Share

KABANATA 5.

Gusto man ni Destiny na itulak si Andres ay hindi niya magawa. There is a voice whispering in her ear.

Saying.

“Wag, Destiny. Sakaling itulak mo siya, siguradong magtataka siya. Sumabay ka sa agos at isipin ang kambal mo.”

Sa halip na itulak si Andres, she chose to close her eyes. Ang mga kamay na gustong manulak ay kumapit sa magkabilang bewang nito. Mahigpit na kumapit sa jacket ng suot nitong three-piece suit.

Nanginginig ang kanyang mga tuhod ngunit pilit niya iyong pinatatag, ang mga labi ay nangangatal. Paanong hindi panginigan ng tuhod at pangangatalan ng labi kung itong karanasan na ito ay bago sa kanyang pandama.

This kiss was her first kiss.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Andres sucked her lips and erotically bit them which made her slightly open her lips. Andres then took the chance to slide his tongue inside her mouth.

A chill feeling runs down her spine, nagsitayuan ang kanyang munting balahibo sa katawan. Andres's warm and wet tongue wandered inside her warm mouth, tickling every corner and even pushing it deeper which almost reached her throat.

So this is the feeling of being kissed by a man. It felt so intense, that she even found herself responding to his kisses. Tinatangay siya ng masuyo, at magaan na halik nito sa isang dako na hindi niya inaakalang marating niya.

Isang bagong karanasan at mahiwagang pakiramdam ang tila nabuksan sa pagkatao niya sa mga oras na iyon. Ngunit naroon parin ang tinig sa isip na nagsasabing. “Gising, gumising ka Destiny. Ikaw si Destiny at hindi si Serenity.”

Nagising ang kanyang diwa.

She slightly opened her eyes. Ang nakangiting mukha ni Andres ang sumalubong sa kanya. Mamasa-masa pa ang mapupula at manipis na mga labi nito.

She suddenly feels the heat in her cheeks. Laway ba niya ang dumikit sa labi nito? Nakakahiya. Napayuko siya at napakagat ng ibabang labi.

Andres held her on her chin, inangat nito ang kanyang mukha. Tumitig ito sa kanya. Kumalabog ng malakas ang kanyang dibdib at maging ang kanyang paghinga ay tila gustong tumigil.

She stared back at him, staring into his deep icy blue eyes. Nahalata ba siya nito? God, halos himatayin siya sa lakas at mabilis na pagtibok ng puso.

Nagkaroon ng maliit na guhit sa noo nito at ang mga kilay ay naging isang linya, ang ngiti sa labi ay napawi habang titig na titig ito sa kanyang mukha na tila siya nito sini-sino.

She's doomed.

Her hand began sweating and her knees kept trembling. Everything has now started getting out of hand. Yun ang nasa isip niya.

Anong gagawin niya? Kakaumpisa pa lang ng pagpapanggap niya pero parang nabuko na ata siya.

‘Serenity!’

Sigaw ng utak niya na tila ba siya naririnig ng kambal. Humihingi siya ng saklolo. She suddenly felt helpless.

“Stop biting your lips.”

Bigla siyang napalunok ng mariin. Kapagkuwan ay nagpakawala ito ng mahinang tawa. Hinaplos nito ang kanyang mukha.

“Seeing you biting your lips and flushing after kissing you is such a turn-on Love, it makes me want to possess you…” pabulong nitong wika. “I wanted to make love to you right at this moment, Serenity!”

She felt like there was a huge lump that was stuck inside her throat which made her swallow hard. Nanlaki ang mga mata habang napapakurap.

“A-Andres, m-malapit na ang kasal natin. C-Can you wait until our wedding night? T-tatlong linggo nalang naman. Pwede ba?”

Nagawa nga niyang magsalita ngunit nagkandautal-utal naman siya. Andres smiled while caressing her cheeks, he then hieved out a sigh.

“Yan ba talaga ang gusto mo? Don't you miss me?”

Nakikita niya ang matinding pananabik sa mga mata nito. Ilang araw ba nito hindi nakasama si Serenity? Marahil ay pinagtataguan ito ng kambal niya dahil sa ayaw nitong masaksihan ni Andres ang sitwasyon nito.

“I miss you, n-namiss kita. P-pero kasi.”

She paused and bowed her head.

Hindi na niya alam kung ano pa ang idadahilan. Siya ang tipo ng tao na hindi sanay magsinungaling, siya ang tipo ng tao na ayaw manlamang at manloko ng kapwa. Pero ito siya ngayon. Nagsisinungaling at niloloko niya si Andres, niloloko nila ng kambal niya.

Umabot sa kanyang pandinig ang marahas nitong pagbuntong hininga. Bigla ay kinabig siya nito sa bewang kapagkuwan ay niyakap siya nito ng mahigpit.

Napapikit siya.

Yumakap sa kanya ang mainit at matipuno nitong katawan. Init na bumabalot sa buo niyang sistema. Ang kanyang balingkinitan na katawan ay nakulong sa mga bisig nito. Bakit tila nagustohan ng katawan niya ang init na nagmumula rito? Maging ang pan-lalaki nitong pabango ay swabe at magaan sa ilong at kaysarap samyuhin.

“Fine. Susundin ko ang gusto mo kahit na sobrang namiss kita at kahit sobrang gusto na kitang makaniig magtitiis ako. I will endure it until our wedding night, even if it's hard, dahil mahal kita.”

God.

Sobrang nakokonsensya siya. Ano ba kasi itong pinasok niya? Ano ba kasi itong pinapagawa ni Serenity sa kanya?

‘Diyos ko, patawad po! Patawad!’

Piping usal niya.

“Salamat!” Taos sa puso na pasasalamat niya.

Malaking bagay na para sa kanya ang pagpayag nito sa kanyang kahilingan. Ipinagdadasal niya na sana bago paman ang nakatakdang kasal ay bumuti na ang pakiramdam ng kambal. Alam niya na suntok sa buwan ang kahilingan na iyon. Ngunit umaasa parin siya.

“Ay! Sorry po!”

Kapwa silang napakalas sa isa’t-isa at napalingon sa pinto. Si Kate ang assistant ni Serenity ang pumasok. Akma itong muling lumabas at isara ang pinto ngunit pinigilan niya ito. Kanina pa kasi hindi normal ang tibòk ng puso niya dahil sa dalawa lang sila ni Andres sa loob ng silid.

“Kate, paki-ayos na ng mga gamit.”

“Yeah, make it quick, Kate,” ani Andres kay Kate sabay lingon ito sa kanya habang nanatiling nakapulupot ang kanang braso sa kanyang bewang. “We're having dinner with Mr. Bianchi, kasama ang ilang reporters mula pilipinas. Pagkatapos ng dinner magpapahinga na tayo. I know you're tired. We will fly back to the Philippines tomorrow night.”

Hinalikan siya nito ng mariin na halik sa labi. Wala siyang nagawa kundi ang muling mapapikit. Ngayon alam niya na kung bakit sobrang mahal ito ng kambal niya. Andres was kind and loving. Iniisip nito ang kapakanan ni Serenity. Wala nga siguro itong hindi kayang gawin para sa kambal niya.

Sa buong durasyon na magkadikit sila ni Andres ay walang ampat ang malakas pagtibok ng puso niya. She felt so uneasy. Dahil ang totoo. Kinukutkot ng konsensya ang isip at puso niya. A man like Andres doesn't deserve to be cheated, he deserves to be loved, dahil mabuti itong tao.

On the other hand, nagawa lang din ito ng kambal niya dahil sobrang mahal nito si Andres. And here she is, she is an accomplice of her twin sister in deceiving Andres, standing beside him and playing safely with her white lies.

Lumabas sila mula sa pinag-darausan ng fashion week. Nanatiling nakapulupot sa kanyang bewang ang kanang braso ni Andress, nakaalalay ito sa kanya. Paglabas sa gusali ay muling sumalubong sa kanila ang nagkikislapan na camera.

Ngunit sa mga oras na iyon ay wala ni isang reporter ang nakalapit sa kanila. Nakapalibot sa kanila ang mga tauhan, nasa hinuha niya ay mga bodyguards ni Andres.

Ilang metro ang layo nila sa sasakyan ay agad na binuksan ng isang lalaki. Binuksan nito ang passenger seat. Ipinatong ni Andres ang kanang palad sa tutok ng kanyang ulo habang inaalalayan siya nito papasok ng sasakyan. Nang makapasok na siya sa loob ng sasakyan ay agad itong lumihis at tumungo sa kabilang side, binuksan nito ang pinto at pumwesto sa kanyang tabi.

She took her seat belt. Ngunit inagaw lang nito iyon sa kanya at ito na mismo ang nagkabit ng kanyang seatbelt. Napasandal siya sa backrest ng upuan at panandalian nanigas sa kinauupuan.

Hinalikan siya nito bigla ng mariin sa labi dahilan upang saglit na napahinto ang kanyang paghinga. Lihim siya napasinghap ng bumitaw na ang labi nito mula sa paghalik sa kanyang labi.

Kapagkuwan ay ikinabit nito ang sariling seatbelt. He then held her hand, dinala nito iyon sa labi at h******n. Napakurap na napalingon siya rito. Ito ang lalaking sobrang mahal ng kanyang kambal. Hindi niya masisi ang kapatid kung bakit ayaw nitong masaktan si Andres.

Tila kay hirap isipin na ang isang mabait at mapagmahal na tulad nito ay masasaktan. Kay hirap isipin na mawala ang kinang sa mga mata nito, at mapapalitan iyon ng sakit.

Ngunit hindi maikaila na hindi parin mababago ng ginagawa niyang pagpapanggap ang sitwasyon. Masasaktan at masasaktan parin si Andres. And worst baka kamuhian siya at ni Serenity kapag nalaman nito ang totoo.

Mula sa isipin na iyon ay bigla ang pagragasa ng takot sa buo niyang sistema, bigla ang pagbalot ng matinding pangamba sa buo niyang pagkatao.

Bahala na.

Ang mahalaga lang naman para sa kanya, ay ang mapabuti ang kalagayan ni Serenity at makasama ng matagal ang kamabal. Yun at yun lang ang gusto niya.

Sa hotel Principe di Savoia sila tumuloy. Hotel Principe di Savoia was one of the famous hotels in Milan Italy. Dito tumutuloy ang mga sikat na modelo at personalidad na kadalasan umaatend ng Fashion week sa Milan.

Kasama ang tita Catalina at ang ilang matataas na personalidad at maging ang kanyang buong team. Mula sa make-up artist at assistant ay kasama sa dinner na iyon.

“You must eat well, hindi mo na kailangan ang mag-diet. I want you to be healthy, cause you will bear our child soon!” pabulong na wika nito sa kanya, dumampi pa ang labi nito sa sa balat ng kanyang punong tenga.

Napaigtad siya kasabay ng pag-init muli ng kanyang magkabilang pisngi.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
amazingaloha
daily update b to ms A
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status