Share

Chapter 79

Author: Writer Zai
last update Huling Na-update: 2025-04-26 21:32:37

"HEY, what's up, dude!"

Sinulyapan ni Aedam ang pinagmulan ng tinig, si Kent at Zeus. Anong ginagawa ng dalawang 'to sa office niya? Wala bang trabaho ang dalawang ito? Kunsabagay, sila nga rin pala ang boss. Hindi na lang siya nagsalita, hinintay na lang niya ang paglapit ng dalawa.

"Busy?"

"Uhm, oo. Kaya kung aabalahin niyo ako, makakaalis na kayo," biro niya.

Ilang araw na simula nang lumabas si Avi sa hospital, ilang araw na rin siyang tutok sa trabaho, isa pa ay nalalapit na ang pagpapatayo ng branch ng CromX sa Lucena. Tulad ng ipinangako niya kay Meadow, sasamahan niya papunta roon, kaya ngayon ay hindi na siya umaalis sa kaniyang office.

"Ang harsh mo talaga," tinig ni Kent, na sinabayan ng pasalampak na upo sa bangkong nasa unahan ng kaniyang mesa.

Pinukol lang niya ito ng masamang tingin at muling ibinalik ang atensiyon sa tinatapos na gawain.

"Tsk. Zeus, bakit pa pala tayo nagpunta rito? Busy at hindi puwedeng abalahin pala ang tao rito."

Napaangat ang kilay niya, sinun
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
hillary
hahaha, yari ka ngayon Aedam
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • INSTANT DADDY    Chapter 104

    NAGMAMADALI ang bawat kilos ni Jack. Pagkarating niya sa office ay para siyang hangin na umalis din agad. Nakatanggap siya ng tawag mula kay Greg, ibinalita nito ang naganap na aksidente. May tama rin ito, pero si Aedam... ang kaibigan niya, kasamang sumabog ng sasakyan. "No!" paulit-ulit na hiyaw ng isipan niya. Kasalukuyan na siyang papunta sa pinangyarihan ng krimen. Matulin ang pagpapatakbo sa sasakyan. May naraanan pa siyang check point, pero hindi siya nag-atubiling huminto man lang. Kilala na ng mga kapulisan ang sasakyan niya, pero tiyak na may paglalamayan kung may sumita at pagbawalan siyang dumaan. Habang tumatakbo ang sasakyan ay tinawagan niya ang mga kaibigan, ipinaalam ang nangyari kay Aedam. Tulad ng inaasahan, hindi naniwala ang mga ito sa sinabi niya. "Papunta na ako sa pinangyarihan ng insidente. Ang bodyguard nito ang tumawag sa akin kaya hindi ko pa alam kung nagsasabi ba ito ng totoo.""I know it's a prank lang," tinig ni Kent. Manaka-naka'y sumusulyap siya

  • INSTANT DADDY    Chapter 103

    Hindi malaman ni Meadow kung bakit siya biglang kinabahan. Nakaupo siya at kasalukuyang hinihintay ang pagdating kaniyang OB-gyne. May mga nauna pang buntis sa kaniya at panglima siya sa nakalista. Sa kasamaang palad ay nag-anunsiyo ang secretary ng ob na mali-late ng dating ang doktora, na sinang-ayunan niya. Gusto niyang nasa tabi na ang asawa kapag isasalang na siya sa ultrasound.Panay ang tingin niya sa relong nakasabit sa dingding ng clinic. Maya't maya ang pagpakawala niya ng malalim na hininga."Paula, tawagan mo nga si Aedam, please!""Sige po." Tumalima ito. Ewan ba niya kung bakit halos magbuhol-buhol na ang dibdib niya sa sobrang kaba. Hindi siya mapakali. Tumayo siya't marahang humakbang. Ang bodyguard ay nakasubaybay lang sa kaniya."Ma'am, hindi po sumasagot si Sir. Baka po'y nasa meeting na."Napahinto siya sa paghakbang. Ang bilis namang makarating ng asawa niya. Mula sa clinic na kinaroroonan ay aabutin ito ng twenty to thirty minutes, depende pa nga sa traffic. "M

  • INSTANT DADDY    Chapter 102

    Hinihintay ni Aedam ang paglabas ng asawa. Nasa gilid na siya ng sasakyan, ang mga bodyguard ay alertong nagbabantay sa kaniya, merun sa gilid ng gate at merun sa tabi niya. Noong una ay hindi siya makapaniwala na marami ang magbabantay sa kaniya. Imagine, iisang tao lang ang kalaban, pero 'sangkatutak na bodyguard ang nakapalibot sa kaniya."Ayaw ka lang naming mapahamak, Aedam." Naalala niyang sinabi 'yon ni Jack sa kaniya. "Ayaw naming maulit ang nangyari noon kay Meadow." Napailing na lang siya sa dahilan ng kaibigan. May punto naman ito. Kung si Brenda na babae ay nagawa silang saktan, what more pa ngayong si Rex ang kalaban. Pero, napaisip siya. Ano nga kaya ang atraso niya rito?Naagaw ang atensiyon niya nang lumabas si Meadow, kasama nito si Paula at kasunod din si Manang Fe. Pero hindi nila kasama ang ginang, tiyak na may ibinibilin lang ang asawa niya rito. Pinatitigan niya ang asawa. Blooming ito. Nangingislap ang mata habang nakangiti. May nakapagsabi sa kaniya na kapag

  • INSTANT DADDY    Chapter 101

    "ARE you ready?" Hindi napigilan ni Meadow ang matawa sa kinikilos ng asawa. Kagabi pa ito hindi mapakali. Mas excited pa sa kaniya na malaman ang gender ng anak nilang nasa sinapupunan niya. Pero kung excited ito, hindi rin pahuhuli ang kanilang anak na si Avi. Panay ang ungot nito sa kaniya, gustong sumama sa check up, ngunit mariing tumanggi ang ama nito. May pasok pa kasi ang bata. Ayaw nilang mag-asawa na nang dahil lang doon ay aabsent ito, lalo na't may activity pa ito sa school. Nangako naman sila na susunduin ito sa school. Ngayon ay kamumulat pa lang niya ng mata, pero heto't nagtatanong na agad ang asawa niya. Alas dyes ang schedule niya para sa ultrasound, kaya hindi kailangang magmadali. "Mag-breakfast muna tayo," aniya sa asawang nakatitig sa kaniya. Bumangon siya at nagtungo sa banyo para maglinis ng mukha. Nang lumabas ay nag-aabang na sa gilid ng pinto ang asawa. Wala itong suot na pang-itaas, kaya nama'y humantad sa paningin niya ang katawan nitong matagal na nah

  • INSTANT DADDY    Chapter 100

    "MAY good news ako, Aedam."Nag-angat ng paningin si Aedam sa sinabi ni Jack. Excited siyang malaman ang maganda nitong ibabalita. "Alam ko na kung saan pumupunta si Rex." "Saan?""Sa hospital.""Hospital?" Tumango ito. "Nasa hospital ang tatay ni Brenda. Ayon sa napagtanungan kong nurse ay atake sa puso, naagapan lang kaya naka-survive.""Nasaan ang good news doon?" tanong niyang nakakunot ang noo. "Masusubaybayan ko na ang bawat kilos ni Rex, Aedam. Pumupunta rin siya kay Brenda--""Then, bakit hindi mo pa siya hulihin at ikulong?" Bahagyang tumaas ang timbre niya. Naiinip na siya sa kilos ng kaibigan. Parang balewala lang ang natatanggap niyang death threats mula kay Rex. "Hindi natin siya puwedeng hulihin, dahil wala naman itong ginagawang maling hakbang--""Wala?" awat niya sa kaibigan. "Yong mga natanggap kong pagbabanta, hindi ba 'yon allowed sa kaso na isasampa ko sa kaniya?" Ngayon ay sumisigaw na siya. Nakatayo sa harap ng kaibigan, at nasa mukha ang labis na pagkadisma

  • INSTANT DADDY    Chapter 99

    HINDI mawala-wala ang kulot ng kilay ni Aedam. Ilang minuto na ang lumipas nang tumawag ang bodyguard ni Avi, nawawala raw ito. Nagsilabasan na ang mga kaklase, wala nang bata sa school, pero wala ang anak niya. Nagbalak na siyang tawagan si Jack, mabuti na lang at tumawag muli ang bodyguard. Sinabing kasama na nila ang bata. Pero, hindi siya mapalagay. Bakit nawala nang ilang minuto ang kaniyang anak? Hindi nito gawain ang pumunta sa kung saan, kaya't imposibleng mawala ito. Paulit-ulit niyang sinasabi rito na kapag oras na ng labasan ay deritso na sa sasakyan. "Anong nangyari, sweetheart?" Napansin yata ng asawa niyang hindi soya mapakali. Wala ito sa room nila nang tumawag si Nico, bodyguard ng anak niya, kaya wala itong alam sa nangyari. Dapat ba niyang sabihin dito? "Sweetheart..." "Ha? Ah, uhm, wala. May k-kaunting problema lang sa office." Tinitigan siya nito. Sinusuri kung nagsasabi siya ng totoo. "Are you sure?" Binitiwan niya ang cellphone, tumayo'y lumapit dito. "

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status