Makalipas ang dalawang linggo mula nang magsimula ang espesyal na proyekto, mas naging abala si Cherry kaysa dati. Hindi na lamang simpleng tungkulin bilang crew ang ginagawa niya; siya na rin ang tumatayong tagapamahala ng mga plano, pag-uusap sa mga VIP passengers, at pagsasaayos ng mga detalye para sa proyekto. Kahit pagod, pilit niyang binibigyan ang sarili ng motibasyon.
“Cherry, kaya mo ‘to,” bulong niya sa sarili habang nag-aayos ng mga dokumento sa opisina ng cruise.
Isang gabi, matapos ang mahabang araw ng trabaho, naisipan ni Cherry na magpahinga sa lounge deck. Mahangin sa labas, at kitang-kita ang maliwanag na buwan na sumasalamin sa kalmadong dagat. Bitbit ang isang tasa ng mainit na tsaa, sinubukan niyang limutin ang pagod habang pinagmamasdan ang liwanag ng barko na nagbibigay-buhay sa paligid.Ngunit sa di kalayuan, napansin niya ang isang grupo ng mga pasahero na palabas ng bar ng barko. Tumatawa ang mga ito nang malakas, at ang tunog ng kanilang halakhak ay sumabay sa alon ng hangin. Napakunot ang noo ni Cherry, hindi niya maiiwasang mapatingin.
At doon niya nakita si Captain Jal.
Si Jal ay naka-casual na suot—isang puting polo shirt na naka-unbutton sa itaas, pinapakita ang makinis na balat at maskuladong dibdib. Ngunit hindi iyon ang nakapagpabigla kay Cherry. Ang mas lalong nakakabahala ay ang dalawang babaeng nakahawak sa magkabilang braso ni Jal. Parehong magaganda ang mga ito, mga model-type, na naka-fitted na dress na halos hindi na kayang itago ang kanilang kaseksihan. Tumatawa sila, at halatang malapit ang kanilang atensyon kay Jal.Nanlaki ang mata ni Cherry. Hindi niya alam kung bakit parang may gumuhit na kirot sa kanyang dibdib. “Ano ba naman ‘to,” bulong niya sa sarili. “Hindi ko naman dapat iniintindi ‘yun. Trabaho lang kami. Trabaho lang.”
Sinubukan niyang umiwas ng tingin, ngunit huli na. Nagtama ang kanilang mga mata ni Jal.
Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Cherry. Gusto niyang umiwas ng tingin, ngunit hindi niya magawa. Si Jal naman ay saglit na tumigil sa pagtawa, tila nagulat na makita siya roon. Ngunit imbes na magpaliwanag o magkunwaring walang nakita, ngumiti pa ito sa kanya—isang nakakalokong ngiti na tila nagsasabing, "Wala kang karapatang manghimasok."Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng kapitan, pero mabilis na inalis ni Cherry ang tingin. Tumayo siya mula sa kanyang upuan at nagtungo sa kabilang bahagi ng deck, kung saan mas tahimik.
Habang naglalakad siya palayo, tumunog ang kanyang telepono. Si Marites ang tumatawag.“Cherry, girl! Nasaan ka?” tanong ni Marites sa kabilang linya.
“Nasa lounge deck. Bakit?” sagot ni Cherry, pilit na kinakalma ang sarili.
“Ayaw mo bang sumama sa bar? Happy hour ngayon! Libre ang isang cocktail kapag umorder ka ng dalawa!”
Napailing si Cherry, kahit hindi siya nakikita ni Marites. “Pass muna ako. Pagod na ako sa trabaho.”
“Grabe ka naman. Minsan lang tayo mag-enjoy, tapos—”
“Next time na lang, Marites,” putol ni Cherry. Ayaw niyang pag-usapan ang nakita niya. Gusto niyang manahimik at limutin ang tagpong iyon.
Kinabukasan, bumalik si Cherry sa trabaho, pilit na nililibang ang sarili sa dami ng dapat gawin. Ngunit kahit anong gawing focus niya, hindi maalis sa isip niya ang eksenang iyon. Ang dalawang babaeng halos lumampir sa braso ni Jal, at ang ngiti nitong tila walang pakialam kung ano ang iisipin ng mga makakakita.Habang nag-aayos siya ng mga report sa opisina, biglang pumasok si Marites, dala ang mga papel para sa susunod na meeting.
“Cherry, girl, narinig mo na ba ang balita?”
Napatingin si Cherry. “Anong balita?”
“Si Captain Jal, girl! Grabe, kilala pala siya ng mga pasahero bilang ladies’ man. Alam mo ba, may mga tsismis na ang daming babaeng nahuhulog sa kanya sa bawat cruise trip?”
Hindi kumibo si Cherry. Tumutok na lang siya sa mga papeles.
“Parang hindi ka naman nagulat,” puna ni Marites. “Cherry, totoo ba? May crush ka kay Captain Jal?”
“Ha?!” Napatingin si Cherry kay Marites, namumula. “Ano namang kinalaman ko doon? Trabaho lang ‘to!”
“Hmm…” Tumitig si Marites sa kanya na parang nang-aasar. “Kahit ano pa ang sabihin mo, iba yung ngiti mo tuwing binabanggit ang pangalan niya.”
“Wala akong oras para sa crush-crush na yan, Marites,” sagot ni Cherry, pilit na itinatago ang pagkapahiya. “At saka, may fiancé ako, remember?”
“Oh, sige na, sige na. Defensive ka pa.” Tumawa si Marites bago lumabas ng opisina.
Pagkatapos ng shift, naisipan ni Cherry na magpunta sa galley para kumuha ng meryenda. Tahimik ang lugar at kakaunti na lang ang mga crew na naroon. Habang nagtitimpla siya ng kape, narinig niya ang pamilyar na boses mula sa likod.“Cherry.”
Halos mabitawan ni Cherry ang tasa. Paglingon niya, nakita niya si Jal, nakatayo at nakatingin sa kanya.
“Sir,” sagot niya, pilit na nagpapakalmado.
“Ang tahimik mo yata nitong mga nakaraang araw,” ani Jal, lumapit habang hawak ang isang mug ng kape. “May problema ba?”
“Wala po, Sir. Busy lang.”
Tumango si Jal, ngunit halata sa mukha nito na hindi kumbinsido. “Ah, ganun ba? O baka naman may iba kang iniisip?”
Napakunot-noo si Cherry. “Ano pong ibig ninyong sabihin?”
“Wala naman,” sagot ni Jal, ngunit may ngiti sa labi nito na parang tinutukso siya. “By the way, nakita kita kagabi sa deck. Nag-e-enjoy ka ba sa tanawin?”
Biglang bumalik sa isip ni Cherry ang nakita niya kagabi. Hindi niya napigilan ang pagkunot ng kanyang noo.
“Opo, Sir,” sagot niya, matigas ang boses. “Maganda ang tanawin, lalo na kung walang nakakagulo.”
Saglit na tumahimik si Jal, ngunit hindi nawala ang kanyang ngiti. “Mukhang may gusto kang sabihin, Miss Cherry.”
“Wala po, Sir,” sagot niya, pilit na hinuhupa ang kanyang emosyon.
Ngumiti si Jal at tumango. “Good. Dahil marami pa tayong dapat gawin para sa proyekto. I need you to focus, okay?”
“Yes, Sir,” sagot ni Cherry, pero sa loob-loob niya, naglalaban ang galit at inis.
Habang pauwi si Cherry sa kanyang kabina, hindi niya mapigilang mag-isip. Bakit ba apektado ako? Hindi naman kami magkaibigan. Hindi ko rin siya kaaway. So bakit?Ngunit kahit pilitin niyang kumbinsihin ang sarili, alam niyang may nagbabago. At sa bawat ngiti ni Jal, sa bawat biro, tila ba lalo siyang nalulunod sa isang alon ng damdaming hindi niya kayang ipaliwanag.
Pagkalipas ng ilang linggo, nagkaroon ng desisyon ang korte tungkol sa paghahati ng kanilang mga ari-arian. Ang buong proseso ay puno ng tensyon at emosyon, ngunit sa kabila ng lahat ng ito, isang bagay ang malinaw,ang pagkatalo ng kanilang relasyon ay hindi nagtakda ng hangganan para sa kanilang pagiging magulang. Si Jal, bagamat nahulog ang lahat ng iniwasan nilang alitan, ay nagpakita ng malasakit kay Prescilla, lalo na para kay Miguel."Nais ko na mapanatili ang mga bagay na magpapagaan sa kanya, Prescilla," sabi ni Jal sa isang pag-uusap nila pagkatapos ng desisyon ng korte. "Ito na lang ang magagawa ko para kay Miguel."Hindi na kayang itago ni Prescilla ang bigat sa kanyang puso, ngunit pinili niyang magpatawad. Ang tahanan na siyang nagsilbing simbolo ng kanilang pag-ibig ay tinanggap na niya bilang isang bahagi ng bagong simula—ang bahay na siya na lang ang matitirhan kasama ang anak nilang si Miguel."Salamat, Jal," wika ni Prescilla nang matanggap ang pag-aalok niyang ibiga
“Magiging okay din tayo, Jal. Sa huli, magiging magulang pa rin tayo ni Miguel. Siguro ito na ang tamang panahon. Hindi natin kayang itulak ang sarili natin sa isang relasyon na nasira na.” Sagot ni Prescilla, ang tinig ay malalim, ngunit puno ng pagtanggap sa kanyang mga pagkatalo.Si Jal, nang makita ang tapang ni Prescilla, ay hindi nakasagot, ngunit nagpatuloy pa rin silang maglakad. Sa huli, ang kanilang paglalakad ay nagsilbing simbolo ng bagong simula—ng bagong buhay na puno ng respeto, ngunit nawala na ang pagmamahal bilang mag-asawa. “Wala na, Jal,” ang kanyang isipan ay paulit-ulit na bumangon, sinasabi sa kanya na ang lahat ng pagsubok, ang mga saloobin at ang mga araw ng pagsisisi ay nagbunga na ng isang desisyon na hindi na maaaring bawiin. Ang pagmamahal nilang dalawa ay naglaho sa oras ng pagkatalo, ngunit ang kanilang pagiging magulang kay Miguel ay isang bagay na hindi mawawala.Si Jal, na patuloy na naglalakad sa tabi ni Prescilla, ay hindi nakapagbigay ng sagot. An
Tahimik silang naglalakad, ang bawat hakbang nila ay parang isang daang taon ng sakit na hindi matanggal-tanggal. Si Prescilla, ang mga mata’y naglalakbay sa malalayong tanawin, ang bawat hakbang na tinatahak ay puno ng hindi makatarungang pasakit. Si Jal, sa tabi niya, ay gumagapang sa sarili niyang mundo, ang puso’y puno ng mga tanong at pagsisisi, ngunit walang lakas upang itama ang mga pagkakamali."Prescilla..." Ang boses ni Jal ay humaplos sa kanyang tainga, puno ng bigat, isang boses na hindi na kayang magtago ng takot. "Hindi ko alam kung paano tayo napunta dito. Sa lahat ng mga buwan, sa lahat ng hirap, siguro... siguro iniwasan na lang natin ito."Tumingin si Prescilla kay Jal, ang kanyang mata ay tila sumasalamin sa lahat ng paghihirap na kanilang dinaanan. "Ang alam ko, Jal," sabi niya nang mahinahon, ang tinig ay malalim at matatag, "hindi ko na kayang maging bahagi ng isang relasyon na wala nang tiwala. Hindi ko kayang itulak ang sarili ko sa isang buhay na puro away, si
Tumango si Prescilla, hindi na kayang magpaliwanag pa. Alam niyang, sa kabila ng lahat ng paghihirap na pinagdaanan nila, may mga bagay na kailangan nilang tanggapin at pakawalan.Ang pirma sa dokumento ay naging isang simbolo ng kanilang pagkatalo pero sa kabila ng lahat, isang hakbang patungo sa kalayaan. Ang huling pamamaalam.Pagkatapos nilang mag-sign ng mga dokumento, tumayo ang abogado at naglakad patungo sa kanilang harapan. Si Atty. Rivera, isang kalmado at mahinahong tao, ay tumingin sa kanila ng may malasakit. Ang mga mata niya ay naglalaman ng pag-unawa sa matinding emosyon na kanilang dinadanas, ngunit alam niyang kailangan niyang magbigay gabay sa kanila sa huling hakbang na ito.“Prescilla, Jal,” nagsimula si Atty. Rivera, ang boses ay puno ng kabigatan. “Ang annulment ay isang legal na proseso na hindi madali. Ngunit ang hakbang na ito, kahit gaano kasakit, ay may layuning makapagbigay sa inyo ng bagong pagkakataon na magpatuloy sa inyong buhay. Ipinapakita nito na, ba
Kinabukasan, maagang nagtipon sina Jal at Prescilla sa harap ng office ng kanilang abogado. Ang araw na iyon ay tila isang mabigat na hakbang para sa kanila, isang hakbang na magbibigay ng wakas sa isang kabanata ng kanilang buhay na puno ng pagmamahalan, sakit, at mga pangarap na unti-unting nauurong.Habang papalapit sila sa pintuan ng opisina, hindi maiwasan ni Prescilla ang mag-isip. Ang bawat hakbang na nilalakad nila ay tila nagdadala ng kabigatan, at sa bawat paghinga, nararamdaman niyang ang mundo nila ay tila nagiging mas makitid at puno ng pasakit. Ngunit, sa kabila ng lahat ng iyon, naroroon siya—para sa anak nilang si Miguel, at para sa kanyang sariling kapayapaan.Si Jal naman ay tahimik sa tabi ni Prescilla. Ang mga mata niya ay puno ng pagsisisi at hindi malirip na kalungkutan. Alam niyang hindi na nila kayang ibalik ang lahat. Ang pagkakalayo nilang dalawa ay tila isang sugat na hindi na kayang pagalingin pa. Nais sana niyang itama ang mga pagkakamali, ngunit alam niya
“Ipapa-file ko na ang annulment, Jal. Kung ikaw ang pipiliin mo, ipagpapatawad kita. Pero ako, maghahanap ako ng sarili ko. Hindi ko na kayang maging bahagi ng isang kasaysayan na puro sakit.”“Prescilla…” mahinang tawag ni Jal, ang tinig niya puno ng kalituhan. “Kung ganito na lang, hindi ba’t mali? Hindi ba’t may pagkakataon pa?”Sumandali, napagmasdan ni Prescilla ang mga mata ni Jal—puno ng pangungulila, ng takot na mawala siya. Ngunit hindi na ito ang dahilan para siya magbago ng isip. Iba na ang lahat. Ang kanyang puso ay naglalakad na sa sariling landas, isang landas na wala nang pagsasama sa sakit at pagdududa.“Oo, sigurado na ako,” sagot ni Prescilla nang tahimik, ngunit matatag. Ang mga salitang iyon, para bang kinuha mula sa isang pusong halos naubos na sa lahat ng pagsubok at hindi pagkakaintindihan.Naglakad siya palayo, iniwasan ang mga mata ni Jal. Ngunit bago siya makarating sa pintuan, naramdaman niyang humakbang siya pabalik, patungo kay Jal, na ngayon ay tila napak