LOGIN"MARRIE?"
Umiling si Aedam. Iniisa-isa ni Tyron ang mga babaing nakadaupang-kama niya. Pero, panay iling siya. Ang iba sa binabanggit nito'y hindi na niya matandaan. Imposibleng sa kaniya ang batang 'yan! "Dhalia." Iling ang isinagot niya. "Fiona." "No!" "Grace." "Who's Grace?" "Yung mestisang maarte." Umiling siyang muli. Naalala niya ang babaing sinasabi ng kaibigan at hindi niya napigilang mapahagalpak ng tawa. Ayaw na ayaw ng babae ng pagkaing chicken adobo, panay ang ang 'eeww' at 'yuck' nito sa pagkain, wari bang mamamatay kapag kumain n'on. Maarte ring magsalita at ayaw na ayaw niya sa ganoong uri ng babae napilitan lang talaga siya. "Riz." Nagsalubong ang kilay niya. "Yung babaing pa-hard to get, bibigay din naman pala." "No," tanggi niya. "Hindi rin siya. Kailan lang kami nagkakilala ni Riz, at gumamit ako ng c*ndom nang mag-s*x kami." "Paano kung nabutas?" Matalim na tingin ang itinugon niya rito. "Okay. I think, kay Laila iyan," tukoy nito sa isang babae na nabunggo niya nang minsang pumasyal sila sa mall. "No. Hindi siya," sagot niya. Nakatitiyak siyang hindi si Laila dahil-- "Wait! Ang mga binabanggit mo nama'y bago ko lang naka-one night stand. P're, yung matagal na. Apat na taon na ang bata!" gigil niyang saad. "At sa palagay mo'y matatandaan ko pa ang naging babae mo? Ang lupit mo naman kasi, p're! Shoot na shoot. Magaling ka pala sa basketball, magaling ka kasing magpasa--" "Kapag hindi ka tumigil, ipapasok ko itong kamao ko sa bunganga mo!" Iniumang niya ang kamao rito. Napahinga siya ng malalim. Itinuon ang tingin sa batang nanunuod sa cellphone niya. Laking pasasalamat niya dahil walang ibang naka-save roon. "P're, sa iyo talaga iyan. Hawig na hawig mo siya, e." Muli siyang napahinga ng malalim. Kung kaniya nga ito, kung siya nga ang ama nito, magampanan kaya niya ang pagiging ama rito? Sumasakit na ang ulo niya sa pag-iisip kung sinong posibleng ina ng batang ito. He massage his temple. "Daddy, do you love me po ba?" Bumadha ang gulat sa mukha ni Aedam nang magtanong ang bata. Mabilis siyang napaangat ang mukha. Naumid ang kaniyang dila. Wala siyang maisagot o mas tamang sabihing hindi niya alam ang isasagot. Sa lalim ng kaniyang iniisip ay hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya ito. "Daddy..." "Y-yes, baby?" "Love mo po ba ako?" Humingi ng saklolo ang mata niya sa kaibigang kampanteng nakaupo sa couch, pero sa halip na tulungan siya, nginisihan pa siya ng sira-ulo niyang kaibigan. Bago pa niya maisip na tadyakan ito, ibinaling na niya ang tingin sa bata. Inakay niya ito patungo sa tabi ni Tyron. Iniupo ito. Siya nama'y umupo sa harapan nito. Itinukod niya ang dalawang siko sa magkabilang tabi nito, parang binabakuran gamit ang bisig. "Baby, kahit sinong tao, mamahalin ka. Kasi, super cute mo. And yes, l-love na kita, kahit ngayon pa lang tayo nagkita." Masuyong haplos ang iginawad niya sa pisngi nito. "Talaga po? Pero, sabi po ni Mommy, hindi mo raw po ako love, kasi hindi mo po siya love." Kinain niya ang salitang isasagot sana rito. Tulad sa una nitong tanong, wala na naman siyang maapuhap na maisasagot dito. "Baby, sino bang mommy mo?" Narinig niyang tanong ng kaibigan. "My mom po?" Humibi ito. "Miss ko na po siya. Hindi po ako sanay na wala siya. Daddy, balik niyo na po ako sa kaniya. O-okay lang po, k-kahit hindi mo ako love." Tuluyan na itong humikbi. Nasundan nang mumunting iyak. Parang biniyak ang puso niya sa mga sinabi nito. "Oh, my little princess! I'm sorry." Mahigpit na yakap ang ibinigay niya rito. "I really don't know your mother, pero isa lang ang masisiguro ko sa iyo, love na kita. Stop crying na. Ayokong nakikita kang umiiyak, kasi nasasaktan si daddy," malumanay niyang sabi rito. Gamit ang daliri ay pinahid niya ang luhang namamalisbis sa pisngi nito. "Sisipunin ka na naman." Natawa siya sa binitiwang salita. Sa nagdaang nangyari, hindi siya magkandaugaga sa ginawang pagpunas ng sipon nito. Ang masama, wala pang tissue sa mesa niya, at ang ending, tissue ng kaniyang secretary ang naubos niya. "Sorry po, daddy." Yumakap na rin ito sa kaniya, at muli naramdaman niya ang kakaibang pitik ng puso. "Hindi na po ako iiyak, daddy. Promise po." "That's my girl!" Pinatakan niya ng halik ito sa pinsgi. Gumuhit ang masiglang ngiti sa labi nito, at kita niyang kumislap ang mata nito. "Love you po, daddy." Yumapos ang malilit nitong braso sa kaniyang katawan. "Love you, too," ganting sabi niya rito. Hindi man niya aminin, pero may bahagi ng puso niya ang natutuwa simula nang makilala ang bata. Instant daddy siya. Para siyang naka-jackpot, sobrang cute ng anak niya. Hindi man niya kilala ang ina ng bata, nakatitiyak siyang maganda at mabuting babae ito. "Baby, ano nga pala ang pangalan mo?" Napaangat ang mukha niya matapos marinig muli ang tanong ng kaibigan. Nasa tabi na pala nila ito. Ang bata nama'y bumitiw sa pagkakayakap sa kaniya. "What is your name, baby?" ulit ng kaibigan niya. "Name ko po, Avianna po, but Tita Ninang call me Avi po." "Your full name? I want yo know your full name." May takot na tumingin sa kaniya ang bata. Tila humihingi ito ng saklolo. Naunawaan niya iyon. "P're, hayaan na lang muna natin siya. Huwag mong pilitin ang anak ko." "Anak mo?" Nakakalokong ngiti ang pinakawalan ng kaibigan niya. "Tsk. Huwag ka nang kumuda," angil niya't binalingan ang bata. Umalis ito sa tabi niya. Tinungo ang mesa niya na ipinagtaka niya. Sumampa ito sa inuupuan niya. "Careful," habol niya rito. Bahagyang bumilis ang tibok ng puso niya nang makitang sa pagsampa nito'y gumalaw ang upuan niya. Ngiti ang itinugon nito sa kaniya. Heto na naman ang kakaibang pitik ng puso, iba talaga ang dating ng ngiting iyon sa kaniya. Hindi na siya nakasagot. Dumampot ito ng papel. May hinahanap pa ang mata nito. Ballpen pala. Nagsimula itong gumuhit. Hinintay niya itong matapos. Naramdaman niya ang paglapit ni Tyron. Ipinakita nito ang isinulat sa papel. Hindi maayos ang pagkakasulat pero nababasa nila. “Avianna Pearl Zamora” Nagkatinginan sila ni Tyron matapos makita ang nakasulat sa papel. "Zamora?" panabay pa nilang banggit. "Ito ba ang name mo?" Tumango ang bata. Muli, nagkatinginan silang magkaibigan. Inutusan niya itong i-search sa internet ang pangalang Zamora. "Daddy, I want water po." "Sure, baby." Tinungo niya ang water dispenser at kumuha roon ng tubig. Nang ibibigay na niya ang tubig sa bata ay bumukas ang pinto. Iniluwa ang humahangos niyang ama. "Where is she? Where is my grand daughter?" aligagang tanong nito na nakaharap kay Tyron. Slow motion ang ginawang pagtutok ng paningin nito sa direksiyon nila. Awang ang bibig niya nang magtama ang mata nila ng kaniyang ama. Nagpapalit-palit ang tingin nito, sa kaniya at sa batang nasa tabi niya. May humihila sa suot niyang pantalon. "Daddy, water po. Daddy..." "H-huh? Ah, oo. Here's your water, baby." Siya na ang humawak ng baso. Maingat niyang inilapit iyon sa bibig ng bata. "Thank you po, daddy." Ngumiti siya, "Welcome. Go back to your seat, baby." "Opo." Masigla siyang sinunod nito. Sinundan niya ito ng tingin. Kinapa niya ang kaniyang loob. Sa ilang oras na kasama niya ito, parang kilala na niya ito. Parang gusto na niya niyang ariin ito bilang anak. Pero, naguguluhan pa rin siya. How? When? Where? Iyan ang mga katanungang nasa isipan niya. Paano nangyari? Saan niya nakilala o saan sila nagkatagpo ng ina nito? "Siya ba ang apo ko?" Bumalik siya sa reyalidad nang marinig ang baritonong tanong ng ama. Unti-unti itong lumapit sa bata. Pumantay ito ng upo. Pinakatitigan ito. "Dad," lumapit na rin siya rito. "Where is her mother?" Tumayo na rin ito at hinarap siya. "I-I don't know, dad," pikit-mata niyang tugon. "What do you mean? Hindi mo alam kung nasaan ang ina ng anak mo?" bulyaw nito sa kaniya. "Dad--" "Daddy, bakit po sinisigawan ka niya?" "No, baby." Sinulyapan niya ang bata. "Nag-uusap lang kami. And he is your lolo." Ubod-tamis siyang nakangiti habang ipinapakilala ang ama niya sa bata. Tumayo ito. Humakbang patungo sa kaniya, humawak ang maliit nitong kamay sa pantalon niya. "Galit po siya sa iyo?" Iniyukod niya ang ulo. Masuyong hinaplos ang malambot nitong pisngi. "Nope! Nag-uusap lang kami." Hinarap naman nito ang kaniyang ama. "You are my lolo po ba?" Awang ang bibig habang dahan-dahang ibinabaling ng ama ang tingin nito sa kaniya. "Dad, tinatanong ka." "Ahm, yes, baby." Umupo ito't niyakap si Avi. "I'm your lolo." Makahulugang siyang tiningnan ng ama. "Anak, balik ka na sa tabi ni Tito Tyron, mag-uusap lang kami ng lolo mo." "Okay po." Hatid-tanaw niya ito patungo sa tabi ni Tyron, at napansin niyang abot-tainga ang ngiti ng kaniyang kaibigan. "Sira-ulo talaga!" Sumunod siya sa ama sa gilid ng office niya. Mukhang ayaw iparinig sa bata ang pag-uusapan nila. "Now, tell me, paano mong naging anak ang batang iyan?" Nakaramdam siya ng biglang pagkauhaw. Napalunok siya ng laway, pero hindi iyon sapat. "Dad, hindi pa naman siguradong sa akin ang bata. Kaya nga, nagpa-DNA test na kami." "And what if sa iyo?" Hindi siya nakasagot. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang gagawin kung sakaling anak nga niya ito. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa iyo, Aedam, na-karma ka na. Pero sa lahat ng karma, ito ang pinakagusto ko." Gumuhit ang ngiti sa labi nito na ikinaawang ng bibig niya. Inakbayan pa siya. "Congratulation, anak. Pagdating sa ganiyan, I'm proud of you. Ang gandang bata. Maganda talaga ang lahi natin." Nadagdagan ang pagkakaawang ng bibig niya. "Hindi ka galit, dad?" "No! Bakit ako magagalit? Natupad na ang pinakaaasam-asam ko... ang magkaroon ng apo." Muli itong ngumiti. Binitiwan na siya nito't tumingin sa bata. "Hanapin mo ang ina niya at gusto ko'y sundan mo na ang batang iyan--" "Dad!" "What?" Kumamot siya sa batok. "Hindi ganoon kadali ang gusto mo." "Anong hindi? Ayan ang katibayan, oh!" Itinuro nito si Avi. "Gusto ko'y lalaki naman, anak. Shap shooter ka naman. Magaling ang iyong semilya. Natumbok mo agad!" "Dad, hindi pa naman ho tayo nakasisiguro na sa akin ang bata. At isa pa, gumagamit ako ng protection." "Surrogate?" "Dad, mas lalong hindi ako nagbenta ng sperm ko--" Nahinto ang pagsasalita niya nang batukan siya nito. "Wala akong sinabing nagbenta ka ng sperm mo! Ka-lalaki mo kasing tao, napaka-burara mo. Kung saan-saan mo ikinakalat ang iyong katas! Sa dami ng naikama mo, hindi mo na matandaan kung saang sinapupunan lumipad ang katas mo!" bulyaw nito sa kaniya. Napakamot na lamang siya ng ulo. Wala talaga siyang matandaan sa mga naikamang hindi siya gumamit ng protection. DNA test na lamang ang makapagpapatunay kung anak nga ba niya ito. "But you know what, maganda ring lumipad ang sperm mo sa matris ng ina niya, magandang bata, e. Girl version mo ang bata." Napailing na lang siya sa sinabi ng ama at saka'y sinulyapan ang bata.Kasulukuyang nasa opisina si Rex, paulit-ulit na tinitingnan ang tambak na papel. Naisip niyang hindi madaling magpanggap, lalo na sa katauhan ng isang Aedam Cromwell. Ang hirap ng ginagawa nito lalo na ang pamunuan ang isang kompanya. Hindi niya alam kung paano mapapantayan pagdating sa paghawak ng ganoong negosyo. Masyado itong maabilidad. Subalit... agad na sumilay ang ngiti sa labi niya. "Ito ang plano namin-- ang pabagsakin ang CromX." Humalakhak ang isipan niya. Ngayon pa lang ay gusto na niyang ipag-celebrate ang mangyayari. Walang makapipigil sa kaniya. Wala na si Aedam, hindi na ito babalik at kung babalik man ito, tiyak na hindi ito paniniwalaan. "At si Meadow, akin ka na! Hindi ka na niya makukuhang muli sa akin." Natigil ang pagmumuni-muni niya nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Hindi 'yon ang lumang cellphone ni Aedam, dahil hindi niya nakuha 'yon sa loob ng sasakyan. Agad na nagsalubong ang kilay niya nang makitang hindi naka-register ang numerong tumatawag. May
Naging masaya ang ilang araw na bakasyon at nang araw na yun ay pabalik na sila. Isinantabi ni Meadow ang suliranin tungkol sa naiisip na hindi si Aedam ang kasama nilang lalaki, dahil sa kaniyang anak. Masayang-masaya ito at hindi niya kakayanin na magdusa itong muli. Lahat ay gagawin niya para kay Avi at sa sanggol na nasa sinapupunan niya. Kasalukuyan siyang nasa inukupang silid, nakalatag sa kama ang mga gamit nila. Nakaharap sa bintana, ang mata niya'y nakatutok sa tanawing nasa labas. Maraming senaryo ang dumaraan sa kaniyang isipan, naantala nga lang yun ng may nagsalita sa likuran niya. "Mommy..."Bahagya siyang napapitlag nang marinig ang matinis na boses ng anak. Kaagad siyang lumingon. Malalaki ang hakbang nitong patungo sa kaniya."Thank you po. Nag-enjoy po ako."Napangiti siya lalo na nang yakapin siya ng anak. "Anything for you, anak. Basta ang usapan natin ha." Sapo ang tiyan, unti-unti siyang yumukod, ipinantay ang mukha sa mukha ng anak. Gusto niyang masilayan ang
"Is she mad?" "What do you think?" Naniningkit ang mata ni Meadow, naririnig niya ang bulungan ni Kent at Zeus. "Nagtatanong pa talaga," yamot na sabi ng isipan niya, sinabayan pa ng pag-ikot ng itim ng mata. "Galit nga," tinig ni Zeus. Mas lalo siyang nakadama ng inis. Ilang beses na niyang pinagsabihan ang mga kaibigan ng asawa, pero ginagawa pa rin. Masyadong ini-spoiled ang kaniyang anak. "Baby..." Hindi na yata nakatiis ang kaniyang asawa sa matulis na ngusong ipinapakita niya. Sa halip na sagutin ay pinandilatan niya ito ng mata. Hindi naman nagpatinag si Aedam. Lumapit ito at tumabi ng upo sa tabi niya. "Hey, bakit ka nagagalit? What's wrong?" "Seriously? Nagtatanong ka pa talaga?" Umawang ang bibig nito at lumipat ang paningin sa mga kaibigan. "Yang mga kaibigan mo, binilihan na naman ng gamit ang anak mo kahit hindi naman kailangan!" singhal niya. Wala na siyang pakialam kung marinig man ng dalawang lalaking nasa kabilang mesa ang sinasabi niya. Mabuti na lama
Hindi na naman lubayan ang isipan ni Meadow sa narinig na pakikipag-usap ni Aedam sa kung sino man. Ayaw siyang patahimikin. Para iyong turumpong paikot-ikot. Ang daming tanong ang tumatakbo sa isipan niya. Sino ang taong kausap nito? Wala siyang ibang kilala na tinatawag nitong tito. "Hindi kaya may iba si Aedam?" Maagap niyang ipinilig ang ulo at binura ang katagang pumasok sa isipan. Hindi kailanman ito magkakaroon ng ibang babae. Babaero man ito noon, pero napatunayan niyang nagbago ba ito... hindi lang isang beses, kundi maraming beses na.Huminga siya ng malalim. "Siguro'y isa sa kaibigan niya o kaya naman ay anak ng board members," kumbinse niya sa sarili. Natigil ang paglalakbay ng isipan niya nang pumasok ang kaniyang anak. Masiglang-masigla ito. "Mommy, ang ganda po talaga rito!" buong paghangang sambit nito. Hindi ito ang unang beses na pumunta sa lugar na ito. Nang bago pa lang sila ikakasal ni Aedam ay isinama sila rito at kasama ang buong barkada ng kaniyang asawa.
Pinagmamasdan ni Meadow si Avi, masiglang-masigla ang kaniyang anak, patungo na sila sa three days vacation sa resort ni Kent. Katabi si Aedam, na hindi binibitiwan ang kaniyang kamay. Nasa likuran ang kanilang anak, katabi nito si Eliza, kasama rin nila si Cindy na tahimik lang sa kanilang likuran. Hindi na sumama si Paula dahil may lakad ito. "Nak..." "Yes po, mommy?" "Hindi ka napapagod?" "Saan po, mommy?" Nilingon niya ito. Hawak ang paborito nitong stuff toy na regalo ni Drake. Ang mata ay seryosong nakatitig sa kaniya. "Ang ingay mo e." Humagikgik ito, ang kanang palad ay nakatakip sa bibig. "Sorry, mommy. Excited lang po ako." "Pagdating mo sa resort ni Kent, wala ka nang energy," aniya, kahit alam niyang hindi kailanman mangyayari yun. Tiyak na full ang energy nito pagdating sa kanilang pupuntahan. "Baka sabihin mong lalo nang naging hyper yang anak mo," tugon ni Aedam. "Paniguradong tatalon agad yan sa pool." Sumang-ayon siya sa sinabi ng asawa. Akal
Pumitik ang isang daliri sa kamay ng lalaking matagal nang nahihimbing. May benda ang kaliwang pisngi at may nakakabit na dextrose sa kamay nito, mayroon ding oxygen sa bibig. Gumalaw ang talukap, hanggang sa unti-unting bumuka ang mata. Sa una ay malamlam ang kaniyang nakikita, kaya't muli siyang pumikit, at nang muling magmulat at kaagad niyang sinuri ang paligid. Naantala ang pag-uusisa niya sa paligid nang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang babaing nakasuot ng kulay puti. Mabilis itong lumapit sa kinaroroonan niya nang makitang mulat na ang kaniyang mata. "Thanks God, you're awake, Sir," sabi nito kasabay ng pagtanggal sa nakakabit sa bibig niya."Where am I?""You're at the Sta. Lucia Mental Hospital, Sir."Mabilis na nagsalubong ang kilay niya sa narinig. "I'm in-- what?" Pilit niyang pinoproseso ang sinabi ng nurse."Oh sorry, Sir. Explain ko po sa iyo ng maayos. May facility rin ang pagamutan ito para sa mga pasyente na nagkakasakit o yung mga taong nakakasakit ng malubha







