Hay naku uncle. Minsan type kita, minsan natatawa ako sayo. HAHAHA. Anyway, good morning guys.
Nang umuwi si Lucio, agad tumunog ang phone niya at nabasa niya ang notification from his bank that he withdrew money for a certain amount.That amount is big enough to boil his blood.Agad siyang natigilan sa paglalakad.“Good morning sir.” Pagbati naman ni Regar na agad lumapit sa kaniya ngunit napatigil nang makita ang kakaibang reaction sa mukha ni Lucio habang nakatingin sa phone nito.“Regar, block my card na binigay ko kay Beth.” Seryosong utos ni Lucio sa kaniya.Nagulat si Regar, nagtataka hanggang sa bumaba ang paningin niya doon sa kamay ni Lucio at nakita niya itong nakakuyom.Nakakuyom na sa labis na galit. “Ang kapal ng mukha nila. They’re using my money again.”Doon na naiintindihan ni Regar ang lahat. Alam na nila ni Lucio na wala kay Beth ang isang card na bigay nito.At ngayon, hinuha niya ay ginamit na naman ng pamilya ni Beth ang card.“Talagang sinasagad nila ang pasensya ko.”Lucio waited patiently na magkusa si Beth na magsabi sa kaniya na binigay niya ang card p
Nagtataka si Bernardo bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya binabalikan ng loan sharks kahit na lumagpas na ang due date niya.Kung saan may pera na siyang pambayad, saka pa siya hindi sisingilin.“Dad!”Dumating si Nice, galit na galit. “What happened? Bakit hindi ko na magamit ang card ni Lucio?”Kumunot ang noo ni Bernardo. “Anong ibig mong sabihin?!”“I can’t use his card anymore. Daddyyyyy! Tawagan mo si Beth. Ask her why.”Kinuha ni Bernardo ang phone niya para tawagan si Beth, pero dahil hindi nila alam na nasa eroplano na ito papuntang Dubai, galit na galit sila na hindi nila ito ma-contact.“THAT USELESS CHILD! MATAPOS KO SIYANG TANGGAPIN, PIPILIIN NIYA PA RIN AKONG TALIKURAN? BAKIT BA ANG DAMOT NIYA?”Nag-alala si Nice pagka’t wala na siyang pang-shoppping. “Daaaad. Ibalik mo sa akin ang card please. Do everything. Ayoko mawala ang card.” Naiiyak na sabi niya.“Don’t worry anak… Oras matawagan ko ang walang kwentang batang iyon, ibabalik ko ang card sayo. Talagang makaka
“Hello Miss. I am Regar Bae, the assistant of Mr. Lucio Floreza—third born of Leo Floreza II. I am here to see Mr. Zhang Chen. Is he here?”“Ahm.. Pwede ko po bang malaman kung anong sadya niyo kay Mr. President, sir?”“My boss wanted to meet him for a business matter.”“Wait a minute sir. Tatawagan ko lang po ang manager.” Sabi ng babae sa front desk.Tumango naman si Regar at naghintay muna siya ng ilang sandali.Maya-maya pa ay nakita na niya ang manager na palapit sa kaniya.“Hello Mr. Bae, I heard na hinahanap niyo raw po si Mr. President.”“Yes. Pwede ba kaming makasingit sa schedule niya?”“Pasensya na po sir. Wala po kasi si Mr. President ngayon. Nasa ibang bansa pa po siya, baka dalawang linggo pa siya magtatagal doon.”Bumagsak ang balikat ni Regar. Alam niyang atat na si Lucio na makilala ang may-ari ng ARD dahil gusto niyang magsara na ang resto ni Bernardo Maquiling bago pa makauwi si Beth.“Please, kung makuwi siya, call me.”“Okay po sir.” Sabi ng manager at tinanggap an
Matagal nang nagpipigil ng galit si Lucio. Ngayon lang siya sumabog dahil wala ang pampakalma niya at naroon sa Dubai.Napailing na lang siya habang palapit siya ng swing kung saan niya nakita noon si Beth na umiyak matapos sampalin ni Bernardo.Ngayon lang niya natanto na siya’y dependent sa kaniyang asawa.Naupo siya sa swing at dahan-dahang idinuyan ang sarili. “This is bad. My emotion depends on you, wife. Without you here by my side, the people who hurt you will surely meet their end.” Mahinang bulalas niya sa sarili.Napatingala siya at kita niya kung paano nangitim ang kalangitan, nagbabadyang umulan.Hindi siya umalis, ni hindi siya kinabahan na baka ay mabasa siya mamaya. Nanatili lang siyang nakaupo doon sa swing at maya-maya lang, tumunog ang cellphone niya at nakita niya si Beth na tumatawag.Lucio smiled bago niya yun sagutin. Yung galit niya, nalusaw bigla. The power the Beth holds is top notch.How can she calm me this instant? Lucio is wondering.“Hello hubby?” puno ng
Matatalim ang tingin na ipinukol ni Roviech kay Lucio pero si Lucio ay walang pakialam at tila hindi man lang apektado.Bago magsimula ang dinner, dumating si Rainah at Loreen.“I’m sorry, natagalan kami.” Nakangiting sabi ni Loreen.“Maupo na kayo.” Sr. FlorezaHindi tinapunan ni Lucio ng kahit isang sulyap si Rainah. Kahit na alam niyang umupo ito sa tabi niya.“Nakakamiss naman ang ganto. Tanda ko, noon, hindi rin kayo mapaghiwalay dalawa e.” Panunukso ni Loreen kay Rainah at Lucio.“N-Nakakahiya Loreen,” sabi ni Rainah nang nakangiti sabay sulyap kay Lucio na wala man lang reaction.“Bakit ka naman mahihiya e totoo naman na close kayo ni Lucio noon. Hindi ba Lucio?”“Dad, can I go home after this?” hindi sinagot ni Lucio si Loreen, instead, dad nila ang hinarap niya.Gusto niyang barahin si Loreen, but out of respect to his dad, pinigilan niya ang sarili niya.Pinandilatan naman ng mata ni Sr. Floreza si Loreen kaya tumahimik ito at para namang napahiya si Rainah.“Stay for a littl
“How’s Lucy?” tanong ni Sr. Floreza, nasa veranda silang dalawa ni Lucio ngayon, umiinom ng alak.“Mama is in Korea now.”“Nakilala na ba niya si Beth?”“Yes.”“How is it?”Natigilan si Lucio at agad napabaling sa dad niya. Pinagsingkitan niya ito ng mata. “Are you expecting me to say na hindi sila okay ni mama?”Natawa si Sr. Floreza. “I was just asking. Minsan talaga, lumabas ang ugali ni Lucy sayo.”“Thanks. I take that as a compliment.” Lucio said and shrugged his shoulder off.Sr. Floreza smirked. “I said that as an insult. Your mother is like a dragon.”“And that dragon is my mama and she loves my wife.”May ngiti sa labi ni Sr. Floreza na hindi napansin ni Lucio. Napatingin na rin ito sa labas.“Hays. It’s been a long time mula nang magbakasyon kami ng mama mo.”Hindi nagsalita si Lucio. He hated his siblings but not his dad. For Lucio, hindi perpektong ama si Sr. Floreza, pero hindi ito masamang ama sa kaniya.At alam niya anong nangyari sa mga magulang niya, why his mom ended
PAGOD NA PAGOD ang katawan ni Beth matapos ang meeting niya together with her boss—Aidan, and other supervisors and manager dito sa Dubai.Ang nasa isipan niya ngayon ay magpahinga. Papunta na siya sa suite niya nang may makasalubong siyang isang lalaki na kung makatingin sa kaniya ay para bang hinuhubaran na siya.“Excuse me, miss.”Sa takot ni Beth, hindi siya tumigil sa paglalakad bagkus ay mas binilisan pa niya dahil ayaw niyang may mangyaring masama sa kaniya, pero bago pa siya makalapit ng elevator, agad na siyang hinawakan ng lalaki.“Miss wait!”“DON’T TOUCH ME!” Malakas na sabi niya kaya ang ibang mga tao ay napapatingin sa gawi nila.“Miss, I-I’m sorry… I’m…asking d-directions.”Biglang kumalma si Beth, at yung lalaki naman ay tumingin sa dibdib niya at agad sa mukha para hindi mapansin ni Beth ang malaswa niyang intention.Lumapit ang lalaki sa kaniya, taking advantage sa pagkalma ni Beth.The pervert guy wanted to touch her skin pero bago pa niya mahawakan si Beth, someone
“So you’re married?” pang-iintriga ni Ten kay Beth habang kumakain sila. It’s been 10 minutes nang maupo sila sa table, pero walang salita na lumalabas sa labi ni Beth. Na para bang hindi siya interesado na kausapin si Ten.Kaya si Ten na ang nag-open up ng topic.“Oo. Married.” Sabi ni Beth at tinaas ang kaniyang daliri kung saan naroon ang kaniyang wedding ring.Kumibot ang labi ni Ten paitaas. Maliban sa singsing, nakita rin niya ang bracelet na napanalunan ni Lucio sa isang auction.“Your bracelet… it’s beautiful. Mahal ba yan?”“Sabi ng asawa ko hindi daw, pero for me, mahal na ito. 15k rin ito e.”‘150M bili niya yan, pero 15k lang ang sinabi niya kay Beth? That prick!’ tumikhim si Ten. “That bracelet, I think it costs more than a 100 million.”Nanlaki ang mata ni Beth. Parang lumabas ang mata niya sa lagayan sa sobrang gulat. Agad niya tuloy naitago ang kamay niya sa ilalim ng mesa.Natawa si Ten. “Hindi ko naman yan hahablutin sayo mamaya.”Namula si Beth at parang nahiya. “W-
After 3 years...Sa loob ng isang café, naroon si Lucio kasama ang mga anak niya.Sa isang round table, nakapalibot sila doon. Apat na chocolate shake at apat na chocolate cake ang nasa ibabaw ng mesa tapos isang kape.Despite of Lucio's busy schedule, dapat sa isang buwan, at least may oras siyang nakalaan para e date ang apat na prinsesa niya."Dada, nag-away ba kayo ni mama?" tanong ni Ada habang uminom ng shake."Same question kay Ada, dada." Ana"Hindi naman kami nag-away ng mama niyo. Why?" nagtaka siya."Really dad? But we heard her." Ava"Heard?" takang tanong ni Lucio at napabalik tanaw kung anong nangyari kahapon para masabi ng mga anak niya na nag-away sila ni Beth."Yes dada. Sabi pa nga ni mama, spank me hubby!" AyaBiglang nabilaukan si Lucio sa kape na iniinom niya. Yung mga tao naman sa tabi nila e biglang napatingin sa gawi nila."Tapos sabi pa ni mama-""Okay okay... Stop right there baby." Namumulang sabi ni Lucio.Huminto naman ang mga anak niya pero halata sa mukha
Couple of months later...Dumating na ang araw na nasa hospital si Beth dahil manganganak na siya. Hawak-hawak ni Lucio ang kamay niya.He's being calm and compose kaya si Beth e hindi na rin kinakabahan."Are you okay wife? May masakit ba sa'yo?" he asked nang maramdaman na humigpit ang paghawak ni Beth sa kamay niya.Ngumiti si Beth at umiling.Kung nagkataon na matataranta si Lucio e baka ay nataranta na rin siya at nagpapanic.Sabi nila, yung mga asawa daw madalas ang nagpapanic but Lucio is different. Walang ganoon ang makikita sa mukha niya.Na para bang hindi siya kabado. "The doctor will be here in any moment."Tumango si Beth."Thank you hubby at hindi ka nagpapanic."Kinuha ni Lucio ang kamay niya at dinala iyon sa labi.He smiled. His reaction in the outside is quite different in the inside. "Yung mga gamit ng babies natin?""Nasa kay Aidan, pinahawak ko."Natawa si Beth. "Ginagawa mo talagang alila mo si sir Aidan.""He's my best friend, wife. And if he needs me, I'll be
Madaling lumipas ang mga araw at ang payapa na ng naging buhay ni Beth at Lucio. Sa sobrang payapa, si Beth e laging kinukulit si Lucio sa kaniyang trabaho para maghanap ng gulo. Pero si Lucio itong mahaba ang pasensya at parang ayos lang kung guluhin siya. Nagresign na si Beth sa trabaho, kaya nasa bahay nalang siya lagi. Si Leah naman ay umalis na at nasa UK na. Si Ten at Manzo ay nagpunta na rin ng Netherlands at wala na rin masiyadong balita si Beth tungkol sa dad niya. Pero hindi naman siya nag-aalala dahil alam niyang hindi ito pababayaan ni Ten. It’s Sunday, at dahil maganda ang panahon, plano niyang lumabas. “Ma’am Beth, saan po kayo pupunta?” “Exercise.” Pagkalagpas niya sa katulong, bigla itong nawala sa tabi niya. Alam niyang nasa kay Lucio na ito para ireport na lalabas siya. She’s 6 months old pregnant, pero sobrang laki ng tiyan niya na animo’y nakalunok siya ng maraming pakwan. Nabibigatan na rin siya sa tiyan niya pero kaya pa naman niyang makala
“Are you okay?” tanong ni Manzo kay Ten pagkauwi.“Yes dad.” Ngumiti ito at binigay ang pinadala ni Beth. “For you. Sabi niya, huwag ka daw magkasakit at kumain ka ng marami.”Ngumiti si Manzo nang makita ang mga niluto ng anak niya. ‘She’s really sweet just like her mother. Kapag nakikita ko siya, baka ay mas mahirapan lang akong makalimutan ang mama niya.’May nakita rin siyang note kasama ng mga pagkain. Agad niya yung kinuha at binasa.It’s from Beth.“Hi dad. How are you? Sabi ni Ten e maayos na raw ang pakiramdam mo. I just want to say that I forgave you and you’re still my dad. Huwag na po kayong mag-alala sa akin kasi inaalagaan po ako ni Lucio ng mabuti. I heard uuwi ka daw po ng Netherlands. Mag-iingat ka doon and when you’re sad at gusto mo kausap, please don’t hesitate to call me. Love you dad!”Napangiti siya at dinala niya ang note na iyon sa labi niya para kaniyang mahaIikan.Both Atilla and Beth are sweet child. Kahit kaninong anak pa sila, mamahalin pa rin niya ang da
A week afterMula no’ng nahimatay si Manzo, hindi na nakita ni Beth ang dad niya pero alam niyang maayos na ang kalagayan nito dahil patuloy na nagrereport si Ten sa kanila para ibalita ang kalagayan nito.At mula din no’ng nalaman niya ang tungkol kay Atilla, hindi na rin siya ilag kay Ten.At ngayon ay nasa bahay nila ito, binibisita sila.Kaya busy siya sa pag-aayos ng mga pagkain na gusto niyang ipadala kay Ten.“Ang dami naman niyan.” Natatawang sabi ni Ten sa kaniya. Si Lucio naman ay nasa tabi, pasimpleng sumusulyap.Hindi na siya kinakabahan kapag nasa malapit si Ten kay Beth dahil alam na niyang asawa ito ni Atilla.Hindi gaya no’ng una na halos patayin niya ito.“Oo para kumain ng marami si dad at ikaw rin, kumain ka rin ng marami ah? Hindi pwedeng magkasakit ka.”Ngumuso si Ten. “Ang weird. Ang bait mo na sa akin matapos mong malaman na brother-in-law mo ‘ko.”“Natural lang yun. Asawa ka ng kakambal ko kaya dapat lang na tratuhin kitang pamilya. Mahalaga ka na rin sa akin, T
Dinala agad si Manzo sa hospital. Iyak nang iyak si Beth at takot na takot na baka napano ito.Pero matapos sabihin ng doctor na wala namang ibang kumplikasyon, nahimatay lang ito dahil sa labis na pagod at stress, nakahinga siya ng maluwag doon.Habang nakatulala siya sa kawalan, bigla niyang naramdaman ang kamay ni Lucio na nakapulupot sa bewang niya. Napatalon siya sa gulat at napalingon dito.Nang makita na si Lucio iyon, humaba ang nguso niya at naglalambing na yumakap dito.Mabigat pa rin ang loob niya. Gusto pa niyang umiyak at sabihin ang lahat ng dinaramdam niya.“Akala ko may nangyari ng masama sa kaniya.” Mahinang sabi niya. “Ayoko siyang mapahamak, hubby. Kahit na may nagawa siyang kasalanan, yung puso ko, kinikilala pa rin siya bilang ama ko. Kaya halos mamutla ako kanina nang bigla siyang natumba.”Hinigpitan ni Lucio ang pagyakap sa kaniya.Ramdam ni Lucio ang takot niya. Halos nabasa nga ang damit niya dahil sa malalaking butil ng mga luha ni Beth.“Gusto kong sisihin a
Ilang araw ring hindi nakita ni Beth si Manzo kaya naninibago siya habang nakaharap dito. Ang tahimik nila noong una, ramdam ang bigat at lungkot.Nag-aya siya dito ng dinner, hindi dahil namiss niya ito, kun’di dahil gusto niyang magkaroon sila ng closure para maliwanagan rin siya sa lahat lalo na ang tungkol sa kakambal niya.She did not bother to ask about Atilla, hinayaan niya lang si Manzo na magkwento kung bakit lumaki sa puder niya si Atilla habang siya ay kay Bernardo.Hinayaan lang niya na magkwento ito kung paano nito pinalaki ang kapatid niya.Napapangiti siya kapag naririnig ang mga kalokohan ng kakambal niya. ‘Tama nga si Ten, sakit siya ng ulo ni dad.’Nang matapos magkwento si Manzo, bumalik ulit ito sa pananahimik. Hindi niya alam kung paano niya kakausapin si Beth gaya ng dati. Nagbaba siya nang tingin at humingi nalang muna siya ng paumanhin.“I’m sorry… Wala na akong ginawang tama sayo, B-Beth.” Malungkot na sabi niya.Ang bigat-bigat ng puso niya. Miss na miss na
Present TimeRegar: Sir, mukhang hindi lang kamukha ni ma'am Beth si Ms. Isha na nakilala natin noon. I think, si Ms. Isha ay ang kakambal ni ma'am Beth.Iyon ang nabasa ni Lucio sa mensahe ni Regar sa kaniya na agad na ikinakunot ng noo niya.Nasa bahay pa rin siya ng dad niya.Agad siyang nagtipa ng reply. Lucio: Where are you now? Is my wife, safe? Regar: Nasa sementeryo kami ngayon sir. And she's safe. Huminga ng malalim si Lucio nang mabasa na ligtas lang si Beth. Lucio: Sementeryo? Regar: Yes sir. It turned out na wala na si Ms. Isha. Sandaling natulala si Lucio. Bigla niyang naisip noon si Isha. "She's my wife's twin? Pero paano nangyari?" naguguluhan siya dahil kahit siya, inakalang kaedaran lang niya noon si Isha. "Kung ganoon, Isha was really a child back then." Bigla siyang napailing. Hindi siya makapaniwala sa nalaman niya. Years ago, when she saw Beth as Joliever's girlfriend, the reason bakit niya sinundan ito noon ay dahil pamilyar sa kaniya ang mukha nito. He
"Bakit yun umiyak? Inaway mo ba?" tanong ni Casper nang makita nila si Atilla kanina na umiiyak habang papasok ng bahay."No. Bigla na lang siyang umiyak.""But you hugged her. Nakita kita, huwag mo i-deny." Pinagsingkitan pa siya nito ng mata. "It's the other way around." Aniya at bumuntong hininga. "Talaga lang ha!""She's just a child, Cas. Stop overreacting." "There's no way that that girl is a child. Can't you see that she's a woman?"Nagkibit balikat lang si Lucio. Para sa kaniya, bata ang pagtingin niya kay Atilla. Agad nalang niyang inutusan ang maid na gumawa ng snacks para kay Atilla."Yaya, please prepare a snack for Isha.""Masusunod po sir.""You're being considerate to her, man. Are you falling for her?"Hindi talaga siya nilulubayan nito kakatanong. Hindi naman porke't nagpakita lang siya ng interes sa babae o kabutihan e gusto na niya ito. "Again, she's just a child to me.""Hindi mo naman kailangan e deny brute. You're single. Hindi ba hiwalay na kayo no'ng Rainah?