Share

KABANATA 6.

Natapos na ang hapunan. Lumalalim na ang gabi. Ngunit ang pagkailang at kaba ay nanatiling buhay sa kanyang sistema. Nagulat siya ng sabihin ni Kate na naayos na nito ang kanyang mga gamit sa silid di umano nila ni Andres.

Hindi niya alam ano ang gagawin sa mga oras na ito. Gusto niyang gumawa ng alibi upang hindi ito makatabi sa pagtulog ngunit wala siyang mahagilap na pwedeng gawing rason. Pakiramdam niya na sa bawat pagbuka ng labi ay mas lalong nadadagdagan ang kanyang kasinungalingan at kasalanan.

Ang hirap.

Ang hirap gampanan ang isang bagay na alam mong isang malaking kasalanan. Lalo pa at hindi niya kinagisnan ang pagsisinungaling at panloloko ng kapwa.

Hindi humiwalay sa kanya si Andres at tila ito linta na nakadikit sa kanya. Bago tuluyang umalis sa restaurant ay lumingon siya kay Tita Catalina. Nakita niya ang pagkaawa nito sa kanya.

Ngunit gaya niya ay wala rin magagawa si Tita Catalina. Isang makapangyarihan na tao si Andres at nagmula ito sa isa sa pinakamayaman na pami
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status