Share

Kabanata 43

TAHIMIK kong pinagmamasdan ang maaliwalas na gabi habang nakatayo sa gilid ng terrace. Medyo napagod din ako sa ginawa namin ni Nicko sa bukid. Naging maayos naman ang pagpunta namin doon at alam kong naging masaya rin si Nicko at panandalian kong nakalimutan si Kevyn.

Pero ngayon na nandito na naman ako sa mansyon, si Kevyn na naman ang laman ng isip ko. Nakaka-miss 'yong dati. 'Yong dati na magkaibigan kami ni Kevyn. Nagpapansinan, nagngingitian, nagtatawanan, at nag-uusap. Ilang araw na ba niya akong hindi pinapansin? Para kasing pakiramdam ko buwan na ang nakaraan.

"Hindi ka pa ba inaantok?"

Mabilis akong lumingon nang marinig ko ang boses na iyon na gusto ko palaging marinig. Tumambad sa akin si Kevyn. Ang sarap pakinggan ng boses niya na parang ngayon ko lang ulit narinig sa loob ng mahabang panahon. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang nakahalukipkip. Umiwas ako sa kaniya ng tingin.

"Bakit ikaw, hindi ka pa natutulog?" balik kong tanong na halata doon ang inis. Tumalik
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status