Share

Chapter 3: Life father, like son.

“Bakit hindi mo sinabi na sya ang ama ng apo ko?!” galit na tanong ng ama.

Kasalukuyan silang magkakaharap ngayong umaga sa lamesa. Natulog si Erwin sa tabi ni Shielo habang sya naman ay natulog sa upuan.

Kagabi nga ay pinapakatitigan nya ang mukha ng dalawa. Hindi nya mapigilan ang sarili na mapaluha.

Naging masama ba syang Ina para itago sa kanyang anak ang totoo nyang Ama? Kadalasan syang nag sisinungaling sa anak tuwing nag tatanong ito kung nasaan ang kanyang ama. Ang laging nyang sagot ay, “nasa abroad ito” o kaya naman ay “busy sya sa work”.

Napakagat sya sa kanyang pang ibabang labi. Hinawakan ng kanyang Ina ang braso ng ama para pakalmahin ito.

“Hindi ko po kasi sya kilala noong may nangyari sa amin…” yumuko sya. “At isang gabing pag kakamali po ang nangyari sa aming dalawa”

Napa pitlag si Solen nang lumagabog ang lamesa gawa nang pagkaka hampas ng matandang lalaki.

“Roberto!” Suway ng Ina.

“Wala ka bang balak ipakilala si Shielo sa sarili nyang ama? Hanggang kailan mo sya itatago at hanggang kailan mo tataguan ang lalaking yan?!” turo ng ama sa kanyang kwarto.

Hindi makasagot si Solen na para bang naubusan sya ng salita. Alam nyang concern lang sa kanya ang ama lalo na’t isa sya sa nakasaksi sa pag hihirap nya bilang isang single mom at ang pangungulila ng anak sa pag mamahal ng isang ama.

“Tatay sya Solen Isla Alejo!” Tuwing galit ang ama ay binabanggit nito ang kompletong pangalan nya.

Sa ilalim ng lamesa ay pinag lalaruan nya ang mga daliri at kinukurot ito upang pigilan ang sarili sa pag iyak.

“Kaya ba hinahanap ka nya na sinabi ni Sandro kagabi?” Banayad na tanong ng Ina.

“Hindi naman po tayo sigurado kung ako talaga ang hinahanap nya.” Hanggat maari ay ayaw nyang mag overthink sila dahil baka may iba namang hinahanap ang lalaki.

Considering that he has a handsome face, who knows that he might be a womanizer or some sort of like f*ck boy na maraming pinapa nganayan?

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng ama.

“Hindi yan mag pupunta dito kung hindi taga rito ang pakay nya.” Tama ng sabi ng Ama. Sino bang lalaki ang mahihibang na mag hahanap ng Babaeng hindi taga dito?

“Alam ba nyang nagkaroon kayo ng anak?”

Umiling si Solen. Imposibleng alam ni Erwin na nag dadalang tao sya kung wala naman silang connection sa isa’t isa.

“Anong balak mo sa kanya ngayon?” seryosong tanong ng ama.

Sasagot na sana sya nang “Hindi ko alam” dahil wala syang plano at gusto nya nalang takbuhan ang mga problema ngayon nang biglang may mag salita.

“Where am I?” baritong boses ng lalaki sa kanyang likod.

Natarantang tumayo si Solen sa kanyang pagkaka upo. Napa atras sya nang kaunti, ganoon din ang kanyang magulang.

Napalunok sya. Kumunot ang nuo ng lalaki sa naging reaksyon nila.

“Who are you?” tanong pa nito.

Nag sisimula ng tumibok ang puso ni Solen ng mabilis. May sumalat ata na kung ano sa lalamunan nya kaya hindi sya makapag salita.

Umubo ang kanyang Ina at lumapit sa Lalaki. Ramdam nya ang panginginig ng Ina.

“Hindi mo ba maalala kung nasaan ka?”

Umiling ang lalaki.

“Papunta ka dito sa Satanas Bridge nang bigla kang maaksidente.” Tumigil ang Ina at tinuro sya. “Niligtas ka ng anak ko-“

“Satanas Bridge?” Nasapo ng Lalaki ang kanyang ulo. Napa d***g ito at nanghihinang napa hawak sa lamesa at braso ng Ina.

“Solen!” Natatarantang tawag ng Ina. Hindi nya alam ang kanyang gagawin sa kaba.

Lumapit sya at tinulungan ang lalaking mapa upo sa upuan.

“Wala ka bang maalala?” tanong nya. Gusto nyang bawiin ang tanong dahil baka maging double meaning ito para sa lalaki. Kung naalala ba nito ang nangyari sa kanila o naalala ang nangyari kagabi.

Pinapanood ng kanyang ama ang reaksyon ng lalaki.

“Wala” maikling sagot nito.

Nagtaka si Solen. “Hindi mo alam na na-aksidente ka habang papunta rito?”

Tulala ang lalaking naka tingin sa kanya.

Nakilala naba sya nito?

Pinilid nito ang ulo.

Lumabas ang kanyang kapatid na nakikinig sa kwarto. Lumapit ito kay Solen para bumulong.

“Baka nagkaroon sya ng Amnesia dahil sa impact ng pagkaka untog nya”

Possible kaya yon? Sa penikula lang nya napapanood ang mga nagkakaroom ng Amnesia.

“Eh ako… Hindi mo ba ako naaalala?” out of the world na tanong nya.

What if sumagot si Erwin at sabihin nito na. “Naalala kita, ikaw yung Babaeng pinatikim ko ng langit” sa harap ng kanyang mga magulang. Kung sakali mang, iyon ang sabihin nya ay naka ready na ang kanyang mga palad na takpan ang bibig nito.

“Hindi. Sino ka?” Nabunutan sya ng tinik sa lalamunan sa balik na tanong nang Lalaki.

“Eh ikaw kilala mo ba ang sarili mo? Anong pangalan mo?” Tanong ng kapatid nya.

“I don’t even know.”

“Magulang mo kilala mo?”

“Hindi ba kayo ang magulang ko?” Balik na tanong nito.

Nagka Amesia nga talaga ang lalaki at wala itong maalala.

“Kami ang pamilya mo” tinuro ni Solen ang Ama. “Sya si Roberto, ang father in law mo. Si Mama naman ay si Sandra, sya si Sandro” turo nya sa kapatid.

Tumango tango si Erwin.

“Ikaw?” tanong nya sa kanya.

Kabadong natawa si Solen.

“Asawa mo ako.”

“Solen Isla Alejo!” Sita sa kanya ng ama na hindi nya pinansin. Kailangan nyang gawin ito, ngayon ay naka isip na sya ng plano.

Hindi pa ata naniniwala si Erwin sa kanyang sinasabi. Tinuro nya si Shielo na kababangon lang at hinahanap ng bata kung nasaan sya.

“Good morning Baby!” Bati nya sa anak.

“At sya ang anak natin. 5 years old na sya, ang pangalan nya ay Shiel-o” Nabasag ang boses nya. Ngayon ay mararamdaman na ng kanyang anak ang presensya ng ama nito. After how many years of not finding a way para sabihin na nag bunga ang Isang gabing pag sasalo.

Hinaplos nya ang buhok ng anak. Kinagat nito ang pang ibabang labi na dudugo na ata para pigilan ang sariling mapa iyak.

“Look oh, he resembles your face. Wala syang nakuha sa aki-n. Lahat ata namana nya sa’yo pati pagiging Englishero mo” bumuhos ang luha ni Solen na kanyang pinipigilan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status