NAPUNO ng halakhak ang office ni Aedam dahil kay Avi at ama niya. Ngayon lang niya narinig ang ganoong tawa mula sa ama simula nang mawala ang kaniyang ina. Iba nga siguro kapag may apo na ito. Nagkaroon muli ito ng ibayong sigla, tulad nang nabubuhay pa ang mommy niya. But what if, hindi niya anak si Avi? What if, bawiin ito ng tunay na magulang? Tiyak na masasaktan ang kaniyang ama.
Naitanong niya sa sarili, ito na ba ang panahon para magseryoso siya? But he hates commitment. And ayaw niya ng obligasyon sa pamilya. Masaya siya sa pagiging single. "They're having fun," pukaw ni Tyron. Hindi niya binigyang-pansin ang sinasabi nito. "How many Zamoras did you find?" Iba ang lumabas sa bibig niya. "One." "One?" Salubong ang kilay na pinaikot ang upuan upang harapin ang kabigan. "Pinagloloko mo ba ako?" "Yes, one. One thousand in a different places" Lalong nadagdagan ang pagkakakulot ng kilay niya. "Are you f*cking serious?" "Aha! Not to mention in other countries." Bahagyang umawang ang bibig niya. Saang lupalop ng daigdig niya hahanapin ang ina ng batang ito? "Yung nandito sa malapit, sa Manila." "Negative," tanging tugon nito kasabay ang paglapag ng mga files sa mesa niya. "Negative?" Tumango ito. Umupo sa katapat na upuan. "I think, hindi Zamora ang inilagay o kaya ayaw nitong ilagay ang mukha sa social media." Pagal na isinandal niya ang likod sa head rest ng upuan. "Mag-hire tayo ng private investigator. I want to know who's the mother of that child," nakatuon ang paningin niya sa batang masayang nakikipaglaro sa kaniyang ama. "Okay. I'll call Jack," tukoy nito sa isa nilang kaibigan na isang agent. Inapuhap nito ang phone at saglit ang lumipas ay kausap na nito ang kanilang kaibigan. Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa ng mga files, may bago silang i-re-release na new model ng cellphone at kailangang ma-finalize na 'yon. Tutok na tutok ang mata niya nang biglang pumasok sa isipan niya ang isang senaryo. A few years ago, he met a girl in a bar. They were both drunk and he didn't know what happened. He just woke up inside the room. And they're both naked. Pilit niyang inalala ang pangalan at mukha ng babae ngunit bigo siya. "Sh*t!" angil niya. "Uft! Bakit ngayon ka pa hindi gumana?" Marahan niyang pinukpok ang ulo gamit ang dalawang palad. "Daddy, stop hurting yourself po. Are you mad po?" Naipikit niya ang mata. Nakita pala siya ng bata. "No, baby. May iniisip lang ako pero hindi ko maalala." Tumayo ito. Iniwan ang ama niya't lumapit sa kaniya. "Kiss po kita, daddy." Itinaas nito ang dalawang braso. Bahagya siyang yumukod. Iniyapos nito ang maliliit na braso sa leeg niya. Binuhat niya ito't iniupo sa kandungan niya. "Sige nga, kiss mo nga ako." Idinampi nito ang malambot na labi sa pisngi niya. Napangiti siya, para ngang guminhawa ang pakiramdam niya. Nasundan pa ng isa. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa magsunod-sunod na. Lumaki ang pagkakaguhit ng ngiti sa labi niya. Mahigpit niya itong niyakap. "Ang dami namang kiss. Ang sarap! Natanggal ang pagod ko." "Talaga po?" Nangingiting tumango siya. Pinakatitigan niya ito. Hawig nga ito sa kaniya. May posibilidad na kaniya nga ito. Sa kaniya, wala namang problema kung kaniya nga ito, ang tanong lang, kung sino ang ina nito at kung kaya ba niyang gampanan ang pagiging tatay? "I'll go ahead, Aedam. May pupuntahan nga pala ako," paalam ng kaniyang ama. "Okay, dad. Baby, say ba-bye to your lolo na." Maliksi itong bumaba sa kandungan niya at patakbong lumapit sa kaniyang ama. Ang cute lang talaga nitong tingnan. Nag-sway ang suot nitong skirt habang tumatakbo. Ganoon din ang buhok na tig-kabilang naka-pony. "Bye po, lolo." Nangunyabit ito sa leeg ng kaniyang ama. Tulad niya, pinupog din ito ng halik. "Love you po." Lumaki ang ngiti niya nang marinig iyon. Ang sweet ng batang 'to. "I love you more, apo." Gumanti na rin ng halik ang ama niya. Kapagkuwan ay bumaling ito sa kaniya. "Ang bata, ha. Baka mapabayaan mo," bilin nito. "Don't worry, dad. I can take care of my child." Narinig niya ang pag-ubo ni Tyron. Nilingon niya ito. Mukhang inaasar na naman siya. Hindi na lang niya ito pinatulan. "Come here, baby. Hatid natin si lolo sa labas." Pinagitnaan nila ang bata. Ang maliit nitong palad ay sakop ng tig-isa nilang palad. Lumabas sila ng office niya. Nakita niyang subsob ang secretary niya sa computer. Huminto sila sa harap ng elevator. "Bumalik na kayo sa loob." "Ihahatid ka namin sa ground floor, dad." Pumayag na rin ang kaniyang ama. Nang bumukas ang elevator ay binuhat nito si Avi. Nakita na naman niya ang kislap ng mata nito. Habang umuusad paibaba ang elevator ay magiliw na nag-uusap ang dalawa. Huminto ang elevator sa kasunod na palapag, pumasok ang kanilang empleyado. Nang sumunod na palapag ay muling huminto at pumasok ang isang seksi at magandang babae. Hindi niya matiyak kung empleyado ba ito o nag-aapply pa lang. Hindi rin niya napigilang maakit, lalo na't sa unahan niya ito pumwesto. "Sexy!" Nais na niya itong lakumusin ng halik, ikulong sa matipunong bisig niya, ngunit hindi puwede. Huminto muli ang elevator. Umurong ang babae sa puwesto niya para bigyan ng daan ang mga sasakay na tatlong lalaki. "Kunti na lang, mararamdaman ko na ang init ng 'yong katawan," pilyong anas ng isipan niya. "Daddy..." Napalingon ang mga sakay ng elevator sa batang nagsalita. Pinigilan niyang huwag huminga. Mukhang isisigaw ng bata na siya ang ama nito. "Daddy, grandpa is asking you something." Napilitan siyang lumingon sa gawi nito. Nandoon nga rin pala ang kaniyang ama, na masama ang tinging ipinupukol sa kaniya. Pinagpawisan siya. Dobleng init ang kaniyang nararamdaman. At hindi titigil ang isa hangga't hindi niya nailalabas, pero ngayong may bata na siyang kasama, kailangan na niyang pag-aralan kung paano pigilin. "Aedam, binabalaan kita!" mahina ngunit mariing tinig ng kaniyang ama. Lumod-laway siyang umiwas ng tingin dito. Bumukas ang elevator, hinintay nilang lumabas ang mga nasa una kasama na ang babaing dahilan ng paghuhirumintado ng nasa pagitan ng dalawang hita niya. Sa paglalakad nila'y narinig niya ang bulungan ng mga taong nararaanan nila. Mukhang hindi makapaniwala na may kasama silang bata. Hindi na lang niya pinansin ang naririnig. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad kasabay ang ama. "Take care of my apo, Aedam. And find her mom, as soon as possible!" ma-awtoridad nitong utos. "Yes, dad." Pilit siyang ngumiti rito. Bago sumakay ang ama niya'y humalik muna ito sa pisngi ni Avi. Kinuha na niya rito ang bata at nang makaalis ito'y saka pa lamang sila pumasok. "Do you want to eat, baby?" "Uhm, Jabe po." "Jabe?" Salubong ang kilay niya. "Jabe po, daddy." "Ano yung Jabe, anak?" "Yung red bee, Daddy." "Red bee?" Hindi niya matukoy kung ano ang sinasabi nito. "Red b-- ah!" Natawa siya, Jollibee pala. "Okay. If that's what you want. Order tayo ng Jabe." "Yeheeyy!" Sa pagsigaw nito'y nakatawag sila ng atensiyon, mga empleyadong nasa entrance ng building. Pinagtinginan sila. "What?" singhal niya sa mga ito. "Why po, daddy? Bakit ka po sumigaw?' Lumakad ang tingin niya sa kalong na bata. "Nothing, baby. Let's go. Balik na tayo sa office ko." Dumikit ang dibdib nito sa kaniya. Ipinulupot ang braso sa leeg niya. "Love you, daddy." H******n nito ang pisngi niya na sobra niyang ikinasiya. Sa paglakad nila ay nakasalubong nila ang babaing sakay ng elevator, ang babaing sexy. Pasok na pasok sa standard niya. Ngayong umalis na ang kaniyang ama, puwede na siyang gumawa muli ng kalokohan. Kumislap ang pilyong ngiti sa kaniyang mata. "Wait!" Huminto ito't nilingon siya nito. "New ka ba rito?" naitanong na lang niya sa babae. Tipid itong ngumiti. Ibinaba niya si Avi at kunwaring tinanong ang babae. May mga personal siyang itinanong rito, at masiglang sumagot. Inabot nang ilang minuto ang kanilang pag-uusap at nang balingan niya ang kasamang bata ay wala na ito sa tabi niya. Pinagala niya ang paningin, pero hindi niya matagpuan. "Tinamaan ka ng magaling, Aedam! Nasaan na si Avi?" "Avi? Sino pong Avi ang tinatanong niyo, Sir? "Y-yung bata na kalong ko kanina." Nagsimulang dagain ang dibdib niya. Paano kung nawawala ito? Paano kung dinukot? "Hindi ko po siya napansin, Sir." "Lagot na, Aedam!" hiyaw ng isipan niya. "What did you do? Nakakakita lang ng sexy at maganda, bumigay ka na. Kinalimutan mo na si Avi?" saad niya sa sarili. Naisuklay niya ang daliri sa sariling buhok. Nagtanong-tanong siya mga taong nandoon pero iling at hindi ang sagot sa kaniya. Nagbilin siya sa taong nasa information, kung sakaling may makita siyang bata, huwag mag-atubiling lumapit sa kaniya. Tumango ang kausap niya. Pinuntahan niya ang security office, kailangan niyang i-check sa CCTV kung saan nagpunta si Avi. Tiyak na malilintikan siya sa ama kapag nawala ito sa kamay niya. Hindi rin naman niya maatim na pabayaan ang bata. Habang naglalakad ay napagtanto niyang malaking bahagi ng kaniyang pagkatao ang natatakot. "Buw*sit! Ngayon, hindi lang ina ng bata ang hahanapin ko, maging si Avi na rin. But I'm sure na hindi ito makalalabas ng building." Hindi nito kayang buksan ang pintuan ng entrance. Ginulo niya ang buhok, kasalukuyan na siyang nasa security office. Paulit-ulit na tiningnan nila ang entrance ng building, ngunit hindi nila nakita ang paglabas ng bata o kung saan ito pumunta. "Bullsh*t na buhay ito! Sa susunod, Aedam, huwag mo nang ikalat ang sperm mo nang hindi ka magkaroon ng obligasyon!" Saan napunta si Avi?May agam-agam pa rin sa puso't isipan ni Meadow kahit nakapagpaliwanag na si Aedam sa kaniya. Ayon sa asawa, nakuha nito ang marka nang mangyari ang insidente. Sumabit ito sa sanga ng puno nang kasalukuyang tumatakas sa nag-aapoy na sasakyan. Hindi siya nagbigay ng kumento, itinikom na lamang niya ang bibig. May ilan pa siyang napupuna rito, pero lahat ay ipinagsasawalang-bahala na lamang niya. Ang importante ay masaya ang anak niyang si Avi. "Anong ginagawa mo rito?" Bahagyang nagsalubong ang kilay niya sa boses na biglang sumulpot sa likuran niya. Agad siyang napalingon, mukha ng asawa ang nabungaran niya, pero hindi yun ang boses nito. Si Rex...Boses yun ni Rex. Pero, bakit? Bakit nakikita niya sa asawa ang lalaking nagpahamak dito."I said, anong ginagawa mo rito?" Patalikod siya nitong niyakap. Pumulupot ang braso nito sa may kalakihang tiyan niya. Umalon ang lalamunan niya. Bakit biglang nanuyo yun? Nangapa siya ng sasabihin. "Pinagmamasdan ko lang ang paligid." Nasa harden
Ilang beses nang nagpapakawala ng hangin si Meadow. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang agam-agam sa isipan niya. May iba siyang nararamdaman, o baka'y sadyang paranoid lang siya. Tiningala niya ang kalangitan, nagkikislapan ang mga bituin. Taimtim siyang umusal ng panalangin. "Gabayan Mo po kami..." "Anong ginagawa mo rito?" Napakislot siya nang may magsalita sa bandang likuran niya. Si Aedam. Seryoso itong nakatitig sa kaniya. Pinakatitigan niya ang mukha nito... mukha ng lalaking minahal niya noon, pero sadyang may kulang ngayon. Hindi niya makapa kung ano. Lumapit na ito sa kinatatayuan niya. "I said, ano ang ginagawa mo rito?" Yumakap ito sa kaniya at sinamyo ang nakalugay niyang buhok. Gumanti siya ng yakap dito, pinakiramdaman kung ano ba nag nag-iba. "Uhm, nagpapahangin lang. Tapos na ba kayong mag-usap ni dad?" "Mmm... natagalan nga, may ikinuwento pa siya sa akin." "Ano naman ang pinagkuwentuhan niyo?" muling tanong niya kasabay ng pagsamyo sa amoy
"Daddy..." tili ni Avi. Patakbo nitong sinalubong ang ama. Kitang-kita ni Meadow ang pananabik sa mata ng anak. "Ang kulit talaga ng anak mo. Ilang beses na naming pinagsasabihan, pero ayaw kaming sundin," naiiling na pahayag ni Meadow. Gusto sana niyang tanungin si Aedam, dahil ang alam niya ay bukas pa tatanggalin ang benda sa mukha nito, pero hindi na siya makahanap ng tiyempo dahil sa anak. "Daddy..." "Baby ko." Bahagyang yumukod si Aedam para salubungin ng yakap ang anak. "Hi, baby. I've missed you so much." Binuhat nito si Avi at buong pagmamahal nitong pinupog ng halik.Humagikgik ang kanilang anak sa ginawa ng asawa. Hin*gkan nito sa leeg, sa may puno ng balikat, itinaas pa nito ang kamay ng anak para mah*likan ang kililiki. Alam niyang nakikiliti ito dahil panay iwas si Avi. Habang nakatitig sa kaniyang mag-ama ay may dumaang alaala sa kaniyang isipan. Dahil doon ay unti-unting naglaho ang ngiti sa labi niya. Si Rex. Si Rex ang gumagawa n'on sa anak niya. Para siyang natuk
"Where have you been, Mommy?" may halong lungkot ang tanong ni Avi. Dama ni Meadow ang lungkot sa boses ng anak. Nakatitig ito sa kaniya kaniya. Kararating lang niya at naabutan niya ito sa sala. Malungkot at mag-isa. Ilang araw na siyang pabalik-balik sa hospital, hindi na halos nakakasama ng maayos ang anak. Maagang umaalis at kapag bumabalik ng mansyon ay tulog na ito. Nawalan siya ng time sa anak dahil sa pag-aasikaso sa asawa. Mabuti na ang kalagayan ng huli at ilang araw na lang ang hihintayin niya para matanggal ang bendang bumabalot sa mukha nito. "Come here, baby." Ibinuka niya ang dalawang braso at hinintay ang paglapit ng anak. Kagat nito ang ibabang labi habang lumalapit sa kaniya. Ganito ito 'pag nagtatampo. Buong pagmamahal niyang niyakap ang anak. Hinagkan ito sa ulo. "Love you, 'nak. Pasensiya ka na, naging busy lang ako nitong mga nakaraang araw," paumanhin niya rito."Okay po, mommy." Malungkot pa rin ang boses nito, walang kasigla-sigla. "Tomorrow, hindi aalis
Nakahinga na ng maayos si Meadow. Pinakinggan ang dasal niya, ligtas na sa kapahamakan ang kaniyang asawa. Naghihintay pa rin sila sa labas, hinihintay na matapos ang surgery. Tinanggal na niya sa sistema ang lahat ng agam-agam at pangamba para sa asawa. Dapat pa nga ay mapagsalamat siya dahil ligtas ang asawa niya at sa mga susunod na araw ay muli na nilang makakapiling ito."Are you okay?" Napilitan siyang tumango sa tanong ni Drake. "Yeah! Iniisip ko lang si Avi," naitugon niya rito. "Uhm, about sa sinasabi ko sa iyo kanina--" "Huwag na nating pag-usapan 'yon, Drake. Ang importante ngayon ay ligtas si Aedam."Hindi ito nagsalita pero narinig niya ang pagpakawala ng malalim na hininga nito. Tumahimik na rin siya. Isinandig ang likod sa sandalan ng bangko, 'tsaka'y ipinikit ang mata.Malapit nang sumapit ang ika-lima ng hapon nang lumabas si Doc. Guerilla. Ipinaalam nitong tapos na ang surgery. Kailangan na lang maghintay nang ilang araw para sa pagtanggal ng benda. Anumang oras a
Nag-panic si Meadow nang makitang nagkakagulo ang nurse. Kaya ba siya kinakabahan ay dahil dito? Hindi ba makaka-survive ang asawa niya? Mariin siyang pumikit at taimtim na nanalangin. "Kahit para sa anak natin, Aedam, lumaban ka, please!" Mangiyak-ngiyak na siya, nanginginig ka rin ang tuhod sa sobrang takot. Ang puso ay parang luluwa na. "What's goin' on?" Iminulat niya ang mata nang marinig si Tyron. Nasa tabi pa rin niya si Drake, nakatitig lang ito sa kaibigang kinakausap ang nurse."Nagkaroon po ng flat lines ang heartbeat ng kaibigan niyo, pero ginagawa po ni Doctora ang lahat. Babalitaan ko na lang po kayo. Excuse me po." Nagdumaling pumasok ang nurse sa loob. Naiwan silang walang masabi. Kapwa nangangapa at hindi malaman kung ano ang gagawin. Paano na? Paano kung tuluyang mawala ang asawa niya? Sa isiping 'yon ay parang gustong bumigay ng kaniyang tuhod. Hindi niya kakayanin. Napasinghap si Meadow nang biglang tumunog ang cellphone na nasa bag niya. Nanginginig ang kamay