LOGIN"SH*T!" Ilang mura na ang lumabas sa bibig ni Aedam. Hindi pa rin niya matagpuan si Avi. Paroo't parito na siya sa loob ng security office. Hindi na halos maipinta ang hitsura.
"Sorry po, sir. Pero, hindi po gumana ang CCTV sa lobby area kanina." "What? Are you f*cking serious?" Paanong nangyari na hindi gumana? Sila na isa sa matayog ang kompanya, sira ang CCTV? "Y-yes po, sir." "Why?" "Hindi po namin alam." Mabilis ding nagyuko ang kausap niya. "Lahat ng CCTV, hindi gumana?" Umuusok na ang ilong niya sa galit. "H-hindi naman ho, Sir. Kaso hindi kayo nahagip. Siguro po'y nagkaroon ng depekto ang ilang CCTV sa lobby." "Damn it!" mura niya. "Fix it as soon as possible!" "Right away, Sir." Lumabas na siya ng security office. Ang dibdib niya'y napupuno na ng galit. Kapabayaan niya kung bakit nawawala si Avi. Bumalik siya sa lobby para i-check kung bumalik ba roon ang bata. May pagmamadali sa kilos niya. Tinanong niya ang in-charge sa information, ngunit bigo pa rin siya. "Oh, God! Saan ka ba nagsuot, Avi? Mapapatay ako ni Daddy kapag nalaman niya," kabadong saad niya sa sarili. "Sir, would you like--" "Daddy..." Naantala ang pagsasalita ng kausap niya nang may matinis na boses silang narinig. Bumilis ang pintig ng puso niya. "Daddy..." Agad niyang hinanap ang boses nito. Patakbong lumalapit sa kaniya si Avi. Nakabuka ang dalawa nitong braso. Napalis ang bumubukol na takot sa kaniyang dibdib nang masilayan ito. Malalaki ang hakbang na sinalubong niya ang bata. Paluhod siyang huminto at mahigpit itong niyakap. "Where have you been, baby? Tinakot mo ako." "Daddy, I can't breath po." "What? You're not feeling well?" Hagya niyang inilayo ang katawan, sinuri ito. Dinama ang leeg. "No, daddy. Higpit po ng hug mo," may ngiti sa labing tugon nito. Ang mata ay nanliliit na. "Oh, sorry." Sa pagtayo niya ay buhat na niya ito. Lumapit sa kanila si Tyron. Sinabi nitong nakasalubong niya ang bata malapit sa elevator. Nagbanyo pala ang bata. "Baby, don't do that again, ha. Magsasabi ka kay daddy." "Busy po kasi kayo, daddy. Ilang beses na po akong nagsalita, pero 'di mo ako pinapansin." Ngumuso ito. Napasulyap siya sa kaibigang nakaukit ang nakakalokong ngiti sa labi. "I'm hungry daddy. My belly is wumbling." Ang mata nito'y parang maiiyak na naman. Tila nagpapaawa. Paulit-ulit niya itong h******n. "Sorry, baby. Nakalimutan ni Daddy. Hinanap kasi kita. Don't do that again. Huwag kang aalis nang hindi ako kasama. Tinakot mo ako nang sobra." Habang nagpapaliwanag siya'y lumamlam ang mukha nito. Pinong kagat sa labi pa ang ginawa nito. "Sorry po, daddy. Hindi na po mauulit." Lumingkis sa leeg niya ang braso nito. "Just promise me, hindi mo na uulitin ang ginawa mo, ha. Kahit sino pa ang kausap ko, huwag kang lalayo kay daddy, o sa kahit sinong kasama mo. Understand?" Naramdaman niya ang pagtango nito. "Sorry po." Gumaralgal ang tinig nito. Masuyong haplos ang ginawa niya sa likod nito. Sa tagal na nilang nakatayo sa gitna ng lobby, noon lang niya napansin niya ang mga matang nakatutok sa kanila. Mukhang hindi makapaniwalang may anak na siya. Gusto niyang sigawan ang mga nakapalibot sa kanila, pero nagtatalo ang isip niya. Tiyak na matatakot si Avi kapag ginawa n'ya 'yon. "Hush, baby." Iniangat niya ang katawan para makita ang hitsura nito. Tulad ng inaasahan niya, namumula na naman ang ilong at mata nito. Gamit ang palad ay pinunasan niya ang basang pisngi ng bata. "Sisipunin ka na naman. Stop crying na. Hindi ako galit." "S-sorry po, d-daddy. Hindi na po mauulit." Humibi ito. "Hindi ako galit. Kiss mo na si daddy." Idinampi nito ang labi sa pisngi niya. "Love you, daddy." Kapag naririnig ang salitang 'I love you', kakaibang kasiyahan ang nadarama niya. Hindi niya maipaliwanag. Parang idinuduyan siya sa ulap. Ganito ba ang nararamdaman ng isang ama? Napukaw ang paglalakbay ng isipan niya nang magsalita si Tyron. "I have to go, Aedam. Pupuntahan ko pa si Jack. I-confirm ko ang pinapahanap mo sa kaniya." "Okay. Thanks, p're." "Ang bata, ha! Huwag mong pababayaan. Isantabi mo muna iyang init ng 'yong katawan," mapang-asar nitong paalam sa kaniya. Pinigil niya ang sariling bulyawan ang sira-ulong kaibigan. Hinabol na lang niya ito ng matalim na tingin. Nginisihan naman siya nito. "Lety go, baby. Punta na tayo sa office." Humakbang siya patungong elevator. Nahawi ang mga taong nag-aabang na bumukas ang pinto. "Are you mad, daddy?" "No, baby. Hindi ako galit." Masuyong hinaplos niya ang pisngi nito, atsaka'y h******n ito, ginantihan nito ng ngiti ang ginawa niya. "Put me down, daddy." "No. Tatakas ka na naman." "Hindi po. Promise," itinaas nito ang kanang palad. Nagkakawag ito. Napilitan na rin siyang ibaba ito, ngunit mahigpit ang ginawang paghawak niya sa palad nito. Nang bumukas ang pinto ay pinauna silang pumasok ng mga empleyadong nakaabang. Pumusweto sila sa gilid. "Daddy, babalik po ba si lolo?" "I don't know, baby. Why?" "Laro po sana kami." Napangiti siya sa narinig. Nang tumataas ang elevator ay may isang babae ang hindi na yata nakatiis. "Ang cute ng anak mo, Sir. Para kayong pinagbiyak na bunga. Tiyak na maganda rin ang asawa mo, Sir." Literal na umawang ang bibig niya. "Asawa? Hindi ko nga kilala ang ina ng batang ito." Gusto sana niyang ipagsigawan ang katagang iyon. "Hi, baby! What is your name?" tinig ng isa panh babae, kasama ito ng naunang nagtanong. "Avianna po," tugon ng bata, tumingin pa ito sa kaniya. "Sir, ngayon mo lang po dinala ang anak niyo." Mapaklang ngumiti siya sa babae. Ngayon lang naman kasi niya nalamang may anak siya, takenote, hindi pa siguradong sa kaniya ito. Pero kung hindi, bakit hawig niya? "Sir, isasama mo na po ba siya araw-araw dito?" Bakit ang daming tanong? Patalsikin kaya niya ang empleyadong masyadong marami ang tanong sa kompanya niya? Napahinga siya ng malalim at muling ngumiti. "I think, yes. Mapapadalas ang pagsama niya rito. Wala ang yaya niya," naisagot na lang niya. Ang daming marites talaga sa mundo! Hindi na niya pinansin ang kaniyang naririnig, itinikom na lang niya ang bibig. Naunang lumabas ang dalawang madaldal na babae. Naraanan niyang abala pa rin ang kaniyang secretary sa harap ng computer. "Sofie, paki-order mo nga kami ng pagkain," utos niya rito. "Baby, what do want to eat?" baling niya sa bata. Ngangang tumitig sa kanila ang kaniyang secretary. Mukhang hindi pa rin makapaniwala tulad ng iba niyang empleyado. "Jabe, daddy. Chicken po, and rice." "Okay, baby." Binuhat na niya ito. "I-order mo na rin ako ng para sa akin. Kahit ano na lang ang sa akin." "S-sige po, Sir," tulalang tugon nito. Pumasok na sila sa loob ng office. Ibinaba niya ito sa couch. Bago niya ibaling ng isipan sa ginagawa, binilinan muna niya ito. Kinahapuna'y hindi niya alam ang gagawin. Isasama ba niya ito? Pero kung hindi niya ito isasama, saan niya ito iiwan? Hindi naman siya masamang tao para iwan na lang ito sa kung saan, isa pa'y siya ang tinatawag nitong daddy. Sa huli ay napilitan siyang isama ito. Hindi niya maaatim na iwan ito sa kung saan. Papalabas na siya ng office nang pumasok ang ngisi mula sa mga sira-ulong kaibigan niya. Si Jack, Drake, Kent, Zeus at ang huling pumasok ay si Tyron na abot-tainga ang ngisi. Mukhang nagsumbong ang mokong. Para siyang baklang umirap dito. "Where's your daughter?" ngising tanong ni Drake, ang kaibigan niyang tulad niya ay barumbado rin pagdating sa babae. "Dude, may anak ka na pala! Ang tindi mo!" Lumapit sa kaniya si Jack. Seryoso ito sa buhay. Si Kent ay nakangising nakatitig lang sa kaniya. Ito ang joker ng grupo nila, at si Zeus, daig pa nito ang magmamadre. Kung siya ay mahilig sa babae, kabaliktaran ito. Minsan nga ay napagkamalan nilang bakla ito dahil walang pinapakilalang girlfriend sa kanila. Mailap ito sa babae. "Naparito ba kayo para inisin ako?" Matalim ang titig niya sa mga lalaking nakatayo sa harapan niya. "P're, gusto lang nilang makilala ang anak mo." Nakangising lumapit sa kaniya si Tyron. Mukhang ito ang pasimuno ng lahat. "Oo nga, dude. Huwag mong ipagkait sa amin ang anak mo." Tuluyan nang lumapit sa kaniya si Kent. Ipinatong nito ang braso sa balikat niya na maagap niyang ipiniksi. Natawa si Drake sa inasta niya. "Ang sungit! Ganiyan ba ang nagagawa ng may anak?" "Bakit niyo inaaway ang daddy ko?" Kumunyapit sa binti niya ang bata. "Daddy, galit po ba sila sa iyo?" Tiningala siya. Malamlam na naman ang mata nito. Pumantay siya rito. "No, baby. They are my friends." Inayos niya ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha nito. "Friends?" Bumaling ang tingin nito sa mga lalaking nakabuka ang bibig. Isa-isang sinuri ang kaniyang mga kaibigan. "You have a lot of friends, daddy. Hello po. "I'm Avianna po, but you can call me Avi po," pakilala nito. Hindi niya napigilang mapangiti. Ang cute-cute talaga ng kaniyang anak. Sana nga ay kaniya itong talaga. Pag-aaralan na lang niyang maging isang mabuting ama rito. Kahit sino yata ay gugustuhin maging ama ng batang ito. "Wow! Amazing!" tinig ni Zeus. Pumantay pa ito sa bata. Sinipat-sipat ang kaniyang anak. "Dude, hindi ba ito isang panaginip?" Si Kent, at ginawa ang ginawa ni Zeus. Binatukan niya ito. "Ouch! Ang hard mo talaga sa akin, dude." "Ngayo'y gising ka na siguro?" sikmat niya rito. Ngangang tumitig na ito sa bata. "Hindi nga. It looks like you, Aedam. Hanep! Ang tindi mo, dude. Kailan mo ito ginawa? Magpapagawa na rin ako." "Temang ka talaga!" angil niya, bahagya niyang inilayo si Avi sa mga ito. Lumapit na rin si Drake at Jack sa kinaroroonan nila. Ang una ay nakabuka pa rin ang bibig. "Bunganga mo. Mapasukan iyan ng langaw." "Grabe, p're. Ang lupit pala ng sperm mo. Hiramin ko muna iyan--" "Tar*ntado!" pigil niya kay Drake. "May sarili kang sperm, bakit hind iyon ng gamitin mo?" Nagkatawanan ang lahat. "Daddy, what is sperm? Is that a kind of food or toy? I want that, too, daddy." Makahulugan silang nagkatinginan. "Bunganga niyo, itikom niyo," saway ni Tyron. Niyakag nito ang anak niya. "Huwag kayong magsasalita ng kung ano kapag kaharap niyo ang bata."Hindi na naman lubayan ang isipan ni Meadow sa narinig na pakikipag-usap ni Aedam sa kung sino man. Ayaw siyang patahimikin. Para iyong turumpong paikot-ikot. Ang daming tanong ang tumatakbo sa isipan niya. Sino ang taong kausap nito? Wala siyang ibang kilala na tinatawag nitong tito. "Hindi kaya may iba si Aedam?" Maagap niyang ipinilig ang ulo at binura ang katagang pumasok sa isipan. Hindi kailanman ito magkakaroon ng ibang babae. Babaero man ito noon, pero napatunayan niyang nagbago ba ito... hindi lang isang beses, kundi maraming beses na.Huminga siya ng malalim. "Siguro'y isa sa kaibigan niya o kaya naman ay anak ng board members," kumbinse niya sa sarili. Natigil ang paglalakbay ng isipan niya nang pumasok ang kaniyang anak. Masiglang-masigla ito. "Mommy, ang ganda po talaga rito!" buong paghangang sambit nito. Hindi ito ang unang beses na pumunta sa lugar na ito. Nang bago pa lang sila ikakasal ni Aedam ay isinama sila rito at kasama ang buong barkada ng kaniyang asawa.
Pinagmamasdan ni Meadow si Avi, masiglang-masigla ang kaniyang anak, patungo na sila sa three days vacation sa resort ni Kent. Katabi si Aedam, na hindi binibitiwan ang kaniyang kamay. Nasa likuran ang kanilang anak, katabi nito si Eliza, kasama rin nila si Cindy na tahimik lang sa kanilang likuran. Hindi na sumama si Paula dahil may lakad ito. "Nak..." "Yes po, mommy?" "Hindi ka napapagod?" "Saan po, mommy?" Nilingon niya ito. Hawak ang paborito nitong stuff toy na regalo ni Drake. Ang mata ay seryosong nakatitig sa kaniya. "Ang ingay mo e." Humagikgik ito, ang kanang palad ay nakatakip sa bibig. "Sorry, mommy. Excited lang po ako." "Pagdating mo sa resort ni Kent, wala ka nang energy," aniya, kahit alam niyang hindi kailanman mangyayari yun. Tiyak na full ang energy nito pagdating sa kanilang pupuntahan. "Baka sabihin mong lalo nang naging hyper yang anak mo," tugon ni Aedam. "Paniguradong tatalon agad yan sa pool." Sumang-ayon siya sa sinabi ng asawa. Akal
Pumitik ang isang daliri sa kamay ng lalaking matagal nang nahihimbing. May benda ang kaliwang pisngi at may nakakabit na dextrose sa kamay nito, mayroon ding oxygen sa bibig. Gumalaw ang talukap, hanggang sa unti-unting bumuka ang mata. Sa una ay malamlam ang kaniyang nakikita, kaya't muli siyang pumikit, at nang muling magmulat at kaagad niyang sinuri ang paligid. Naantala ang pag-uusisa niya sa paligid nang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang babaing nakasuot ng kulay puti. Mabilis itong lumapit sa kinaroroonan niya nang makitang mulat na ang kaniyang mata. "Thanks God, you're awake, Sir," sabi nito kasabay ng pagtanggal sa nakakabit sa bibig niya."Where am I?""You're at the Sta. Lucia Mental Hospital, Sir."Mabilis na nagsalubong ang kilay niya sa narinig. "I'm in-- what?" Pilit niyang pinoproseso ang sinabi ng nurse."Oh sorry, Sir. Explain ko po sa iyo ng maayos. May facility rin ang pagamutan ito para sa mga pasyente na nagkakasakit o yung mga taong nakakasakit ng malubha
Bihis na bihis si Rex dahil may balak siyang puntahan. Nagbilin siya kay Meadow na magpatulong sa pag-aayos ng kanilang dadalahin patungo sa resort ni Kent. Masiglang-masigla ang katawan niya, parang ang gaan ng pakiramdam. Abot hanggang langit ang kaniyang ngiti, dahil successful ang pagganap niya bilang si Aedam. Wala ni isang nakakahalata. Pino siyang gumagalaw at kapag nagkakaroon ng kaunting aberya ay maayos niyang naitatawid, tulad na lamang ng pagtawag ng St. Luke Hospital, na kung saan ay naka-confine ang tatay ni Brenda. Nang oras na yun ay kinabahan din siya, mabuti na lamang napaniwala niya ng asawa sa kaniyang alibi. Sa pagdaan niya sa terrace ay nandoon ang kaniyang anak. Nagpupumilit itong isama niya, ngunit mariin siyang tumanggi. Hindi sa ayaw niyang makasama ito, kundi dahil sa dadalawin niya si Darwin sa hospital. Nagpadala ng message ang nurse na itinalaga niyang magbabantay dito, bumubuti na raw ang kalagayan ng ginoo. Simula nang makulong si Brenda ay unti-unting
Hindi mabilang sa daliri kung ilang beses nang humagalpak ng tawa si Aedam dahil sa anak niyang si Avi, kahit si Meadow ay tuwang-tuwa rin. Hindi pa rin ito nagbabago, napakabibo pa rin. Sumasayaw ito sa harapan nilang mag-asawa na sinasamahan pa ng pagkanta. Napansin niyang magaling itong kumanta, at nakatitiyak siyang hindi sa asawa niya nakuha ang ganoong talent, dahil hindi ito sintunado ito. Narinig na niya itong kumanta nang nagbubuntis pa ito sa kanilang anak. Nahiya pa ito nang malamang narinig niya at simula noon ay palagi na niya itong inaasar. Kung kaya't siguradong sa kaniya o kaya ay sa side niya nakuha yun... but he's not Aedam. Hindi na babalik pa kahit kailan si Aedam. Sino siya? Siya si Rex. "Yes! You heard it right? Ako si Rex at ang totoong Aedam ay nasa maayos nang kalagayan." Humagalpak ang kaniyang isipan. Tagumpay ang kaniyang plano— ang kanilang plano. Matagal ang pinaghintay ni Rex para maisakatuparan ang plano. Ang lahat ng tungkol kay Aedam ay kaniyang
Pang-ilang beses nang hinimas ni Meadow ang umbok ng tiyan, gutom na gutom ba talaga siya. Ayaw naman niyang kumain ng ibang pagkain, dahil ang tanging gusto niyang malasahan ay bilo-bilo. Para maaliw ay pinanuod na lang niya ang mag-amang naglalaro ng scrabble. Seryoso ang dalawa, walang nais magpatalo, hanggang sa pumasok ang kaniyang beanan. "Nandito ka na pala, Aedam!""Opo, dad. Pinauwi na ako ni Tyron, isa pa'y sumama ang pakiramdam ko." Finally, nagsabi rin ito ng totoong nangyari kung bakit maagang umuwi ang asawa niya. Nang mapadako sa kaniya ang paningin nito'y inirapan niya ito. "How's your feeling right now, anak?" naitanong ni Damian dito."Don't worry, dad. I'm okay na. Nahilo lang ako kanina," tugon nito na hindi inaalis ng titig sa kaniya. "Kapag may nararamdaman ka, huwag kang mag-alinlangan na magsabi sa amin ha." "Yes, dad!" "I'll go upstairs muna, mag-change lang ako ng suot ko." Tumayo si Damian. "By the way, sinabi sa akin ni Tyron na balak niyo raw pumunta







