Share

I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle
I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle
Author: MeteorComets

Chapter 1- Panloloko

Author: MeteorComets
last update Last Updated: 2025-01-09 16:01:15

“A-Ano ‘to?” nanginginig ang kamay ni Lilibeth habang nakatingin sa cellphone ng boyfriend niya.

Sunod-sunod ang luha na pumatak sa kaniyang mga mata habang naririnig ang ung0l ng dalawang taong nasa video.

Parang may itak na tumarak sa puso niya nang marinig ang matatamis na salita ni Joliever para sa babaeng kaniig nito.

Right now, pinapanood niya ang s*x video ng kaniyang boyfriend kasama ng isang hindi pa niya nakikilalang babae.

Hindi niya alam kung sino ito dahil malayo ang kuha ng video mula sa camera, at boses lang ang malinaw sa kaniya.

“Ahh, s-sarap…” Ang sabi ng boyfriend niya. “Isagad ko pa… Ahh.”

Nabitawan niya ang cellphone ni Joliever at lihim na umiyak habang pinapakinggan kung paano isigaw ng babae ang pangalan ng boyfriend niya.

“Sige pa Joliever! Sige pa!”

“Bakit Joliever? Bakit mo ‘ko nagawang lokohin? A-Anong ginawa ko para saktan mo ‘ko ng ganito?”

Basang-basa ang damit niya ngayon dahil sa lakad-takbo na ginawa niya kanina para mapuntahan niya ang boyfriend niya sa condo nito.

Hindi niya alintana kahit na malakas ang buhos ng ulan.

Dahil sa mataas na takong na suot niya kanina, ilang beses siyang nadulas dahilan ng kaniyang ilang beses na pagkakadapa. Yung paa niya ay nagkaroon ng maraming sugat at galos.

Ang bag niya ang nagpadiskitahan niyang suntukin. Gusto niyang sumabog, gusto niyang sumigaw. Gusto niyang saktan si Joliever ngayon.

Hindi niya aakalain na ang lalaking akala niya ay hindi siya sasaktan, ay siya palang dudurog sa kaniya.

Kinabukasan, nang magising si Joliever, nagulat siya nang makita niya si Lilibeth sa kaniyang tabi.

Nasa sahig ito nakaupo, nakayuko ang tuhod, at nakabaon ang ulo sa mga siko.

“B-Babe? Teka, anong ginagawa mo diyan?”

Tumayo siya para puntahan ito kahit na nahihilo pa siya dahil sa hang-over.

“Ang aga mo yata nagpunta sa condo ko. Wala ka bang trabaho ngayon?”

“Kagabi pa ako dito.”

“G-Ganoon ba? Sana ginising mo ‘ko. Sorry, nalasing ako kagabi matapos ang meeting ko with my client from Indonesia.”

Tumango lang si Lilibeth. Sa buong magdamag na puro lang siya iyak, pakiramdam niya ay namanhid na ang buong katawan niya.

Natuyo na nga rin ang damit na suot niya.

Mas lumapit pa si Joliever sa kaniya at inamoy ang kaniyang leeg. HahaIik na sana ito ng magsalita muli si Lilibeth.

“Niloloko mo ba ako Joliever?”

Napatigil si Joliever saglit.

“Ano?”

“Niloloko mo ba ako?”

Nalukot ang mukha ni Joliever. “Ano na naman ba ito, Lilibeth? Is this one of your childish acts again?”

“Childish act?” matatalim ang matang binalingan niya si Joliever. “You cheated on me! Ikakaila mo na naman ba yun?!”

Kagabi pa niya gustong gisingin ito, pero pinigilan niya ang sarili. Gusto niyang makausap si Joliever na hindi lasing.

“Ano ba! Ang aga-aga, bumunganga ka na naman. Ganito na lang ba lagi? Wala ka ba talagang tiwala sa akin ah?”

“Gagamitin mo na naman ba sa akin na isip bata ako? Na selosa? Bakit? Wala ba akong dapat na ika-selos?”

“Sawang sawa na ako sa ugali mo Lilibeth! Nakakasakal ka na. Mabuti pang umuwi ka na muna at saka na tayo mag-usap kung malamig na ang ulo mo.”

Umalis si Joliever sa tabi niya at naglakad patungong banyo, pero bago pa siya makapasok ng banyo, nagsalita si Lilibeth na ikinatigil niya.

“Ikaw pa talaga ang may gana na magalit? Sino ba sa atin ang may s*x video?”

Nanlalaki ang matang lumingon siya kay Lilibeth.

“Ngayon mo sabihin kung wala ba akong dapat na ikaselos. Ano yung s*x video?”

Nagmamadaling kinuha ni Joliever ang phone niya na nasa ibabaw ng table. “Pinakialaman mo ba ang cellphone ko?”

Natigilan si Lilibeth at mahinang natawa. Pinunasan na lang niya ang luha sa kaniyang mga mata. Tumayo siya at kinuha ang bag niya.

‘Hindi man lang niya dineny ang s*x video!’ Sabi niya sa isipan.

“Wait Lilibeth-" hinablot ni Joliever ang kamay niya at pwersahang pinaharap sa kaniya.

Isang malakas na sampal ang binigay niya kay Joliever.

“Bitaw! Uuwi na ako! Nalaman ko ng isa ka palang gago na hindi ko dapat  pagkatiwalaan pa.”

“Damn it! P-Pinakialaman mo ba ang phone ko?”

“Oo. Kaya ko nga nakita ko ang s*x video mo. Ano naman?” Walang emotion na sagot niya.

Ang galit na expression sa mukha ni Joliever kanina ay biglang napalitan. Napuno iyon ng takot at pag-aalala.

“B-Babe, wait…. let me explain…”

Binawi ni Lilibeth ang kamay niya. Masakit sa kaniya malaman na niloloko siya nito. Pero hindi siya tanga para magpaloko ulit kahit na mahal na mahal niya ito.

“Wala ka ng dapat na ipaliwanag pa Joliever. Isa lang ang hiningi ko sayo noong una na sana ay huwag mo ‘kong lokohin, pero hindi mo yun tinupad. Ngayon, pagbabayaran mo ang ginawa mo!”

“Anong ibig mong sabihin?”

“I’m breaking up with you!”

Nalukot ang mukha ni Joliever. “Makikipaghiwalay ka? Are you crazy? Sa tingin mo papayagan ka ng pamilya mo na hiwalayan ako? Alam kong ginagamit ka ng pamilya mo para dumikit sila sa pamilya ko!”

Binawi ni Lilibeth ang kamay niya.

“Kaya kong tanggapin ang ilang beses na sampal ni dad sa akin. Pero ikaw? Kaya mo bang harapin ang galit ng lolo mo sayo?”

Natigilan si Joliever. “A-Anong ibig mong sabihin?”

“May kopya na ako ng s*x video mo. Oras na ikalat ko yun sa social media, tiyak akong pagpi-pyestahan ka ng mga tao pati na rin ang pamilya mo.”

Tumalikod na si Lilibeth at naglakad paalis.

“Wait! Argh!!!” Napahawak si Joliever sa ulo niya dahil sumakit ito mula sa hang-over. Hindi niya na nahabol pa si Lilibeth na nakaalis na.

Si Joliever ay anak ng may-ari ng isang Gaming Company na sikat sa bansa. Siya rin ang long-time boyfriend ni Lilibeth.

Sikat ang angkan ng Floreza lalo’t sila ang pinakamayamang angkan sa bansa.

Kaya ayaw ng lolo ni Joliever na madawit sila sa anumang scandal dahil kapag nagkataon, mawawalan sila ng mana.

Nang medyo umayos na ang pakiramdam ni Joliever, agad niyang tinawagan si Lilibeth pero hindi na niya ito ma-contact.

Kumuyom kaagad ang kamay niya.

“Sa tingin mo papayag akong sirain mo ang pangalan ko Lilibeth? Humanda ka! Sisirain muna kita bago mo magawang dungisan ang pangalan ko!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Athena Beatrice
Luh, ang lakas mo. Ikaw pa may ganang magsabi ng ganyan ha!
goodnovel comment avatar
Athena Beatrice
Joliever? Baka Jollibee? Bida ang saya! Hahaha.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   LAST CHAPTER

    After 3 years...Sa loob ng isang café, naroon si Lucio kasama ang mga anak niya.Sa isang round table, nakapalibot sila doon. Apat na chocolate shake at apat na chocolate cake ang nasa ibabaw ng mesa tapos isang kape.Despite of Lucio's busy schedule, dapat sa isang buwan, at least may oras siyang nakalaan para e date ang apat na prinsesa niya."Dada, nag-away ba kayo ni mama?" tanong ni Ada habang uminom ng shake."Same question kay Ada, dada." Ana"Hindi naman kami nag-away ng mama niyo. Why?" nagtaka siya."Really dad? But we heard her." Ava"Heard?" takang tanong ni Lucio at napabalik tanaw kung anong nangyari kahapon para masabi ng mga anak niya na nag-away sila ni Beth."Yes dada. Sabi pa nga ni mama, spank me hubby!" AyaBiglang nabilaukan si Lucio sa kape na iniinom niya. Yung mga tao naman sa tabi nila e biglang napatingin sa gawi nila."Tapos sabi pa ni mama-""Okay okay... Stop right there baby." Namumulang sabi ni Lucio.Huminto naman ang mga anak niya pero halata sa mukha

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   LAST CHAPTER

    Couple of months later...Dumating na ang araw na nasa hospital si Beth dahil manganganak na siya. Hawak-hawak ni Lucio ang kamay niya.He's being calm and compose kaya si Beth e hindi na rin kinakabahan."Are you okay wife? May masakit ba sa'yo?" he asked nang maramdaman na humigpit ang paghawak ni Beth sa kamay niya.Ngumiti si Beth at umiling.Kung nagkataon na matataranta si Lucio e baka ay nataranta na rin siya at nagpapanic.Sabi nila, yung mga asawa daw madalas ang nagpapanic but Lucio is different. Walang ganoon ang makikita sa mukha niya.Na para bang hindi siya kabado. "The doctor will be here in any moment."Tumango si Beth."Thank you hubby at hindi ka nagpapanic."Kinuha ni Lucio ang kamay niya at dinala iyon sa labi.He smiled. His reaction in the outside is quite different in the inside. "Yung mga gamit ng babies natin?""Nasa kay Aidan, pinahawak ko."Natawa si Beth. "Ginagawa mo talagang alila mo si sir Aidan.""He's my best friend, wife. And if he needs me, I'll be

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 243- Hubby is adorable

    Madaling lumipas ang mga araw at ang payapa na ng naging buhay ni Beth at Lucio. Sa sobrang payapa, si Beth e laging kinukulit si Lucio sa kaniyang trabaho para maghanap ng gulo. Pero si Lucio itong mahaba ang pasensya at parang ayos lang kung guluhin siya. Nagresign na si Beth sa trabaho, kaya nasa bahay nalang siya lagi. Si Leah naman ay umalis na at nasa UK na. Si Ten at Manzo ay nagpunta na rin ng Netherlands at wala na rin masiyadong balita si Beth tungkol sa dad niya. Pero hindi naman siya nag-aalala dahil alam niyang hindi ito pababayaan ni Ten. It’s Sunday, at dahil maganda ang panahon, plano niyang lumabas. “Ma’am Beth, saan po kayo pupunta?” “Exercise.” Pagkalagpas niya sa katulong, bigla itong nawala sa tabi niya. Alam niyang nasa kay Lucio na ito para ireport na lalabas siya. She’s 6 months old pregnant, pero sobrang laki ng tiyan niya na animo’y nakalunok siya ng maraming pakwan. Nabibigatan na rin siya sa tiyan niya pero kaya pa naman niyang makala

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 242- Gifts of Roween

    “Are you okay?” tanong ni Manzo kay Ten pagkauwi.“Yes dad.” Ngumiti ito at binigay ang pinadala ni Beth. “For you. Sabi niya, huwag ka daw magkasakit at kumain ka ng marami.”Ngumiti si Manzo nang makita ang mga niluto ng anak niya. ‘She’s really sweet just like her mother. Kapag nakikita ko siya, baka ay mas mahirapan lang akong makalimutan ang mama niya.’May nakita rin siyang note kasama ng mga pagkain. Agad niya yung kinuha at binasa.It’s from Beth.“Hi dad. How are you? Sabi ni Ten e maayos na raw ang pakiramdam mo. I just want to say that I forgave you and you’re still my dad. Huwag na po kayong mag-alala sa akin kasi inaalagaan po ako ni Lucio ng mabuti. I heard uuwi ka daw po ng Netherlands. Mag-iingat ka doon and when you’re sad at gusto mo kausap, please don’t hesitate to call me. Love you dad!”Napangiti siya at dinala niya ang note na iyon sa labi niya para kaniyang mahaIikan.Both Atilla and Beth are sweet child. Kahit kaninong anak pa sila, mamahalin pa rin niya ang da

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 241- Namalikmata

    A week afterMula no’ng nahimatay si Manzo, hindi na nakita ni Beth ang dad niya pero alam niyang maayos na ang kalagayan nito dahil patuloy na nagrereport si Ten sa kanila para ibalita ang kalagayan nito.At mula din no’ng nalaman niya ang tungkol kay Atilla, hindi na rin siya ilag kay Ten.At ngayon ay nasa bahay nila ito, binibisita sila.Kaya busy siya sa pag-aayos ng mga pagkain na gusto niyang ipadala kay Ten.“Ang dami naman niyan.” Natatawang sabi ni Ten sa kaniya. Si Lucio naman ay nasa tabi, pasimpleng sumusulyap.Hindi na siya kinakabahan kapag nasa malapit si Ten kay Beth dahil alam na niyang asawa ito ni Atilla.Hindi gaya no’ng una na halos patayin niya ito.“Oo para kumain ng marami si dad at ikaw rin, kumain ka rin ng marami ah? Hindi pwedeng magkasakit ka.”Ngumuso si Ten. “Ang weird. Ang bait mo na sa akin matapos mong malaman na brother-in-law mo ‘ko.”“Natural lang yun. Asawa ka ng kakambal ko kaya dapat lang na tratuhin kitang pamilya. Mahalaga ka na rin sa akin, T

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 240- I understand dad

    Dinala agad si Manzo sa hospital. Iyak nang iyak si Beth at takot na takot na baka napano ito.Pero matapos sabihin ng doctor na wala namang ibang kumplikasyon, nahimatay lang ito dahil sa labis na pagod at stress, nakahinga siya ng maluwag doon.Habang nakatulala siya sa kawalan, bigla niyang naramdaman ang kamay ni Lucio na nakapulupot sa bewang niya. Napatalon siya sa gulat at napalingon dito.Nang makita na si Lucio iyon, humaba ang nguso niya at naglalambing na yumakap dito.Mabigat pa rin ang loob niya. Gusto pa niyang umiyak at sabihin ang lahat ng dinaramdam niya.“Akala ko may nangyari ng masama sa kaniya.” Mahinang sabi niya. “Ayoko siyang mapahamak, hubby. Kahit na may nagawa siyang kasalanan, yung puso ko, kinikilala pa rin siya bilang ama ko. Kaya halos mamutla ako kanina nang bigla siyang natumba.”Hinigpitan ni Lucio ang pagyakap sa kaniya.Ramdam ni Lucio ang takot niya. Halos nabasa nga ang damit niya dahil sa malalaking butil ng mga luha ni Beth.“Gusto kong sisihin a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status