Share

Chapter 32

Penulis: Writer Zai
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-16 11:04:37

ISANG mahabang mesa ang bumungad sa paningin ni Aedam. Puno ng pagkain. Kaniya-kaniya nang upo ang mga ito. Si Ramon ang nasa sentro, nasa kaliwa nito ang asawa at nasa kanang bahagi si Rodolfo, katabi nito ang babae at ang sinasabing anak.

"Maupo ka na, Aedam. Pagdamutan mo na lamang ang aming nakayanan."

"Don't mind it, Ramon. Marami ang nakahain at mukhang masarap. Umupo siya sa tabi ni Jelly, na nakaharap sa upuan ni Daphne. Bahagya niya itong sinulyapan, inaasikaso nito ang batang lalaki.

Nagsimula silang kumain, manaka-naka'y nagkukuwento si Ramon. Ang iba nitong kapatid ay may sariling bahay na nasa nasasakupan din ng lupain. Si Rodolfo lang ang hindi humiwalay dito.

Paminsan-minsan ay sumasabat sa usapan ang bunsong Hidalgo, ganoon din ang asawa ni Ramon. Ngunit si Daphne, tahimik lang itong ngumunguya ng pagkain.

Hanggang sa matapos sila. Niyaya siya ni Ramon sa terrace. Doon nila ipinagpatuloy ang kanilang usapan habang nagpapababa ng kinain. Kung saan-saan humanto
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Val Erie
naku, si meadow nga yan
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • INSTANT DADDY    Chapter 111

    "Lolo, kailan po ang balik ni daddy?" Nagkatinginan si Meadow at Damian, kasalukuyang nasa harap sila ng hapag-kainan, pinagsasaluhan ang nakahaing pagkain. Nakaramdam siya ng kaba at awa na rin para sa anak. Wala itong kaalam-alam sa nangyayari. Pinili niyang huwag ipaalam sa bata ang nangyari kay Aedam. Pinalabas niyang nasa ibang bansa ito dahil may aayusin doong trabaho. "Hindi ko alam, apo." Masuyong hinaplos ni Damian ang pisngi ng anak niya, saka'y ngumiti. "Don't worry, babalik din ang daddy mo, kapag natapos na siya roon. For the meantime, kumain ka muna dahil lalabas tayo. Na-miss ko na ang bonding nating dalawa."Saan po tayo pupunta?" tanong nito. Tila curious na curious. Napaka-inosente ng anak niya."Saan mo gusto?""Kahit saan po." Sumubo ito ng pagkain. Ang pisngi ay namumutok na."What if mag-mall na lang tayo? Mag-play tayo sa time zone, tapos tatalunin natin si Ate Eliza sa bowling." Humagikgik ang anak niya. At nang dahil sa nakikita ay nawala ang agam-agam sa i

  • INSTANT DADDY    Chapter 110

    Huminto si Meadow sa tapat ng nakapinid na pinto. Kanina pa nanginginig ang katawan niya. Nakiusap siya kay Jack na kung puwede niyang bisitahin ang asawa, pumayag naman ito. Pero ngayong nasa harap na siya ng ICU, parang ayaw na niyang ituloy. Dinadaga ang dibdib niya. Ngayon ay nagdadalawang isip siya kung itutuloy ba o hindi na. "Pero gusto kong makita ang aking asawa," bulong ng isipan niya."Are you okay?"Nasa likuran niya si Jack, nakaagapay sa kaniya. Sinabi nitong dumalaw rin si Tyron. Sayang lang at hindi sila nagpang-abot. Umalis din ito agad dahil busy sa kompanya. Ang kaniyang biyenan ay kagabi dumalaw, nakausap niya ito bago siya matulog. Nangako itong pagkatapos ng work ay muling bibisita sa anak."O-oo." Sinamahan niya ng tango ang sagot niya.Huminga siya ng malalim. Saka'y pinihit ang door knob. Nang nasa labas ng ICU ay hindi na halos siya makahinga, lalo na ngayong nakita ang kalagayan ng asawa. Tila sinasakal siya. Parang gusto niyang sumigaw pero hindi niya maga

  • INSTANT DADDY    Chapter 109

    "Mommy, where's daddy?" Napahinto si Meadow sa paglalagay ng kanin sa pinggan ng anak. Nahugot din niya ang kaniyang hininga. Nag-apuhap siya ng idadahilan. Sinulyapan niya si Manang Fe na katabi ng bata. Kasama nilang kumain ang mga kasambahay, pinasabay na niya para marami sila sa hapag-kainan. "M-may t-tinatapos pa anak sa office si daddy," dahilan niya. Nabubulol pa siya. "Ang tagal namang dumating. Ipapakita ko ang mga nagawa ko sa kaniya, 'tsaka, hihingi ako ng reward.""Anak, ano ang sabi ko sa iyo?""E, mommy, hindi naman po para sa akin ang hihingin ko kay daddy, 'di ba Ate Eliza?" Bumaling ito sa dalaga na nasa tapat nito. Nangingiting tumango si Eliza. "Para sa mga street children."Umingos siya, kunwaring naggalit-galitan. "Huwag ko lang mabalitaan na nanghihingi ka na naman, Avi, ha! Mapapalo na talaga kita!" sermon niya rito. "Relax, mommy. Ang puso mo. Sige ka, papangit si baby niyan," tugon ng anak niya na may kasama pang kumpas ng kamay.Lihim siya natawa sa ina

  • INSTANT DADDY    Chapter 108

    "May nahanap ka bang kahit anong bakas?" Umiling ang rescuer na patuloy na hinahalughog ang pinangyarihan ng insidente. "Still, negative, Sir Jack." "E 'yong taong sinasabi niyong nakakita sa nangyari, where is he?" "Nandoon po sa gilid." Itinuro nito ang bahaging kaliwa ng kanilang kinaroroonan. Mabilis silang sumugod doon. Kasama pa rin ni Jack si Drake at Zeus. Si Greg ay dinala na sa hospital para magamot ang natamong sugat. Medyo bata pa ang lalaking sinasabing nakakita sa nangyari. May mga ilang katanungan siya rito, at maayos namang masagot. "Hindi ko lang po matiyak kung ang sakay ng sasakyan ang narinig kong sumisigaw." Halos sabay silang tatlong magkakaibigan na napasinghap sa sinabi ng ginoo. Nagkaroon sila ng pag-asang buhay pa ang kanilang kaibigan. Hindi lang basta kaibigan ang turing niya kay Aedam, kundi kapatid na rin. Tinulungan siya nito noon nang magkaroon ng mabigat na suliranin. Halos lahat sila, natulungan nito. Kaya kahit sira-ulo sila, tinitingala nila

  • INSTANT DADDY    Chapter 107

    Gusto sanang sumama ni Meadow kay Jack, babalik ito sa pinangyarihan ng insidente, pero mariing tumanggi ang binata. Hindi siya pinayagan ng tatlong lalaki. "Isipin mo ang sanggol na nasa sinapupunan mo, Meadow," sabi pa ni Drake. Wala siyang nagawa kundi hayaan ang tatlong umalis. Sumama si Drake at Zeus kay Jack, baka sakali raw na makatulong sa paghahanap kay Aedam. Ngayon ay mag-isa na siya sa malawak na living room. Naiwang blangko ang isipan, hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi niya kakayanin kung mawawala si Aedam sa buhay niya. Aaminin niya, nang pumasok siyang secretary nito, nagagalit siya sa tuwing pagagalitan nito kahit wala namang dahilan. Nagtatago siya sa cr para ilabas ang lahat ng bigat nasa dibdib. Tiniis niya ang mga masasakit na salitang natatamo rito, hindi dahil sa utos ni Brenda, kundi sa mahal niya ito at ayaw niyang mapahamak. Pero, nang gabing aksidenteng may nangyari sa kanilang dalawa, doon na siya nagpasyang umalis. Huminga siya ng malalim at pilit

  • INSTANT DADDY    Chapter 106

    "Jack, puwede bang huwag niyo munang sabihin kay Avi ang nangyari kay Aedam, please?" May panginginig sa boses ni Meadow. Anumang oras ay darating na ang kaniyang anak, at ayaw niyang mabigla ito sa masamang balita. Nagkatinginan si Jack at Drake, kalauna'y tumango na rin ang dalawa. "Magpahinga ka na muna, Meadow. Ako na ang bahala kay Avi," sabi ni Drake. Aalalayan sana siya nito pero maagap siyang tumanggi. "Hihintayin ko rito ang aking anak. Mayamaya na lang siguro, sabay kaming aakyat sa itaas. Gusto kong ibalita sa kaniya na lalaki nga ang kapatid niya." Pino siyang ngumiti. Saglit pa ay humahangos na dumating si Zeus. Bitbit nito ang may kalakihang plastic at base sa hugis ay mango ang laman n'on. Anihan na ng mango. Ilang araw ito sa probinsiya para mag-harvest ng tanim. "Kararating ko lang pero masamang balita agad ang bumungad sa akin," sabi nito, kasabay ang paglapag ng dala sa mesa. "Is he dead?" Walang nais magsalita sa kanilang tatlo, kaya't mukhang nakuha

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status