Beranda / Romance / I'm Crazy For You / I'm Crazy For You Chapter 236

Share

I'm Crazy For You Chapter 236

Penulis: MIKS DELOSO
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-15 19:26:08

Bawat araw na lumilipas ay tila isang bagong simula. Unti-unting bumabalik sa dati ang takbo ng mundo. Wala nang quarantine pass, wala nang checkpoint sa kalsada, at wala na ring kaba sa bawat hakbang palabas ng bahay. Ang mga mask, bagaman bahagi pa rin ng pang-araw-araw, ay hindi na kasing higpit tulad ng dati. Ang mga tao’y unti-unti nang natututong ngumiti muli—kahit pa sa likod ng kanilang mga facemask.

Si Cherry, gaya ng nakasanayan, ay maagang gumising para sa kanyang morning shift bilang work-from-home customer service representative. Tahimik ang bahay, ngunit punong-puno ng pagmamahal. Sa kabilang kuwarto, mahimbing pang natutulog ang tatlong munting puso ng kanyang buhay—sina Mike, Mikee, at Mikaela.

Habang nilalagyan niya ng kape ang kanyang mug, lumapit si Gemma, ang kanyang ina.

“Anak, magpahinga ka mamaya ha? Kami na ni Papa ang bahala sa mga bata. Naisipan naming mamasyal sa mall. Matagal na ring hindi nakalabas ang mga bata,” malumanay na sabi nito habang binibitbit an
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 237

    Hindi mapalagay si Jal.Habang namimili sila ni Prescilla sa kid’s section ng isang sikat na department store para bumili ng bagong set ng damit ni Miguel, wala sa isip niya ang mga makukulay na onesie, tiny sneakers, at cute na caps na gustong ipasuot ng asawa sa anak nila.Sa halip, ang bumabagabag sa isipan niya ay ang kaninang tagpo—ang mga matang masisilayan mo lang sa isang batang inosente, pero sa kanya’y tila salamin ng isang nakaraang matagal na niyang nilibing.Lumuha si Prescilla, pero pinunasan niya ito agad gamit ang palad.“May pamilya ka na, Jal,” madiing sabi niya habang pilit pinipigil ang pag-angat ng boses. “Bakit mo pa iniintindi si Cherry? May anak na siya sa iba. Sa iba, Jal. Huwag mong sabihing aakuin mo pa ‘yung mga bata—hindi mo sila anak!”Nanigas ang katawan ni Jal. Parang may gumuhit sa puso niyang hindi niya maipaliwanag. Hindi siya agad nakasagot. Ang totoo’y hindi niya rin alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.“Kahit... kahawig ko ‘yung batang lalak

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 236

    Bawat araw na lumilipas ay tila isang bagong simula. Unti-unting bumabalik sa dati ang takbo ng mundo. Wala nang quarantine pass, wala nang checkpoint sa kalsada, at wala na ring kaba sa bawat hakbang palabas ng bahay. Ang mga mask, bagaman bahagi pa rin ng pang-araw-araw, ay hindi na kasing higpit tulad ng dati. Ang mga tao’y unti-unti nang natututong ngumiti muli—kahit pa sa likod ng kanilang mga facemask.Si Cherry, gaya ng nakasanayan, ay maagang gumising para sa kanyang morning shift bilang work-from-home customer service representative. Tahimik ang bahay, ngunit punong-puno ng pagmamahal. Sa kabilang kuwarto, mahimbing pang natutulog ang tatlong munting puso ng kanyang buhay—sina Mike, Mikee, at Mikaela.Habang nilalagyan niya ng kape ang kanyang mug, lumapit si Gemma, ang kanyang ina.“Anak, magpahinga ka mamaya ha? Kami na ni Papa ang bahala sa mga bata. Naisipan naming mamasyal sa mall. Matagal na ring hindi nakalabas ang mga bata,” malumanay na sabi nito habang binibitbit an

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 235

    Ilang linggo ang lumipas at nagsimula na ang baking class ni Cherry sa barangay. Tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes ng hapon siya pumapasok. Sa umaga, si Gemma ang nag-aalaga sa mga bata habang si Ralph ang taga-hatid-sundo sa school. Simple ang routine, pero napakasaya ni Cherry."Alam mo, Mars," ani Marites habang nasa videocall sila isang gabi, "nakikita ko ‘yung dating Cherry sa’yo. ‘Yung Cherry na matapang, maharot, at may pangarap.""Grabe ka, ‘Tez. Maharot talaga?" sabay tawa ni Cherry.“Oo! Pero seryoso, Mars. Nakakatuwang makita kang bumangon. Ang daming babae ang nawawalan ng pag-asa ‘pag iniwan. Pero ikaw, lumaban ka. Bilib ako sa’yo.”“Deserve ko rin maging masaya, hindi ba?” sagot ni Cherry.“Deserve na deserve.”Isang araw, habang inaayos ni Cherry ang mga orders ng cookies para sa isang maliit na birthday party ng kapitbahay, may kumatok sa pinto.Tok! Tok! Tok!Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya si Aling Josie, ang tagapamahala sa barangay livelihood cente

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 234

    “Alam mo, Tez,” mahinang bulong ni Cherry habang nakayakap, “hindi ko akalaing darating yung araw na masasabi ko sa sarili kong… ‘okay na ako.’ Hindi perfect ang lahat, pero… buo na ako. Dahil sa mga anak ko. Dahil sa inyo.”Binitiwan siya ni Marites at tinignan siya sa mata. “Buo ka kasi pinili mong maging buo. Hindi dahil walang sakit, kundi kahit nasasaktan ka, pinili mong magmahal. 'Yan ang tunay na lakas.”Napangiti si Cherry, pero may luha pa rin sa gilid ng kanyang mata. Hindi na ito luha ng hinagpis, kundi ng pagkilala. Sa sarili. Sa tagumpay na hindi nasusukat sa dami ng pera o taong nanatili—kundi sa dami ng beses na pinili niyang bumangon, kahit pagod na pagod na siya.Sa kusina, naroon si Gemma, nililigpit ang mga natirang pagkain. Sumilip siya sa bintana at nakita ang magkaibigang magkahawak-kamay sa bakuran.Tahimik siyang ngumiti, saka tumingin sa langit.“Salamat, Panginoon,” bulong niya. “Hindi man ko nabigay sa anak ko ang perpektong buhay, binigyan Mo siya ng lakas

  • I'm Crazy For You    I'm Crazy For You Chapter 233

    Napangiti si Cherry habang pinagmamasdan sina Mike, Mikee, at Mikaela. Nakasuot si Mike at Mikee ng magkatulad na puting barong, samantalang si Mikaela ay naka-bestidang parang munting prinsesa.Nagsimula ang seremonya.Tahimik ang loob ng simbahan. Ang tunog ng pipe organ ang nagsilbing musika habang isa-isang iniharap sa pari ang mga bata.“Ano po ang nais ninyo para sa mga batang ito?” tanong ng pari.“Sakramento ng binyag, Padre,” sagot ni Cherry, mahigpit ang hawak sa mga kamay ng kanyang mga anak.Habang isa-isang binubuhusan ng banal na tubig ang mga triplets, hindi mapigilan ni Cherry ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Hindi ito luha ng lungkot, kundi ng tagumpay, ng kalayaan, ng pagbangon mula sa lahat ng sakit.“Mike, I baptize you in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit…”“Mikee…”“Mikaela…”Iisa lang ang iniisip ni Cherry habang pinagmamasdan ang bawat patak ng tubig na dumadaloy sa noo ng kanyang mga anak—“Mga anak, malaya na tayo. Malaya na tayo

  • I'm Crazy For You    I'm Crazy For You Chapter 232

    Lumipas ang tatlong taon mula nang magdesisyon si Cherry na itaguyod ang kanyang mga anak na sina Mike, Mikaela, at Mikee mag-isa. Sa kabila ng mga pagsubok, naging matatag siya sa pag-aaruga at pagmamahal sa kanyang mga anak.Ngayon, tatlong taong gulang na ang mga bata. Sa wakas, humuhupa na ang pandemya. Unti-unti nang bumabalik sa normal ang mundo. Maluwag na rin ang mga restrictions. Nakakagala na ang mga tao, muling nagsisiksikan ang mga simbahan tuwing Linggo, at unti-unting bumubukas ang mga pintuang matagal na ring nakasara.Habang pinagmamasdan ni Cherry ang masasayang mukha ng kanyang mga anak na abalang naglalaro sa sala, isang ideya ang biglang sumagi sa kanyang isipan—ang pagbibinyag.Tatlong taon na. Tatlong taon niyang pinangarap na maisagawa ito. Pero dahil sa pandemya at sa kawalang presensiya ng ama ng mga bata, ipinagpaliban niya ito nang paulit-ulit. Ngunit ngayon… handa na siya.Kinuha niya ang kanyang cellphone, nanginginig ang kamay habang tinutype ang numero n

  • I'm Crazy For You    I'm Crazy For You Chapter 231

    Lumipas ang tatlong taon.Tatlong taon ng katahimikan, ng paglimot, ng matinding pakikibaka sa buhay. Tatlong taon ng pagpupuyat, pag-aalaga, at walang sawang pagbubuhos ng pagmamahal ni Cherry sa kanyang mga anak—ang tatlong munting anghel na sina Mike, Mikaela, at Mikee.Tatlong taon na ring wala si Jal. Ni anino, ni balita, ni mensahe—wala. Hindi niya alam kung buhay pa ba ang pagmamahal o tuluyan nang nilamon ng kawalan.At ngayon, humuhupa na ang pandemya. Muling bumabalik ang buhay sa normal. Wala nang curfew. Malaya nang makalabas ang mga bata. Bukas na muli ang mga simbahan at parke. Ang mundo na minsang naging mapangilabot at mapait, ay tila muling nabubuhay sa kulay.Sa simpleng sala ng bahay ni Cherry, masaya ang tatlong bata na naglalaro ng building blocks."Ako si Mama! Ako si Mama!" sigaw ni Mikee habang isinusoot ang apron ng ina."Ako si Papa!" sabay turo ni Mike kay hangin.Napakurap si Cherry. "Papa?""Oo Mama," sabay ngiting inosente ni Mike. "Si Papa, kunwari lang.

  • I'm Crazy For You    I'm Crazy For You Chapter 230

    Tumigil ang mundo ni Cherry. Nakatingin siya sa screen ng laptop, kung saan nakabukas ang lumang messenger thread nila ni Capt. Jal. Hindi pa rin nabubura ang huling mensahe niya rito—isang simpleng "Ingat ka lagi." Walang reply. Walang kahit anong tugon. At ngayon, sa gitna ng pandemya at pagkayod bilang single mom sa kanyang 8-buwang gulang na triplets—sina Mike, Mikee, at Mikaela—narito siya’t muling binubuksan ang isang kabanatang pilit na niyang tinakasan.“Cherry?” Mahinang bulong ni Marites sa kabilang linya, pansin ang lungkot sa mata ng kaibigan.Naglakad si Cherry palayo sa laptop, dala ang cellphone. Lumapit siya sa crib ng mga sanggol. Tulog na sina Mike at Mikee, pero gising pa si Mikaela. Pinagmasdan niya ang anak—parehong-pareho ang ilong kay Jal.Napaupo siya sa gilid ng kama at dahan-dahang iniyakap ang sarili. Tila bigla siyang naging maliit sa mundo. Hindi siya ang malakas na CSR, hindi ang pasensyosang nanay ng triplets, kundi isang babaeng iniwan, tahimik na nagda

  • I'm Crazy For You    I'm Crazy For You Chapter 229

    Quezon, Pilipinas. ECQ. Abril 2020.Tahimik ang paligid. Tanging huni ng mga ibon at kaluskos ng mga dahon ang maririnig mula sa labas ng lumang bahay na yari sa kahoy at bato. Nasa paanan ito ng isang burol, may taniman ng gulay sa likuran at isang maliit na palaisdaan sa di kalayuan. Sa gilid ng bahay, tanaw mula sa balkonahe ang malawak na palayan na tila alon kapag hinihipan ng hangin.Nasa Quezon si Jal. At hindi na ito pansamantalang pagtigil lang—nagdesisyon siyang dito na muna. Sa gitna ng pandemya, alam niyang ito ang pinakaligtas na lugar para sa kanila ni Prescilla, at para sa anak nilang si Miguel.“Jal, natapos ko na ang labada. Ipapaligo ko na si baby ha?” tawag ni Prescilla mula sa loob ng bahay.“Oo, ‘Cil. Sabihan mo lang ako kung may kailangan ka,” sagot ni Jal habang nagbubungkal ng lupa sa maliit nilang gulayan.Sanay na si Jal sa ganitong buhay. Malayo sa ingay ng lungsod. Walang traffic, walang alikabok. Ang tanging kalaban nila ay ang init ng araw at ang panaka-n

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status