Beranda / Romance / I'm Crazy For You / I'm Crazy For You Chapter 94

Share

I'm Crazy For You Chapter 94

Penulis: MIKS DELOSO
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-13 00:36:08

Habang naglalakad papunta sa kanilang shift, hindi mapakali si Cherry. Hindi niya maintindihan kung bakit parang hindi pa rin siya makaget-over sa panaginip niya kagabi.

Biglang tinapik siya ni Marites.

"Hanggang ngayon iniisip mo pa rin ‘yan? Kalimutan mo na kasi, Cherry. Panaginip lang ‘yun, okay? Halika na, magtrabaho na tayo," sabi ni Marites, sabay hila sa kanya.

Tumingin siya rito at bumuntong-hininga. "Tama ka, Marites. Panaginip lang ‘yun… Isang magandang panaginip."

"Hoy, Cherry!" pinandilatan siya ni Marites. "Bakit parang ayaw mo pang kalimutan? Baka naman gusto mo talagang mangyari ‘yun sa totoong buhay?"

Biglang napatigil si Cherry sa paglalakad. "Hoy! Anong pinagsasabi mo diyan? Hindi ah!"

"Eh bakit parang ang saya mo nang maalala mo ‘yung panaginip mo? Aba, girl, may gusto ka kay Captain Jal, ano?" Tumawa si Marites at sinabayan pa ng pabirong siko sa tagiliran ni Cherry.

"Marites, tigilan mo nga ako!" inis na sabi niya, pero namula siya. "Hindi ako ang may problema, ik
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 242

    Isang maaraw na hapon sa Quezon. Kasalukuyan silang nasa isang grocery sa bayan, kasama ni Jal si Prescilla at ang dalawang taong gulang na si Miguel, na ngayon ay nakasakay sa cart habang panay ang turo sa mga tsokolate."Jal, ito ba 'yung gatas ni Miguel?" tanong ni Prescilla habang hawak ang dalawang brand.Ngunit hindi siya agad sinagot ni Jal.Napako ang tingin ng lalaki sa kabilang aisle.Doon, sa gitna ng liwanag ng grocery, nakita niya ang isang tanawing ilang ulit na lang niyang nakita sa kanyang panaginip.Si Cherry.Nakahalbung buhok, nakasuot ng simpleng T-shirt at maong na pantalon, may hawak na basket habang nakapila sa cashier.At sa tabi nito—tatlong bata.Isang batang lalaki na may pilyong ngiti, at dalawang batang babae na parehong may mahabang buhok, hawig na hawig ni Cherry sa bawat galaw, ngunit sa mata… doon niya nakita ang sarili.Si Mike. Si Mikee. Si Mikaela.Ang mga triplets.Nanlamig ang buo niyang katawan. Parang huminto ang mundo.May hawak na kendi si Mik

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 241

    Sa labas ng bahay, tanaw niya mula sa bintana ang asul na langit ng Quezon—malinis, tahimik, at tila ba may bagong simula. Ang hangin ay may halong amoy ng damo at palayan, at sa di-kalayuan ay maririnig ang tawanan ng mga batang naglalaro.Pinagmasdan niya ang kambal na masayang tumatakbo papunta sa lolo nila habang buhat-buhat ni Ralph ang ilang supot ng tinapay galing bayan. Napangiti siya—mahina, pero totoo.Hindi pa man tuluyang nawawala ang sakit, alam niyang hindi siya nag-iisa. May pamilya siyang handang saluhin siya. May kaibigan siyang muling bumalik. At higit sa lahat, may mga anak siyang siyang inspirasyon para magpatuloy.Sa kabila ng lahat ng iniwang sugat ng nakaraan, marahang sinimulan ni Cherry ang paghilom.At sa kaibuturan ng kanyang puso, umaasa siyang darating din ang araw na wala nang kahit anong pangalan ang magpapatigil sa tibok ng kanyang puso.Lalo na ang pangalang matagal na niyang pilit kinakalimutan—Jal Pereno.“Mama, laro po tayo,” masiglang sigaw ni Mike

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 240

    Samantala, sa kwarto...Tahimik ang paligid. Tanging marahang paghikbi lamang ni Prescilla ang maririnig sa loob ng silid. Nakasarado ang mga kurtina, tila ayaw hayaang makialam ang liwanag sa bigat ng kanyang nararamdaman.Yakap-yakap niya si Miguel, na noo’y mahimbing nang natutulog sa kanyang dibdib. Marahang hinahaplos ni Prescilla ang likod ng bata, pilit pinipigilan ang panginginig ng kanyang balikat habang nilulunok ang mga luha."Anak..." mahina niyang bulong, halos paanas. "Patawad kung ganito ang pamilyang meron ka. Patawad kung hindi ko kayang punan ang puwang sa puso ng tatay mo... na ako ang nandito, pero iba pa rin ang hanap niya."Mas lalong humigpit ang yakap niya sa anak. Parang siya na lang ang natitirang dahilan para manatiling matatag.“Minahal ko siya, anak. Buong-buo. Walang alinlangan. Pero bakit parang ako pa rin ang sobra-sobrang nasasaktan?”Napakagat-labi si Prescilla, pinipigilan ang muling paghikbi. Itinagilid niya ang katawan sa kama, habang yakap pa rin

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 239

    Kinabukasan. Mula sa loob ng kanyang sasakyan, muling dinial ni Jal Pereno ang numero ni Cherry Jones. Mula nang nagkita sila sa Tagaytay ilang linggo ang nakalipas, parang nawala na ulit ito. Hindi niya matawagan. Palaging out of coverage area.Napailing siya habang pinagmamasdan ang malalawak na palayan sa gilid ng daan. Mainit ang sikat ng araw ngunit malamig ang hangin. Tahimik ang paligid, tila walang ibang gumagalaw kundi ang mga dahon ng niyog at ang hanging dumaraan sa mga bukas na bintana ng sasakyan.Muli niyang tinawagan ang numero ni Cherry. Isang beep. Dalawa. Tatlo. Pero gaya ng dati, ang automated voice message pa rin ang kanyang narinig."Sorry, the number you dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later."Napapikit si Jal habang pinipigilan ang sarili na sumigaw. Hindi niya alam kung bakit parang tinatakasan siya ni Cherry. Hindi ba’t malinaw ang lahat noong huli silang nag-usap? Hindi ba’t umamin ito na anak niya ang triplets?Hindi

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 238

    Hindi siya mapakali.Tatlong araw na ang lumipas mula nang magtagpo ang kanilang mga landas sa mall, ngunit sa bawat oras na lumilipas, lalong bumigat ang dibdib ni Jal. Paulit-ulit na sumasagi sa isip niya ang mga bata—ang malalim na mga mata ni Mike, ang biloy sa pisngi ni Mikee kapag tumatawa, at ang mahinhin ngunit matalas na mga tingin ni Mikaela.Triplets.Kay Cherry.At posible… sa kanya rin.Gabi na, tahimik ang buong mansyon. Tulog na si Miguel, at si Prescilla ay nagkulong na sa kwarto matapos ang maikling pagtatalo nila kanina. Wala nang sigaw. Wala nang paliwanag. Ang natira na lang ay katahimikan na tila unti-unting sumasakal sa kanya.Bumangon siya mula sa sofa sa study room at marahang naglakad papunta sa kabilang wing ng bahay. Ang dating hindi na niya binubuksang silid—ang library room, kung saan naroon ang mga lumang aklat, dokumento, at mga photo album na iniingatan ng pamilya simula pa noong kabataan ng kanyang ama.Binuksan niya ang pinto.Amoy kahoy at lumang pap

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 237

    Hindi mapalagay si Jal.Habang namimili sila ni Prescilla sa kid’s section ng isang sikat na department store para bumili ng bagong set ng damit ni Miguel, wala sa isip niya ang mga makukulay na onesie, tiny sneakers, at cute na caps na gustong ipasuot ng asawa sa anak nila.Sa halip, ang bumabagabag sa isipan niya ay ang kaninang tagpo—ang mga matang masisilayan mo lang sa isang batang inosente, pero sa kanya’y tila salamin ng isang nakaraang matagal na niyang nilibing.Lumuha si Prescilla, pero pinunasan niya ito agad gamit ang palad.“May pamilya ka na, Jal,” madiing sabi niya habang pilit pinipigil ang pag-angat ng boses. “Bakit mo pa iniintindi si Cherry? May anak na siya sa iba. Sa iba, Jal. Huwag mong sabihing aakuin mo pa ‘yung mga bata—hindi mo sila anak!”Nanigas ang katawan ni Jal. Parang may gumuhit sa puso niyang hindi niya maipaliwanag. Hindi siya agad nakasagot. Ang totoo’y hindi niya rin alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.“Kahit... kahawig ko ‘yung batang lalak

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 236

    Bawat araw na lumilipas ay tila isang bagong simula. Unti-unting bumabalik sa dati ang takbo ng mundo. Wala nang quarantine pass, wala nang checkpoint sa kalsada, at wala na ring kaba sa bawat hakbang palabas ng bahay. Ang mga mask, bagaman bahagi pa rin ng pang-araw-araw, ay hindi na kasing higpit tulad ng dati. Ang mga tao’y unti-unti nang natututong ngumiti muli—kahit pa sa likod ng kanilang mga facemask.Si Cherry, gaya ng nakasanayan, ay maagang gumising para sa kanyang morning shift bilang work-from-home customer service representative. Tahimik ang bahay, ngunit punong-puno ng pagmamahal. Sa kabilang kuwarto, mahimbing pang natutulog ang tatlong munting puso ng kanyang buhay—sina Mike, Mikee, at Mikaela.Habang nilalagyan niya ng kape ang kanyang mug, lumapit si Gemma, ang kanyang ina.“Anak, magpahinga ka mamaya ha? Kami na ni Papa ang bahala sa mga bata. Naisipan naming mamasyal sa mall. Matagal na ring hindi nakalabas ang mga bata,” malumanay na sabi nito habang binibitbit an

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 235

    Ilang linggo ang lumipas at nagsimula na ang baking class ni Cherry sa barangay. Tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes ng hapon siya pumapasok. Sa umaga, si Gemma ang nag-aalaga sa mga bata habang si Ralph ang taga-hatid-sundo sa school. Simple ang routine, pero napakasaya ni Cherry."Alam mo, Mars," ani Marites habang nasa videocall sila isang gabi, "nakikita ko ‘yung dating Cherry sa’yo. ‘Yung Cherry na matapang, maharot, at may pangarap.""Grabe ka, ‘Tez. Maharot talaga?" sabay tawa ni Cherry.“Oo! Pero seryoso, Mars. Nakakatuwang makita kang bumangon. Ang daming babae ang nawawalan ng pag-asa ‘pag iniwan. Pero ikaw, lumaban ka. Bilib ako sa’yo.”“Deserve ko rin maging masaya, hindi ba?” sagot ni Cherry.“Deserve na deserve.”Isang araw, habang inaayos ni Cherry ang mga orders ng cookies para sa isang maliit na birthday party ng kapitbahay, may kumatok sa pinto.Tok! Tok! Tok!Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya si Aling Josie, ang tagapamahala sa barangay livelihood cente

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 234

    “Alam mo, Tez,” mahinang bulong ni Cherry habang nakayakap, “hindi ko akalaing darating yung araw na masasabi ko sa sarili kong… ‘okay na ako.’ Hindi perfect ang lahat, pero… buo na ako. Dahil sa mga anak ko. Dahil sa inyo.”Binitiwan siya ni Marites at tinignan siya sa mata. “Buo ka kasi pinili mong maging buo. Hindi dahil walang sakit, kundi kahit nasasaktan ka, pinili mong magmahal. 'Yan ang tunay na lakas.”Napangiti si Cherry, pero may luha pa rin sa gilid ng kanyang mata. Hindi na ito luha ng hinagpis, kundi ng pagkilala. Sa sarili. Sa tagumpay na hindi nasusukat sa dami ng pera o taong nanatili—kundi sa dami ng beses na pinili niyang bumangon, kahit pagod na pagod na siya.Sa kusina, naroon si Gemma, nililigpit ang mga natirang pagkain. Sumilip siya sa bintana at nakita ang magkaibigang magkahawak-kamay sa bakuran.Tahimik siyang ngumiti, saka tumingin sa langit.“Salamat, Panginoon,” bulong niya. “Hindi man ko nabigay sa anak ko ang perpektong buhay, binigyan Mo siya ng lakas

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status