Share

CHAPTER FOUR

last update publish date: 2026-06-03 08:53:00

Peachee

"Ano?!" bulalas ni Nanay na napatayo mula sa kahoy naming sofa nang umuwi ako ng bahay at sinabing hindi ko tinanggap ang trabaho kahit pa hired na ako.

Sa kadahilanang hindi ko matatagalan ang ganoong klaseng boss, bukod sa arogante na, ay b*stos pa.

Ang inaasahan kong trabhaho ay gawaing bahay, hindi para maging pansamantalang babae niyang sisisantehin niya rin makalipas ng isang linggo kapag nag-sawa na siya.

Hindi ko iniingatan ang sarili ko para basta na lang ipamigay ito at magpadala sa mga mabulaklak niyang salita na wala namang katotohanan.

Kaya nga ako nagkasambahay na lang, kung alam ko lang na ganoon ang kalakaran doon ay edi sana nag-trabaho na nga lang ako sa beer house tutal wala rin lang pinagkaiba, magsisilbi rin naman pala ako sa lalaki sa ibang paraan.

"Iba ho ang gusto ng boss ko, Nay kaya—"

Hindi ko na natapos ang sanang paliwanag ko nang bigla niya akong hiklatin sa braso na ikinangiwi ko at napaindang sinusubukang bawiin ang braso ko mula sa mahigpit niyang pagkakahawak.

Pero mas hinigpitan ni Nanay.

"Kahit kailan talaga b*ba ka..." saad niya na puno ng panggigigil sa akin at nagawa niya pa duruin ang sintido ko ng matalim niyang kuko at ramdam ko ang pagbaon nito kaya napaiyak na ako.

Labis siyang nanggigigil sa akin sa hindi ko pagsunod, hinawakan pa niya ako sa panga ng mahigpit at hinila ako kaya napasinghap ako at tuluyan nang napaluha.

Ganito na lang parati.

"Nandoon ka na, may trabaho ka na umayaw ka pa?! Alam mo kung gaano kapihikan ang mayamang binatang iyon! Pagkakataon mo na sana!" galit niyang sigaw sa mismong mukha ko.

Nang lumabas si Tatay galing kusina. "Oh, Lodia ano't inaaway mo na naman iyan?"

Patulak akong binitawan ni Nanay at nasapo ko ang braso at mukha ko nang yakapin ko ang sarili at napayuko na lang, tahimik na umiyak.

Galit na tinuro ako ni Nanay. "Paano itong anak mo, Agosto! May trabaho na bilang personal na kasambahay ni Mr. Castellano, umayaw pa! Kung hindi ba naman kat*nga!" Nasapo pa ang noong tila nagkanda-sakit ang ulo sa akin.

Imbis na kampihan ako ni Tatay, kumampi siya kay Nanay. "Oh eh bakit mo naman ba inayawan? Inutil ka talagang bata ka! Siya, ayaw mo bang mangatulong? Kakausapin ng Nanay mo ang kaibigan niya na may-ari ng beer house diyan sa bayan, doon! Doon ka magtrabaho mag-uwi ka ng maraming pera dito sa bahay nang magkasilbi ka!"

At lumabas na rin ito at naiwan kami ni Nanay dito sa salas na galit na galit pa rin sa akin at ni hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon ipaliwanag ang bahagi ko.

Kaya sa loob-loob ko natawa na lang ako. Talagang sa lugar na iyon ang bagsak ko kaya mariin akong napipikit pinipigilang umiyak ng husto sa harapan ng ina ko.

Hinarap ako ulit ni Nanay pero sa pagkakataong ito kalmado na kahit papaano.

Lumapit pa siya sa akin kaya napaatras ako at muli niya pa akong dinuro. "Ikaw, Peachee ayus-ayusin mo mga desisyon mo sa buhay. Kung ano man iyang dahilan mo, wala ako pakialam basta mag-angkat ka ng pera sa bahay kung hindi? Lumayas-layas ka na, wag ka nang magpapakita pa!!"

At tinalikuran na nga niya ako lumabas na rin ng bahay sumunod sa asawa niya kaya nanlalambot na lamang akong napaupo sa upuang kahoy kasabay ng hindi ko na kaya pang pigilan na paghikbi at muli na lang na napayuko at tinuon ang tingin sa sahig.

Mga salitang paulit-ulit humihiwa sa puso ko, ang marinig ang mga magulang ko na wala silang pakialam sa kalagayan ko o kung ano man ang mangyari sa sa buhay ko ay hindi nila alintana...

Basta may pera akong maibibigay.

"Grabe..." pabulong kong sambit habang tahimik nang umiiyak at nagdesisyon na lumabas sandali ng bahay para naman makasagap ng sariwang hangin.

Para na rin kumalma ako.

Nang saktong paglabas ko nanlaki ang mga mata ko namg papunta rito si Austin at agad ko naman siya sinalubong para pigilan baka madamay pa siya sa init ng ulo ng mga magulang ko kapag nakita siya!

"Peachee—"

Kinawayan pa niya ako nang agad ko siyang takbuhin at hinawakan sa kamay at nagulat pa siya nang hilahin ko siya papalayo sa bahay namin.

"Peachee!" Natawa pa ito. Anong problema? Saan tayo pupunta?" naguguluhan niyang tanong pero patuloy ko lang siya hinihila papalayo sa bahay namin.

Hanggang pumasok kami sa daan papasok ng mapunong gubat. Tumigil ako nang masiguradong malayo na kami.

Saka ko lang siya hinarap at nabigla pa siya nang makita ang namumula kong mukha at namumugtong mga mata.

Hinawakan niya ako agad sa magkabilang pisngi ko, pinagmasdan buhat ng nagaalala niyang mukha.

"Na naman?" Hindi na niya kailangan pa magtanong kung ano nangyari at hindi na lingid sa kaalaman niya ang sitwasyon ko sa bahay.

Tumango ako kaya napamura siya, nabitawan niya ako kasabay ng pamamaywang.

"Sinabi ko naman sa iyo na sumama ka na sa akin!" Napasigaw siya sa galit, hindi sa akin kundi sa mga magulang ko.

"Noon pa kita gusto ibahay, ayaw mo lang... dahil ano? Dahil wala kang tiwala at bilib sa akin na kaya kitang buhayin, tama?" Nanlaki ang mga mata niya sa akin kaya napaatras ako kasabay ng pag-iling at muling napaiyak.

Napalunok ako. "Hindi naman sa ganoon... natatakot ako para sa iyo baka kung anong gawin sa iyo ni Tatay, alam mo naman ayaw nila ni Nanay sa relasyon natin."

"Matagal ko nang alam iyan at matagal na nating kinakaharap iyan! Gusto nila doon ka sa mayamang lalaki makakatipo sa iyo dahil sa ganoon paraan ka nila gusto makatulong, kaya pilit ka gustong gawing prostitute! Sino bang mga matitinong magulang ang kaya ibenta ang anak para sa pansarili nilang kaginhahawan??"

"Mag-isip-isip ka, Peachee... hindi normal iyang pag-iisip ng pamilya mo! Maawa ka diyan sa sarili mo!" pagalit pa niya sa akin kaya lalong lumala ang pag-iyak ko.

Napabagsak ako sa madamong lupa, dinaluhan niyan naman ako kaagad nang bahagya siyang lumuhod para pantayan ako at hinawakan ako sa magkabilang balikat kaya napatingala ako sa mukha niyang tanging pagaalala lang ang makikita.

At galit naman sa pamilya ko.

Kahit ako galit din sa ginagawa nila sa akin pero ewan ko ba kung bakit hindi ko talaga magawang makaalis sa poder nila kahit na noon ko pa gusto...

Nang maalala ko ang sinabi ni Sir. Stefan at nitong si Austin... kung simpleng mga bagay lang hindi maibigay sa akin ng nobyo ko ay papaano pa kapag nagsama na kami?

Hindi ko man aminin, kaya hindi ko rin magawang sumama sa kanya dahil nakikita kong kulang pa nga sa kanya ang kinikita niya tapos dadagdag pa ako...

Mahirap na ang buhay ko sa mga magulang ko, kaya inaamin ko na kahit papaano gusto ko naman magbago ang kapalaran ko...

Umiling ako. "Pasensya ka na, Austin..." Napahikbi na lang ako. "Maliit ang kinikita mo, naiintindihan ko na may mga personal kang pangangailangan at nasasapat lang iyon sa iyo."

"Kung idadagdag mo pa ako, magiging palamunin mo lang ako, mahihirapan ka rin dahil malaking responsilidad ang—"

"Eh ano?! Ganoon naman talaga kung papasukin mo ang buhay may asawa? Responsibilidad ng lalaki ang babae."

"Maliit man ang sahod ko, sisipagan ko pa! Para sa iyo, sumama ka lang sa akin—" Pero siya rin ang pumigil sa sinasabi niya nang may napagtanto siya.

"O ikaw mismo wala talagang tiwala sa akin na kaya kitang buhayin? At naghahangad ka pa ng mas higit sa akin?" may pait sa boses niya kaya muli ko siyang tiningala.

Kaya ko ba siyang tapatin?

Sa loob ng isang taon naming pagiging mag-nobyo at nobya wala naman siya naibibigay sa akin, kahit nga simpleng tangkay ng rosas ay hindi man lang makatanggap sa kanya.

Mapa-espesyal na okasyon katulad ng anibersaryo, parang kwek-kwek at fishball lang ang natatandaan kong napagsaluhan namin dalawa kaya masasabi kong ang kita niya ay kulang pa talaga sa kanya.

At nababalitaan ko ring nakakahiligan niyang magsugal sa nauusong online.

Kaya hindi na ako nagtataka bakit hindi man lang niya ako mabilhan ng kahit na ano, iyon ay dahil nga rin sa walang kabuluhan napupunta ang kinikita niya...

Tapos ang lakas ng loob niyang ayain akong tumira na kami sa iisang bahay. Nakikita ko na rin ang magiging bukas ko sa kanya, malala pa kaysa sa meron ako ngayon.

Kaya hindi ang sagot ko.

Huminga ako ng malalim at diretso siyang tiningnan sa mga mata niya at hinawakan ang kamay niyang ubod ng gaspang.

"Sa loob ng isang taon natin pinagsamahan, alam mong minahal kita, Austin..." saad ko na ikinalaki ng mga mata niya dahil alam niya na kung saan ito papunta.

"Pero hindi talaga eh." Napaiyak pa ako at nahigit ko ang pag-hinga ko. "Nalululong ka raw sa sugal... ni kahit nga bilhan man lang ako ng bestidang bago diyan sa tyanggian hindi mo ako mabilhan..."

Bumakas ng pagkabigla sa kanya, pero nangibabaw ang pagkapahiya sa pagtatapat ko.

"Kaya ano sa palagay mo ang magiging buhay natin? Baka lalo ako hindi makabili kahit ni panty." Napaiyak ako lalo at pinalis pa ang luha sa magkabilang pisngi ko, siya naman natigilan hindi makapagsalita.

"Kaya pasensya na, Austin pero hindi ko kayang sumama sa iyo, bata pa ako at marami pa gustong gawin sa buhay..."

"Naniniwala ako na balang araw, magiging maayos at maginhawa din ang buhay ko at hindi ako pababayaan ng langit."

"Kaya Austin... sana ganoon ka rin. Magsikap ka para may maganda kang kinabukasan at palagay ko magagawa natin iyon kahit hindi na tayo magkasama."

Lalong namilog ang mga mata niya sa hindi inaasahang pagkalas ko sa relasyon namin sa paraang malumanay at maayos.

"Salamat sa isang taon relasyon kasama ka... naging masaya naman ako sa madalas na pagkain ng kwek-kwek at fishball."

Dinaan ko na lang sa pagak na pagtawa sabay palis ng luha sa magkabilang pisngi ko.

At tumayo na ako, naiwan naman siyang napatulala, hindi na nakakibo pa dahil sa pagkapahiya.

"Pero pangarap ko rin naman makakain ng pork steak kahit nga wag na beef basta ba steak eh,"saad ko pa na hindi basta kataga lang kundi may ibig ako ipakuhulagan sa kanya.

Stana lang naunawan niya...

Na hindi ko hangad ang mayamang lalaki, pero hangad ko ay responsable, iyung kaya alagaan ang babae nang hindi hanggang sa salita lang.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • INNOCENT MAID FOR MR. ARROGANT BOSS   CHAPTER EIGHTY-FIVE

    Third Person's POV"Kahapon pa po hindi napasok si Ma'am Peachee, Sir eh. Hindi nga po namin alam anong nangyari, wala po siya sinasabi sa amin," sagot ng staff ng bakeshop nang puntahan ni Stefan kinabukasan.Walang nasagot kahapon pa sa bahay ng dalaga, naka-off din ang phone nito, hindi pumasok kahapon at inabangan niya ito lumabas ng bahay magdamag wala pa siyang tulog pero walang Peachee na lumalabas o nagpapakita.Lumabas si Stefan ng bakeshop sabunot ang buhok. "Where are you, Peachee? Saan ka ba nagpunta?" bulong niya at sumakay na sa sasakyan mabilis na pinasibat.Panay ang igting ng panga niya habang nasa daan ang tingin, mahigpit na hawak niya sa manibela kaya halos mamuti na ang kamao.Nag-dial siya sa phone niyang naka-stand sa unahan ng sasakyan nagsuot ng earpiece at tinawagan ang isa sa mga tao niya."Bring me the spare keys of Peachee's house, I need it, asap." Binaba niya rin ang tawag at inalis ang earpiece sa tainga at binato lang kung saan.Ayaw niyang mag-trespas

  • INNOCENT MAID FOR MR. ARROGANT BOSS   CHAPTER EIGHTY-EIGHT

    Third Person's POV"WHAT DID YOU SAY TO HER?!" Stefan asked Don Octavio furiously holding the old man's collar in a vice gripped.All he can see is red, hindi na niya control ang galit matapos malamang nanggaling dito si Peachee at ngayon hindi niya alam kung saan ito magpunta!Buo lang ang mukha ni Don Octavio na pinapanuod ang nanlilisik na mata ng anak niya, ni hindi niya ito pinigilan sa ginagawa."Sinabi ko lang ang totoo... hindi ba ikaw naman talaga ang puno't dulo ng lahat?" Sabay tumaas ang sulok ng labi."We both know you pushed her—""WALA KANG ALAM AT HINDI KO IYON MAGAGAWA SA KANYA! SA ISIP MO LANG ANG MGA BAGAY NA IYAN! AND I'VE NEVER DID PUSH THAT KID!" Nagmistulan kulog ang naging boses ni Stefan na dumagundong sa bawat sulok ng study room ng matanda.Hindi nagsalita si Don Octavio at ang mga mata ng binata nag-umpisa na manginit at mamuo ang luha."What did you do... huh old man?" Nabasag ang boses niya. "Wala ka roon para sabihin mong ginawa ko sa bata ang ganoong ka

  • INNOCENT MAID FOR MR. ARROGANT BOSS   CHAPTER EIGHTY-THREE

    Peachee Nanginginig ang kamay ko at ganoon din ang mga binti kong napahawak sa pader ng labas ng bakuran ng mansyon habang pinakakatitigan ko pa rin ang papel. Sa bawat kurap ng mga mata ko, siyang bagsak ng butil ng luha sa magkabilang pisngi ko. "Papaanong..." Hindi ako makabigkas ng kaduksong buhat ng nanginginig at nagbabara kong lalamunan. Hindi ko alam saan parte ba ako magugulat, na hindi ko totoong mga magulang ang mga nakasama ko o... si Stefan na may kinalaman dito? Nasapo ko ang ulo ko sa hindi ko maintindihan mararamdaman ko. Parang sasabog ang dibdib ko pati ulo ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad palabas ng subversion pero tulala ako at hindi natingin sa nilalakaran. Pumara ako ng Taxi nang nasa tabi na ako ng daan, pagsakay ko saka ko lang ibinalik ang DNA Test sa envelope at kinuha ang litrato ng isang buong pamilya. Pinagmasdan ko ang babaeng katabi ko rito, lalong nanikip ang dibdib ko nang mapansin malaki nga ang hawig ko sa kanya kaya muli na naman

  • INNOCENT MAID FOR MR. ARROGANT BOSS   CHAPTER EIGHTY-TWO

    PeacheeTahimik akong nakaupo sa katapat ng couch na kinauupuan ni Don Octavio matapos niya akong ipatawag para personal na makausap.Dito ako dinala ng kasamabahay nila sa pribado nitong study room na puro antigo ang mga gamit.Magkikita sana kami ni Stefan kanina pero nagdahilan ako na may importante akong gagawin at dito sa mansion nila ako dumiretso."Pasensya na sa abala, hija. Wag kang mag-aalala, tinaon ko na wala si Matilde sa bahay nang hindi ka mailang," saad niya na na tipid ko lang na ikinangiti.Hindi nga maganda ang una namin naging pagkikita ng pangalawang asawa niya kaya mabuti ngang wala ito."Ayos lang po, pero bakit niyo nga ba ako gustong makausap?" tanong ko kahit may kutob na akong tungkol ito sa amin ng anak niya.Hindi pa man opisyal na isinisiwalat ni Stefan ang balitang nagkabalikan na kami, sigurado nauna nang makarating dito dahil kinansela niya na ang kasal nila ni Rivaly...At walang ibang dahilan kundi ako."Alam ko na nagkakamabutihan na kayo ulit ng an

  • INNOCENT MAID FOR MR. ARROGANT BOSS   CHAPTER EIGHTY-ONE

    Third Person's POV"W-What? You are cancelling the w-wedding? But... w-why?" Rivaly asked Stefan in shock."Everything now is settled! Ayos nang lahat, pero bakit?!" dagdag niya at tumaas na ang boses habang nanlalaki ang mga maga.Habang si Stefan, prenteng nakaupo lang sa couch ng study room habang magka-ekis ang mga hita.Ipinatawag niya si Rivaly para masinsinan kausapin, at kagaya ng inaasahan ito ang naging reaksyon.Stefan took a deep breath. "I still want her."Biglang tumawa ng malakas si Rivaly at namilog ang mga mata sa kanya, hindi makapaniwalang tiningnan siya habang nakatayo ito sa harapan niya."After you used me?!" Itinuro pa ang sarili. "What do you think I am, your rebound?"Suminghal pa ito, nasuklay ang mahabang buhok kasabay ng panginginilid ng luha sa galit."You can't do this to me..." Umiling pa ito."I'm sorry, Rivaly... but I can." Stefan looked up at her with his serious gaze that stopped her for a moment.Her lips trembled in madness. She's suppressing her

  • INNOCENT MAID FOR MR. ARROGANT BOSS   CHAPTER EIGHTY

    Peachee"Ohhh! Ah! Ah! Ah!"Humahangos ako habang umuungol nang walang humpay nang angkinin niya na ako dito mismo sa lamesa ng opisina ko...Pareho kaming wala nang mga saplot na kaniig ang isa't isa habang naglalagitikan ang aming mga pawisang balat sa bawat pagbayo niya sa akin.Hindi ko na mabilang kung nakailang beses niya nang napatirik ang mga mata ko, buhat niya ako hawak ang pang-upo ko bilang suporta habang ako ang umiibabaw."You're f*cking miss me! Admit it!" May rahas niyang sinabi at muling pasakmal na sinunggaban ang mga labi ko.Nagawa niyang kagitin kaya napasinghap ako at naipasok niya ang dila niya, pareho kaming nagpalitan at nags*psipan ng dila."Hmm..." Yumakap pa ako ng mahigpit sa balikat at leeg niya at ipinaghampasan ko ang sarili ko sa kanya at wala na sa sariling nagpapakaligaya.Kahit parehong pawisan walang gustong huminto, para bang wala kaming kapaguran, sabik na sabik sa isa't isa, nakalimutan ko sandali kung bakit nga ba ako nakipag-hiwalay.Ang alam

  • INNOCENT MAID FOR MR. ARROGANT BOSS   CHAPTER TWO

    PeacheeHanggang makauwi ng bahay hindi pa rin ako makapaniwalang natanggap ako... sa dami naming aplikante, ako talaga?Kaya paglabas ko ng silid kung saan ako na-interview ang sasama ng tingin sa akin ng mga nakasama kong mag-apply.Hindi ko naman kasalanan nakitaan ako ng rason na maging persona

  • INNOCENT MAID FOR MR. ARROGANT BOSS   CHAPTER ONE

    Peachee Gellatto"Ms. Peachee Gellato?"Narinig ko nang tawag sa pangalan ko kaya napatayo ako agad mula sa hanay ng mga nakaupong mga aplikante para maging personal maid ni Mr. Stefan Castellano. Ubod man ito ng sungit at arogante kilala naman sa pagiging liberal na magpasahod.Kaya kapag ganiton

  • INNOCENT MAID FOR MR. ARROGANT BOSS   CHAPTER SIX

    Peachee Minuwestra ako ni Tita Windy sa kanila na parang inilalako at puno ng pagmamalaki. "Handsomes, this is Peachee Gellato, 19 year old, v*rgin bagong-bago rito sa club kanina lang dumating, presyong maganda tayo, limited edition lang ang batang ito." Na para bang ginawa akong manikang kagag

  • INNOCENT MAID FOR MR. ARROGANT BOSS   CHAPTER FIVE

    Peachee "Mag-a-apply ho ako sa iba, Nay... wag niyo lang ho akong ipasok sa beer house o kahit saang club, pero sige payag ho ako kung pwede sana waitress na lang—" "Ay hindi!" Pinanlakihan niya pa ako ng mata kaya napaatras ako. "Mas malaki ang kita sa pag-GRO, mas doble, o mas triple pa kapag na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status