BANDANG hapon ng magdesisyon si Sir Giovanni na umuwi kami sa mansyon, Buti na lang wala ng lagnat si Gia. Iyon nga lang ayaw nitong mag-pabuhat sa kuya niya o kat Butler Chen. Wala akong nagawa ng sa akin ito mag-pakalong. Mukhang malayo talaga ang loob ng bata sa kuya niya. “Are you okay? Kaya mo pa ba?” Biglang tanong ni Sir Giovanni sa aking tabi. Nasa loob na kami ng elevator at buhat buhat ko si Gia. Nakapatong ang kanyang pisngi sa aking balikat habang sa aking leeg nakaharap ang mukha nito. Sa totoo lang sobrang bigat niya, ang laking bulas ng batang ito at mag-wawalong taong gulang na. Pero wala naman akong magagawa ako ang gusto niyang bumuhat sa kanya kaya kahit masakit na sa balakang ay tinitiis ko. “Yes, Sir. Kaya pa naman po.” Nakangiti kong sabi bago inayos ang pagkakabuhat sa bata. Narinig ko ang buntong hininga nito. “Kung hindi mo na kaya sabihin mo lang para ako na ang magbubuhat sa kanya." Seryosong sabi nito. “Sige po.” Iyon lang ang sina
KINABUKASAN maaga ulit akong gumising para makapag luto muna ng pagkain ni mama at Nicole. Hindi pa rin kasi bumababa ang lagnat ng kapatid ko. Ginising ko siya at pinakain tapos pinainom ng gamot. Gusto kong nakakain na at inom ng gamot ito bago ako pumunta sa kabilang bahay. Nagmamadali akong pumunta sa mansyon para maipag-luto ng almusal si Sir Giovanni at pati na rin si Gia. Kaso nang mapadaan ako sa dining nagulat ako ng makitang nandoon ang boss ko at si Lolo J. Hala, ang aga naman ng boss ko? Tinignan ko ang oras 5:30 pa lang naman at 6:30 ang kain niya ng almusal. Saka sa kwarto ito nakain. “Oh, Iha! nandyan kana pala! Come here." Napa-ayos naman ako ng tayo. Hindi ko alam kung ngingiti ako, kinakabahan kasi ako dahil nandito na agad sila wala pa akong nalulutong pagkain. “G-goodmorning Lolo J, Goodmorning Sir Giovanni." Bahagya akong yumuko. “Goodmorning.” Sagot naman ng boss ko na siyang kinagulat ko, kahit si Lolo J ay napalingon dito. “Wow, binati mo paba
NAKANGITI lang ako habang nagpapatianod sa hila ni Gia. Sa tingin ko hindi naman talaga siya malditang bata. Nagsusungit lang siya siguro para kunin ang atensyon ni Lolo J o ng Kuya niya. Sobrang hyper niya habang pababa kami sa mahaba nilang hagdan. Parang hindi siya nagkasakit kahapon sa kasiglahan ngayon. Pag pasok namin sa loob ng dining area napatigil kami pareho ni Gia dahil hindi namin inaasahan ang na may bisita pala. May dalawang lalaki na ang nakaupo sa tapat ni Sir Giovanni na ngayon ay nakatingin sa amin, Ah mali pala nakatingin sa akin habang nakauwang ang labi. Sino sila? “Woah, Who is this beautiful woman? King?” “Nanny ni Gia, Boss?” Tanong ng dalawang lalaki habang nakatingin pa rin sa akin. Sandali, King..Aha! ‘yung tumawag ng King kay Sir Giovanni iyong kausap niya kahapon sa cellphone. Mga kaibigan ata ito ng boss ko. Mabilis naman tumayo iyong lalaking tumatawag ng King kay Sir tapos matamis akong nginitian. “Miss, dito ka na maupo
“Kinakawawa nila kami lalo na kapag wala ako, grabe nila kung kawawain ang mama ko at kapatid. Sobrang sakit kapag nakikita kong sinusumbatan, sinaksaktan sila mama ng tiya ko. Kahit gusto ko sila ipag tanggol at ipaglaban kaso nakikitira lang kami ‘e, Tinitiis na lang namin. Wala naman kasi kaming ibang mapupuntahan.. “Alam mo bang halos lahat ng trabaho at raket ginawa ko na para may maibigay na pera sa tiya ko? Kasi kung hindi ko ‘yun gagawin palalayasin niya kami. Hindi ko pa kasi kaya kumuha ng paupahan na bahay dahil wala akong nakukuhang trabaho na pang matagalan. Hindi kasi ako nakatapos ng pag-aaral. Halos lahat ng aapplyan kong trabaho gusto college graduate. Kaya kahit gustuhin ko man ng medyo mataas taas na sahod wala akong magawa. Nag-titiis ako sa kakarampot na sahod sa pag huhugas sa karenderya, pagbabantay sa isang tindahan, pag-wawalis at kung ano-ano pa.. “...Lahat ginagawa ko para kay mama at Nicole. Simula ng mamatay ang papa ko, ako na ang tumayo na padr
Nasa sala kami ng mansyon at masayang naglalaro ni Gia sa kanyang Ipad ng biglang dumating ang dalawang kaibigan ni Sir Giovanni. May mga dala itong pag-kain na siyang kinatuwa ni Gia. Dumalaw ulit ang mga ito. Mabait naman pala ang dalawang kaibigan ni Sir Giovanni, Nagpakilala ‘yung tumatawag lagi na King kay Sir na si Kiel Vasquez at iyong isa naman si Sean Zamora.. Ang dami naming napag-kwentuhan na apa't. Akala ko nung una hindi ko sila makakasundo pero mali ako. Ang sarap nilang kasamang dalawa lalo na si Kiel na palabiro, kahit si Gia ay libang na libang na at sarap na sarap pa sa dala nilang pagkain. Halata rin naman na close ang tatlo, iyon nga lang minsan nasusungitan ni Gia si Kiel lalo na kapag tungkol na sa akin ang tinatanong ng lalaki. “What are you two doing here? Have you finished the work I ordered you to do?” Napatigil kami sa masayang pag-kwekwentuhan ng marinig ang seryosong boses ni Sir Giovanni. Lahat kami napatingin sa hagdan, Pababa ito
MALL MAGKAHAWAK kamay kaming pumasok ng mall ni Gia habang nakasunod lang naman sa amin si Sir Giovanni at ang dalawang kaibigan nito. Hindi talaga pumayag ang dalawa na hindi sila sasama dahil first time lang daw mag yaya ng kaibigan nila. “King anong pakiramdam ng makapunta ng mall na maraming kasama? Sarap ba sa feeling?” Nakakalokong tanong ni Kiel, Rinig pa rin kasi namin dahil nasa likod lang naman sila. “Shut up! Baka gusto mong magsolo Vasquez?” “Nagtatanong lang naman King. Nakakagulat lang kasi na ikaw mismo ang nag yaya na mag mall." “Tsk.” Lihim na lang akong napangiti. “Omg! tara ate Natasha pasok tayo don!” Nagulat ako ng bigla na lang akong hilahin ni Gia sa isang sikat na brands ng damit. “Anong ginagawa natin dito, ganda? Wala namang pambata dito ‘e.” Takang tanong ko dahil puro pang adult ang nandito. “It's not for me ate Natasha, para sa ‘yo. Just choose what you want, Kuya will pay." Sabay lingon niya sa aming likuran. “Di ba k
Hindi ako mapakali dahil hindi pa rin umaalis sa aking harapan si Sir Giovanni. Ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin. “Yeah, This is our mall. Isa sa mga business ng Silvestre. Anyway Natasha hihingi sana ako ng pabor sa ‘yo.” Doon lang ako nagbalik ng tingin sa kanya. Medyo hindi makapaniwala dahil ang boss ko, Hihingi ng pabor sa akin? “Ano po ‘yon, Sir?” “Tsk, Don't put a po on what you say. Sir is enough or kung gusto mo pwede rin tawagin mo na lang akong Giovanni. Naiilang ako sa po mo. Hindi naman ako sobrang tanda.” Seryosong turan nito bago lumipat sa tabi ko at pinag masdan ang kapatid niya na masayang namimili ng mga damit at si Sean ang taga hawak. “Ok Sir." Sagot ko kahit naiilang, Hindi pa naman ako sanay na walang po kapag kausap ang amo ko o mas matanda sa akin. Mas lalong hindi ko siya kayang tawagin na Giovanni lang. “Much better, Balik tayo sa pabor ko. I want you to help me. Close na kayo ni Gia, Siguradong magsasabi ‘yun sa ‘yo o mag-kwek
Lutang na lutang pa rin ako sa mga nang-yari. Hindi talaga ako makapaniwala na pumayag ang boss kong masungit na kumain sa fastfood. Ano kayang sumapi sa kanya at ang bait ata ngayong araw? Naku! Sana naman araw-araw na ganito na lang siya. Para naman mabawasan na ‘yung takot na nararamdaman ko sa kanya. Ngayon ay naka-upo na kami ni Gia sa gilid tabi ng glass wall. Habang nakatingin sa counter kung saan nakapila ang tatlong lalaki. Yes, sila ang pumila. Inutusan ako ng boss ko na maghanap na lamang ng mauupuan. Gusto ko nga sana silang samahan dahil first time nila dito sa Jabee kaso pinili ko nalang sumunod baka kasi magalit pa ang boss ko at masira ang masayang araw ng alaga ko. Katapat ko si Gia ngayon, ayaw niya muna tumabi sa akin at gusto niya na magkaharap daw kaming kakain. Hindi na ako umimik pa sa gusto nito. Habang nakamasid sa tatlong lalaki, kapansin-pansin ang tingin ng mga taong malapit sa kanila at mga nakapila. Hindi ko masisisi ang mga ito dahil ag