Beranda / Romance / I'm Crazy For You / I'm Crazy for you Chapter 318

Share

I'm Crazy for you Chapter 318

Penulis: MIKS DELOSO
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-24 23:29:34

Tahimik ang paligid ng maliit nilang tahanan. Isang linggo nang walang bumabasag sa katahimikan maliban na lamang sa impit na hikbi ni Prescilla tuwing gabi habang yakap ang unan. Sa labas, malamlam ang araw. Ngunit sa loob ng kanyang dibdib, isang delubyong hindi mapigilan ang unti-unting sumisira sa kanyang lakas.

Nakaharap siya sa salamin, habang hawak ang isang lumang litrato nila ni Jal noong masaya pa sila noong sila pa lang.

"Ang saya ko pa dito," bulong niya, hinahaplos ang itsura ni Jal sa larawan. "Wala pang Cherry. Wala pang sakit. Wala pa 'tong luhang hindi matuyo-tuyo."

Pumasok si Madam Luisa, may dalang tsaa. “Anak… hindi mo na kailangang saktan pa ang sarili mo nang ganito. Minsan ang tunay na pagmamahal, ay 'yung handang bumitaw kapag hindi na tama.”

Napaupo si Prescilla sa sofa at doon tuluyang bumigay ang kanyang mga luha. “Ma, hindi ko na kaya. Ilang beses kong inintindi. Ilang beses kong nilunok ang sakit. Pero hanggang kailan?”

Tahimik ang buong paligid. Tanging a
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 320

    “Ipapa-file ko na ang annulment, Jal. Kung ikaw ang pipiliin mo, ipagpapatawad kita. Pero ako, maghahanap ako ng sarili ko. Hindi ko na kayang maging bahagi ng isang kasaysayan na puro sakit.”“Prescilla…” mahinang tawag ni Jal, ang tinig niya puno ng kalituhan. “Kung ganito na lang, hindi ba’t mali? Hindi ba’t may pagkakataon pa?”Sumandali, napagmasdan ni Prescilla ang mga mata ni Jal—puno ng pangungulila, ng takot na mawala siya. Ngunit hindi na ito ang dahilan para siya magbago ng isip. Iba na ang lahat. Ang kanyang puso ay naglalakad na sa sariling landas, isang landas na wala nang pagsasama sa sakit at pagdududa.“Oo, sigurado na ako,” sagot ni Prescilla nang tahimik, ngunit matatag. Ang mga salitang iyon, para bang kinuha mula sa isang pusong halos naubos na sa lahat ng pagsubok at hindi pagkakaintindihan.Naglakad siya palayo, iniwasan ang mga mata ni Jal. Ngunit bago siya makarating sa pintuan, naramdaman niyang humakbang siya pabalik, patungo kay Jal, na ngayon ay tila napak

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 319

    Tahimik si Prescilla sa loob ng kanyang silid. Ang mga mata niyang puno ng hinagpis ay nakatitig sa salamin, hindi kayang tumakas mula sa nakaraan. Sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi pa rin siya makapaniwala na narating nila ito. Na ang mga pangarap na pinundar nilang magkasama, ngayon ay tanging alaala na lamang.Tulad ng dati, isang malamlam na hapon ang pumapait sa kanya, na halos walang buhay sa bawat sulok ng bahay. Hindi siya sanay sa ganitong katahimikan. Sa harap ng salamin, sumilip ang mga alaala ng kanilang mga sigawan, mga salungatan, at mga hindi pagkakasunduan. Pero higit pa roon, naroon pa rin ang nakalipas na pagmamahal na minsan nilang naranasan.Ilang sandali pa, narinig ni Prescilla ang katok sa pinto. Lumingon siya, at nakita si Jal na pumasok. Ang mga mata niyang puno ng kalungkutan ay nagsilbing pagninilay sa nakaraan nilang magkasama.“Prescilla…” tawag ni Jal, may pait sa tinig. Nasa labi na ang salitang nais niyang sambitin, ngunit tila hindi niya alam kung

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 318

    Tahimik ang paligid ng maliit nilang tahanan. Isang linggo nang walang bumabasag sa katahimikan maliban na lamang sa impit na hikbi ni Prescilla tuwing gabi habang yakap ang unan. Sa labas, malamlam ang araw. Ngunit sa loob ng kanyang dibdib, isang delubyong hindi mapigilan ang unti-unting sumisira sa kanyang lakas.Nakaharap siya sa salamin, habang hawak ang isang lumang litrato nila ni Jal noong masaya pa sila noong sila pa lang."Ang saya ko pa dito," bulong niya, hinahaplos ang itsura ni Jal sa larawan. "Wala pang Cherry. Wala pang sakit. Wala pa 'tong luhang hindi matuyo-tuyo."Pumasok si Madam Luisa, may dalang tsaa. “Anak… hindi mo na kailangang saktan pa ang sarili mo nang ganito. Minsan ang tunay na pagmamahal, ay 'yung handang bumitaw kapag hindi na tama.”Napaupo si Prescilla sa sofa at doon tuluyang bumigay ang kanyang mga luha. “Ma, hindi ko na kaya. Ilang beses kong inintindi. Ilang beses kong nilunok ang sakit. Pero hanggang kailan?”Tahimik ang buong paligid. Tanging a

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 317

    Maagang nagising si Miguel kinabukasan. Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama, yakap-yakap ang kanyang paboritong laruan. Isang lumang stuffed toy na minsang inabot sa kanya ni Daddy Jal noong kaarawan niya. Hawak niya ito na parang huling alaala ng isang bagay na ngayon ay tila malabo na lang maibalik.Malungkot ang mga mata ni Miguel. Sa kaloob-looban niya, ramdam niyang hindi na katulad ng dati ang lahat. Wala na si Daddy sa tabi niya tuwing umaga. Wala na ang mga kuwentong nakakatawa, ang mga himbing na yakap. Si Mommy Prescilla naman, pilit ngumingiti. Pero sa likod ng kanyang mga mata, may kirot. May lungkot. May pagod na pilit tinatago.Huminga si Miguel ng malalim. Tumayo siya. Dahan-dahang bumaba ng hagdan. Sa sala, natigilan siya sa nakita. Si Lola Luisa, abala sa kusina. Nakatalikod, pero kita sa bawat kilos ang pagmamahal.“Lola…” mahina niyang tawag habang kinukusot ang inaantok pa niyang mga mata.Napalingon si Lola at ngumiti.“Gising ka na pala, Miguel. Magandang uma

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 316

    Bumalik si Jal at nagpasya na kausapin si Miguel, ang anak nila ni Prescilla. Sa silid ni Lola Luisa, tahimik ang paligid. Nasa kama si Miguel, nakahiga pero hindi pa natutulog. Hawak-hawak niya ang isang laruan na ibinigay ng ama noong kaarawan niya ay isang simpleng robot na may pangalan nilang tatlo sa likod: “Para kay Miguel, mula kay Daddy at Mommy.” Narinig niya ang mahinang katok sa pinto. Tok. Tok. “Pwede ba akong pumasok?” mahinang tanong ni Jal, na may nanginginig na tinig. Hindi sumagot si Miguel. Pero bahagyang bumukas ang pinto at doon, sumilip si Jal. Nakita niya ang anak na nakaunan sa tabi ni Lola Luisa, pero mulat ang mga mata, nag-iisip. Tahimik siyang pumasok, dahan-dahang lumapit at umupo sa gilid ng kama. “Anak…” simula niya, ngunit hindi niya agad nakuha ang tamang mga salita. Pinagmasdan niya ang mukha ni Miguel na maliit, inosente, pero ramdam niya ang bigat sa puso nito. Tulad niya. Tulad ni Prescilla. “Tulog na si Lola?” bulong ni Jal. Tumango lang si Miguel,

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 315

    “Anak, Kailangan Nating Mag-usap…”Tahimik ang buong bahay. Tanging tunog ng orasan sa dingding at huni ng kuliglig mula sa labas ang maririnig. Nasa kwarto si Miguel, yakap ang kanyang lumang stuffed toy na si ‘Bantay,’ habang nakadungaw sa bintana ng kwarto ni Lola Luisa. Ilang oras na siyang hindi lumalabas. Kanina pa rin siya hindi kumikibo.Dahan-dahang binuksan ni Prescilla ang pinto.“Miguel?” mahina at maingat niyang tawag.Hindi siya nilingon ng bata.Tahimik.Lumapit siya at naupo sa gilid ng kama.“Anak... puwede ba kitang makausap saglit?”Bahagyang umiling si Miguel, pilit na tinatakpan ng kumot ang mukha, pero kita pa rin ang bahagyang pag-uga ng kanyang balikat—senyales ng pag-iyak na pilit niyang itinatago.Napasinghap si Prescilla, pilit pinipigilan ang sariling luha.“Miguel… alam kong galit ka. Nalulungkot ka. Nalilito ka. Kaya andito ako… para ipaliwanag ang lahat.”Tahimik pa rin si Miguel.“Hindi mo kasalanan, anak. Hindi mo kailanman naging kasalanan kung bakit

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status