Share

Chapter 2

Author: Writer Zai
last update Last Updated: 2025-01-07 14:23:38

MAKAHULUGAN ang titig kay Aedam ng kaibigan. Maayos na natapos ang meeting niya. Ngayon ay magkaharap sila at kapwa naguguluhan. Nagtatanong ang mata nito sa kaniya, at maging siya. But still, hindi niya maalala.

Clueless.

Speechless.

Nganga. As in, wala siyang idea kung paano at kailan nangyari. Gumagamit siya ng protection kaya paano siya magkakaroon ng anak?

"Daddy, I want chicken po."

Sabay na gumawi ang tingin nila sa batang kumakain. Magalang ito. Cute. Tiyak na magandang ang ina ng batang ito.

"Please po, daddy."

Sumenyas sa kaniya si Tyron. Salubong ang kilay na sinunod niya ito. Gamit ang fork at spoon ay pinaghimay niya ito ng fried chicken. Inilagay iyon sa pinggan ng bata.

"Thank you po, daddy. You're the best po. I love you po."

May tila malamig na kamay ang humaplos sa puso niya matapos nitong ngumiti at marinig ang salitang binitiwan nito. Yung tipo na, feeling proud daddy siya, pero hindi talaga niya matandaan at wala siyang maalala sa mga nakaniig na hindi gumamit ng protection.

"I used c**dom. Bago lahat and it's all branded. Hindi iyon mabubutas. Hindi naman puwedeng lumipad ang sperm ko sa matris ng nanay niya? Kaya, imposibleng anak ko iyan!" Napatunghay ang mata niya sa kaharap na kaibigan.

"But she looks like you."

Sabay na napabaling ang paningin nila sa batang maganang kumakain. Kamukha nga niya ito. Hindi niya napigilan ang sarili na lumunok ng laway

"Para kayong pinagbiyak na bunga," sabi pa ni Tyron. "Ang kaibahan nga lang, wala kang dimple... sa p*wet ka lang merun."

"Sira talaga ang ulo mo! Kung wala kang magandang sasabihin--"

"Are you fighting po?"

Natigil ang bangayan nila. Sabay na dumako ang paningin nila rito. Para itong anghel na kayang paamuin ang isang tigre.

"No, baby," tugon ni Tyron. Inabot pa ng kaibigan niya ang pisngi nito.

"Hey!" Maagap siyang pumalag. "Don't touch her!" Inalis niyang pilit ang kamay ng kaibigan sa pisngi ng bata. Ewan ba niya kung bakit siya nakararamdam na para gusto niyang ipagdamot ang bata sa iba.

"Aw! Hinihipo ko lang naman ang pisngi niya. Ang cute kasi. Huwag mo namang ipagdamot ang anak mo sa akin," pang-aasar nito sa kaniya.

"Shut up! Or else--"

"Or else what?"

Pinukol na lang niya ito ng masamang tingin, at muling itinuon ang paningin sa batang magana ng kumakain. Numumutok ang magkabilaang pisngi nito dahil sa pagkain. Sino kaya ang ina ng batang 'to?

"Alam mo, p're, matalino siyang bata. Mukhang nagmana nga sa iyo."

"Paano mo nasabing nagmana siya sa akin? E, hindi ko pa naman nakikilala ang ina nito! Hindi natin alam, sindikato pala ang may pakana nito."

"Ay, ang taas agad ng nalipad ng utak mo, boss. Naririnig ka ng anak mo, oh." Inginuso nito ang katabi niyang bata.

"I'm full po, daddy." Itinulak ng bata ang pinggan. May kaunti pang kanin pero ubos na ang hinimay niyang manok. "Thank you po, daddy."

"W-welcome," pilit siyang ngumiti rito.

Ibinigay niya ang iced tea rito at dahil maliit ang kamay ay dalawang palad ang ginamit nito para mahawakan ang baso.

"Ako na lang ang maghahawak."

Sinunod ng bata ang sinabi niya. Maingat niyang hinawakan ang baso at nagsimula itong uminom. Nangalahati ang laman ng baso.

"Thank you, daddy."

Ang cute ng bata. Palagi itong nagpapasalamat sa kaniya. Maganda ang pagpapalaki ng ina rito. Ibinalik niya ang baso sa gilid ng pinggan.

"Umm, baby, what's your mother name, baby?" kapagdaka ay tanong ng kaibigan.

Sumikdo ang puso niya sa tanong ni Tyron. Ewan ba niya kung bakit.

"My mom..." Nag-isip ito. Matagal. Ang ending umatungal ito. "Waaahhh... daddy, I don't know po. Am I bad po? I forgot my mom."

Muli silang nagkatinginan ni Tryon. Pinagloloko ba sila ng batang ito? At nang muling matuon ang paningin niya sa bata ay biglang nagbago ang awra nito

"Shit!" murang lumabas sa isip niya. Ang mata nitong namumungay ay tutok na tutok sa kaniya. Paramg nagpipigil ng kung ano. "You need anything?"

"Daddy, nawewewe po ako."

"What?"

"Wewe ako, daddy." Namimilipit ang bata. Hindi malaman kung ano ang gagawin."

"F*ck! Nasaan ba kasi ang ina nito? Gagawin pa yata akong nanny." Humingi siya ng tulong sa kaibigan. "Tyron, what will I do?"

"Then, samahan mo siya sa comfort room."

Tarantang tumayo siya. Binuhat ang batang hindi pa rin niya kilala. Mabibilis ang kaniyang hakbang. Huminto siya sa tapat ng ladies at men's room. Saan siya papasok? Nanggigil na siya sa sobrang inis.

"Daddy, hurry up po!"

Mas lalo siyang nataranta. At ang ladies room ang napali niya. Pagkabukas ng pinto ay bumungad sa paningin niya ang mukha ng babaing palabas.

"Sir, ladies room ito. Doon sa kabila ang mens roon."

"Oh! I'm sorry. I'm with--"

"Daddy, wewe na po ako." Lumabi ang batang kalong niya na lalong nagpataranta sa kaniya.

"Oh, God!" Humakbang siya patungo sa men's room.

"Wait lang, sir. Akina ang anak mo. Sasamahan ko na siya sa loob," sabi ng babaing nakasalubong niya.

"Thank you," aniya.

Nakahinga siya ng maluwag. Ibinigay niya rito ang bata. Matapos ang ilang minuto, muling lumabas ang babae, akay nito ang bata. Humawak sa palad niya ang bata.

"Thank you po, tita ganda. Ba-bye po," kumaway pa ito sa babae.

"Thank you, miss."

"Misis na ako, sir."

"Oh, sorry. Mukha ka kasing dalaga." May laman ang sinabi niyang iyon. Actually, maganda ito. Pasok sa kaniyang standard, kaso misis na raw pala. Hindi niya type pumatol sa may asawa, kaya pass na lang.

Ngumiti lang ito. "Ang cute ng anak mo, sir. Halatang sa iyo nanggaling."

Nauna itong umalis. Naiwan siyang halos hindi na makagalaw. Kamukha nga ba talaga niya ang bata? Anak nga ba talaga niya ito? But, how? Why?

Nagising ang diwa niya nang kalabitin siya ng bata. "Daddy..."

"Oh, sorry. Let's go."

Magkahawak ang kamay nila nang bumalik sa mesa. Naabutan nilang may kausap sa phone ang kaibigan niya. Hindi na siya umupo, hinintay na lang niyang matapos ang pakikipag-usap nito. Kailangan niyang pumunta sa office, may pipirmahan pa siyang papeles.

Tumayo na ang kabigan niya at lumapit sa kaniya. "Sa office ba tayo ngayon?"

Halos maiyak na siya habang tumatango, na ikinakunot ng noo ni Tyron.

"Oh, e, bakit ganiyan ang mukha mo? Para kang hindi mapaanak na pusa."

"How about the child?" halos pabulong niyang tanong. Hindi niya magawang tingnan ang batang nakahawak sa kaniya. Tiyak na magpapa-cute na naman ito.

"Isama mo. Problema ba iyon?"

"Ano? Bakit ko siya isasama? E, hindi ko nga kilala ang batang ito!" may diing sagot niya.

Natatawang umiling ang kaniyang kaibigan. "Ang laki talaga ng problema mo, p're. Simple lang ang solusyon diyan, ipa-DNA test." Pagkawika nito'y naglakad na ito palabas.

Naiwan siyang awang ang bibig. Dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin sa bata. Wala ba itong kasama nang pumunta rito? Pumantay siya rito at malayang pinagmasdan ang mukha nito. Kamukha nga niya.

Kung totoo man na anak niya ito..."Bullshit na sperm! Pakalat-kalat kasi sa daan!" angil niya sa sarili.

"Baby, wala ka bang kasama nang pumunta rito?" malumanay niyang tanong dito.

"Merun po. Ang tita ninang ko po. Bad po ako, daddy. She said, huwag akong aalis sa tabi niya, pero ginawa ko pa rin," humibi ito, pero sa halip na maawa ay natuwa pa siya. Lalo itong naging cute sa paningin niya.

"Okay-okay. Don't cry. Sama ka na lang sa akin." Hindi naman siguro siya kakasuhan sa gagawin niya. Besides, siya raw ang ama ng bata.

Binuhat na niya ito at nagtuloy sa labas. Naabutan niyang may kausap na naman sa phone ang kaibigan niya. Hindi na lang niya ito pinansin. Binuksan niya ang passenger seat at maingat na isinakay ang bata. Ikinabit din niya ang seatbelt nito.

"Hey! Magkita na lang tayo sa office," paalam niya sa kaibigan.

Tumango lang ang kaibigan niyang abot-tainga ang ngisi. Mukhang babae na naman ang kausap nito. Ganoon silang magkakaibigan kapag babae ang kausap, daig pa ang naka-jackpot ng premyo.

Sumakay na siya at dahil may kasama siyang bata, malumanay lamang ang pagpapatakbo niya sa sasakyan. Laking pasasalamat niya dahil walang gasinong traffic. Pagka-park niya ng sasakyan ay saka pa lamang niya napansin ang batang nahihimbing na sa pagtulog. Maingat siyang lumabas at gumawi sa kinaroroonan nito. Ingat na ingat siya na huwag makalikha ng anumang ingay. Ang bata na lang ang dinala niya, ipakukuha na lang niya sa kaniyang secretary ang kaniyang gamit. Inihilig niya ito sa kaniyang dibdib.

"You're so cute," puri niya rito.

Nakakagigil at parang ang sarap pisilin ng maumbok nitong pisngi. Sa entrance ng building ay nagsipangtinginan ang mga empleyado sa kaniya, may mangilan-ngilan na bumabati at mayroong hindi makapaniwalang may bitbit siya ngayong bata. Hindi na lang niya pinansin ang mga mapanuring mata, tiyak na magigising ang bata kapag nagbubulyaw pa siya.

Pagkarating sa office ay sinalubong siya ng secretary, at tulad din ng mga tao sa ibaba, nakanganga rin ito. Gustong magtanong pero hindi maituloy-tuloy.

"What?" iritadong tanong niya.

"N-nothing po, sir."

Bago pa tuluyang uminit ang ulo, inutusan niya itong kunin ang mga gamit niya sa sasakyan. Ibinigay niya ang susi rito at nagtuloy na pumasok sa loob ng office. May room siya roon, ipinagawa niya para may mapagpahingahan siya. Maliit lang ang bed, sakto lang sa kaniya. Maingat niyang ibinaba roon ang bata.

"Daddy...I love you po." Nagsalita ito ngunit pikit ang mata.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig matapos marinig iyon sa bibig ng bata. Bakit parang ang saya niya? Ganito ba ang pakiramdam ng isang ama? Anak ba talaga niya ito?

"DNA test..."

Iyon ang pumasok sa utak niya. Ang tanging kasagutan para mapanatag ang kalooban niya. But what if kaniya nga ito? Sinong ina? Ipinilig niya ang ulo. Saka niya iisipin kung sino ang ina nito, sa ngayon ay kailangang masagot ang mga tanong niya.

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Kinuha niya ang gunting sa kaniyang mesa at gumupit ng ilang hibla ng buhok ng bata. Bago siya lumabas ng room, sinigurado niyang hindi ito mahuhulog.

Nang dumating ang kaniyang secretary ay inutusan niya itong dalahin ang envelope na may lamang buhok nila ng bata. Gusto sana niyang siya mismo ang mag-aabot pero tambak ang gagawin niya. Nasa kalaghatian na siya ng binabasa nang pumasok si Tyron. Tinatanong nito ang bata.

"In my room, why?" tanong niya na hindi umaangat ang mukha.

"Wala lang." Naantala ang gagawin nitong pag-upo nang may narinig silang matinis na sigaw.

"Daddy..."

Mabilis pa sa hangin ang ginawa niyang pagtakbo. Kasabay ng kaniyang pagtakbo ay pagbilis ng tibok ng puso niya. Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya nakaramdam ng ganoong kaba. Nag-unahan pa sila ni Tyron papasok sa kaniyang room.

"Daddy..." Nakaupo ang bata. Umiiyak at ang hinga ay tila mapupugto na.

"Oh, God!" Agad niya itong niyakap. Ang maiiksi nitong braso ay pumulupot sa kaniyang baywang niya. Why does he seem to feel her fear? "What happened, baby?"

"Nanaginip po ako, daddy. Si mommy, kinuha po siya ng monster. I'm scared, daddy." Muli itong pumalahaw ng iyak.

Nagkatinginan sila ni Tyron. Hinihintay niyang kumalma ito, pero hindi tumitigil sa pag-iyak ang bata. Binuhat niya ito at nagtungo sila sa labas. Humihikbi pa rin. Iniupo niya ito sa couch.

"Don't cry." Umupo siya sa harapan nito. "It's just a dream, baby." Pinahid niya ang luha sa namumulang pisngi ng bata. "Tahan na. Okay?"

Pinipilit yata nitong ikalma ang sarili. "O-opo."

"Good girl. Huwag mo nang isipin ang iyong panaginip. Never na mangyayari iyon, okay?"

"Opo." Ang ilong nito'y pulang-pula na. "Daddy, sipon."

Ano raw?

Nagtatanong ang matang tiningnan niya ang kaibigan.

"Sipon, daddy," muling salita ng bata.

Pigil ni Tyron ang pagtawa. Mukhang na-gets na nito ang ibig sabihin ng bata.

"A-ano bang sipon ang sinabi mo, baby?"

Tinamaan ka ng lint*k, Aedam! Bakit kasi ikinalat mo ang 'yong sperm sa daan? Nagkaroon ka tuloy ng obligasyon.

"Waahhh... daddy, sipon," atungal muli nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Val Erie
ang cute hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • INSTANT DADDY    Chapter 123

    "Hi, dude! Kumusta?" Nakangiti nang pumasok si Tyron sa office ni Aedam. Masayang-masaya siya, dahil nakabalik na ang kanilang kaibigan. Buong akala niya'y mawawala na ito, pero sadyang mabait ang nasa Itaas, binigyan ito ng panibagong buhay. Pero hindi pa dapat sila magpakasaya, hindi dapat pakampante, dahil ang taong may kagagawan ng nangyari ay hindi pa rin nahuhuli. Nagtatago na sa kasalanang nagawa.Nag-angat ng mukha si Aedam. Napangiti rin ito nang makita siya. Subalit agad na nagsalubong ang kaniyang kilay nang may mapagtanto. "Where's your eyeglasses?" "Huh? Salamin?" Naglumikot ang mata nito, hindi malaman kung naghahanap ba o nag-aapuhap ng sasabihin. "Nagbabasa ka nang walang suot sa mata?" muling tanong niya. "Ah, yun ba? Nababasa ko naman na e, kaya hindi ko na kailangan ang eyeglasses ko." Imposible!Hindi kailanman ginawa ni Aedam ang bagay na yun, dahil ang doctor ang may payo rito. "Nakakapagtaka naman. Naoperahan din ba ito sa mata?" naitanong niya sa sarili.I

  • INSTANT DADDY    Chapter 122

    Ilang araw nang laman ng isipan ni Meadow nabanggit na panagalan ng hospital, hindi siya mapanatag. Gusto sana niyang tanungin ang asawa, pero sa tuwing maghaharap sila ay palagi siyang natatameme. Isang araw, habang sakay ng kotse, patungo siya sa clinic para magpa-check up, si Cindy ang kasama niya, naraanan niya ang sasakyan ni Drake sa tapat ng isang coffee shop. "Nick, ihinto mo muna ang sasakyan," utos niya sa driver. Nang huminto ay mabilis siyang bumaba, sumunod sa kaniya si Cindy. Hinanap niya si Drake. Natagpuan niya itong nakapila. Noon pa man ay hilig na nito ang kape. Hinintay niya itong matapos. Ang mata niya ay nagmamasid sa paligid, may mga teenager na nakatambay roon at malalagkit ang titig sa binata. Sino ba naman ang hindi mapapatingin dito, wala itong tulak-kabigan tulad din ng asawa niya. "Ate, sino po ang hinihintay natin dito?" bulong sa kaniya ni Cindy. "Ang lalaking yun," itinuro niya ang lalaking nakasuot ng gray na t-shirt. Tulad ng asawa niya, mat

  • INSTANT DADDY    Chapter 121

    Hindi mapakali si Meadow, paroo't parito siya sa loob ng banyo. Paulit-ulit niyang pinag-iisipan ang mga agam-agam. Hindi lang isang beses na nagkaroon siya ng kakaibang kutob, pero binabalewala lang niya. Ipinikit niya ang mata, humugot ng malalim na hininga. Isang desisyon ang nabuo sa kaniyang isipan. Hinarap na niya ang pinto. Muntikan na siyang mapasigaw nang sa pagpihit niya door knob ay mukha ni Aedam ang nabungaran niya. Seryoso lang itong nakatitig sa kaniya, na para bang may alam sa naiisip niya. Dinaan na lang niya ang umusbong na takot. "Tinakot mo naman ako, sweetheart." Napasapo pa siya sa dibdib, saka'y pinong ngumiti. "Ang tagal mo namang lumabas," seryosong sabi nito. Hindi niya ipinahalata ang biglang pagdaan ng pagkabahala. Agad siyang umisip ng maidadahilan dito. Hindi naman siya nabigo. Pinasigla niya ang sarili. "Pinag-iisipan ko kasi kung mag-shower, pero parang masarap mag-swimming sa pool." Effective naman ang sinabi niya. Pansin niyang nabahala ito.

  • INSTANT DADDY    Chapter 120

    May agam-agam pa rin sa puso't isipan ni Meadow kahit nakapagpaliwanag na si Aedam sa kaniya. Ayon sa asawa, nakuha nito ang marka nang mangyari ang insidente. Sumabit ito sa sanga ng puno nang kasalukuyang tumatakas sa nag-aapoy na sasakyan. Hindi siya nagbigay ng kumento, itinikom na lamang niya ang bibig. May ilan pa siyang napupuna rito, pero lahat ay ipinagsasawalang-bahala na lamang niya. Ang importante ay masaya ang anak niyang si Avi. "Anong ginagawa mo rito?" Bahagyang nagsalubong ang kilay niya sa boses na biglang sumulpot sa likuran niya. Agad siyang napalingon, mukha ng asawa ang nabungaran niya, pero hindi yun ang boses nito. Si Rex...Boses yun ni Rex. Pero, bakit? Bakit nakikita niya sa asawa ang lalaking nagpahamak dito."I said, anong ginagawa mo rito?" Patalikod siya nitong niyakap. Pumulupot ang braso nito sa may kalakihang tiyan niya. Umalon ang lalamunan niya. Bakit biglang nanuyo yun? Nangapa siya ng sasabihin. "Pinagmamasdan ko lang ang paligid." Nasa harden

  • INSTANT DADDY    Chapter 119

    Ilang beses nang nagpapakawala ng hangin si Meadow. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang agam-agam sa isipan niya. May iba siyang nararamdaman, o baka'y sadyang paranoid lang siya. Tiningala niya ang kalangitan, nagkikislapan ang mga bituin. Taimtim siyang umusal ng panalangin. "Gabayan Mo po kami..." "Anong ginagawa mo rito?" Napakislot siya nang may magsalita sa bandang likuran niya. Si Aedam. Seryoso itong nakatitig sa kaniya. Pinakatitigan niya ang mukha nito... mukha ng lalaking minahal niya noon, pero sadyang may kulang ngayon. Hindi niya makapa kung ano. Lumapit na ito sa kinatatayuan niya. "I said, ano ang ginagawa mo rito?" Yumakap ito sa kaniya at sinamyo ang nakalugay niyang buhok. Gumanti siya ng yakap dito, pinakiramdaman kung ano ba nag nag-iba. "Uhm, nagpapahangin lang. Tapos na ba kayong mag-usap ni dad?" "Mmm... natagalan nga, may ikinuwento pa siya sa akin." "Ano naman ang pinagkuwentuhan niyo?" muling tanong niya kasabay ng pagsamyo sa amoy

  • INSTANT DADDY    Chapter 118

    "Daddy..." tili ni Avi. Patakbo nitong sinalubong ang ama. Kitang-kita ni Meadow ang pananabik sa mata ng anak. "Ang kulit talaga ng anak mo. Ilang beses na naming pinagsasabihan, pero ayaw kaming sundin," naiiling na pahayag ni Meadow. Gusto sana niyang tanungin si Aedam, dahil ang alam niya ay bukas pa tatanggalin ang benda sa mukha nito, pero hindi na siya makahanap ng tiyempo dahil sa anak. "Daddy..." "Baby ko." Bahagyang yumukod si Aedam para salubungin ng yakap ang anak. "Hi, baby. I've missed you so much." Binuhat nito si Avi at buong pagmamahal nitong pinupog ng halik.Humagikgik ang kanilang anak sa ginawa ng asawa. Hin*gkan nito sa leeg, sa may puno ng balikat, itinaas pa nito ang kamay ng anak para mah*likan ang kililiki. Alam niyang nakikiliti ito dahil panay iwas si Avi. Habang nakatitig sa kaniyang mag-ama ay may dumaang alaala sa kaniyang isipan. Dahil doon ay unti-unting naglaho ang ngiti sa labi niya. Si Rex. Si Rex ang gumagawa n'on sa anak niya. Para siyang natuk

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status