LOGINPeacheeAng bilis ng naging pangyayari, nagbayaran sila at ako napilitan sumama sa kanya buhat ng masamang loob ko at napasinghap ako kasabay ng pag-igik nang ipasok niya na lang ako sa isang VIP room kasabay ng pagsalya niya sa akin sa dingding na nagpagulantang sa akin.Napahawak ako sa dibdib niya nang tuluyan nang umalpas ang mga luha ko na dumaloy sa magkabilang pisngi ko at mariin pa akong napapikit nang inilapit niya ang mukha niya sa akin buhat ng nangangalit niyang tingin.Bawat pag-hinga niya tumatama sa mukha ko, nanginginig ang mga tuhod ko, walang salitang lumalabas sa bibig ko, hindi dahil ayaw ko magsalita kundi para akong napiping bigla.Hindi ako makabigkas ng salita, tanging iyak na lang habang patuloy akong nakadiin sa pader at ginigitgit pa ng malaki niyang katawan...Ang mga bisig niya nakatuod sa kinasasandalan ko sa magkabilang gilid ko, ramdam ko ang galit niya, alam ko matapos ko siyang tanggihan biglang makikita niya ako sa ganitong klase ng lugar..."Tinangg
PeacheeMinuwestra ako ni Tita Windy sa kanila na parang inilalako at puno ng pagmamalaki. "Handsomes, this is Peachee Gellato, 19 year old, v*rgin bagong-bago rito sa club kanina lang dumating, presyong maganda tayo, limited edition lang ang batang ito."Na para bang ginawa akong manikang kagagaling lang sa factory kaya gusto ko maglaho mismo sa harapan ng binata na ngayon mataman nakatitig sa akin hawak ang baso na may lamang matapang na alak...Pigil ang iyak ko ganoon din ang pag-hinga ko nang magtanong isang mukang pilyo sa kanila."Sure ba na v*rgin?"Sabay nagtawanan maliban kay Mr. Castellano na nanatiling seryoso at hindi ko matagalan ang titig niya kaya napaiwas ako ng tingin pero kasabay no'n ang pagtakas ng butil ng luha na pumatak sa pisngi ko na agad kong pinalis at pigil ang hikbi."Mukang bata pa nga... pero nasa legal na edad na kaya pwedeng-pwede na," saad ng isang nakakulay asul at kumuha na ng wallet ganoon din ang iba na tseke naman kaya nanlaki ang mga mata ko s
Peachee"Mag-a-apply ho ako sa iba, Nay... wag niyo lang ho akong ipasok sa beer house o kahit club, pwede sana kung waiter—""Ay hindi! Mas malaki ang kita kapag nag-GRO ka, doble, o mas triple kapag nakatiyempo ka ng galanteng mapera!"Magkadaop ang dalawang kamay ko na nilalamukos sa labis na pagkatarantang nararamdaman ko.Matapos ko nang naging pag-uusap namin ni Austin, pag-uwi ko ng dapit hapon giniit ni Nanay na papunta na rito ang kaibigan niya para sunduin ako at tamang-tama raw dahil kailangan nila ng bagong babae sa beer house na mina-manage nito.Kaya alumpihit ako sa pagmamakaawang wag, baka pwedeng ibang trabaho na lang katulad ng waitress pero hindi talaga ito pumayag."Kaya wag ka nang mag-inarte pa, Peachee at masasanay ka rin, papunta na si Mareng Windy dito at napag-usapan na nga namin na personal ka niya susunduin, at dadalhin sa club niya para ipakilala sa mga bagong customers niya, kaya galingan mo," may pagalit pa niyang sinabi kaya biglang napaluhod na ako na
Peachee "Ano?!" bulalas ni Nanay na napatayo mula sa kahoy naming sofa nang umuwi ako ng bahay at sinabing hindi ko tinanggap ang trabaho kahit pa hired na ako. Sa kadahilanang hindi ko matatagalan ang ganoong klaseng boss, bukod sa arogante na, ay b*stos pa. Ang inaasahan kong trabhaho ay gawaing bahay, hindi para maging pansamantalang babae niyang sisisantehin niya rin makalipas ng isang linggo kapag nag-sawa na siya. Hindi ko iniingatan ang sarili ko para basta na lang ipamigay ito at magpadala sa mga mabulaklak niyang salita na wala namang katotohanan. Kaya nga ako nagkasambahay na lang, kung alam ko lang na ganoon ang kalakaran doon ay edi sana nag-trabaho na nga lang ako sa beer house tutal wala rin lang pinagkaiba, magsisilbi rin naman pala ako sa lalaki sa ibang paraan. "Iba ho ang gusto ng boss ko, Nay kaya—" Hindi ko na natapos ang sanang paliwanag ko nang bigla niya akong hiklatin sa braso na ikinangiwi ko at napaindang sinusubukang bawiin ang braso ko mula sa mahigpi
Peachee"Sir, nandito na ho siya," imporma ni Manang Agda sa lalaking nakatalikod mula sa amin at nakaharap sa labas ng malaking bintana habang nakapamulsa.Likod lang niya ang nakaharap sa banda namin at kapansin-pansin ang maganda niyang pangangatawan... hindi sobrang kalakihan pero matipuno, nasa tamang posisyon.Nang itinaas niya ang kaliwang kamay niya bilang senyas kay Manang na iwan na kami, kaya umalis na nga ito.Napatuwid ako ng tayo at mahinang tumikhim. "M-Magandang umaga ho..." malamyos ang boses kong pagbati at pinakiramdaman ito.Hanggang unti-unti siya humarap na sa direksyon ko nang hindi iniaalis ang isang kamay sa bulsa pero ganoon na lang ang panlalambot ng dalawang tuhod ko nang ganap ko nang makita ang mukha niya.A-Ang kisig niya... ngayon ko lang siya nakita ng personal, sa kwento sa bayan ko lang siya kilala pero hindi ko naman alam na...Kaya naman pala ang mga kasamabahay..."Magandang umaga rin naman," bati niya rin sa akin at pormal na itinuran ang isa sa
PeacheeHanggang makauwi ng bahay hindi pa rin ako makapaniwalang natanggap ako... sa dami naming aplikante, ako talaga?Kaya paglabas ko ng silid kung saan ako na-interview ang sasama ng tingin sa akin ng mga nakasama kong mag-apply.Hindi ko naman kasalanan nakitaan ako ng rason na maging personal na kasamabahay ni Mr. Castellano, hindi rin ako sobra umasa na ako ang matatanggap sa dami namin kaya nga ganito na lang ang gulat ko.Pag-uwi ko ng bahay, sinabi ko agad kay Nanay ang magandang balita, natuwa rin siya dahil alam niya kung gaano kagalante sa mga trabahador si Mr. Castellano, ngunit talaga naman hindi mawawala ang pangit na mga kataga ni Nanay."Kapag nandoon ka na, kunin mo ang loob niya, akitin mo nang may silbi naman iyang ganda mo, tutal hindi ka na mag-GRO, mas mabuti pa subukan mo ang kapalaran mo mapalapit sa mayamang binatang iyan."Hindi ako tumugon habang nasa kusina kami kasalukuyan akong umiinom ng tubig mula sa baso at nakatingin lang sa labas ng bintana nang m







