Share

IKAW SA AKING MGA KAMAY
IKAW SA AKING MGA KAMAY
Author: Eckolohiya23

Chapter 1

“MISS Cataleya Domingo, you may come in now.”

Kaagad siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa visitor’s lounge pagkarinig sa boses na iyon ng babaeng receptionist. Naroon siya headquarter ng malaking manufacturing company. May particular siyang sadya doon- ang mismong general manager. Nagkataon na maraming nagsasadya sa opisinang pakay niya lalo’t wala siyang pormal appointment.

May pasasalamat na tinanguan niya ang receptionist saka pinihit na ang knob ng pinto ng opisina. Inalis niya ang suot na caps sa ulo. Nakadama siya ng mumunting pag-asa sa mga sandaling iyon. Akala niya ay mababalewala siya sa kanyang pagpunta. Sana nga lang ay makiayon sa kanya ang pagkakataon para sa pakay niya. Ganap na siyang pumasok sa loob ng opisina.

“What brought you here?” salubong na tanong sa kanya ng isang sopistikadang babae. Halatang napipilitan ito na tanggapin siya bilang guest habang nakaupo sa upuan nito sa executive desk nito. Minsan pa siyang parang humarap sa salamin dahil sa malaking pagkakahawig nila ng kaharap. Halos magkasing-katawan sila na parehong petite. Ang ipinagkaiba lang niya dito, may suot siyang salamin sa mata dahil may astigmatism siya.

Nanatili siyang nakatayo sa harap nito. Pinipigilan niya ang panginginig ng katawan niya at kailangan niyang ilabas ang inipong lakas ng loob. “Pasensya na Claudia kung naabala man kita, magbabaka-sakali lang akong humingi ng tulong s-sa’yo.”

“Oh, kaya pala nagpilit kang pumunta ka dito.” tinaasan siya nito ng kilay saka iminuwestra na maupo siya sa bakanteng silya sa gilid ng table nito nito. “Then, what it is?”

“Hihiram sana ako sa’yo ng may kalakihang halaga.” Bumuntong-hininga siya sa pagkakaupo niya. Diretso siyang tumingin sa mukha nito. “Kailangang mabayaran ko ang malaking pagkakautang ko para hindi ako makulong. Ikaw lang ang alam kong pwedeng makatulong sa akin.”

Natatamad itong naupo muli sa silya pero nanatiling nakatingin sa kanya. “Alam mo Cataleya, tanggap ko naman na kakambal kita. Pero dapat mong malaman, simula nang ibenta ako ng iyong ama noong sanggol pa lang ako ay wala na akong connection sa inyo. Hindi na kayo ang pamilya ko.”

Minsan pang nasampal siya ng isang masakit na katotohanan. Sa parehong edad nila bilang mga bente-siete anyos, nagdudumilat ang malaking agwat ng pamumuhay nila sa isa’t isa. Patunay doon sa kanilang mga suot, isang mamahaling executive attire ang suot nito samantalang siya ay isang simpleng blouse at jeans ang suot. Kinailangan pa niyang magsuot ng caps para kahit paano ay maitago ang mukha niya. Bilang pag-iingat na rin niya.

“Handa kong gawin ang lahat Claudia, basta tulungan mo lang ako. Kung kailangang lumuhod ako ay gagawin ko,” naghalo ang pakiusap at desperasyon sa sariling tinig niya.

Pinigilan siya nito sa tangka niyang pagluhod sa sahig. “Stop wasting my time. Huwag mo na akong idamay sa kabalbalang ginawa mo at hindi kita matutulungan. Sana ito na ang una at huling pupunta ka dito sa office. Hindi ako masaya na mayroon pala akong identical twin dahil hindi kita ituturing na kapatid. Makakaalis ka na.”

Napatayo siya saka napakapit sa dulo ng table nito. “Pero, ikaw na lang ang pag-asa ko. Hindi naman ako humihingi ng tulong sa’yo bilang kapatid. Please, tulungan mo ako.”

Mariin itong umiling at binulyawan pa siya. “Get out of my office now! Ipapakaladkad kita sa mga guard kapag nagpumilit ka pa.”

Nahintakutan siya sa sinabi ng kakambal niya. Pinahid niya ang mga walang saysay ng butil ng luha na dumaloy sa mukha niya. tumalikod na siya dito saka lulugo-lugong umalis sa opisina ng estranged twin sister niya. Isinuot niyang muling caps.

Pakiramdam niya ay gumuho na ang lahat ng natitirang pag-asa niya sa buhay. Naging black and white na ang tingin niya sa paligid. Gusto na rin niyang panawan siya ng kulay at magaya sa nakikita niya.

NANGHIHINA siyang sumalampak sa sofa pagkagaling niya sa inuupahang apartment. Hawak niya ang cellphone niya at may idinayal na numero doon. Ngunit hindi man lang nag-ring ang kabilang linya at kusa iyong naputol.

“Victor, asan ka na ba?” diskumpyadong tanong niya na nakatingin sa screen ng cellphone. “Kailangan ko ang tulong mo para malinis ang pangalan ko sa mga ni-recruit ko.”

Si Victor Ramos ang kaibigan at upline niya sa isang gaming networking na sinalihan niya. Sa loob pa lang ng tatlong buwan ay marami na siyang napasali para mag-invest sa kompanya. Masaya siya dahil sa malaking pera na pumapasok sa kanya. Nag-resign siya sa pinapasukang kompanya para makapagfocus sa dati ay part-time income niya.

Inakala niyang totally legit ang lahat sa SkillLoot Gaming dahil totoong kumita siya ng malaki. Pati na rin ang mga na-recruit niya na naging downline niya ay kumikita na rin. Lalo pa siyang naging ganado sa naturang negosyo. Si Victor mismo ang nagpasali sa kanya at under siya ng team nito.

Subalit isang linggo na ang nakakaraan nang sumabog ang isang masamang balita. Ang mismong CEO ng kompanya ay naglahong parang bula. Marami na ang hindi nakatanggap ng pay-out na karamihan pa naman ay mga OFW. At siya ngayon ang hinahabol ng maraming napasali niya. Masaklap pa, hindi niya makontak o mahagilap ang downline niyang si Victor.

Maging siya ay biktima rin pero hindi maunawaan ng mga napasali niya. natigilan sa paglipad ang isip niya nang makarinig siya ng sunod-sunod na text message sa cellphone niya. May mga message siya na dumating sa online messaging apps na gamit niya.

Kinakabahan at natatakot siyabng basahin ang mga iyon. Naghahabol na muli ang mga na-recruit niya dahil ngayong araw ang ipinangako niya na ibabalil ang mga pera nito. Isang desperadong pangako na naibigay niya para makumbinse ang mga ito na hindi siya idemanda at ipakulong.

Halong iisa ang naging laman ng message na natatanggap niya. Puro mga pagbabanta na idi-demanda siya. May iba naman na pinagbabantaan na ang sariling buhay niya. Alam niya na laman na rin ng social media ang pangalan niya.

Nagsimula na siyang mawindang sa mga nangyayari. Pumipintig na ang sentido niya dahil sa matinding stress. Sumasabay na rin ang anxiety niya at naroong nangasim na rin ang sikmura niya.

Nagring ang cellphone niya at rumehistro sa screen ang isang unfamiliar number. Tinitigan lang niya iyon dahil natatakot siyang sagutin iyon. Hanggang sa kusa iyong maputol.

Isang message ang natanggap niya buhay sa numero ng tumawag sa kanya.

‘Miss Cataleya Domingo, this is Anne, secretary po ni Ma’am Claudia. Gusto po kayong i-meet ng boss ko ASAP. Please call or text back for your availability.’

Tila nabuhayan siya ng pag-asa. Nagtataka man na gusto siyang makita ng kakambal niya pero pinili niyang komonektang muli dito. Naroon ang malaking pag-asam sa kanya na sana magbago ang ihip ng hangin.

Sana nga. Sana.

Comments (15)
goodnovel comment avatar
Acaly JEan D Garci
wooow magaling writer nito sure maganda ang kwento
goodnovel comment avatar
Eulyn Kris Rubillete
slmat otor
goodnovel comment avatar
Eckolohiya23
maraming salamat po...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status