ang sinabi nito kanina.

"Ahm- I'm sorry I didn't mean to ask something like that. I'm going, hahanapin ko na lang si Mrs. Williams." Mahinang dagdag ko at unti-unting tumalikod dito.

Hawak ko na ang seradura ng pinto ng muli itong magsalita.

"What's your name, Ms.?"

Nakakunot-noong nilingon ko ito, ngunit nanatiling blangko ang reaksyon nito.

"I'm Carina, Carina Cheryl Jones." Pormal na pagpapakilala ko dito bago muling nagsalita.

"Can I go now, Mr.?"

Bahagya itong tumango kaya dali-dali ko ng binuksan ang pinto at lakad-takbong lumabas. Tsk, baka magsalita na naman eh, edi hindi ako naka-alis dun? Naghihintay pa naman sa akin sa cafeteria si Olivia.

Ngunit bago ako tuluyang makalabas ng opisina ay narinig ko pa itong nagsalita ngunit hindi ko ito naintindihan, o baka naman ay hindi talaga ito nagsalita?

"You're mine."

"Why did you take so long?" Iritang bungad sa akin ng magaling kong kaibigan pagkaupo ko sa harap niya.

"I'm sorry, hindi ko nadatnan si Mrs. Williams sa opisina nito."

"Oh? Hindi mo naman pala nadatnan, ba't ang tagal mo pa din?"

"Something came up."

"And what is that something, Ms. Jones?" Nakataas ang kilay na saad nito.

"Can we eat first, Olivia? I'm hungry!" Pag-iiba ko sa usapan.

"Fine, but after we eat you'll tell me what happened in that damn office." Mataray na pagsuko nito at nagsimula ng kumain.

Tahimik lamang kaming kumain dahil sanay kaming hindi nag-uusap kapag nasa harap ng pagkain.

"So, tell me the story Carina, I'm waiting." Biglang saad nito pagkatapos punasan ang labi.

Ang bilis naman kumain ng babaeng toh!

"Can't you wait? I'm still eating my dear friend." I said sarcastically, but she just laughed.

Binalik ko ang aking atensyon sa pagkain ng bigla akong kalabitin ni Olivia.

"What!?" I hissed.

"Did you know that guy?" Tanong nito ngunit hindi sa akin nakatingin.

"Who's the guy?" I wondered.

"That guy! Over there!" She said and pointed something at my back.

I immediately put my gaze on the place Olivia pointed. And there I saw the man at the Dean's office.

"I don't know him, Olivia." Baling ko sa kaibigan ko na nanatiling nakatingin sa direksyon nung lalaki.

"But he keeps on glancing at your direction, Bessy!" Tila kinikilig na sabi niya at kinurot pa ang balikat ko.

"Ouch! Olivia, tumigil ka nga, can't you see I'm still eating." Angil ko na ikinatigil nito.

"Okay, I'm sorry. But still, he's looking at you. I think he likes you." Sabi pa nito na ikinailing ko nalang.

Mabilis ko ng tinapos ang pagkain ko dahil hindi talaga ako tinitigilan ng mabait kong kaibigan.

"Let's go, Olivia. Sa garden na lang tayo mag-usap." Mahinang sabi ko bago ito hinila palabas ng cafeteria.

"Tell me what happened at the Dean's office, Carina."

"Nagmamadali? Pwede ba, maghunos-dili ka d'yan." Iritang sabi ko dito bago sumalampak ng upo sa damo.

"Start now, Carina. Lumilipas ang oras." Giit pa nito na ikanbuntong-hininga ko na lamang.

"Fine! Hindi ko naabutan si Mrs. WIlliams kanina dahil yung lalaking tinuturo mo kanina ang nadatnan ko roon." Mabilis na sabi ko.

"What? Anong ginagawa ng lalaking yun sa opisina ni Dean?"

"He's the Dean's Son, Olivia."

"Omg! He's so handsome... So, ano pa? What happened next?" Parang batang sabi nito na lalong ikinailing ko.

Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkukwento dahil alam kong hindi titigil ang kaibigan kong ito hangga't hindi nalalaman ang lahat.

~*~

Dumaan ang mga araw ay palagi ng nagpapakita sa school ang anak ng Dean, hindi ko alam kung nagkataon lang bang lagi kaming nagkakasalubong o talagang inaabangan niya ako tuwing uwian. Hanggang sa lumipas ang buwan at taon mas lalo itong lumapit sa akin, minsan ay inaaya ako nitong kumain sa labas at minsan naman ay siya ang naghahatid sa akin pauwi.

Kilala siya ng mga magulang ko, bukod sa tumutulong ito sa pag ma-manage ng kompanya ng pamilya ay business partners din pala ang mga magulang namin. Minsan nga nagtataka ako kung bakit lagi siyang nakabuntot sa akin eh may pasok siya sa paaralan nila at may trabaho sa kompanya. Mahigit kalahating buwan kaming ganun lang ang ginagawa, at hindi ko namalayang nahuhulog na pala ako ng hindi ko nahahalata. Napakakomportable ko kapag nandyan siya, pinilit kong kalimutan ang nararamdaman ko ngunit nagtapat siya.

Nais niya akong ligawan na labis kong ikinatuwa at ikinataka, I thought he just want me to be his little sister, pero mali pala. He said na sa pagtapak ko pa lang sa opisina ng kanyang ina, nakuha ko na ang atensyon niya. 

"Cheryl, alam kong masyadong mabilis, pero hindi ko na kaya pang magpigil. When you entered my Mom's office who happened to be your school Dean, naagaw mo na ang atensyon ko. You are so beautiful and I was captivated by your beauty. Nung magtama ang mga mata natin, ewan ko but I saw my future on you. You make me happy by just smiling, you're making me jealous every time na nakikita kitang nakikipagtawanan sa mga kaklase mo." Huminto ito at inangat ang tingin sa mukha ko. He held my cheek and gently scrub it. Tumawa ito ng mahina ng makita ang pagtataka sa mukha ko.

"You let me see the world, and you are that world, you are my world. Now, may I ask for your hand and let me walk with you? Can you allow me to be your boyfriend? I know I'm too fast, hindi na ako manliligaw para sagutin mo ako, dahil sa oras na maging akin ka, araw-araw kitang liligawan, hindi ako mangangako, pero gagawin ko ang lahat para hindi ka iwan. I love you, and I mean it." He looked at me with sincerity in his eyes.

"Hindi mo pa man hinihingi ang sagot, ibinigay ko na. Hindi mo pa man hinihingi ang kamay ko ay ibinigay ko na. Tatanggihan pa ba kita? I love you too, maybe you're too possessive, but I love your possessiveness. And yes, I also want to be yours." Nakangiti ngunit lumuluha kong saad. 

Nakita ko kung paano dumaan ang saya sa mga mata nito. Muntik na akong mapatili ng bigla akong binuhat nito at inikot-ikot sa ere.

"Hey! Nahihilo ako ano ba!" Singhal ko na natatawa. Nakangiting ibinaba ako nito at mabilis na dinampian ng halik ang aking labi. Sisigawan ko sana ito ng biglang lumapit sa akin at marahan akong niyakap bago bumulong.

"Thank you." 

Months had past at masasabi kong napakasaya ng pagsasama namin, we fought alot of times pero hindi ito natutulog ng hindi kami nagkakaayos.

Not until one day... the day when I saw him laughing together with that Hazel. They're happily talking in a restaurant, alam kong nakita na ako ni Radcliff dahil sumulyap ang kanyang tingin sa gawi ko ngunit imbes na lapitan ako ay nagpatuloy lang siya sa pagtawa habang ako nakatunghay lang sa kanila.

Sobrang sakit, seeing your man laughing with other girl and the way he can stand seeing me hurting but he continue laughing with the woman I'm jealous with.

Since that day, nagsimula ng magbago ang lahat. Nagsimula ng magbago ang relasyong binuo namin, dahil simula ng araw na yun ay para na akong hangin. Every time na makikita ko siya ay kasama niya si Hazel, every time na gusto ko siyang kausapin, he always says that he's busy and he doesn't have time to talk to me but then I saw her talking and dating Hazel. 

Nagbulag-bulagan ako, pinili kong manatili pa rin kahit sobrang nadudurog na ako. Na sa tuwing nakikita ko silang nagtatawanan, iniiwas ko na lang ang paningin ko at magpapanggap na para akong walang nakita, pero sa loob ko, sobra na, parang gusto ko ng magpahinga. Ako dapat yung nasa posisyon ni Hazel, kami dapat yung nagtatawanan at magkasama, pero wala akong ginawa, kasi nakikita ko siyang masaya. I want him to be happy, kahit pa nakikita kong hindi ako ang dahilan nun. Hindi ako nagreklamo, hindi ko siya sinumbatan kasi hindi ko alam ang dahilan niya kung bakit imbes na ako ay may kasama siyang iba. 

Ngunit gaya ng mga nasa pelikula, napagod at napuno na din ako. 

So, when I saw them eating in a restaurant near my condo, dagli akong pumunta sa kanila and I face them.

"Radcliff, can I talk to you?" Malamig na saad ko. Tiningnan ako nito gamit ang walang emosyon niyang mga mata na mas lalong nagtulak sa nagbabadya kong luha ngunit pinigil ko parin itong tumulo.

"Can't you see? We're eating!" Singhal nito at tinapunan ng tingin si Hazel. Dumaan ang sakit sa mga mata ko ng dahil sa sinabi niya.

"Just 5 minutes, please?" Pagmamakaawa ko pa. 

"Can't you see, bitch? He doesn't want to talk to you kaya pwede ba? Respect, please? Kumakain kami." Nanggagalaiting sigaw ni Hazel ngunit hindi ko siya pinansin man lang.

"That should be me, I am your g-girlfriend. What happened?" Pilit na sambit ko.

"Can't you see? I'm tired of you! I don't even love you anymore! So please, get the hell out of here!" Sigaw ng lalaking mahal ko na lalong nagpadurog sa akin. His words are like daggers, and it starting killing me slowly.

"Why?" Napakahinang sabi ko habang humihikbi, hindi ko na napigil ang paglandas ng aking luha, tuluyan ng nagbagsakan, nagpapaunahan, tila naghahabulan.

"Let's just get out of here, love. If that woman doesn't want to get her ass off here, then tayo na lang ang aalis." Suhestiyon naman ni Hazel.

"No! Lemme talk to Radcliff first. After that, hindi na ako manggugulo." Pakiusap ko pa at tumingin sa mga mata ni Radcliff.

"Then talk! Basta dito lang ako." Saad ni Hazel na ikinatango ko. Umupo ako sa katabing silya ni Radcliff and I face him.

"You're happy with her? Aren't you?" Mahinang saad ko.

"I'm happy." And just that my tears started to flow.

"Why? Why did we end up in this situation? Minahal lang naman kita, pero bakit sobrang sakit?" Nakita ko ang pagbabago sa kanyang emosyon ngunit agad din namang bumalik sa pagiging blanko.

"I don't love you, I never did." Matigas na sabi nito na ang mga mata ay nakapako sa akin. 

He never loves me, and that's my cue.

"If I'll make you choose between me and her, who will you choose?" Kahit alam ko na ang sagot ay mas pinili ko pa din itanong kahit pa mas lalo lamang akong masasaktan. Ilang sandali na katahimikan ang namutawi. Sinulyapan ko ng tingin si Hazel na panay ang irap sa akin, ng biglang...

"Her, I choose her." Pinal na saad nito.

He chooses her over me, at dun pa lang talo na ako. Kailangan ko pa bang ipaglaban ang taong pinipili ay hindi ako?

"No! You love me, right? Please, I'm begging you, hon, please? Don't leave me. I'll make it up to you just please don't go." Pakiusap ko.

"Stop this nonsense talk! You're ruining our date!" Singhal sa akin ni Hazel na isinawalang bahala ko.

"Do I have to beg? Do I have to beg just to make you stay? K-kasi kung yun yung magpapanatili sayo sa piling ko g-gagawin ko. Mahal na mahal kita eh, pero b-bakit-" Pautal-utal kong saad na pinutol ni Radcliff.

"Let's end this, I'm breaking up with you."  Pormal na sabi niya at lumapit kay Hazel.

Those words, hindi ko inaakalang aabot kami sa ganito, hindi ko inaakalang sasambitin niya ang mga linyang tuluyang nagpaguho ng mundo ko.

"You're joking, right? You love me, you told me you love me." Pagsusumamo ko.

"No, I fooled you, and how ironic that you're a fool to the point that you fall into my trap."

Tuluyang gumuho ang mundo ko ng sabay silang tumayo at iniwan akong lumuluha.

Weeks had past at nalaman kong aalis daw ng bansa si Radcilff at Hazel. Siguro kailangan ko na din siyang isuko? Siguro tataposin ko na ang paglaban gayong sumuko na din naman ang pinaglalaban ko.

I fix myself, nagsuot ako ng komportableng damit at minaneho ko ang sasakyan patungo sa airport. Hindi ko alam kung paano pa ako nakarating ng ligtas sa airport gayong lumilipad ang isip ko sa buong byahe.

Pumunta ako sa waiting area at kung sinuswerte nga naman ay naabutan ko pa sila dun.

"Radcliff!" I immediately call his name, I saw him roam his eyes around and when it landed on me, naging blanko ito.

Lumapit ako sa kinaroroonan nila, hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-irap ni Hazel.

"I won't beg anymore, huling pagmamakaawa ko na ang ginawa ko ilang linggo na ang nakakaraan." Paunang saad ko.

"Bilisan mo ang arte Carina! Inaabala mo kami." Saad ni Hazel.

"Maybe this is the end of us? I'm done chasing you, I'm done understanding you. Thank you for the experience, thank you for letting me experience being loved kahit hindi ako sigurado kung minahal mo ba talaga ako. Thank you for letting me experience such a painful first heartbreak. I love you but I'm done with you." Tumigil ako sa pagsasalita bago huminga ng malalim.

"Be happy, because I wish for your happiness even though I am no longer the cause of that happiness. Goodbye." And with that I turn my back and walkaway, hindi ko na siya hinintay pang magsalita dahil labis na ang sakit na nararamdaman ko.

Minaneho ko ang sasakyan ko habang walang tigil ang luhang bumubuhos mula sa mga mata ko. At sa hindi inaasahang pagkakataon, naramdaman ko na lamang ang pagtama ng ulo ko sa isang matigas na bagay at ang unti-unting pagsara ng mga mata ko. 

Nagising ako sa isang puting silid, labis ang ginamit kong lakas mabukas ko lang ang aking mga mata, sobrang bigat din ng aking katawan, tila ba nakahiga ako sa kama ng mahabang panahon.

"You're awake!" 

"Honey! Our princess is awake!" My Mom screamed.

"How long I've been sleeping?" Namamalat na saad ko.

"Your sleeping for almost one year, princess. I'm so worried about you."

Almost one year? Bakit hindi pa ako namatay?

Nalaman kong na coma ako dahil sa aksidenteng yun. And that whole 4 years, ginamit ko iyon para ipagpatuloy ang buhay ko, may buhay nga ba? 

Simula ng magising ako ay wala na akong narinig tungkol sa kanya, tuluyan ko na ding pinutol ang koneksyon ko sa mga taong malapit sa kanya, ayoko ng malaman pa ang mga bagay na pinagkakaabalahan niya dahil mas lalo lang akong masasaktan.

Tinulungan ako ng magulang kong makabangon, nakakatuwa lang na kahit anong problema ang pagdaanan ko, my parents are always by my side. Hindi nila ako pinabayaan.

Sa loob ng apat na taon, inayos ko ang sarili ko, sa loob ng apat na taon nagtapos ako. At ngayong nakapagtapos na ako, ngayong tuluyan ko ng nabuo ang sarili k, babalik at magtatagpo pala kami ng taong naging dahilan ng pagkasira ko.

Do I deserve this? Kasi masasabi kong hindi. Nagmahal lang naman ako, pero bakit napaka komplikado?

END OF FLASHBACK

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status