Share

CHAPTER 1: Caught by the Fate

AFTER 5 YEARS

Hindi mapigilan ni Solen na mapa pikit sa sarap na nararamdaman nya habang niroromansa ng Isang lalaki ang kanyang katawan. Tumigil ang lalaki sa paghalik sa kanyang leeg at tumitig sa kanya ng taimtim na tila ba kinakabisado nito ang mukha nya.

“Remember to not do this with others okay?” Namamaos na wika ng Lalaki na may pag babanta sa tono. Ang kanyang mga mata ay mapupungay na parang nag mamakaawa sa kanya na pumayag sya sa gusto nito.

Tumango si Solen ng wala sa sarili. Dahan-dahan nyang ini angat ang kanyang kamay upang hawakan ang mukha ng lalaki. Hindi nya mapigilang mamangha sa ka gwapuhan ng lalaking estranghero. Ang kanyang mga palad ay biglang dumapo sa batok ng lalaki para sana hilain ito para sa isang mainit na halik.

“Don’t just nod. Speak my lady” ani ng lalaki sa malambot na boses habang pinag lalaruan nito ang labi ni Solen gamit ang daliri nito. Sumilay ang ngiti sa labi ng lalaki.

Making him more attractive.

“I’m yours –“ hindi na natapos ni Solen ang kanyang sasabihin ng bigla syang sunggaban ng halik ng lalaki.

“Come to me and I will take all your pains away” Hindi nya alam kung “come” ba ang narinig nya or “cum”

“I will be back and find you again” ang nakaka kiliting mabigat na hininga ng lalaki na tunatama sa balahibo ng kanyang tenga ang dahilan kung bakit sya nagising.

Ilang taon na ang nakaka lipas ng mangyari ang insidenteng ‘yon. Ngunit hanggang ngayon ay tila ba kahapon lang nangyari ang lahat at laman pa rin ‘yon ng kanyang panaginip.

Napa balikwas sya sa pagkakahiga ng marinig ang humahagolgol na boses ng kanyang Ina.

Napansin din nyang wala na rin ang anak sa kanyang tabi. Agad syang lumabas sa kanyang munting silid upang tignan ang nangyayaring kaguluhan.

Pag labas nya ng silid ay bumungad sa kanya ang mga lalaking naka itim na may malalaking hubog na katawan. Ngunit wala syang pake sa mga ito, bagkos lumipad ang kanyang tingin sa Ina na naka luhod sa mga lalaki.

Walang pag aalinlangan nyang dinaluhan ang Ina at pilit itong tinatayo. Ramdam ni Solen ang pagka nginig ng katawan nang kanyang ina.

“Mama tumayo ka jan” ani ni Solen ngunit nag mamatigas ang kanyang Ina sa pagkaka luhod. Dumako ang tingin nya sa kanyang ama na naka upo na para bang wala sa sarili sa pagkaka tulala. Hinawakan ni Solen ang kamay ng kanyang Ina na naka kuyom.

“Anong nangyayari dito?” naka tingala at matapang na tanong ni Solen sa mga lalaking naka itim.

“May Isang buwan nalang kayo para umalis dito dahil gagawin ng resort ang mga lupain dito” sagot ng Isang lalaking may katandaan.

Hindi pa nakakapag salita si Solen ngunit parang nababasa na ng mga lalaki ang mga nasa isip nya.

Tumingin ang lalaking matanda kay Solen na may bahid na kamanyakan, “Maganda ka naman Hija. Kung gusto mong yumaman at maahon ang pamilya mo sa hirap. Mag asawa ka ng mayaman para maka layas na layas na kayo rito”

“Hindi naman po ‘yon pu pwede! Pamana po sa amin ng Lolo ko ang lupain na ito-“ pinutol ng mga lalaking naka itim ang sasabihin ni Solen.

Umiiyak at nag mama kaawa ang ina ni Solen na huwag kunin sa kanila ang lupa kung saan naka tayo ang kanilang munting tahanan. Ito nalang ang meron at tanging natitirang pag aari nila.

“Pamana nga wala naman kayong maiharap na papel sa amin na sa inyo talaga ang lupa! Sa ayaw at sa gusto ninyo wala na kayong magagawa! Umalis nalang kayo dito dahil gagawin nang resort ang mga lupain dito!”

“Ate” dalo sa kanya ni Sandro. Ang kanyang naka babatang kapatid. Tinatayo sya nito ngunit nag mamatigas itong naka luhod sa harap ng mga Lalaki. Gagawin nito ang lahat para hindi kunin sa kanila ang lupa. Kahit mag mukha pa syang kaawa-awa sa paningin ng iba.

“Kung mag mamakaawa kayo ng ganyan miss h’wag sa amin. Mag makaawa kayo kay Sir Erwin Tovias dahil sya ang may ari ng lupa na sinasabi ninyong sa inyo!”

“Solen, anak. Tumayo ka jan” sita sa kanya ng kanyang ama na hindi nya pinakinggan. Bagkos ay mas lalo pang humigpit ang hawak nya sa kamay ng kanyang Ina.

“Ito na ang huling pagkakataon na pupunta kami dito. Huwag nyo sanang hintayin na umabot pa sa punto na kailangan naming I demolished ang inyong mga tahanan! Simula ngayon ay mag si hanap na kayo ng bago ninyong matitirahan! May Ilang buwan pa kayong palugit upang lumayas!” Matigas ngunit may autoridad na bulyaw ng Isang lalaking armado bago sila lumabas isa-isa sa kanilang tahanan.

Sa sigaw ng lalaki ay biglang naiyak ang kanyang anak na si Shielo.

Pinunasan ni Solen ang kanyang namumuong luha. Kagat ang pang ibabang labi ay sinubukan nyang tumayo. Inalalayan naman sya ni Sandro. Inangat nya ang kanyang paningin sa kanyang Ina na ngayon ay umiiyak sa Isang sulok.

Dinaluhan nya ang anak at niyakap. Binuhat nya ito at parang hinehele na hinahaplos ang likod.

“Ma, Pa” tawag ni Sandro sa kanilang magulang. “Aalis na po ba tayo dito sa Isla?”

Mas lalong bumuhos ang luha ng kanilang Ina sa tanong ng anak. Sinasakal ang puso ni Solen sa nakikitang kalagayan ngayon ng kanilang pamilya. Tila ba namatayan sila ng minamahal sa Buhay.

Hinaplos ni Solen ang buhok ni Sandro at pilit syang ngumiti dito. Kailangang maging matapang ni Solen lalo na’t may katandaan na ang kanyang mga magulang at alam nyang sya ang aasahan ng mga ito.

“Hindi ako papayag na kunin nila ang Lupa sa atin Sandro. Gagawin ko lahat ng makakaya ko para hindi nila tayo paalisin dito” buong wikang sagot ni Solen sa tanong ng kapatid sa kanyang magulang.

Wala ng oras si Solen upang umiyak at mag mukmuk dahil alam nyang wala itong ma itutulong sa pinag dadaanan nila ngayon. Ang kailangan nya ay pera at trabaho upang ma ahon ang kanyang pamilya sa hirap. Lalo na at may anak pa syang kailangang suportahan.

Maghapong walang ginawa si Solen kundi mag hanap ng pwedeng pasukan na Trabaho sa kanilang Bayan. Ngunit palubog na ang araw ay wala pa syang nahahanap at laging failed ang kanyang job interview.

Nagpakawala sya ng buntong hininga at tumingala sa langit.

“Lord baka naman pwedeng pag bigyan mo na ako ngayon ohh” ani nya sa nag mamaka awang boses.

Pagod na sya ngayong araw pero para sa kanya ay bawal syang makaramdam

Ng pagod dahil kung mapapagod sya at susuko ay hindi nila malalampasan ang mga pag subok.

Napag desisyonan ni Solen na mag lakad pauwi sa kanilang tahanan dahil kung sasakay pa sya ng tricycle ay tiyak na malaki ang ibabayad nito. Hanggat maari ay mag titipid sya hanggang sa makahanap sya ng trabaho.

Habang papalapit nang papalapit si Solen ay may naaninag syang kung ano na bumangga sa Isang poste malapit sa bangin. Walang pag aalinlangan na kumaripas sya ng takbo upang tignan ang insidente.

Nakumpirma nga nyang kotse ang bumangga sa Isang poste. Ang harapan ng sasakyan ay nayupi ngunit wala doon ang atensyon nya dahil ilang minuto nalang ay tiyak na mahuhulog na ang sasakyan sa bangin dahil hindi kakayanin ng poste na suportahan ang bigat ng sasakyan. Sinubukan nyang buksan ang pinto ng sasakyan subalit ito ay naka lock.

“May tao ba dito?!” Natatarantang sigaw ni Solen habang sinusubukan pa rin na buksan ang pintuan. Walang sumagot sa kanya. Gusto man nyang tumawag ng tulong ay wala naman syang load at bihira lang na may dumaang sasakyan sa kalsada dahil accident prone area itong daanan.

Walang pag aalinlangang kumuha si Solen ng Bato at ginamit ito upang basagin ang bintana ng kotse. Ipinasok nya ang kanyang kamay upang buksan ang pintuan. Napa ungol si Solen sa sakit ng maramdaman ang mga matutulis na bubog na tumutusok sa kanya.

Nang mabuksan nya ang pintuan ay agad nyang tinanggalan ng seatbelt ang lalaking duguan at walang malay. Nahulog na ang poste sa bangin at alam nyang ang sasakyan na ang susunod. Nanginginig syang inalalayan ang lalaki palabas ng kotse at kasabay non ang dahan-dahan na pag bagsak ng sasakyan sa bangin.

Natagpuan nalang ni Solen ang kanyang sarili na naka higa sa dibdib ng lalaki nang sila ay ma out balanced sa bigat nito.

Naamoy nito ang familiar na pabango ng lalaki. Hindi sya pwedeng magkamali…

“H’wag mo sabihing-“ wala sa sarili at nanlalaking matang ani nya.

Kumabog ang kanyang dibdib ng marinig nyang mag salita ang lalaki, “Don’t leave me… please”

Bumangon sya at pinakatitigan ang lalaki. Sa kabila ng kadiliman ay nakikita nya ang mukha ng lalaki. Parehong pareho sa gabing pinag saluhan nilang dalawa. Ang ama ng kanyang anak.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status