Karma ito ni Leah. Kahit kaibigan siya ni Beth, nasaktan pa rin niya ito. Agree ba kayo?
Kanina pa nakatingin si Beth sa orasan dahil ilang sandali na lang, mali-late na si Leah.“Hindi ba siya papasok?” tinawagan niya ito pero patay ang phone.Kagabi pa sana niya ito gusto makausap dahil plano niya magpaliwanag bakit sila magkasama ni Joliever pero out of reach ito.She’s hoping magkikita sila ngayon pero sa nakikita niya, parang aabsent ito.Kaya tuloy, mag-isa lang siya. But during lunch, pinatawag siya ni Aidan at doon siya pinakain sa office kasama ni Monique at si Aidan mismo.“Dito ka na sa office ko kumain, Beth simula ngayon.” Saad ni Aidan sa kaniya at pasimpleng tumingin sa kaniyang tiyan.“Sige po sir.”Tumikhim ito. “Ahm, Monique, for the meantime, huwag mo munang pasuotin ng mataas na takong ang mga empleyado.”Nagulat si Monique at Beth.“Bakit po sir?”Dahil possibleng buntis si Beth. Ang nasa isipan niya pero iba ang sinabi ng bibig niya.“Just for safety. Balita ko, may namatay raw na babae dahil lang nagsuot ng heels.”Napangiwi si Monique kasi wala pa n
HINDI MAWALA SA ISIPAN NI BERNARDO ANG MUKHA NI LEAH.LUMIPAS NA ANG ARAW AT GABI, pero iyon pa rin ang nasa isipan niya.Habang nagluluto siya ng stew, bumabalik sa isipan niya na noong naglasing siya e may nangyari sa kanila ni Rejane.May kung ano sa isipan niya na nagsasabi na si Leah e baka anak niya.“Pero impossible. We just did it once.” Aniya at ayaw niya mag-expect.“Dad!” Napatigil siya sa kaniyang pagluluto at napatingin kay Nice.“Anong niluluto mo daddy?”Lumapit si Nice sa kaniya at dumungaw. “Hmm.. smells nice.”“Just like your name.” He jokingly said at mahinang natawa.Namula ang pisngi ni Nice at naglalambing na yumakap sa kaniya.“I miss this,” she said. “I’m sorry daddy sa mga nagawa ko kamakailan. I missed you.”Bernardo kissed her forehead. Nice is his daughter kahit na hindi niya ito kadugo. Nice melted his heart dahil sa pagiging malambing nitong anak sa kaniya.Sometimes, may ugali itong hindi niya gusto, but most of the time, alam niyang mabait at malambing n
“Wife, do you need something else?” tanong ni Lucio.Inaalagaan ngayon ni Beth si Leah dahil may sinat ito. Napapaisip pa rin siya bakit ito naglasing at bakit ito humihingi ng tawad sa kaniya.“Okay na hubby and sorry, hindi muna ako tatabi sayo ngayon. I need to stay with her.”“It’s alright. At matulog ka please.. Ayokong magpuyat ka.” Lalo pa’t nakakasama yun sa baby.Hindi na niya sinabi ang huli, pinigilan niya ang sarili.“Yes hubby. Maluwag naman ang kama kaya kakasya kami dito.”Tumayo siya at hinaIikan si Lucio sa labi. “Goodnight, hubby.”“Goodnight, wife.” For one last time, hinaIikan rin siya ni Lucio sa noo at umalis na.Huminga naman ng malalim si Beth at tumingin kay Leah. Pinunasan niya ang luha na kumawala sa mata nito.“You’re still crying even you’re sleeping.”She kissed her forehead. “Everything will be alright, Leah. Nandito lang ako para sayo.” Mahinang aniya at humiga siya sa tabi nito.Kinabukasan, nang magbukas si Leah nang mata, nakita niya si Beth na mahimb
Mula pagkabata, iniisip na ni Leah paano kaya kung magkaroon rin siya ng ama gaya ng iba? Ano kaya ang magiging buhay niya pag may tao siyang matatawag na papa. Pero hindi niya lubos maisip, na darating pala ang araw na kakamuhian niya na may papa siya. Sana pala ay hindi nalang niya nalaman. Sana pala e inakala nalang niya na matagal ng patay ang ama niya. “Let go of her!” Saad ni Bernardo. Nabitawan niya si Nice. “Dad! Help me!” yumakap agad si Nice sa dad niya at umiyak. Gusto lang niyang gumanti kay Beth pero hindi niya aakalain na pagtutulungan siya ng dalawa. Nakita ni Leah kung paano yakapin ni Bernardo si Nice dahilan ng pagkuyom ng kamay niya. ‘Yang taong yan ang biological dad ko. Hindi ko ito matatanggap.’ “Dad, pinagtulungan ako ng babaeng yan at ni Beth.” Nanlaki ang mata ni Bernardo lalo na nang makita niya si Beth na lumapit kay Leah. Nakita niya kung paano yakapin ni Leah si Beth at kung paano nito tignan ang pisngi nitong namumula. “Are you okay ma’am Beth?
Kanina pa tahimik si Beth at Leah habang magkaharap sa isa’t-isa. Nasa loob na sila ng isang coffee shop at kapwa nakatingin sa kanilang mga latte na kanina pa naserve sa kanila.“Ma’am Beth, m-maiintindihan ko po kung huli na natin itong pag-uusap.”Agad nag-angat nang tingin si Beth sa kaniya.“Nito ko lang nalaman ma’am Beth na siya ang ama ko. Patawad po..”“Bakit ka humihingi ng tawad sa akin?”Napatingin siya sa mukha nito. “Hindi po ba kayo galit sa akin, ma’am?”“Bakit naman ako magagalit sayo?”“Dahil… dahil sa anak niya po ako.”Nanubig ang mata ni Beth at nagbaba ng tingin sa mga kamay niyang magkasiklop.Hindi niya alam ano itong nararamdaman niya. Pero alam niyang hindi ito galit para kay Leah.“Hindi ako galit sayo.”Tumayo si Leah at lumuhod, “pero nasaktan po kita ma’am Beth.”Napatakip si Beth sa mukha niya at umiyak. Pinagtitinginan na sila ng mga tao pero wala pa rin silang pakialam.“Are you going to hate me now?”Umiling si Beth tapos tumingin sa kaniya. “Natatakot
“Sir, I called Lucio and he’s on his way,” ang sabi ni Ten kay Manzo.Nakatulog si Beth kaya hindi na nila ito ginising at si Lucio nalang ang pinapunta nila ng bahay.“Kamusta iyong pinagawa ko sayo?”He asked Ten to confirm kung si Rejane ba ang ina ng kaibigan ni Beth na si Leah.“Yes sir. Siya nga po.”Huminga ng malalim si Manzo. “Saan sila nakatira ngayon?”Kumunot ang noo ni Ten at naging seryoso na ang mukha niya. “Why dad?”“Hindi mo na kailangan malaman Ten.”Tumayo siya at seryosong tinignan ito. “Tell the driver na pupunta kami sa bahay nitong Rejane. And don’t leave the house at hintayin mo si Lucio.”Nang makita ni Ten na walang balak ang father-in-law niya na magsabi sa kaniya ng totoo, napipilitan siyang tumango at nagpunta sa driver.When Ten left, Manzo clenched his fist. ‘I won’t let anyone na kunin ang anak ko sa akin. I deserve to be her dad more than Bernardo.’**** Nagsasara na si Rejane ng gate, pero nanlaki ang mata niya nang makita niya si Manzo sa labas.
***Portion of the past***Umiiyak si Atisha habang kumakatok sa apartment ni Rejane.“Jane…”Nang buksan ni Rejane ang pinto, agad siyang dinambahan ni Atisha ng yakap.“Ati, anong nangyari sayo?” nag-aalalang tanong niya.“Jane, ayoko na… Gusto ko ng lumayas.”Nanlaki ang mata ni Rejane.“Teka, pumasok ka muna sa loob.”Pinapasok ni Rejane si Atisha sa loob at binigyan ng tubig.Umupo siya sa harapan nito at napansin niyang wala pala itong sapin sa paa kaya puno ng putik ang talampakan ni Atisha.“Ati, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?”“Jane…” nahihirapan si Atisha na sabihin ang sinapit niya kay Bernardo. “Ginahasa niya ako.” Halos pumiyok siya.Napasinghap si Rejane at kasabay ng panlalaki ng mata niya.“A-Ano?”“Ginahasa ako ni Bernardo, Jane.”Sa labis na gulat niya ay hindi niya napansin na bigla niyang nabitawan ang kamay ng kaibigan.“H-Hindi ko na alam paano ko haharapin si Manzo. Hindi ko na alam anong gagawin ko Jane.”Napatayo si Rejane. Imbes maawa siya, iba ang nararamda
***Portion of the past***Mahigpit ang paghawak ni Rejane sa bag niya habang nakatingin kay Bernardo na masayang namimili ng mga prutas at vitamis para kay Atisha.“Jane.”“Huh?”Huminga ng malalim si Bernardo at mahinang pinitik ang noo niya.“Ano bang iniisip mo at hindi mo man lang narinig na kanina pa kita tinatawag?”“P-Pasensya ka na. Ano bang sinabi mo?”Ginulo ni Bernardo ang buhok niya. “Wala. Sabi ko masaya lang ako kasi biglang bumait si Ati sa akin.”“W-What do you mean?”“Kahapon, pag-uwi ko, nilutuan niya ako paborito ko. Sabi niya, susubukan daw niya na maging asawa sa akin. Sa tingin ko ay handa na siyang tanggapin ako.” At namula ang pisngi niya.Sumikip ang dibdib ni Rejane sa kaniyang narinig.“Mahal mo talaga siya noh?”“Alam mo ang sagot ko diyan, Jane. Magkababata kami ni Ati, kaya natural lang sa akin na mahulog sa kaniya. Masakit lang sa akin na ayaw niya sa akin bilang asawa kung kaya nakagawa ako ng bagay na pinagsisihan ko.”Napatingin si Rejane sa harapan sa
After 3 years...Sa loob ng isang café, naroon si Lucio kasama ang mga anak niya.Sa isang round table, nakapalibot sila doon. Apat na chocolate shake at apat na chocolate cake ang nasa ibabaw ng mesa tapos isang kape.Despite of Lucio's busy schedule, dapat sa isang buwan, at least may oras siyang nakalaan para e date ang apat na prinsesa niya."Dada, nag-away ba kayo ni mama?" tanong ni Ada habang uminom ng shake."Same question kay Ada, dada." Ana"Hindi naman kami nag-away ng mama niyo. Why?" nagtaka siya."Really dad? But we heard her." Ava"Heard?" takang tanong ni Lucio at napabalik tanaw kung anong nangyari kahapon para masabi ng mga anak niya na nag-away sila ni Beth."Yes dada. Sabi pa nga ni mama, spank me hubby!" AyaBiglang nabilaukan si Lucio sa kape na iniinom niya. Yung mga tao naman sa tabi nila e biglang napatingin sa gawi nila."Tapos sabi pa ni mama-""Okay okay... Stop right there baby." Namumulang sabi ni Lucio.Huminto naman ang mga anak niya pero halata sa mukha
Couple of months later...Dumating na ang araw na nasa hospital si Beth dahil manganganak na siya. Hawak-hawak ni Lucio ang kamay niya.He's being calm and compose kaya si Beth e hindi na rin kinakabahan."Are you okay wife? May masakit ba sa'yo?" he asked nang maramdaman na humigpit ang paghawak ni Beth sa kamay niya.Ngumiti si Beth at umiling.Kung nagkataon na matataranta si Lucio e baka ay nataranta na rin siya at nagpapanic.Sabi nila, yung mga asawa daw madalas ang nagpapanic but Lucio is different. Walang ganoon ang makikita sa mukha niya.Na para bang hindi siya kabado. "The doctor will be here in any moment."Tumango si Beth."Thank you hubby at hindi ka nagpapanic."Kinuha ni Lucio ang kamay niya at dinala iyon sa labi.He smiled. His reaction in the outside is quite different in the inside. "Yung mga gamit ng babies natin?""Nasa kay Aidan, pinahawak ko."Natawa si Beth. "Ginagawa mo talagang alila mo si sir Aidan.""He's my best friend, wife. And if he needs me, I'll be
Madaling lumipas ang mga araw at ang payapa na ng naging buhay ni Beth at Lucio. Sa sobrang payapa, si Beth e laging kinukulit si Lucio sa kaniyang trabaho para maghanap ng gulo. Pero si Lucio itong mahaba ang pasensya at parang ayos lang kung guluhin siya. Nagresign na si Beth sa trabaho, kaya nasa bahay nalang siya lagi. Si Leah naman ay umalis na at nasa UK na. Si Ten at Manzo ay nagpunta na rin ng Netherlands at wala na rin masiyadong balita si Beth tungkol sa dad niya. Pero hindi naman siya nag-aalala dahil alam niyang hindi ito pababayaan ni Ten. It’s Sunday, at dahil maganda ang panahon, plano niyang lumabas. “Ma’am Beth, saan po kayo pupunta?” “Exercise.” Pagkalagpas niya sa katulong, bigla itong nawala sa tabi niya. Alam niyang nasa kay Lucio na ito para ireport na lalabas siya. She’s 6 months old pregnant, pero sobrang laki ng tiyan niya na animo’y nakalunok siya ng maraming pakwan. Nabibigatan na rin siya sa tiyan niya pero kaya pa naman niyang makala
“Are you okay?” tanong ni Manzo kay Ten pagkauwi.“Yes dad.” Ngumiti ito at binigay ang pinadala ni Beth. “For you. Sabi niya, huwag ka daw magkasakit at kumain ka ng marami.”Ngumiti si Manzo nang makita ang mga niluto ng anak niya. ‘She’s really sweet just like her mother. Kapag nakikita ko siya, baka ay mas mahirapan lang akong makalimutan ang mama niya.’May nakita rin siyang note kasama ng mga pagkain. Agad niya yung kinuha at binasa.It’s from Beth.“Hi dad. How are you? Sabi ni Ten e maayos na raw ang pakiramdam mo. I just want to say that I forgave you and you’re still my dad. Huwag na po kayong mag-alala sa akin kasi inaalagaan po ako ni Lucio ng mabuti. I heard uuwi ka daw po ng Netherlands. Mag-iingat ka doon and when you’re sad at gusto mo kausap, please don’t hesitate to call me. Love you dad!”Napangiti siya at dinala niya ang note na iyon sa labi niya para kaniyang mahaIikan.Both Atilla and Beth are sweet child. Kahit kaninong anak pa sila, mamahalin pa rin niya ang da
A week afterMula no’ng nahimatay si Manzo, hindi na nakita ni Beth ang dad niya pero alam niyang maayos na ang kalagayan nito dahil patuloy na nagrereport si Ten sa kanila para ibalita ang kalagayan nito.At mula din no’ng nalaman niya ang tungkol kay Atilla, hindi na rin siya ilag kay Ten.At ngayon ay nasa bahay nila ito, binibisita sila.Kaya busy siya sa pag-aayos ng mga pagkain na gusto niyang ipadala kay Ten.“Ang dami naman niyan.” Natatawang sabi ni Ten sa kaniya. Si Lucio naman ay nasa tabi, pasimpleng sumusulyap.Hindi na siya kinakabahan kapag nasa malapit si Ten kay Beth dahil alam na niyang asawa ito ni Atilla.Hindi gaya no’ng una na halos patayin niya ito.“Oo para kumain ng marami si dad at ikaw rin, kumain ka rin ng marami ah? Hindi pwedeng magkasakit ka.”Ngumuso si Ten. “Ang weird. Ang bait mo na sa akin matapos mong malaman na brother-in-law mo ‘ko.”“Natural lang yun. Asawa ka ng kakambal ko kaya dapat lang na tratuhin kitang pamilya. Mahalaga ka na rin sa akin, T
Dinala agad si Manzo sa hospital. Iyak nang iyak si Beth at takot na takot na baka napano ito.Pero matapos sabihin ng doctor na wala namang ibang kumplikasyon, nahimatay lang ito dahil sa labis na pagod at stress, nakahinga siya ng maluwag doon.Habang nakatulala siya sa kawalan, bigla niyang naramdaman ang kamay ni Lucio na nakapulupot sa bewang niya. Napatalon siya sa gulat at napalingon dito.Nang makita na si Lucio iyon, humaba ang nguso niya at naglalambing na yumakap dito.Mabigat pa rin ang loob niya. Gusto pa niyang umiyak at sabihin ang lahat ng dinaramdam niya.“Akala ko may nangyari ng masama sa kaniya.” Mahinang sabi niya. “Ayoko siyang mapahamak, hubby. Kahit na may nagawa siyang kasalanan, yung puso ko, kinikilala pa rin siya bilang ama ko. Kaya halos mamutla ako kanina nang bigla siyang natumba.”Hinigpitan ni Lucio ang pagyakap sa kaniya.Ramdam ni Lucio ang takot niya. Halos nabasa nga ang damit niya dahil sa malalaking butil ng mga luha ni Beth.“Gusto kong sisihin a
Ilang araw ring hindi nakita ni Beth si Manzo kaya naninibago siya habang nakaharap dito. Ang tahimik nila noong una, ramdam ang bigat at lungkot.Nag-aya siya dito ng dinner, hindi dahil namiss niya ito, kun’di dahil gusto niyang magkaroon sila ng closure para maliwanagan rin siya sa lahat lalo na ang tungkol sa kakambal niya.She did not bother to ask about Atilla, hinayaan niya lang si Manzo na magkwento kung bakit lumaki sa puder niya si Atilla habang siya ay kay Bernardo.Hinayaan lang niya na magkwento ito kung paano nito pinalaki ang kapatid niya.Napapangiti siya kapag naririnig ang mga kalokohan ng kakambal niya. ‘Tama nga si Ten, sakit siya ng ulo ni dad.’Nang matapos magkwento si Manzo, bumalik ulit ito sa pananahimik. Hindi niya alam kung paano niya kakausapin si Beth gaya ng dati. Nagbaba siya nang tingin at humingi nalang muna siya ng paumanhin.“I’m sorry… Wala na akong ginawang tama sayo, B-Beth.” Malungkot na sabi niya.Ang bigat-bigat ng puso niya. Miss na miss na
Present TimeRegar: Sir, mukhang hindi lang kamukha ni ma'am Beth si Ms. Isha na nakilala natin noon. I think, si Ms. Isha ay ang kakambal ni ma'am Beth.Iyon ang nabasa ni Lucio sa mensahe ni Regar sa kaniya na agad na ikinakunot ng noo niya.Nasa bahay pa rin siya ng dad niya.Agad siyang nagtipa ng reply. Lucio: Where are you now? Is my wife, safe? Regar: Nasa sementeryo kami ngayon sir. And she's safe. Huminga ng malalim si Lucio nang mabasa na ligtas lang si Beth. Lucio: Sementeryo? Regar: Yes sir. It turned out na wala na si Ms. Isha. Sandaling natulala si Lucio. Bigla niyang naisip noon si Isha. "She's my wife's twin? Pero paano nangyari?" naguguluhan siya dahil kahit siya, inakalang kaedaran lang niya noon si Isha. "Kung ganoon, Isha was really a child back then." Bigla siyang napailing. Hindi siya makapaniwala sa nalaman niya. Years ago, when she saw Beth as Joliever's girlfriend, the reason bakit niya sinundan ito noon ay dahil pamilyar sa kaniya ang mukha nito. He
"Bakit yun umiyak? Inaway mo ba?" tanong ni Casper nang makita nila si Atilla kanina na umiiyak habang papasok ng bahay."No. Bigla na lang siyang umiyak.""But you hugged her. Nakita kita, huwag mo i-deny." Pinagsingkitan pa siya nito ng mata. "It's the other way around." Aniya at bumuntong hininga. "Talaga lang ha!""She's just a child, Cas. Stop overreacting." "There's no way that that girl is a child. Can't you see that she's a woman?"Nagkibit balikat lang si Lucio. Para sa kaniya, bata ang pagtingin niya kay Atilla. Agad nalang niyang inutusan ang maid na gumawa ng snacks para kay Atilla."Yaya, please prepare a snack for Isha.""Masusunod po sir.""You're being considerate to her, man. Are you falling for her?"Hindi talaga siya nilulubayan nito kakatanong. Hindi naman porke't nagpakita lang siya ng interes sa babae o kabutihan e gusto na niya ito. "Again, she's just a child to me.""Hindi mo naman kailangan e deny brute. You're single. Hindi ba hiwalay na kayo no'ng Rainah?