LOGINPeachee
"Mag-a-apply ho ako sa iba, Nay... wag niyo lang ho akong ipasok sa beer house o kahit saang club, pero sige payag ho ako kung pwede sana waitress na lang—" "Ay hindi!" Pinanlakihan niya pa ako ng mata kaya napaatras ako. "Mas malaki ang kita sa pag-GRO, mas doble, o mas triple pa kapag nakatiyempo ka ng galanteng mapera!" Magkadaop ang dalawang kamay ko na nilalamukos ko sa labis na pagkatarantang nararamdaman ko. Matapos ng naging pag-uusap namin ni Austin, pag-uwi ko ng dapit hapon na sinabi ni Nanay na papunta na rito ang kaibigan na manager sa beer house na namamahala ng mga babae para sunduin ako tamang-tama raw dahil kailangan nila ng mga bagong pasok... Kaya alumpihit ako sa pagmamakaawang wag, baka pwede ibang trabaho na lang katulad ng waitress pero hindi talaga ito pumayag. "Kaya wag ka nang mag-inarte pa, Peachee at masasanay ka rin, papunta na si Mareng Windy dito at napag-usapan na nga namin na personal ka niya susunduin, at dadalhin sa club niya para ipakilala sa mga bagong customers niya, kaya galingan mo," may pagalit pa niyang sinabi kaya biglang napaluhod na ako na ikinabigla niya. Hinawakan ko ang kamay niya at nakikiusap na tiningala siya. "Nay... wag niyo naman ito gawin sa akin... anak niyo ho ako..." umiiyak kong pagmamakaawa kaya sandali siyang natigilan habang nakababa ang tingin sa akin. "Wag niyo ako pilitin gawin ang hindi ko kayang gawin, parang awa niyo na ho!" Yumuko ako at nagiiyak. Pero wala, baliwala. "Tumayo ka diyan, hindi mo ako madadaan sa ganyan," matigas niyang sinabi sabay hila niya sa akin sa braso at itinayo ako buhat ng nanlalambot kong mga balikat at mga binti. "Magtatrabaho ka sa paraang gusto namin, pinagbigyan ka na namin na pumasok sa pangangatulong, pero ikaw pa naging mapili, kaya doon ka sa beerhouse!" pambubulyaw pa niya. Kaya napatulala na lang ako sa kawalan at nanghihinang napaiyak sa kawalan ko na ng lakas at magagawa. Wala akong mga taong mapag-isuran... Ayaw ko sumama kay Austin dahil wala rin naman ako magiging buhay dito at ayoko iasa ang kinabukasan ko sa kanya. Gustuhin ko man bumalik sa mansion ni Mr. Castellano ngunit mapipilitan din ako gawin ang gusto niya, pagkatapos ng isang linggo at kapag nagsawa na siya sa akin wala na rin ako ulit trabaho, ako pa nawalan. At ngayon naman na sana gusto ko sumubok ulit ng paghahanap ng mas disente, ngunit ayaw naman na ng mga magulang ko at pilit na nga talaga nilang ipinagagawa sa akin ang hindi ko kayang sikmurain. Kaya saan na ba ako nito? Hindi ko na alam... "Ito ang bago niyong makakatrabaho si Peachee," tuwang pakilala sa akin ni Tita Windy sa mga babaev hawak niya nang dalhin na niya ako rito sa club matapos masundo sa bahay namin. Halos mangiyak ko silang pinagmamasdan isa-isa, ang mga babaeng nasa harapan ko ngayon ay mukang sanay na sanay na at mga beterana na sa mga lalaki... Ang iba nakangisi sa akin na halos kapirasong tela na lang ang nagtatakip, meron naman lantaran nagbibihis ng hubo't hubad at meron mga nakaupo at nakaharap sa salamin at kasalukuyang mga nagaayos ng sarili naghahanda sa pagharap sa mga lalaking customers... Karamihan sa nakatingin sa akin sinasabi ng mga mata na hindi ako bagay dito... na alam ko rin naman sa sarili ko at hindi ko rin gustong nandidito ako. Ang kakapal ng kanilang mga lipstick, ganoon din ang mga pundasyon sa mukha pero masasabi kong magaganda naman sila, ganoon din ang mga katawan nilang balingkinitan. Hindi pwedeng hindi quality ang mga babae nila rito at hindi basta-bastang beerhouse ito dahil madalas mayayaman lang ang nandito hindi para sa mga ordinaryong manginginom lang. "Mommy Windy, sure ka ba diyan sa bagong bata mo? Parang may gatas pa sa labi iyan," pabirong tanong ng isa na ikinatawa ng lahat na nandidito sa wardrobe. Ang silid ay napapalibutan ng maraming iba't ibang mga klase ng damit na kapag sinuot mo kakapirasong bahagi lang ng katawan mo ang matatakpan sa iyo. "V*rgin pa, kaya hindi pa sanay! Kaya tulungan niyo siyang makapag-adjust, turuan niyo maging kasing tutuso niyo!" nakatawang sinabi ni Tita Windy kaya nagtawanan ang mga kababaihan. At inulan pa ako ng tukso. "V*rgin pa, Mommy? Ay hala! Ang swerte ng makaka-butas! Mahalan mo presyo niyan, Mi! Paldo!" biro pa ng isa na kaya napahalakhak ang ginang na mukang salapi. Tuwang-tuwa pang nakipag-biruan sa mga alaga niyang siguradong malaki ang angkat ng pera sa kanya pero sa loob-loob ko nahihintakutan ako. Ang isipin na ang makakauna sa akin, isang lasing na matanda parang gusto ko na lang tumalon mula sa pinaka-mataas na building. Pero napansin ko ang isang babaeng hindi nakikitawa sa kanila at nakaupo sa bandang sulok na kanina pa tahimik lang na nagaayos sa harap ng salamin habang naka-ekis ang makikinis at mapuputing hita, ang tangkad niya, mas muka siyang modelo... kaysa prostitute. Masasabi kong siya na ang pinaka-maganda sa lahat ng mga babaeng naririto, ang classy niyang tingnan kaya sa palagay ko... mahal ang halaga niya kumpara sa mga kasama niya rito. Nang bigla rin itong nagsalita matapos maglagay ng pulang lisptick sa hugis puso niyang mga labi na sakto lang din ang kapal. "Wag niyong pagkatuwaan... parang hindi naman kayo minsan naging bago," saway niya sa mga ito na ikinatahimik nila bigla. Pinagmasdan ko siyang naka-ekis ang makikinis at mapuputing hita, hindi siya bagay dito... bagay talaga siyang modelo, hindi kaya sa mga pageantry. "Masyado ka talagang seryoso Reeses," hilaw na sagot nung bumiro sa akin kanina, halata na hindi sila magkaulam. Tumayo ang babaeng nagngangalang Reeses at mukang lalabas na at may customer nang pupuntahan. Pero nagulat ako nang naglakad siya papunta sa akin kaya napaatras ako sabay napasinghap nang hawakan niya ang baba ko at itinaas ang mukha ko kaya nanlaki ang mga mata kong napatitig sa kanya. Nginisihan niya ako. "Maganda ka..." puri niya at pinagmasdan pa ang katawan ko lalo ang dibdib ko. "Pati katawan... kaya ingat ka, mga selosa tao rito ayaw nila ng nasasapawan." Matapos nito iyong sabihin umalis na rin siya sa harapan ko at dire-diretso nang nagtungo sa pinto at lumabas na sabay nagsinghalan ang mga babaeng nandidito na naiwan kasama ko. "Nakaka-irita talaga! Akala mo kung sino! Pare-pareho lang naman tayo p*kpok dito! Baka sarili niya rin ang sinasabihan niyang ayaw masapawan! Ilan babae na ba ang nawawala kapag nakikita niyang mas maganda kaysa sa kanya?" "Katakot talaga iyang babaeng iyan..." bulong pa ng iilan at humarap sa akin ang isang palaban na mukang malaki ang galit kay Reeses. "Kaya ikaw, nene! Mag-iingat ka diyan kay Reeses Zaya, muka lang pala-kaibigan iyan pero nasa loob ang kulo niyan wag mo nang subukan makipag-kaibigan kung ayaw mong maging missing person din kagaya ng ibang nauna sa iyo!" warning nito sa akin na ikinawindang ko. Namuo ang takot sa akin... "Ikaw naman, Rivs! Tinatakot mo, hindi naman tayo sigurado kung siya talaga gumagawa no'n o iyung mga naging customers nila na baka ibinahay na!" Marami pa akong narinig na usap-usapan patungkol doon nang kausapin ako ni Tita Windy. Hinila ako sa bandang dulo ng wardrobe para kami lang dalawa ang magkarinigan. "Wag mo pansinin ang mga usaping tsimis na wala namang kabuluhan, ang alalahanin mo paano ka kikita ng malaki para lang may maiuwi ka sa mga magulang mo," saad niya na nagsilbing paalala sa akin kaya bumalik ang pagkahabag ko... "Kaya mag-bihis ka na, anong oras na! Sakto dumating na ang mga customers na kanina pa namin hinihintay, mga VIP sila, mas bata kumpara sa madadalas na naglalagi rito, tamang-tama ikaw ang ipakikilala ko." Para akong tinakasan ng lakas nang hilahin na nga niya ako patungo sa mga nakasabit na mga damit at ang ipinasuot niya sa akin, isang pulang backless dress na kumikinang pa at sobrang iksi... At nagulat pa ako nang kumuha siya sa drawer ng isang bagong lingerie... hindi basta lingerie kundi isang T-back kaya nalaglag ang panga ko. "Suotin mo na bilisan mo! Diyan ka na magbihis gayahin mo ang iba puro babae naman kayo, kaya wala na dapat hiya-hiya pa!" Ipinagtulakan na niya sa akin ang damit na napilitan ko nang suotin. Grabeng hiya ang sumalakay sa akin nang maghubad ako dahil lahat sila napatingin sa katawan ko na tila ba mga namangha. "Iba talaga ang katawan kapag bata pa lalo na't v*rgin pa," komento ng isa kaya ngumiti si Tita Windy. "Kaya mahal ang magiging presyo mo, Peachee, basta sumunod ka lang sa rules, lalo na sa gusto ng customer na afford ang magiging halaga mo," payo nyang labas sa kaliwang tainga ko. "At wag mo rkn subukan tumakas, maraming haharang sa iyo," babala niya at ginawaran ako ng matalim na tingin kaya napalunok ako at tinulungan niya pa ako ayusin ang pagkakasuot ng damit. Hindi ko alam hanggang saan ako tatagal. Lumabas na kami ng wardrobe suot na ang sobrang iksi at nipis na damit na ito at isang maling galaw ko lang, kita na lahat kaya gusto ko na namang maluha. Ni walang panloob ka pang-itaas, tanging T-back lang. Suot ko rin ang isang pares ng pulang takong na hirap kong ilakad dahil hindi naman ako sanay. "Ayusin mo lakad mo hindi iyang para kang natatae," sita sa akin ng ginang kaya pilit ko namang inayos ang lakad ko sa takot kong paulit-ulit mapagalitan. Nang paglabas namin mula sa may eskinita, sumalubong sa akin ang iba't ibang kulay ng ilaw, hindi naman sobrang ingay, malamyos ang tugtugin pero nanlalaki ang mga mata ko nang makita ang mga babaeng hubo't hubad na nagsasayaw sa kanya-kanyang pole... At nakita ko si Reeses... Nakaupo sa nakapaikot na sofa sa bilog na lamesa at mukang VIP ang kinaroroonan niya at napapalibutan ng mga lalaki... Hindi lang siya ang babae sa table na iyon may mga kasama rin siya at tumatawa sila na tila ba sanay na sanay sa mga atensyon na ibinibigay sa kanya. Ang lalaking katabi niya ay kulang na lang ipasok na ang kamay sa ilalim ng palda niya at mismong doon na nila gawin at mukang baliwala na lang din iyon sa kanya... at sa mga babaeng naririto... Namuo ang luha sa magkabilang sulok ng mga mata ko. Hindi ko kaya... sinubukan ko maghanap ng pwedeng labasan na pinto pero wala, lahat ng daanan palabas may bouncer ng club na haharang sa akin. Hanggang sa narating na namin ang pangalawang palapag kung saan mas tahimik kumpara sa baba, at hindi naman pala lahat ng customers dito ay matatanda na... Meron din mga nasa early at late 30's... Dinala ako ni Tita Windy sa dulong lamesa kung saan daw ang pinaka-VIP, mga lalaki na pihikan ayon sa ginang, kaya ako ang dinala rito kaya ang kabog ng dibdib ko abot-abot. "Good evening gentlemen," tuwang bati ni Tita sa mga ito, may sampu silang lalaki na nakaupo sa itim na couch na nakapalibot din sa isang bilog na lamesa. Lahat sila mga naka-corporate pa... mukang kgagaling lang ng opisina pero wala nang suot na mga coat, tanging polo dress na lamang at naka-tupi ang mga manggas hanggang siko. Halos lahat sila makikisig... Nang dumako ang tingin nila sa amin, sa akin... kaya ganoon na lang ang hiya ko at pagkailang ko, nahigit ko pa ang pag-hinga ko nang hagurin nila ako ng nagugutom na tingin. Pero hindi lang tingin nila ang nagpagulat sa akin, bigla rin akong nanigas at nanlamig sa kinatatayuan ko nang makita ang isang pamilyar na makisig na mukha... A-Anong.... ginagawa niya rito?Third Person's POVAmari Lavegas...Frederick Lavegas...Nanginginig at nagbabara ang lalamunan ni Peachee nang hawakan niya ang nakaukit na mga pangalan ng dalawang taong nakahimlay rito.Kahit si Stefan napatingala na lang habang magkadaop ang parehong kamay sa harap, binibigyan ng momento ang dalaga upang kilalanin ang tunay na mga magulang."Si... Mommy sampung taon na simula noong mawala... at si Daddy..." Doon na nga tuluyan nabasag ang boses niya."Halos nito lang, kaka-apat na taon lang. Hindi man lang nila ako nahintay bumalik?" saad niya na may mapait at masakit na tanong.Namula rin ang mga mata ni Stefan nang namuo ang luha para sa naulilang dalaga pero siya sumabay sa pagiging emosyonal nito at sa halip dinaluhan niya at marahan hinagod ang likod nito para damayan."Naniniwala silang babalik ka... na buhay ka pa dahil wala naman nakitang katawan mo pero habang lumulipas ang bawat taon ay doon na sila unti-unti nawalan ng pag-asa makita ka pa," malungkot niyang sinabi na l
PeacheeTiningala ko siya habang hawak niya ang kamay ko at tahimik kaming naglalakad patungo sa totoo kong mga magulang.Ang mga sinabi niya sa akin kahapon, lahat ng mga ipinaliwanag niya may nagsasabi sa isip at puso ko na sa lahat ng tao, siya ang hight na dapat kong paniwalaan.Tumigil muna kami sandali bago tumuloy sa naturang destinasyon. Hinarap ko siya buhat ng nangungusap kong mga mata, nanatiling magkahawak kamay mga kamay namin.Hinawakan niya ang pisngi ko, humilig ako rito at pumikit dinadama ang init ng palad niya."Thank you, you believed in me." Inilapit niya ang mukha niya sa akin at ginawaran ako ng masuyong halik sa noo.Pumikit ako at tumango. "Mas maniniwala ako sa iyo kaysa sa mga taong wala naman hangad sa akin kundi ang mapasama ako o ikaw," sagot ko at tipid na ngumiti sa kanya at yumakap sa baywang niya.Muli kong tiningnan ang mukha niya na puno ng pagsusumamo sa akin higit ng pagpapasalamat na pinili ko siyang tanggapin ulit sa buhay ko."Minsan mo akong
Third Person's POV"Kahapon pa po hindi napasok si Ma'am Peachee, Sir eh. Hindi nga po namin alam anong nangyari, wala po siya sinasabi sa amin," sagot ng staff ng bakeshop nang puntahan ni Stefan kinabukasan.Walang nasagot kahapon pa sa bahay ng dalaga, naka-off din ang phone nito, hindi pumasok kahapon at inabangan niya ito lumabas ng bahay magdamag wala pa siyang tulog pero walang Peachee na lumalabas o nagpapakita.Lumabas si Stefan ng bakeshop sabunot ang buhok. "Where are you, Peachee? Saan ka ba nagpunta?" bulong niya at sumakay na sa sasakyan mabilis na pinasibat.Panay ang igting ng panga niya habang nasa daan ang tingin, mahigpit na hawak niya sa manibela kaya halos mamuti na ang kamao.Nag-dial siya sa phone niyang naka-stand sa unahan ng sasakyan nagsuot ng earpiece at tinawagan ang isa sa mga tao niya."Bring me the spare keys of Peachee's house, I need it, asap." Binaba niya rin ang tawag at inalis ang earpiece sa tainga at binato lang kung saan.Ayaw niyang mag-trespas
Third Person's POV"WHAT DID YOU SAY TO HER?!" Stefan asked Don Octavio furiously holding the old man's collar in a vice gripped.All he can see is red, hindi na niya control ang galit matapos malamang nanggaling dito si Peachee at ngayon hindi niya alam kung saan ito magpunta!Buo lang ang mukha ni Don Octavio na pinapanuod ang nanlilisik na mata ng anak niya, ni hindi niya ito pinigilan sa ginagawa."Sinabi ko lang ang totoo... hindi ba ikaw naman talaga ang puno't dulo ng lahat?" Sabay tumaas ang sulok ng labi."We both know you pushed her—""WALA KANG ALAM AT HINDI KO IYON MAGAGAWA SA KANYA! SA ISIP MO LANG ANG MGA BAGAY NA IYAN! AND I'VE NEVER DID PUSH THAT KID!" Nagmistulan kulog ang naging boses ni Stefan na dumagundong sa bawat sulok ng study room ng matanda.Hindi nagsalita si Don Octavio at ang mga mata ng binata nag-umpisa na manginit at mamuo ang luha."What did you do... huh old man?" Nabasag ang boses niya. "Wala ka roon para sabihin mong ginawa ko sa bata ang ganoong ka
Peachee Nanginginig ang kamay ko at ganoon din ang mga binti kong napahawak sa pader ng labas ng bakuran ng mansyon habang pinakakatitigan ko pa rin ang papel. Sa bawat kurap ng mga mata ko, siyang bagsak ng butil ng luha sa magkabilang pisngi ko. "Papaanong..." Hindi ako makabigkas ng kaduksong buhat ng nanginginig at nagbabara kong lalamunan. Hindi ko alam saan parte ba ako magugulat, na hindi ko totoong mga magulang ang mga nakasama ko o... si Stefan na may kinalaman dito? Nasapo ko ang ulo ko sa hindi ko maintindihan mararamdaman ko. Parang sasabog ang dibdib ko pati ulo ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad palabas ng subversion pero tulala ako at hindi natingin sa nilalakaran. Pumara ako ng Taxi nang nasa tabi na ako ng daan, pagsakay ko saka ko lang ibinalik ang DNA Test sa envelope at kinuha ang litrato ng isang buong pamilya. Pinagmasdan ko ang babaeng katabi ko rito, lalong nanikip ang dibdib ko nang mapansin malaki nga ang hawig ko sa kanya kaya muli na naman
PeacheeTahimik akong nakaupo sa katapat ng couch na kinauupuan ni Don Octavio matapos niya akong ipatawag para personal na makausap.Dito ako dinala ng kasamabahay nila sa pribado nitong study room na puro antigo ang mga gamit.Magkikita sana kami ni Stefan kanina pero nagdahilan ako na may importante akong gagawin at dito sa mansion nila ako dumiretso."Pasensya na sa abala, hija. Wag kang mag-aalala, tinaon ko na wala si Matilde sa bahay nang hindi ka mailang," saad niya na na tipid ko lang na ikinangiti.Hindi nga maganda ang una namin naging pagkikita ng pangalawang asawa niya kaya mabuti ngang wala ito."Ayos lang po, pero bakit niyo nga ba ako gustong makausap?" tanong ko kahit may kutob na akong tungkol ito sa amin ng anak niya.Hindi pa man opisyal na isinisiwalat ni Stefan ang balitang nagkabalikan na kami, sigurado nauna nang makarating dito dahil kinansela niya na ang kasal nila ni Rivaly...At walang ibang dahilan kundi ako."Alam ko na nagkakamabutihan na kayo ulit ng an
Peachee"Sir, nandito na ho siya," imporma ni Manang Agda sa lalaking nakatalikod mula sa amin at nakaharap sa labas ng malaking bintana habang nakapamulsa.Likod lang niya ang nakaharap sa banda namin at kapansin-pansin ang maganda niyang pangangatawan... hindi sobrang kalakihan pero matipuno, na
PeacheeHanggang makauwi ng bahay hindi pa rin ako makapaniwalang natanggap ako... sa dami naming aplikante, ako talaga?Kaya paglabas ko ng silid kung saan ako na-interview ang sasama ng tingin sa akin ng mga nakasama kong mag-apply.Hindi ko naman kasalanan nakitaan ako ng rason na maging persona
Peachee Gellatto"Ms. Peachee Gellato?"Narinig ko nang tawag sa pangalan ko kaya napatayo ako agad mula sa hanay ng mga nakaupong mga aplikante para maging personal maid ni Mr. Stefan Castellano. Ubod man ito ng sungit at arogante kilala naman sa pagiging liberal na magpasahod.Kaya kapag ganiton
Peachee Minuwestra ako ni Tita Windy sa kanila na parang inilalako at puno ng pagmamalaki. "Handsomes, this is Peachee Gellato, 19 year old, v*rgin bagong-bago rito sa club kanina lang dumating, presyong maganda tayo, limited edition lang ang batang ito." Na para bang ginawa akong manikang kagag







