Share

Chapter 14: Baby Stuffs

ACIE'S POV

Matapos naming mag-agahan ay agad naman akong nag-ayos para sa aming date. Hindi ko maiwasang kiligin sa isiping inaya niya akong makipagdate sa kanya. Hindi ko alam kung anong naisip ni Querem at inaya niya ako. Alam ko namang ayaw na ayaw nito sa matataong lugar. Lalo na ang mall.

Noon kasi'y nagpaalam ako rito na pupunta lang ako sa mall dahil may bibilhin lang sana ako. Nagalit lamang ito sa'kin. Bakit ako pa raw ang kailangang pumunta, e pwede ko naman daw itong ipakisuyo. Kanino ko naman ipapakisuyo, e dalawa lang naman kami dito sa bahay. Hindi nalang ako umimik noon dahil alam kong kapag uminit ang ulo niya'y pag-aawayan na naman namin 'yon.

Matapos kong maligo'y pumasok ako sa walk in closet namin ni Querem. Kamuntikan pa 'kong madapa dahil sa maliit na trash bin na nakaharang sa daan. Tiningnan ko 'yon at napansin kong may mga sunog na papel rito. Napakunot na lang ang noo ko sa nakita

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status